Gawa 13
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ipinadala sina Bernabe at Saulo ng Banal na Espiritu
13 Doon sa Antioc ay may mga propeta at mga tagapagturo na miyembro ng iglesya. Silaʼy sina Bernabe, Simeon na tinatawag na Negro, Lucius na taga-Cyrene, Manaen na kababata[a] ni Gobernador Herodes, at si Saulo. 2 Habang sumasamba sila sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi ng Banal na Espiritu sa kanila, “Italaga ninyo para sa akin sina Bernabe at Saulo, dahil may ipapagawa ako sa kanila.” 3 Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, pinatungan nila sina Bernabe at Saulo ng kanilang mga kamay at pinaalis na sila.
Ang Unang Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero
4 Kaya pumunta sina Bernabe at Saulo sa Seleucia ayon sa sinabi ng Banal na Espiritu. Mula roon, naglayag sila patungo sa isla ng Cyprus. 5 Pagdating nila roon sa bayan ng Salamis, nangaral sila ng salita ng Dios sa mga sambahan ng mga Judio. Kasama rin nila si Juan Marcos at tumutulong siya sa kanilang gawain. 6 Inikot nila ang buong isla hanggang sa nakarating sila sa bayan ng Pafos. May nakita sila roon na isang Judiong salamangkero na nagkukunwaring propeta ng Dios. Ang pangalan niya ay Bar Jesus. 7 Kaibigan siya ni Sergius Paulus, ang matalinong gobernador ng islang iyon. Ipinatawag ng gobernador sina Bernabe at Saulo dahil gusto niyang makinig ng salita ng Dios. 8 Pero hinadlangan sila ng salamangkerong si Elimas. (Ito ang pangalan ni Bar Jesus sa wikang Griego.) Ginawa niya ang lahat ng paraan para huwag sumampalataya ang gobernador kay Jesus. 9 Pero si Saulo na tinatawag ding Pablo ay napuspos ng Banal na Espiritu, at tinitigan niyang mabuti si Elimas, at sinabi, 10 “Anak ka ng diyablo! Kalaban ka ng lahat ng mabuti! Panay pandaraya at panloloko ang ginagawa mo. Lagi mo na lang binabaligtad ang mga tamang pamamaraan ng Panginoon. 11 Parurusahan ka ngayon ng Panginoon. Mabubulag ka at hindi makakakita sa loob ng ilang araw.” Dumilim kaagad ang paningin ni Elimas at nabulag siya. Pakapa-kapa siyang nanghagilap ng taong aakay sa kanya. 12 Nang makita ng gobernador ang nangyari kay Elimas, sumampalataya siya, at namangha sa mga katuruan tungkol sa Panginoon.
Nangaral si Pablo sa Antioc ng Pisidia
13 Umalis sina Pablo sa Pafos at bumiyahe papuntang Perga na sakop ng Pamfilia. Pagdating nila roon, iniwan sila ni Juan Marcos, at bumalik siya sa Jerusalem. 14 Sina Pablo ay tumuloy sa Antioc na sakop ng Pisidia. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, pumunta sila sa sambahan ng mga Judio at naupo roon. 15 May nagbasa mula sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta. Pagkatapos, nag-utos ang namumuno sa sambahan na sabihin ito kina Pablo: “Mga kapatid, kung may sasabihin kayo na makapagpapalakas-loob sa mga tao, sabihin ninyo.” 16 Kaya tumayo si Pablo, at sinenyasan niya ang mga tao na makinig sa kanya. Sinabi niya, “Mga kapwa kong mga Israelita, at kayong mga hindi Israelita na sumasamba rin sa Dios, makinig kayo sa akin! 17 Ang Dios na sinasamba nating mga Israelita ang siyang pumili sa ating mga ninuno. Pinadami niya sila noong nasa Egipto pa sila nakatira. At sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, tinulungan niya sila para makaalis sa Egipto. 18 Sa loob ng 40 taon, pinagtiyagaan niya sila roon sa disyerto. 19 Pagkatapos, nilipol niya ang pitong bansa sa Canaan, at ibinigay niya ang mga lupain ng mga ito sa ating mga ninuno. 20 Ang lahat ng ito ay ginawa ng Dios sa loob ng 450 taon.
