Genesis 46
Magandang Balita Biblia
Nagpunta sa Egipto ang Sambahayan ni Jacob
46 Naglakbay nga si Israel, dala ang lahat niyang ari-arian. Pagdating sa Beer-seba, naghandog siya sa Diyos ng kanyang amang si Isaac. 2 Pagsapit ng gabi, tinawag siya ng Diyos sa isang pangitain, “Jacob, Jacob!”
“Narito po ako,” sagot niya.
3 “Ako ang Diyos, ang Diyos ng iyong ama,” sabi sa kanya. “Huwag kang matakot na pumunta sa Egipto. Doon, ang lahi mo'y magiging isang malaking bansa. 4 Sasamahan ko kayo roon at ibabalik muli rito. Nasa piling mo si Jose kapag ikaw ay namatay.”
5 Mula sa Beer-seba'y naglakbay si Jacob. Siya, at ang kanyang mga apo at mga manugang ay isinakay ng kanyang mga anak sa mga karwaheng ipinadala ng Faraon. 6 Dinala(A) rin nila sa Egipto ang kanilang mga kawan at kagamitan mula sa Canaan. Kasama nga niya 7 ang kanyang mga anak, mga manugang at mga apo.
8 Ito ang talaan ng lahi ni Israel na nagpunta sa Egipto—si Jacob at ang kanyang mga anak at mga apo: si Ruben na kanyang panganay 9 at ang mga anak nitong sina Enoc, Fallu, Hezron at Carmi; 10 si Simeon at ang mga anak nitong sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at si Saul na anak ng babaing taga-Canaan. 11 Si Levi at ang mga anak nitong sina Gershon, Coat at Merari; 12 si Juda at ang mga anak nitong sina Sela, Fares at Zara. Si Er at Onan ay namatay sa Canaan. Ang mga anak ni Fares na sina Hezron at Hamul. 13 Si Isacar at ang mga anak nitong sina Tola, Pua, Job at Simron. 14 Si Zebulun at ang mga anak nitong sina Sered, Elon at Jahleel. 15 Ito ang mga anak at apo ni Jacob kay Lea na pawang ipinanganak sa Mesopotamia. Kabilang dito si Dina, ang anak na dalaga ni Jacob. Tatlumpu't tatlo silang lahat.
16 Kasama rin dito si Gad at ang mga anak nito na sina Zifion, Hagui, Suni, Ezbon, Eri, Arodi at Areli; 17 si Asher at ang mga anak nitong sina Jimna, Isua, Isui, Beria at ang babaing kapatid nilang si Sera. Ang mga anak ni Beria ay sina Heber at Malquiel. 18 Ang mga anak at mga apo ni Jacob kay Zilpa, ang aliping ibinigay ni Laban kay Lea, ay labing-anim.
19 Kabilang din sa talaang ito ang mga anak at mga apo ni Jacob kay Raquel: sina Jose at Benjamin; 20 sina(B) Manases at Efraim, mga anak ni Jose kay Asenat na anak ni Potifera na pari sa Heliopolis. Ang dalawang ito'y sa Egipto isinilang. 21 Ang mga anak ni Benjamin ay sina Bela, Bequer, Asbel, Gera, Naaman, Ehi, Ros, Mupim, Hupim at Ard. 22 Labing-apat ang mga anak at mga apo ni Jacob kay Raquel.
23 Kabilang pa rin dito si Dan at ang bugtong niyang anak na si Husim; at 24 si Neftali at ang mga anak nitong sina Jahzeel, Guni, Jeser at Silem. 25 Pito ang mga anak at mga apo ni Jacob kay Bilha, ang aliping ibinigay ni Laban kay Raquel.
26 Animnapu't anim ang mga anak at mga apo ni Jacob na nagpunta sa Egipto. Hindi kabilang dito ang kanyang mga manugang. 27 Dalawa(C) ang naging anak ni Jose sa Egipto, kaya ang kabuuang bilang ng sambahayan ni Jacob na natipon doon ay pitumpu.
