Genesis 42
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Pumunta sa Egipto ang mga Kapatid ni Jose
42 Nang malaman ni Jacob na may ipinagbibiling pagkain sa Egipto, sinabi niya sa mga anak niyang lalaki, “Ano pa ang hinihintay ninyo? 2 Nabalitaan ko na may ipinagbibili raw na pagkain sa Egipto kaya pumunta kayo roon at bumili para hindi tayo mamatay sa gutom.”
3 Kaya lumakad ang sampung kapatid ni Jose sa Egipto para bumili ng pagkain. 4 Pero hindi ipinasama ni Jacob si Benjamin na nakababatang kapatid ni Jose dahil natatakot siya na baka may masamang mangyari sa kanya. 5 Kaya pumunta ang mga anak ni Jacob[a] sa Egipto kasama ng mga taga-ibang lugar para bumili ng pagkain, dahil laganap na ang taggutom sa buong Canaan.
6 Bilang gobernador ng Egipto, tungkulin ni Jose na pagbilhan ng pagkain ang lahat ng tao. Kaya pagdating ng mga kapatid niya, yumukod sila kay Jose bilang paggalang sa kanya. 7-9 Pagkakita ni Jose sa kanila, nakilala niya agad ang mga ito pero siyaʼy hindi nila nakilala. Hindi lang siya nagpahalata na siya si Jose. Nagtanong siya sa kanila kung taga-saan sila.
Sumagot sila, “Taga-Canaan po kami, at pumunta po kami rito para bumili ng pagkain.” Naalala agad ni Jose ang panaginip niya tungkol sa kanila na naging dahilan kung bakit sila nagalit sa kanya. Kaya nagsalita siya ng masasakit na salita sa kanila, “Mga espiya kayo! Pumunta kayo rito para tingnan kung ano ang kahinaan ng bansa namin.”
10 Sumagot sila, “Hindi po! Hindi po kami espiya. Pumunta po kami rito para bumili ng pagkain. 11 Magkakapatid po kaming lahat sa isang ama, at nagsasabi po kami ng totoo. Hindi po kami espiya.”
12 Pero sinabi ni Jose, “Hindi ako naniniwala! Pumunta kayo rito para tingnan kung ano ang kahinaan ng bansa namin.”
13 Sumagot sila, “12 po kaming magkakapatid, at isa lang po ang aming ama na naroon ngayon sa Canaan. Ang bunso po namin ay naiwan sa kanya. Ang isa po naming kapatid ay wala na.”
14 Sinabi ni Jose, “Kagaya ng sinabi ko, mga espiya talaga kayo! 15 Pero susubukan ko kayo kung totoo talaga ang mga sinasabi ninyo. Isinusumpa ko sa pangalan ng Faraon na hindi kayo makakaalis dito hanggaʼt hindi ninyo maisasama ang bunsong kapatid nʼyo rito. 16 Pauuwiin ang isa sa inyo para kunin ang kapatid ninyo. Ang maiiwan sa inyoʼy ikukulong hanggang sa mapatunayan ninyo ang sinasabi ninyo, dahil kung hindi, talagang mga espiya nga kayo!” 17 At ipinakulong niya ang mga ito sa loob ng tatlong araw.
18 Sa ikatlong araw, sinabi ni Jose sa kanila, “Iginagalang ko ang Dios, kaya bibigyan ko pa kayo ng pagkakataong mabuhay kung susundin lang ninyo ang iniutos ko sa inyo. 19 Kung nagsasabi kayo ng totoo, magpaiwan dito ang isa sa inyo at makakauwi kayo, at makakapagdala kayo ng pagkain para sa nagugutom ninyong pamilya. 20 Pagkatapos, dalhin nʼyo rito ang bunsong kapatid ninyo para mapatunayan ko na hindi kayo nagsisinungaling at para hindi ko kayo ipapatay.” At ginawa nila ito.
21 Habang hindi pa sila nakakaalis, sinabi nila sa isaʼt isa, “Mananagot tayo sa ginawa natin sa kapatid natin. Nakita natin ang paghihirap niya nang nagmamakaawa siya sa atin, pero hindi natin siya kinaawaan. Kaya ito ang dahilan kung bakit dumating ang mga paghihirap na ito sa atin.”