“Pagkatapos, binigyan niya sila ng mga taong namuno sa kanila hanggang sa panahon ni Propeta Samuel. 21 Nang humingi sila ng hari, ibinigay sa kanila ng Dios si Saul na anak ni Kish, na mula sa lahi ni Benjamin. Naghari si Saul sa loob ng 40 taon. 22 Nang alisin ng Dios si Saul, ipinalit niya si David bilang hari. Ito ang sinabi ng Dios: ‘Nagustuhan ko si David na anak ni Jesse. Susundin niya ang lahat ng iuutos ko sa kanya.’ ”
23 Sinabi pa ni Pablo sa mga tao, “Sa angkan ni David nagmula si Jesus, ang Tagapagligtas na ipinangako ng Dios sa Israel. 24 Bago pa magsimula si Jesus sa kanyang gawain, nangaral si Juan sa lahat ng Israelita na dapat nilang pagsisihan ang kanilang mga kasalanan at magpabautismo. 25 At nang malapit nang matapos ni Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, ‘Marahil, iniisip ninyong ako na nga ang inyong hinihintay. Hindi ako iyon! Pinauna lang ako. Susunod siya sa akin, at sa katunayan hindi ako karapat-dapat man lang na maging alipin niya.’[b]
26 “Mga kapatid, na mula sa lahi ni Abraham at mga hindi Judio na sumasamba rin sa Dios, tayo ang pinadalhan ng Dios ng Magandang Balita tungkol sa kaligtasan. 27 Pero ang mga Judiong nakatira sa Jerusalem at ang kanilang mga pinuno ay hindi kumilala kay Jesus bilang Tagapagligtas. Hindi rin nila nauunawaan ang sinasabi ng mga propeta na binabasa nila tuwing Araw ng Pamamahinga. Pero sila na rin ang tumupad sa mga ipinahayag ng mga propeta nang hatulan nila si Jesus ng kamatayan. 28 Kahit wala silang matibay na ebidensya para patayin siya, hiniling pa rin nila kay Pilato na ipapatay si Jesus. 29 Nang magawa na nila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan na mangyari kay Jesus, kinuha nila siya sa krus at inilibing. 30 Pero muli siyang binuhay ng Dios. 31 At sa loob ng maraming araw, nagpakita siya sa mga taong sumama sa kanya nang umalis siya sa Galilea papuntang Jerusalem. Ang mga taong iyon ang siya ring nangangaral ngayon sa mga Israelita tungkol kay Jesus. 32 At narito kami ngayon upang ipahayag sa inyo ang Magandang Balita na ipinangako ng Dios sa ating mga ninuno, 33 na tinupad niya ngayon sa atin nang muli niyang buhayin si Jesus. Ito ang nasusulat sa ikalawang Salmo,
‘Ikaw ang aking anak, at ipapakita ko ngayon na ako ang iyong Ama.’[c]
34 Ipinangako na noon pa ng Dios na bubuhayin niya si Jesus, at ang kanyang katawan ay hindi mabubulok, dahil sinabi niya,
‘Ang mga ipinangako ko kay David ay tutuparin ko sa iyo.’[d]
35 At sinabi pa sa isa pang Salmo,
‘Hindi ka papayag na mabulok ang katawan ng iyong tapat na lingkod.’[e]
36 Hindi si David ang tinutukoy dito, dahil nang matapos ni David ang ipinapagawa sa kanya ng Dios na maglingkod sa kanyang henerasyon, namatay siya at inilibing sa tabi ng kanyang mga ninuno, at ang kanyang katawan ay nabulok. 37 Ngunit si Jesus na muling binuhay ng Dios ay hindi nabulok. 38-39 Kaya nga mga kapatid, dapat ninyong malaman na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinapahayag namin sa inyo ang balita na patatawarin tayo ng Dios sa ating mga kasalanan. Ang sinumang sumasampalataya kay Jesus ay itinuturing ng Dios na matuwid. Hindi ito magagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ni Moises. 40 Kaya mag-ingat kayo para hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta,
41 ‘Kayong mga nangungutya, mamamangha kayo sa aking gagawin.
