Mga Gawa 24
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Paratang ng mga Judio kay Pablo
24 Pagkaraan ng limang araw, dumating ang Kataas-taasang Paring si Ananias kasama ang ilang matatandang pinuno, at isang tagapagsalitang si Tertulio. Nagharap sila ng sakdal sa gobernador laban kay Pablo. 2 Nang maiharap na si Pablo, nagsimula si Tertulio sa kanyang pagsasakdal laban dito. Sinabi niya,
“Kagalang-galang na Felix, dahil sa iyo'y nagtamo kami ng matagal na kapayapaan, at dumating ang mga pagbabago sa bansang ito dahil sa iyong pagtanaw sa hinaharap. 3 Sa lahat ng paraan at sa lahat ng dako ay kinikilala namin ito nang may lubos na pasasalamat. 4 Ngunit upang kayo ay huwag nang labis na maabala, hinihiling ko sa inyo ang inyong kabutihan na pakinggan kami ng ilang sandali. 5 Natagpuan namin na ang taong ito'y mapanligalig at nanggugulo sa lahat ng mga Judio sa buong daigdig. Isa siyang pinuno sa sekta ng mga Nazareno. 6 Nagtangka pa siyang lapastanganin ang Templo kaya dinakip namin siya. [Nais sana namin siyang hatulan ayon sa aming Kautusan. 7 Ngunit dumating ang kapitang si Lisias at sapilitan siyang inagaw sa aming mga kamay, at inutusan ang mga nagbintang sa kanya na humarap sa inyo.][a] 8 Sa pagtatanong ninyo sa kanya, mula sa kanyang bibig ay kayo mismo ang makaaalam na totoo ang lahat ng aming paratang laban sa kanya.” 9 Sinang-ayunan naman ng lahat ng mga Judiong naroon ang mga ito.
Ang Pagtatanggol ni Pablo sa Harapan ni Felix
10 Nang hudyatan ng gobernador si Pablo upang magsalita, siya'y sumagot:
“Yamang nalalaman kong kayo ay naging hukom sa loob ng maraming mga taon sa bansang ito, buong tiwala kong gagawin ang aking pagtatanggol. 11 Matitiyak ninyo sa inyong pagsisiyasat na wala pang labindalawang araw nang ako'y pumunta sa Jerusalem upang sumamba. 12 Minsan man ay hindi nila ako natagpuang nakikipagtalo kahit kanino o kaya'y nanggugulo sa maraming tao sa Templo man o sa mga sinagoga, o saanmang dako ng lungsod. 13 Hindi rin nila mapapatunayan sa inyo ang mga ibinibintang nila sa akin ngayon. 14 Ngunit ito ang inaamin ko sa inyo: Ayon sa Daan na tinatawag nilang sekta ay sinasamba ko ang Diyos ng aming mga ninuno. Pinaniniwalaan ko ang lahat ng nasusulat sa Kautusan at sa mga propeta. 15 At tulad nila'y umaasa rin ako sa Diyos na muli niyang bubuhayin ang lahat, maging matuwid at di-matuwid. 16 Dahil dito'y lagi akong nagsisikap magkaroon ng malinis na budhi sa harap ng Diyos at sa lahat ng tao. 17 Pagkaraan ng ilang taon, (A) bumalik ako upang magdala ng tulong sa aking mga kababayan at mag-alay ng mga handog sa Diyos. 18 Natapos ko nang gawin ang seremonya ng paglilinis nang ako'y kanilang matagpuan sa templo, na walang kasamang maraming tao at wala ring kaguluhan. 19 Ngunit ilang Judiong galing sa Asia ang naroroon. At kung mayroon man silang sasabihin laban sa akin, dapat silang naririto sa inyong harapan at magsakdal. 20 O kaya'y hayaan ninyong ang mga taong naririto ang magsabi kung may natagpuan silang masama na ginawa nang ako'y humarap sa Sanhedrin. 21 Ang tanging maisasakdal nila laban sa akin (B) ay ang bagay na ito na aking isinigaw habang nakatayo sa gitna nila, ‘Nililitis ako ngayon tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay.’ ” 22 Palibhasa'y may sapat na kaalaman si Felix tungkol sa Daan, ipinagpaliban muna niya ang pagdinig, at sinabi, “Magpapasya ako pagdating ng kapitang si Lisias.” 23 Pagkatapos ay iniutos niya sa senturyon na bantayan si Pablo, ngunit huwag higpitan kundi hayaang dalawin ng kanyang mga kaibigan.