Si Jacob at ang Kanyang Sambahayan sa Egipto
28 Si Juda ang isinugo ni Israel kay Jose upang siya'y salubungin. 29 Dali-daling ipinahanda ni Jose ang sasakyan niya at sinalubong ang kanyang ama sa Goshen. Nang sila'y magkita, agad niyang niyakap ang kanyang ama, at matagal na umiyak. 30 Sinabi naman ni Israel, “Ngayo'y handa na akong mamatay sapagkat nakita na kitang buháy.”
31 Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid at sa buong sambahayan ni Jacob, “Ibabalita ko sa Faraon na dumating na kayo buhat sa Canaan. 32 Sasabihin kong kayo'y mga pastol; dala ninyo ang inyong mga kawan, at lahat ninyong ari-arian. 33 Kung ipatawag kayo ng Faraon at tanungin kung ano ang inyong gawain, 34 sabihin ninyong kayo'y nag-aalaga na ng mga baka buhat sa pagkabata, tulad ng inyong mga ninuno. Sa gayon, maaari kayong manirahan sa lupaing ito.” Sinabi niya ito sapagkat ang mga taga-Egipto'y namumuhi sa mga pastol.
Genesis 46
Ang Biblia (1978)
Si Jacob at ang kaniyang angkan ay pumunta sa Gosen.
46 At si Israel ay naglakbay na dala ang lahat niyang tinatangkilik, at napasa (A)Beer-seba, at naghandog ng mga hain (B)sa Dios ng kaniyang amang si Isaac.
2 At kinausap ng Dios si Israel (C)sa mga panaginip sa gabi, at sinabi, Jacob, Jacob. At sinabi niya, Narito ako:
3 At kaniyang sinabi, Ako'y Dios, ang Dios (D)ng iyong ama, huwag kang matakot na bumaba sa Egipto: (E)sapagka't doo'y gagawin kitang isang dakilang bansa:
4 (F)Ako'y bababang kasama mo sa Egipto; (G)at tunay na iaahon kita uli, (H)at ipapatong ni Jose ang kaniyang kamay sa iyong mga mata.
5 At bumangon si Jacob mula sa Beer-seba; at dinala ng mga anak ni Israel si Jacob na kanilang ama, at ang kanilang mga bata, at ang kanilang mga asawa, sa mga kariton (I)na ipinadala ni Faraon kay Jacob.
6 At kanilang dinala ang kanilang mga hayop, at ang kanilang mga pagaari na kanilang inimpok sa lupain ng Canaan, at na pasa Egipto, si (J)Jacob at ang buong binhi niya na kasama niya.
7 Ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang mga anak na lalake at babae ng kaniyang mga anak na kasama niya, at ang kaniyang buong binhi ay dinala niyang kasama niya sa Egipto.
Ang mga pangalan ng sangbahayan ni Jacob ay ibinigay.
8 (K)At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na napasa Egipto, ni Jacob at ng kaniyang mga anak: si (L)Ruben na anak na panganay ni Jacob.
9 At ang mga anak ni Ruben; si Hanoch, at si Phallu, at si Hezron, at si Carmi.
10 At ang mga anak ni Simeon; si Jemuel, at si Jamin, at si Ohad, at si Jachin, at si Zohar, at si Saul na anak ng isang babaing taga Canaan.
11 (M)At ang mga anak ni Levi; si Gerson, si Coat at si Merari.
12 (N)At ang mga anak ni Juda; si Er, at si Onan, at si Sela, at si Phares, at si Zara; (O)nguni't si Er at si Onan ay namatay sa lupain ng Canaan. (P)At ang mga anak ni Phares, si Hezron at si Hamul.
13 (Q)At ang mga anak ni Issachar; si Thola, at si Phua, at si Job, at si Simron.
14 At ang mga anak ni Zabulon; si Sered; at si Elon, at si Jahleel.
15 (R)Ito ang mga anak ni Lea, na kaniyang ipinanganak kay Jacob sa Padan-aram, sangpu ng kaniyang anak na babaing si Dina: ang lahat na taong kaniyang mga anak na lalake at babae ay tatlong pu't tatlo.
16 At ang mga anak ni Gad; si Ziphion, at si Aggi, si Suni, at si Ezbon, si Heri, at si Arodi, at si Areli.
17 (S)At ang mga anak ni Aser; si Jimna; at si Ishua, at si Isui, at si Beria, at si Sera na kanilang kapatid na babae: at ang mga anak ni Beria; si Heber, at si Malchel.