Mamamatay kayo dahil mayroon akong gagawin sa inyong kapanahunan, na hindi ninyo paniniwalaan kahit na may magsabi pa sa inyo.’ ”[f]
42 Nang palabas na sina Pablo at Bernabe sa sambahan ng mga Judio, inimbitahan sila ng mga tao na muling magsalita tungkol sa mga bagay na ito sa susunod na Araw ng Pamamahinga. 43 Pagkatapos ng pagtitipon, maraming Judio at mga taong lumipat sa relihiyon ng mga Judio ang sumunod kina Pablo at Bernabe. Pinangaralan sila nina Pablo at Bernabe at pinayuhan na ipagpatuloy ang kanilang pagtitiwala sa biyaya ng Dios.
Bumaling si Pablo sa mga Hindi Judio
44 Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos lahat ng naninirahan sa Antioc ay nagtipon sa sambahan ng mga Judio para makinig sa salita ng Panginoon. 45 Nang makita ng mga pinuno ng mga Judio na maraming tao ang dumalo, nainggit sila. Sinalungat nila si Pablo at pinagsalitaan nang hindi maganda. 46 Pero buong tapang silang sinagot nina Pablo at Bernabe, “Dapat sanaʼy sa inyo munang mga Judio ipapangaral ang salita ng Dios. Ngunit dahil tinanggihan ninyo ito, nangangahulugan lang na hindi kayo karapat-dapat bigyan ng buhay na walang hanggan. Kaya mula ngayon, sa mga hindi Judio na kami mangangaral ng Magandang Balita. 47 Sapagkat ito ang utos ng Panginoon sa amin:
‘Ginawa kitang ilaw sa mga hindi Judio, upang sa pamamagitan mo ang kaligtasan ay makarating sa buong mundo.’ ”
48 Nang marinig iyon ng mga hindi Judio, natuwa sila at kanilang sinabi, “Kahanga-hanga ang salita ng Panginoon.” At ang lahat ng itinalaga para sa buhay na walang hanggan ay naging mananampalataya.
49 Kaya kumalat ang salita ng Panginoon sa lugar na iyon. 50 Pero sinulsulan ng mga pinuno ng mga Judio ang mga namumuno sa lungsod, pati na rin ang mga relihiyoso at mga kilalang babae, na kalabanin sina Pablo. Kaya inusig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lugar na iyon. 51 Ipinagpag nina Pablo at Bernabe ang alikabok sa kanilang mga paa bilang babala laban sa kanila. At tumuloy sila sa Iconium. 52 Ang mga tagasunod ni Jesus doon sa Antioc ay puspos ng Banal na Espiritu at masayang-masaya.
Mga Gawa 13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagsusugo kina Bernabe at Saulo
13 Sa iglesya sa Antioquia ay may mga propeta at mga guro. Kabilang dito sina Bernabe, si Simeon na tinatawag ding Negro, si Lucio na taga-Cirene, si Manaen na malapit kay Herodes, at si Saulo. 2 Habang sila'y sumasamba sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi sa kanila ng Banal na Espiritu, “Ibukod ninyo para sa akin sina Bernabe at Saulo. Tinawag ko sila para sa isang gawain.” 3 Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa dalawa at sila'y pinahayo.
Ang Pangangaral sa Cyprus
4 Dahil sila'y isinugo ng Banal na Espiritu, pumunta ang dalawa sa Seleucia at buhat doo'y naglayag patungong Cyprus. 5 Nang makarating sila sa Salamis, ipinangaral nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio. Kasama rin nila si Juan bilang katulong. 6 Nilakbay nila ang buong pulo hanggang sa Pafos. Nakatagpo nila roon ang isang Judiong salamangkero at huwad na propeta na ang pangalan ay Bar-Jesus. 7 Kasama siya ng gobernador na si Sergio Paulo na isang lalaking matalino. Ipinatawag ng gobernador sina Bernabe at Saulo sapagkat nais niyang mapakinggan ang salita ng Diyos. 8 Ngunit upang huwag sumampalataya ang gobernador, sinalungat sila ni Elimas na salamangkero, sapagkat iyon ang kahulugan ng kanyang pangalan. 9 Subalit tinitigan siya ni Saulo, na kilala rin bilang Pablo, na puspos ng Banal na Espiritu, 10 at pinagsabihang, “Ikaw! Anak ka ng diyablo! Kaaway ka ng lahat ng katuwiran! Punung-puno ka ng lahat ng pandaraya at panlilinlang! Kailan ka ba titigil sa pagbaluktot sa matutuwid na daan ng Panginoon? 11 Ngayo'y parurusahan ka ng kamay ng Panginoon. Mabubulag ka at hindi mo makikita ang liwanag sa loob ng maikling panahon.”