22 Sinabi ni Reuben, “Hindi baʼt sinabi ko sa inyo noon na huwag ninyo siyang saktan? Pero hindi kayo nakinig sa akin! Kaya sinisingil na tayo ngayon sa kanyang pagkamatay.” 23 Hindi nila alam na nauunawaan ni Jose ang usapan nila dahil habang nakikipag-usap siya sa kanila ay may tagapagpaliwanag siya.
24 Lumayo muna si Jose sa kanila at umiyak. Pero hindi nagtagal, bumalik siya at nakipag-usap sa kanila. Hiniwalay niya si Simeon sa kanila at ipinagapos sa kanilang harapan.
Bumalik sa Canaan ang mga Kapatid ni Jose
25 Pagkatapos, iniutos ni Jose na punuin ng pagkain ang mga sako ng kanyang mga kapatid at ibalik sa mga sako nila ang kani-kanilang bayad, at pabaunan sila ng kanilang mga pangangailangan sa kanilang paglalakbay. Nasunod lahat ang iniutos ni Jose. 26 Isinakay agad ng mga kapatid ni Jose ang mga sako nila sa kanilang asno at umalis.
27 Nang nagpalipas sila ng gabi sa isang lugar, isa sa kanila ang nagbukas ng sako niya para pakainin ang kanyang asno. Pagbukas niya, nakita niya roon ang perang ibinayad niya. 28 Sumigaw siya sa kanyang mga kapatid, “Ibinalik ang ibinayad ko! Nandito sa sako ko.”
Nanlupaypay silang lahat at kinabahan.[b] Nagtanungan sila, “Ano kaya itong ginawa ng Dios sa atin?”
29 Pagdating nila sa Canaan, sinabi nila sa kanilang amang si Jacob ang lahat ng nangyari sa kanila. 30 Sinabi nila kay Jacob, “Pinagsalitaan po kami ng masasakit ng gobernador ng Egipto at pinagbintangan na mga espiya raw po kami. 31 Pero sinagot po namin siya na hindi kami espiya at nagsasabi kami ng totoo. 32 Sinabi rin po namin na 12 kaming magkakapatid at isa lang ang aming ama. Sinabi rin namin na ang isa naming kapatid ay patay na at ang aming bunsong kapatid ay kasama po ninyo rito sa Canaan.
33 “Pero ito po ang sinabi niya sa amin, ‘Susubukan ko kayo kung totoo ang sinasabi ninyo. Magpaiwan dito ang isa sa inyo at umuwi kayo na may dalang pagkain para sa mga pamilya ninyong nagugutom. 34 Pero dalhin ninyo rito ang bunsong kapatid ninyo para malaman ko na mga tapat kayong tao at hindi kayo espiya. Pagkatapos, ibabalik ko sa inyo ang kapatid ninyong si Simeon, at papayagan ko kayo na pumarooʼt parito sa Egipto.’ ”
35 Nang ibinuhos na nila ang laman ng kanilang mga sako, nakita nila roon sa mga sako nila ang perang ibinayad nila. Nang makita ito ng kanilang ama, kinabahan silang lahat.
36 Sinabi ni Jacob sa kanila, “Gusto ba ninyong mawalan ako ng mga anak? Wala na si Jose, wala na si Simeon at ngayon gusto naman ninyong kunin si Benjamin. Hirap na hirap na ako!”
37 Sinabi ni Reuben, “Ama, ako po ang bahala sa kanya. Patayin po ninyo ang dalawa kong anak na lalaki kung hindi ko po siya maibabalik sa inyo.”
38 Pero sumagot si Jacob, “Hindi ako papayag na isama ninyo ang anak ko. Namatay na ang kapatid niya at siya na lang ang naiwan. Baka may masama pang mangyari sa kanya sa daan. At sa katandaan kong ito, ikamamatay ko ang sobrang kalungkutan.”
Genesis 42
Ang Biblia (1978)
Bumili ng pagkain ang mga anak ni Jacob.
42 Nabalitaan nga ni (A)Jacob na may trigo sa Egipto, at sinabi ni Jacob sa kaniyang mga anak, Bakit kayo nangagtitinginan?
2 At kaniyang sinabi, Narito, aking narinig na may trigo sa Egipto: bumaba kayo roon, at bumili kayo roon ng sa (B)ganang atin, upang tayo'y mabuhay at huwag mamatay.
