Add parallel Print Page Options

Ang Pahayag ni Jacob tungkol sa Kanyang mga Anak

49 Ipinatawag ni Jacob ang kanyang mga anak at sinabi, “Lumapit kayo sa akin, at sasabihin ko sa inyo ang mangyayari sa inyo sa hinaharap:

“Kayo mga anak, magsilapit sa akin,
    akong inyong ama ay sumandaling dinggin.

“Si Ruben ang aking panganay na anak,
    sa lahat kong supling ay pinakamalakas;
mapusok ang loob, baha ang katulad, bawat madaanan ay sumasambulat.
    Sa kabila nito'y hindi ka sisikat, hindi mangunguna, hindi matatanyag;
    pagkat ang ama mo ay iyong hinamak,
    dangal ng aliping-asawa ko ay iyong winasak.

“Simeon at Levi na magkapatid,
    ang sandata ninyo'y ipinanlulupig;
sa usapan ninyo'y di ako sasali,
    sa inyong gawain, hindi babahagi.
Kapag nagagalit agad pumapatay,
    lumpo pati hayop kung makatuwaan.
Kayo'y susumpain, sa bangis at galit,
    sa ugali ninyo na mapagmalabis;
kayo'y magkawatak-watak sa buong lupain,
    sa buong Israel ay pangangalatin.

“Ikaw naman, Juda, ay papupurihan niyong mga anak ng ina mong mahal,
    hawak mo sa leeg ang iyong kaaway,
    lahat mong kapatid sa iyo'y gagalang.
Mabangis(A) na leon ang iyong larawan,
    muling nagkukubli matapos pumatay;
ang tulad ni Juda'y leong nahihimlay,
    walang mangangahas lumapit sinuman.
10 Setrong sagisag ng lakas at kapangyarihan
    sa kanya kailanma'y hindi lilisan;
mga bansa sa kanya'y magkakaloob,
    mga angkan sa kanya'y maglilingkod.
11 Batang asno niya doon natatali,
    sa puno ng ubas na tanging pinili;
mga damit niya'y doon nilalabhan,
    sa alak ng ubas na lubhang matapang.
12 Mata'y namumula dahilan sa alak,
    ngipi'y pumuputi sa inuming gatas.

13 “Sa baybaying-dagat doon ka, Zebulun,
    ang sasakyang-dagat sa iyo kakanlong;
    ang iyong lupai'y aabot sa Sidon.

14 “Malakas na asno ang katulad mo, Isacar,
    ngunit sa kulungan ka maglulumagak.
15 Nang kanyang makita iyong pahingahan,
    ang lupain doo'y tunay na mainam,
tiniis na niyang makuba sa pasan,
    nagpaalipin na kahit mahirapan.

16 “Si Dan ay magiging isang pangunahin,
    katulad ng ibang pinuno ng Israel.
17 Ahas na mabagsik sa tabi ng daan,
    na handang tumuklaw sa kabayong daraan;
    upang maihulog iyong taong sakay.

18 “Sa pagliligtas mo, O Diyos, ako'y maghihintay.

19 “Haharangin si Gad ng mga tulisan,
    lalabanan niya at magtatakbuhan.

20 “Ang bukid ni Asher ay pag-aanihan
    ng mga pagkain ng taong marangal.

21 “Si Neftali naman ay tulad ng usa,
    malaya't ang dalang balita'y maganda.

22 “Si Jose nama'y baging na mabunga.
    Sa tabi ng bukal nakatanim siya,
    paakyat sa pader ang pagtubo niya.
23 Mga mangangaso ang nagpapahirap,
    hinahabol siya ng palaso't sibat.
24 Subalit ang iyong busog ay mananatiling malakas,
    ang iyong mga bisig ay palalakasin,
ang dahilan nito'y ang Diyos ni Jacob,
    pastol ng Israel, matibay na muog.
25 Diyos ng iyong ama'y siyang sasaklolo,
    ang Makapangyarihang Diyos magbabasbas sa iyo.
    Magbuhat sa langit, bubuhos ang ulan,
malalim na tubig sa lupa'y bubukal;
    dibdib na malusog, pati bahay-bata'y pagpapalain di't kanyang babasbasan.
26 Darami ang ani, bulaklak gayon din,
    maalamat na bundok ay pagpapalain;
    pati mga burol magkakamit-aliw.
Pagpapalang ito nawa ay makamit ni Joseng nawalay sa mga kapatid.