Noon di'y tinakpan ng maitim na ulap ang mga mata ni Elimas, at siya'y lumibot na humahanap ng aakay sa kanya. 12 Sumampalataya ang gobernador nang makita ang nangyari, sapagkat siya'y namangha sa turo tungkol sa Panginoon.
Sa Antioquia ng Pisidia
13 Mula sa Pafos, naglayag si Pablo at ang kanyang mga kasama hanggang sa Perga sa Pamfilia. Ngunit iniwan sila ni Juan at nagbalik sa Jerusalem. 14 Nagpatuloy sila mula sa Perga hanggang Antioquia ng Pisidia. Nang araw ng Sabbath, pumasok sila sa sinagoga at umupo. 15 Matapos ang pagbasa mula sa Kautusan at sa Mga Propeta, nagpasabi sa kanila ang mga tagapamahala ng sinagoga, “Mga kapatid, kung mayroon kayong salitang magpapalakas ng loob ng mga tao, sabihin ninyo.” 16 Kaya't tumindig si Pablo at matapos senyasan ang mga tao upang tumahimik, ay nagsabi,
“Mga Israelita, at kayong may takot sa Diyos, makinig kayo. 17 Ang (A) Diyos ng bayang ito ng Israel ang humirang sa ating mga ninuno, at sila'y ginawa niyang malaking bansa nang sila'y nakipamayan sa Ehipto. At sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan, sila'y inilabas doon. 18 (B) Sa loob ng apatnapung taon ay kanyang pinagtiisan sila sa ilang. 19 Nang (C) malipol na niya ang pitong bansa sa lupain ng Canaan ay ipinamana sa kanila ang lupain, 20 sa (D) loob ng halos apatnaraan at limampung taon. Pagkatapos, sila ay binigyan niya ng mga hukom hanggang sa panahon ni propeta Samuel. 21 (E) Matapos nito'y humingi sila ng hari at ibinigay sa kanila ng Diyos ang isang lalaki mula sa lipi ni Benjamin, si Saul na anak ni Kish. Siya'y naghari sa loob ng apatnapung taon. 22 (F) Matapos alisin ng Diyos si Saul, si David naman ang pinili ng Diyos upang maghari sa kanila. Nagpatotoo ang Diyos tungkol sa kanya, na nagsasabing, ‘Natagpuan kong si David na anak ni Jesse ay isang lalaking malapit sa aking puso. Gagawin niya ang aking buong kalooban.’ 23 Mula sa kanyang salinlahi'y ipinagkaloob ng Diyos sa Israel si Jesus na Tagapagligtas, gaya ng kanyang ipinangako. 24 Bago (G) pa siya dumating ay nangaral na si Juan ng bautismo ng pagsisisi sa buong bayan ng Israel. 25 At (H) samantalang tinatapos ni Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, ‘Sino ba ako sa inyong akala? Hindi ako ang Cristo. Ngunit masdan ninyo ang dumarating na kasunod ko. Hindi ako karapat-dapat kahit magkalag man lamang ng kanyang sandalyas.’
26 “Mga kapatid, mga anak ni Abraham, at sa inyong may takot sa Diyos, sa atin ipinadala ang salitang ito ng kaligtasan. 27 Sapagkat hindi nakilala ng mga mamamayan ng Jerusalem at ng kanilang mga pinuno si Jesus. Hindi rin nila nauunawaan na sa kanilang paghatol sa kanya'y tinupad nila ang mga pahayag ng mga propeta na kanilang binabasa tuwing Sabbath. 28 Bagama't (I) wala silang natagpuang sapat na dahilan upang siya'y ipapatay, hiningi pa rin nila kay Pilato na siya'y patayin. 29 Nang (J) matupad na nila ang lahat ng nasusulat tungkol sa kanya, siya'y kanilang ibinaba mula sa punongkahoy at inilibing. 30 Subalit siya'y ibinangon ng Diyos mula sa kamatayan. 31 At (K) sa loob ng maraming mga araw ay nagpakita siya sa mga sumama sa kanya mula sa Galilea hanggang sa Jerusalem. Sila ngayon ang kanyang mga saksi sa taong-bayan. 32 Kami ang nangangaral sa inyo ng Magandang Balita, na ang ipinangako ng Diyos sa ating mga ninuno, 33 ay (L) tinupad din niya sa atin na kanilang mga anak, nang kanyang muling buhayin si Jesus! Gaya ng nasusulat sa ikalawang awit,
‘Ikaw ay aking Anak,
sa araw na ito'y naging Ama mo ako.’