3 At ang sangpung kapatid ni Jose ay bumaba, na bumili ng trigo sa Egipto.
4 Datapuwa't si Benjamin na (C)kapatid ni Jose, ay hindi sinugo ni Jacob na kasama ng kaniyang mga kapatid; sapagka't aniya'y, (D)Baka sakaling may mangyari sa kaniyang anomang kapahamakan.
5 At ang mga anak ni Israel ay nagsiparoong bumili, na kasalamuha ng nagsisiparoon: sapagka't nagkakagutom sa lupain ng Canaan.
6 (E)At si Jose ang tagapamahala sa lupain; siya ang nagbibili ng trigo sa lahat ng mga tao sa lupain: at nagsidating ang mga kapatid ni Jose (F)at nangagpatirapa sa kaniya, na ang kanilang mga mukha ay pasubasob.
7 At nakita ni Jose ang kaniyang mga kapatid, at kaniyang nangakilala, datapuwa't siya'y nagkunwaring iba sa kanila, at sila'y kinausap niya ng magilas; at sinabi sa kanila, Saan kayo nagsipanggaling? At sinabi nila, Sa lupain ng Canaan, upang bumili ng pagkain.
8 At nakilala ni Jose ang kaniyang mga kapatid, datapuwa't hindi nila siya nakilala.
9 (G)At naalaala ni Jose ang mga panaginip na kaniyang napanaginip, tungkol sa kanila, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y mga tiktik; upang tingnan ninyo ang kahubaran ng lupain kaya kayo naparito.
10 At kanilang sinabi sa kaniya, Hindi panginoon ko, kundi ang iyong mga lingkod ay nagsiparito upang bumili ng pagkain.
11 Kaming lahat ay anak ng isa lamang lalake; kami ay mga taong tapat, ang iyong mga lingkod ay hindi mga tiktik.
12 At kaniyang sinabi sa kanila, Hindi, kungdi upang tingnan ang kahubaran ng lupain kaya kayo naparito.
13 At kanilang sinabi, Kaming iyong mga lingkod ay labing dalawang magkakapatid, na mga anak ng isa lamang lalake sa lupain ng Canaan; at, narito, ang bunso ay nasa aming ama ngayon, (H)at ang isa'y wala na.
14 At sinabi sa kanila ni Jose, Iyan ang sinasalita ko sa inyo, na aking sinasabi, Kayo'y mga tiktik;
15 Dito ko kayo susubukin: alangalang sa buhay ni Faraon ay hindi kayo aalis dito, malibang pumarito ang inyong kapatid na bunso.
16 Suguin ninyo ang isa sa inyo, na dalhin dito ang inyong kapatid, at kayo'y mangabibilanggo; upang masubok ang inyong mga salita, kung may katotohanan sa inyo: o kung hindi alangalang sa buhay ni Faraon, ay tunay na mga tiktik kayo.
17 At kaniyang inilagay silang lahat na magkakasama sa bilangguan na tatlong araw.
18 At sinabi ni Jose sa kanila sa ikatlong araw, Gawin ninyo ito at mangabuhay kayo; sapagka't natatakot (I)ako sa Dios:
19 Kung kayo'y mga taong tapat, ay matira ang isa sa inyong magkakapatid na bilanggo sa bahay na pinagbilangguan sa inyo; datapuwa't kayo'y yumaon, magdala kayo ng trigo dahil sa kagutom sa inyong mga bahay:
20 (J)At dalhin ninyo sa akin ang inyong kapatid na bunso; sa ganito'y matototohanan ang inyong mga salita, at hindi kayo mangamamatay. At kanilang ginawang gayon.
21 At sila'y nagsabisabihan, (K)Katotohanang tayo'y salarin tungkol sa ating kapatid, sapagka't nakita natin ang kahapisan ng kaniyang kaluluwa, nang namamanhik sa atin, at hindi natin siya dininig; kaya't dumarating sa atin ang kahapisang ito.
22 At si Ruben ay sumagot sa kanila, na nagsasabi, Di ba nagsalita ako sa inyo, na aking sinasabi, (L)Huwag kayong magkasala laban sa bata; at ayaw kayong makinig? kaya naman, narito, ang kaniyang dugo ay (M)nagsasakdal.
23 At hindi nila nalalaman na sila'y pinakikinggan ni Jose; sapagka't may tagapagpaliwanag sa kanila.
Tinalian si Simeon.