18 (T)Ito ang mga anak ni Zilpa (U)na siyang ibinigay ni Laban kay Lea na kaniyang anak na babae, at ang mga ito ay kaniyang ipinanganak kay Jacob, na labing anim na tao.
19 Ang mga anak ni Raquel na asawa ni Jacob; si Jose at si Benjamin.
20 (V)At kay Jose ay ipinanganak sa lupain ng Egipto si Manases at si Ephraim, na ipinanganak sa kaniya ni Asenath, na anak ni Potiphera na saserdote sa On.
21 (W)At ang mga anak ni Benjamin; si Bela; at si Becher, at si Asbel, si Gera, at si Naaman, si Ehi, at si Ros, si Muppim, at si Huppim, at si Ard.
22 Ito ang mga anak ni Raquel na ipinanganak kay Jacob: lahat ay labing apat.
23 At ang mga anak ni Dan; si Husim.
24 (X)At ang mga anak ni Nephtali; si Jahzeel, at si Guni, at si Jezer, at si Shillem.
25 (Y)Ito ang mga anak ni Bilha, (Z)na siyang ibinigay ni Laban kay Raquel na kaniyang anak, at ang mga ito ang ipinanganak niya kay Jacob; lahat na tao ay pito.
26 Lahat na tao na sumama kay Jacob sa Egipto, na nagsilabas sa kaniyang mga balakang, bukod pa ang mga asawa ng mga anak ni Jacob, ang lahat na tao ay anim na pu't anim;
27 At ang mga anak ni Jose na ipinanganak sa kaniya sa Egipto, ay dalawang katao; ang (AA)lahat na tao sa sangbahayan ni Jacob, na napasa Egipto, ay pitongpu.
28 At pinapagpauna niya si Juda kay Jose, (AB)upang ituro ang daan na patungo sa Gosen; at sila'y nagsidating sa lupain ng Gosen.
Sinalubong ni Jose ang kaniyang ama.
29 At inihanda ni Jose ang kaniyang karro, at sumampang sinalubong si Israel na kaniyang ama sa Gosen; at siya'y humarap sa kaniya, (AC)at yumakap sa kaniyang leeg, at umiyak sa kaniyang leeg na matagal.
30 At sinabi ni Israel kay Jose, (AD)Ngayo'y mamatay na ako yamang nakita ko na ang iyong mukha, na ikaw ay buháy pa.
31 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, at sa sangbahayan ng kaniyang ama, Ako'y (AE)aahon, at aking sasaysayin kay Faraon, at aking sasabihin sa kaniya. Ang aking mga kapatid, at ang sangbahayan ng aking ama, na nangasa lupain ng Canaan, ay naparito sa akin;
32 At ang mga lalake ay mga pastor, sapagka't sila'y naging tagapagalaga ng hayop, at kanilang dinala ang kanilang mga kawan, at ang kanilang mga bakahan, at ang lahat nilang tinatangkilik.
33 At mangyayaring, pagka tatawagin kayo ni Faraon, at sasabihin, Ano ang inyong hanapbuhay?
34 (AF)Na inyong sasabihin, Ang iyong mga lingkod ay naging (AG)tagapagalaga ng hayop mula sa aming pagkabata hanggang ngayon, kami at ang aming mga magulang; upang kayo'y matira sa (AH)lupain ng Gosen; (AI)sapagka't bawa't pastor ay kasuklamsuklam sa mga Egipcio.
1 Mosebok 46
Svenska Folkbibeln
Jakob flyttar till Egypten
46 Israel bröt upp med allt han ägde. När han kom till Beer-Sheba offrade han slaktoffer åt sin fader Isaks Gud. 2 Och Gud talade till Israel i en syn om natten och sade: "Jakob! Jakob!" Han svarade: "Här är jag." 3 Då sade han: "Jag är Gud, din faders Gud. Var inte rädd för att resa till Egypten, ty jag skall där göra dig till ett stort folk. 4 Jag skall själv följa med dig till Egypten och jag skall också föra dig tillbaka därifrån. Och Josefs hand skall tillsluta dina ögon."