27 “Tulad ni Benjami'y lobong pumapatay,
    sumisila ito ng inaalmusal.
    Kung gabi, ang huli'y pinaghahatian.”

28 Ito ang labindalawang anak ni Israel, at gayon sila binasbasan ng kanilang ama ayon sa basbas na angkop sa kanila.

Namatay at Inilibing si Jacob

29 Pagkatapos, sinabi ni Jacob sa kanyang mga anak, “Ngayo'y papanaw na ako upang makasama ng mga ninunong namayapa na. Doon ninyo ako ililibing sa pinaglibingan sa aking mga magulang, sa yungib sa bukid ni Efron na Heteo. 30 Ang(B) libingang iyo'y nasa Macpela, sa silangan ng Mamre, sa may Canaan. Binili iyon ni Abraham, 31 at(C) doon siya inilibing pati ang kanyang asawang si Sara. Doon din inilibing ang mag-asawang Isaac at Rebeca, at doon ko rin inilibing si Lea. 32 Ang bukid at yungib na iyon ay binili nga sa mga Heteo.” 33 Matapos(D) masabi ang lahat ng ito, siya ay humimlay at namatay.

'Genesis 49 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang hula ni Jacob sa kaniyang mga anak.

49 At tinawag ni Jacob ang kaniyang mga anak, at sinabi, Magpipisan kayo, (A)upang maisaysay ko sa inyo ang mangyayari (B)sa inyo sa mga huling araw.
Magpipisan kayo at kayo'y makinig, kayong mga anak ni Jacob;
At inyong pakinggan si Israel na inyong ama.
(C)Ruben, ikaw ang aking panganay, ang aking kapangyarihan, (D)at siyang pasimula ng aking kalakasan;
Siyang kasakdalan ng kamahalan, at siyang kasakdalan ng kapangyarihan.
(E)Kumukulong parang tubig na umaawas, hindi ka magtataglay ng kasakdalan,
Sapagka't, sumampa ka sa higaan ng iyong ama:
Hinamak mo nga; sumampa sa aking higaan.
(F)Si Simeon at si Levi ay magkapatid;
Mga almas na marahas ang kanilang mga tabak.
Oh kaluluwa ko, huwag kang pumasok sa kanilang payo;
Sa kanilang kapisanan, ay huwag kang makiisa, kaluwalhatian ko;
Sapagka't sa kanilang galit ay pumatay ng tao:
At sa kanilang sariling kalooban ay pumutol ng hita ng baka.
Sumpain ang kanilang galit, sapagka't mabangis;
At ang kanilang pagiinit, sapagka't mabagsik.
Aking babahagihin sila sa Jacob.
At aking pangangalatin sila sa Israel.
(G)Juda, ikaw ay pupurihin ng iyong mga kapatid:
(H)Ang iyong kamay ay magpapahinga sa leeg ng iyong mga kaaway:
(I)Ang mga anak ng iyong ama ay yuyukod sa harap mo.
(J)Si Juda'y isang anak ng leon, Mula sa panghuhuli, anak ko umahon ka:
(K)Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon;
At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya?
10 (L)Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda,
(M)Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa,
(N)Hanggang sa ang Shiloh ay dumating;
(O)At sa kaniya tatalima ang mga bansa.
11 Naitatali ang kaniyang batang asno sa puno ng ubas.
At ang guya ng kaniyang asno sa puno ng piling ubas;
Nilabhan niya ang kaniyang suot sa alak,
At ang kaniyang damit sa katas ng ubas.
12 (P)Ang kaniyang mga mata ay mamumula sa alak,
At ang kaniyang mga ngipin ay mamumuti sa gatas.
13 (Q)Si Zabulon ay tatahan sa daongan ng dagat:
At siya'y magiging daongan ng mga sasakyan;
At ang kaniyang hangganan ay magiging hanggang Sidon.
14 Si Issachar ay isang malakas na asno,
Na lumulugmok sa gitna ng mga tupahan:
15 At nakakita siya ng dakong pahingahang mabuti,
At ng lupang kaayaaya;
At kaniyang iniyukod ang kaniyang balikat upang pumasan,
At naging aliping mangaatag.
16 Si Dan ay (R)hahatol sa kaniyang bayan,
Gaya ng isa sa angkan ni Israel.
17 Si Dan ay magiging ahas sa daan,
At ulupong sa landas,
Na nangangagat ng mga sakong ng kabayo,
Na ano pa't nahuhulog sa likuran ang sakay niyaon.
18 (S)Aking hinintay ang iyong pagliligtas,
Oh Panginoon.
19 Si Gad, ay hahabulin ng isang pulutong:
Nguni't siya ang hahabol sa kanila.
20 Hinggil kay Aser, ay lulusog ang tinapay niya,
At gagawa ng masasarap na pagkain.
21 Si Nephtali ay isang usang babaing kawala:
Siya'y nagbabadya ng maririkit na pananalita.
22 Si Jose ay sangang mabunga,
Sangang mabunga na nasa tabi ng bukal;
Ang kaniyang mga sanga'y gumagapang sa pader.
23 (T)Pinamanglaw siya ng mga mamamana,
At pinana siya, at inusig siya:
24 (U)Nguni't ang kaniyang busog ay nanahan sa kalakasan,
At pinalakas ang mga bisig ng kaniyang mga kamay,
Sa pamamagitan ng mga kamay ng (V)Makapangyarihan ni Jacob,
(Na siyang pinagmulan ng (W)pastor, ang (X)bato ng Israel),
25 (Y)Sa pamamagitan nga ng Dios ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo,
At sa pamamagitan ng Makapangyarihan sa lahat, na siyang magpapala sa iyo,
Ng pagpapala ng langit sa itaas, Pagpapala ng mga kalaliman na nalalagay sa ibaba,
Pagpapala ng mga dibdib at ng bahay-bata.
26 Ang mga basbas ng iyong ama na humigit sa basbas ng aking mga kanunuan
(Z)Hanggang sa wakas ng mga burol na walang hanggan:
Mangapapasa ulo ni Jose,
At sa tuktok ng ulo niya na bukod tangi sa kaniyang mga kapatid.
27 (AA)Si Benjamin ay isang lobo na mang-aagaw:
Sa kinaumagaha'y kaniyang kakanin ang huli,
(AB)At sa kinahapunan ay kaniyang babahagihin ang samsam.

28 Ang lahat ng ito ang labing dalawang angkan ng Israel: at ito ang sinalita ng ama nila sa kanila, at sila'y binasbasan; bawa't isa'y binasbasan ng ayon sa basbas sa kanikaniya,

29 At kaniyang ipinagbilin sa kanila, at sinabi sa kanila: (AC)Ako'y malalakip sa aking bayan: (AD)ilibing ninyo ako sa kasamahan ng aking mga magulang (AE)sa yungib na nasa parang ni Ephron na Hetheo,

30 Sa yungib na nasa parang ng Machpela, na nasa tapat ng Mamre, sa lupain ng Canaan, (AF)na binili ni Abraham, na kalakip ng parang kay Ephron na Hetheo, na pinakaaring libingan:

31 (AG)Na doon nila inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa; na doon nila inilibing si Isaac at si Rebeca na kaniyang asawa; at (AH)doon ko inilibing si Lea:

Ang kaniyang kamatayan.

32 Sa parang at sa yungib na nandoon na binili sa mga anak ni Heth.

33 At nang matapos si Jacob na makapagbilin sa kaniyang mga anak, ay kaniyang itinaas at itinikom ang kaniyang mga paa sa higaan, (AI)at nalagot ang hininga, at nalakip sa kaniyang bayan.