24 At siya'y humiwalay sa kanila, at umiyak; at siya'y bumalik sa kanila, at sila'y kinausap at kinuha sa kanila si Simeon, at siya'y tinalian sa harap ng kanilang mga mata.
25 Nang magkagayo'y ipinagutos ni Jose na punuin ang kanilang mga bayong ng trigo, at ibalik ang salapi ng bawa't isa sa kanikaniyang bayong, at sila'y bigyan ng mababaon sa daan: at ginawa sa kanilang gayon.
Ang iba ay nagbalik.
26 At kanilang pinasanan ng trigo ang kanilang mga asno, at sila'y yumaon mula roon.
27 (N)At pagbubukas ng isa ng kaniyang bayong upang bigyan ng pagkain ang kaniyang asno sa tuluyan, ay nakita niya ang kaniyang salapi; at, narito, nasa labi ng kaniyang bayong.
28 At sinabi niya sa kaniyang mga kapatid, Ang salapi ko ay nasauli; at, narito, nasa aking bayong: at kumutob ang kanilang puso; at nangagtinginan na nanganginginig, na nagsasabihan, Ano itong ginawa ng Dios sa atin?
29 At sila'y dumating kay Jacob na kanilang ama sa lupain ng Canaan, at isinaysay nila sa kaniya ang lahat na nangyari sa kanila; na sinasabi:
30 Ang lalaking panginoon sa lupaing yaon ay kinausap (O)kami na magilas, at inari kaming mga tiktik sa lupain.
31 At aming sinabi sa kaniya, Kami ay mga taong tapat; hindi kami mga tiktik:
32 Kami ay labing dalawang magkakapatid, na mga anak ng aming ama; (P)ang isa'y wala na, at ang bunso ay nasa aming ama ngayon sa lupain ng Canaan.
33 At sinabi sa amin ng lalaking yaon, ng panginoon sa lupain, (Q)Dito ko makikilala na kayo'y mga taong tapat: magiwan kayo sa akin ng isa sa inyong magkakapatid, at magsipagdala kayo ng trigo dahil sa kagutom sa inyong mga bahay, at kayo'y yumaon.
34 At dalhin ninyo rito sa akin ang inyong kapatid na bunso: kung gayo'y makikilala ko, na kayo'y hindi mga tiktik, kundi kayo'y mga taong tapat: sa ganito'y isasauli ko sa inyo ang inyong kapatid (R)at kayo'y mangangalakal sa lupain.
Nakita ang salapi sa kanilang sisidlan.
35 At nangyari na pagaalis ng laman ng kanilang mga bayong, na, (S)narito, sa bayong ng bawa't isa ay nakalagay ang balot ng kanikaniyang salapi: at nang makita nila at ng kanilang ama ang kanilang mga balot ng salapi, ay nangatakot.
36 At sinabi sa kanila ng kanilang amang si Jacob, (T)Inalis na ninyo sa akin ang aking mga anak: si Jose ay wala, at si Simeon ay wala, at aalisin pa ninyo si Benjamin: lahat ng bagay na ito ay laban sa akin.
37 At nagsalita, si Ruben sa kaniyang ama, na sinasabi, Ipapatay mo ang aking dalawang anak kung siya'y hindi ko dalhin sa iyo; ibigay mo sa aking kamay, at siya'y aking ibabalik sa iyo.
38 At kaniyang sinabi, Hindi yayaon ang aking anak na kasama ninyo; (U)sapagka't ang kaniyang kapatid ay patay na, at siya lamang ang natitira; (V)kung mangyari sa kaniya ang anomang kapahamakan sa daan na inyong paroroonan, ay (W)pabababain nga ninyo ang aking mga uban sa Sheol na may kapanglawan.
Genesis 42
New International Version
Joseph’s Brothers Go to Egypt
42 When Jacob learned that there was grain in Egypt,(A) he said to his sons, “Why do you just keep looking at each other?” 2 He continued, “I have heard that there is grain in Egypt. Go down there and buy some for us,(B) so that we may live and not die.”(C)
3 Then ten of Joseph’s brothers went down to buy grain(D) from Egypt. 4 But Jacob did not send Benjamin,(E) Joseph’s brother, with the others, because he was afraid that harm might come to him.(F) 5 So Israel’s sons were among those who went to buy grain,(G) for there was famine in the land of Canaan(H) also.(I)
6 Now Joseph was the governor of the land,(J) the person who sold grain to all its people.(K) So when Joseph’s brothers arrived, they bowed down to him with their faces to the ground.(L) 7 As soon as Joseph saw his brothers, he recognized them, but he pretended to be a stranger and spoke harshly to them.(M) “Where do you come from?”(N) he asked.
