Add parallel Print Page Options

50 Bago dumating ang taggutom, nagkaanak si Jose ng dalawang lalaki kay Asenat. 51 Tinawag niyang Manases[a] ang panganay, sapagkat sinabi niya, “Niloob ng Diyos na malimot ko ang aking naging hirap sa bahay ng aking ama.” 52 Efraim[b] naman ang ipinangalan sa pangalawa, sapagkat ang sabi niya, “Pinagkalooban ako ng Diyos ng mga anak sa lupain ng aking paghihirap.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 41:51 MANASES: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Manases” at “Niloob na malimot” ay magkasintunog.
  2. Genesis 41:52 EFRAIM: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Efraim” at “Pinagkalooban ng mga anak” ay magkasintunog.