Si Pablo sa Harap nina Felix at Drusila
24 Pagkaraan ng ilang araw, dumating si Felix kasama ang kanyang asawang si Drusila na isang Judio. Ipinatawag niya si Pablo at pinakinggan tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus. 25 Samantalang tinatalakay niya ang tungkol sa katarungan, pagpipigil sa sarili, at sa darating na paghuhukom, nangilabot si Felix at sumagot, “Makaaalis ka na. Ipatatawag kitang muli kapag nagkaroon ako ng panahon.” 26 Madalas niyang ipinatatawag at kinakausap si Pablo sa pag-asang susuhulan siya nito. 27 Sa pagnanais na bigyang kasiyahan ang mga Judio, pinabayaan ni Felix si Pablo sa bilangguan. Lumipas ang dalawang taon at si Felix ay pinalitan ni Porcio Festo.
Footnotes
- Mga Gawa 24:7 Sa ibang mas naunang manuskrito, wala ang bahaging ito.
Acts 24
New International Version
Paul’s Trial Before Felix
24 Five days later the high priest Ananias(A) went down to Caesarea with some of the elders and a lawyer named Tertullus, and they brought their charges(B) against Paul before the governor.(C) 2 When Paul was called in, Tertullus presented his case before Felix: “We have enjoyed a long period of peace under you, and your foresight has brought about reforms in this nation. 3 Everywhere and in every way, most excellent(D) Felix, we acknowledge this with profound gratitude. 4 But in order not to weary you further, I would request that you be kind enough to hear us briefly.
5 “We have found this man to be a troublemaker, stirring up riots(E) among the Jews(F) all over the world. He is a ringleader of the Nazarene(G) sect(H) 6 and even tried to desecrate the temple;(I) so we seized him. [7] [a] 8 By examining him yourself you will be able to learn the truth about all these charges we are bringing against him.”
9 The other Jews joined in the accusation,(J) asserting that these things were true.
10 When the governor(K) motioned for him to speak, Paul replied: “I know that for a number of years you have been a judge over this nation; so I gladly make my defense. 11 You can easily verify that no more than twelve days(L) ago I went up to Jerusalem to worship. 12 My accusers did not find me arguing with anyone at the temple,(M) or stirring up a crowd(N) in the synagogues or anywhere else in the city. 13 And they cannot prove to you the charges they are now making against me.(O) 14 However, I admit that I worship the God of our ancestors(P) as a follower of the Way,(Q) which they call a sect.(R) I believe everything that is in accordance with the Law and that is written in the Prophets,(S) 15 and I have the same hope in God as these men themselves have, that there will be a resurrection(T) of both the righteous and the wicked.(U) 16 So I strive always to keep my conscience clear(V) before God and man.
17 “After an absence of several years, I came to Jerusalem to bring my people gifts for the poor(W) and to present offerings. 18 I was ceremonially clean(X) when they found me in the temple courts doing this. There was no crowd with me, nor was I involved in any disturbance.(Y) 19 But there are some Jews from the province of Asia,(Z) who ought to be here before you and bring charges if they have anything against me.(AA) 20 Or these who are here should state what crime they found in me when I stood before the Sanhedrin— 21 unless it was this one thing I shouted as I stood in their presence: ‘It is concerning the resurrection of the dead that I am on trial before you today.’”(AB)
22 Then Felix, who was well acquainted with the Way,(AC) adjourned the proceedings. “When Lysias the commander comes,” he said, “I will decide your case.” 23 He ordered the centurion to keep Paul under guard(AD) but to give him some freedom(AE) and permit his friends to take care of his needs.(AF)
24 Several days later Felix came with his wife Drusilla, who was Jewish. He sent for Paul and listened to him as he spoke about faith in Christ Jesus.(AG) 25 As Paul talked about righteousness, self-control(AH) and the judgment(AI) to come, Felix was afraid(AJ) and said, “That’s enough for now! You may leave. When I find it convenient, I will send for you.” 26 At the same time he was hoping that Paul would offer him a bribe, so he sent for him frequently and talked with him.
27 When two years had passed, Felix was succeeded by Porcius Festus,(AK) but because Felix wanted to grant a favor to the Jews,(AL) he left Paul in prison.(AM)
Footnotes
- Acts 24:7 Some manuscripts include here him, and we would have judged him in accordance with our law. 7 But the commander Lysias came and took him from us with much violence, 8 ordering his accusers to come before you.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.