“From the land of Canaan,” they replied, “to buy food.”
8 Although Joseph recognized his brothers, they did not recognize him.(O) 9 Then he remembered his dreams(P) about them and said to them, “You are spies!(Q) You have come to see where our land is unprotected.”(R)
10 “No, my lord,(S)” they answered. “Your servants have come to buy food.(T) 11 We are all the sons of one man. Your servants(U) are honest men,(V) not spies.(W)”
12 “No!” he said to them. “You have come to see where our land is unprotected.”(X)
13 But they replied, “Your servants(Y) were twelve brothers, the sons of one man, who lives in the land of Canaan.(Z) The youngest is now with our father, and one is no more.”(AA)
14 Joseph said to them, “It is just as I told you: You are spies!(AB) 15 And this is how you will be tested: As surely as Pharaoh lives,(AC) you will not leave this place unless your youngest brother comes here.(AD) 16 Send one of your number to get your brother;(AE) the rest of you will be kept in prison,(AF) so that your words may be tested to see if you are telling the truth.(AG) If you are not, then as surely as Pharaoh lives, you are spies!(AH)” 17 And he put them all in custody(AI) for three days.
18 On the third day, Joseph said to them, “Do this and you will live, for I fear God:(AJ) 19 If you are honest men,(AK) let one of your brothers stay here in prison,(AL) while the rest of you go and take grain back for your starving households.(AM) 20 But you must bring your youngest brother to me,(AN) so that your words may be verified and that you may not die.” This they proceeded to do.
21 They said to one another, “Surely we are being punished because of our brother.(AO) We saw how distressed he was when he pleaded with us for his life, but we would not listen; that’s why this distress(AP) has come on us.”
22 Reuben replied, “Didn’t I tell you not to sin against the boy?(AQ) But you wouldn’t listen! Now we must give an accounting(AR) for his blood.”(AS) 23 They did not realize(AT) that Joseph could understand them,(AU) since he was using an interpreter.
24 He turned away from them and began to weep,(AV) but then came back and spoke to them again. He had Simeon taken from them and bound before their eyes.(AW)
25 Joseph gave orders to fill their bags with grain,(AX) to put each man’s silver back in his sack,(AY) and to give them provisions(AZ) for their journey.(BA) After this was done for them, 26 they loaded their grain on their donkeys(BB) and left.
27 At the place where they stopped for the night one of them opened his sack to get feed for his donkey,(BC) and he saw his silver in the mouth of his sack.(BD) 28 “My silver has been returned,” he said to his brothers. “Here it is in my sack.”
Their hearts sank(BE) and they turned to each other trembling(BF) and said, “What is this that God has done to us?”(BG)
29 When they came to their father Jacob in the land of Canaan,(BH) they told him all that had happened to them.(BI) They said, 30 “The man who is lord over the land spoke harshly to us(BJ) and treated us as though we were spying on the land.(BK) 31 But we said to him, ‘We are honest men; we are not spies.(BL) 32 We were twelve brothers, sons of one father. One is no more, and the youngest is now with our father in Canaan.’(BM)
33 “Then the man who is lord over the land said to us, ‘This is how I will know whether you are honest men: Leave one of your brothers here with me, and take food for your starving households and go.(BN) 34 But bring your youngest brother to me so I will know that you are not spies but honest men.(BO) Then I will give your brother back to you,(BP) and you can trade[a] in the land.(BQ)’”
35 As they were emptying their sacks, there in each man’s sack was his pouch of silver!(BR) When they and their father saw the money pouches, they were frightened.(BS) 36 Their father Jacob said to them, “You have deprived me of my children. Joseph is no more and Simeon is no more,(BT) and now you want to take Benjamin.(BU) Everything is against me!(BV)”
37 Then Reuben said to his father, “You may put both of my sons to death if I do not bring him back to you. Entrust him to my care,(BW) and I will bring him back.”(BX)
38 But Jacob said, “My son will not go down there with you; his brother is dead(BY) and he is the only one left. If harm comes to him(BZ) on the journey you are taking, you will bring my gray head down to the grave(CA) in sorrow.(CB)”
Footnotes
- Genesis 42:34 Or move about freely
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