5 Jakob bröt upp från Beer-Sheba. Och Israels söner satte sin fader Jakob, sina små barn och sina hustrur på vagnarna som farao hade skickat för att hämta honom. 6 De tog sin boskap och de ägodelar som de hade skaffat sig i Kanaans land och kom till Egypten, Jakob och alla hans ättlingar med honom. 7 Sina söner och sonsöner, sina döttrar och sondöttrar, alla sina ättlingar förde han med sig till Egypten.[a]
Jakobs släkt
8 Detta är namnen på Israels barn, Jakob och hans söner, som kom till Egypten:
Jakobs förstfödde var Ruben,
9 och Rubens söner var Hanok, Pallu, Hesron och Karmi.
10 Simeons söner var Jemuel, Jamin, Ohad, Jakin, Sohar och Saul, den kananeiska kvinnans son.
11 Levis söner var Gerson, Kehat och Merari.
12 Judas söner var Er, Onan, Sela, Peres och Sera, men Er och Onan dog i Kanaans land, och Peres söner var Hesron och Hamul.
13 Isaskars söner var Tola, Puva, Job och Simron.
14 Sebulons söner var Sered, Elon och Jaleel.
15 Detta var Leas söner som hon födde åt Jakob i Paddan-Aram. Dessutom födde hon åt honom dottern Dina. Sönerna och döttrarna var sammanlagt trettiotre personer.
16 Gads söner var Sifjon och Haggi, Suni och Esbon, Eri och Arodi och Areli.
17 Asers söner var Jimna, Jisva, Jisvi och Beria, och deras syster var Sera. Berias söner var Heber och Malkiel.
18 Dessa var söner till Silpa, som Laban hade givit åt sin dotter Lea. Hon födde dem åt Jakob, sexton personer.
19 Rakels, Jakobs hustrus, söner var Josef och Benjamin.
20 De söner som föddes åt Josef i Egyptens land var Manasse och Efraim. De föddes åt honom av Asenat, som var dotter till Poti-Fera, prästen i On.
21 Benjamins söner var Bela, Beker och Asbel, Gera och Naaman, Ehi och Rosh, Muppim och Huppim och Ard.
22 Dessa var Rakels söner som föddes åt Jakob, sammanlagt fjorton personer.
23 Dans son var Husim.
24 Naftalis söner var Jaseel, Guni, Jeser och Sillem.
25 Dessa var söner till Bilha, som Laban hade givit åt sin dotter Rakel, och hon födde dem åt Jakob, sammanlagt sju personer.
26 De som kom med Jakob till Egypten, de som var hans ättlingar, var sammanlagt sextiosex personer förutom Jakobs sonhustrur. 27 Och Josefs söner, som föddes åt honom i Egypten, var två. De personer av Jakobs hus som kom till Egypten var sammanlagt sjuttio.
Mötet med Josef
28 Jakob skickade Juda i förväg till Josef för att denne skulle visa honom vägen till Gosen. Och de kom till landet Gosen. 29 Josef lät spänna för sin vagn och for till Gosen för att möta sin fader Israel. När han kom fram till honom föll han honom om halsen och grät länge vid hans hals. 30 Och Israel sade till Josef: "Nu kan jag dö då jag har sett ditt ansikte, eftersom du ännu lever." 31 Josef sade till sina bröder och sin fars husfolk: "Jag skall fara upp och tala med farao och säga till honom: Mina bröder och min fars husfolk, som hittills bott i Kanaans land, har kommit till mig. 32 De här männen är herdar och har ägnat sig åt boskapsskötsel. Sina får och sin nötboskap och allt som de äger har de fört med sig. 33 När sedan farao kallar er till sig och frågar vilket yrke ni har, 34 skall ni svara: Vi, dina tjänare, har sysslat med boskapsskötsel från vår ungdom ända tills nu, vi liksom våra fäder. Då kommer ni att få bo i landet Gosen, för egyptierna avskyr allt vad fåraherdar heter."
Footnotes
- 1 Mosebok 46:7 Troligen 1876 f. Kr.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
1996, 1998 by Stiftelsen Svenska Folkbibeln