34 (M) Tungkol sa kanyang muling pagkabuhay at di pagkaagnas, ay ganito ang sinabi ng Diyos,
‘Ipagkakaloob ko sa inyo ang mga banal at maaasahang pangako kay David.’
35 Sinabi din niya sa iba pang bahagi, (N)
‘Hindi mo hahayaang dumanas ng pagkaagnas ang iyong Hinirang.’
36 Matapos maglingkod ni David ayon sa kalooban ng Diyos noong kanyang panahon, siya'y nahimlay at inilibing kasama ng kanyang mga ninuno. Dumanas siya ng pagkaagnas. 37 Subalit siya na muling binuhay ng Diyos ay hindi dumanas ng pagkaagnas. 38 Dahil dito'y dapat ninyong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinahahayag sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan; 39 at sa pamamagitan niya ang bawat sumasampalataya ay pinalalaya sa lahat ng bagay, pag-aaring ganap na hindi ninyo makakamit sa Kautusan ni Moises. 40 Kaya nga mag-ingat kayo, na huwag mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta:
41 ‘Tingnan (O) ninyo, mga mapanlibak!
Manggilalas kayo at mapahamak;
sapagkat isasagawa ko sa inyong panahon,
ang bagay na hindi ninyo mapaniniwalaan, kahit sabihin sa inyo ng sinuman.’ ”
42 Habang palabas na sina Pablo at Bernabe, nakiusap ang mga tao na muli nilang ituro ang mga salitang ito sa susunod na Sabbath. 43 Nang matapos ang pulong sa sinagoga, sumunod kina Pablo at Bernabe ang maraming Judio at mga nahikayat sa Judaismo. Hinikayat sila ng mga apostol na magpatuloy mamuhay ayon sa kagandahang-loob ng Diyos.
44 Nang sumunod na Sabbath ay nagtipon ang halos buong lungsod upang pakinggan ang salita ng Panginoon.[a] 45 Nang makita ng mga Judio ang napakaraming tao, napuno sila ng inggit, kaya sinalungat nila ang mga sinasabi ni Pablo at nilait siya. 46 Ngunit buong tapang na sinabi nina Pablo at Bernabe, “Sa inyo muna sana kailangang ipahayag ang salita ng Diyos. Ngunit dahil itinatakwil ninyo ito, hinahatulan ninyo ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan. Kaya't sa mga Hentil na kami pupunta. 47 Ganito (P) ang iniutos sa amin ng Panginoon,
‘Inilagay kitang isang ilaw sa mga Hentil,
upang ikaw ay maghayag ng kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig.’ ”
48 Nang marinig ito ng mga Hentil, nagalak sila at pinarangalan ang salita ng Panginoon; at sumampalataya ang lahat ng mga itinalaga para sa buhay na walang hanggan.
49 Kaya't lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain. 50 Subalit inudyukan ng mga Judio ang mga babaing relihiyosa at iginagalang sa lipunan, gayundin ang mga pangunahing lalaki sa lungsod. Nagsimula sila ng pag-uusig laban kina Pablo at Bernabe, at sila'y pinalayas nila sa kanilang lupain. 51 Kaya't (Q) ipinagpag ng dalawa ang alikabok sa kanilang mga paa bilang saksi laban sa tagaroon, at pagkatapos ay nagtungo sa Iconio. 52 At ang mga alagad ay napuspos ng kagalakan at ng Banal na Espiritu.
Footnotes
- Mga Gawa 13:44 Panginoon, sa ibang manuskrito Diyos.
Acts 13
New Catholic Bible
Antioch[a]
Paul’s First Missionary Journey[b]
Chapter 13
Barnabas and Paul Sent Out on Mission.[c] 1 In the Church at Antioch, there were prophets and teachers: Barnabas, Simeon who was called Niger, Lucius of Cyrene, Manaen who had been brought up with Herod the tetrarch, and Saul. 2 On one occasion, while they were worshiping the Lord and fasting, the Holy Spirit said, “Set Barnabas and Saul apart for me to do the work to which I have called them.” 3 Then, after completing their fasting and prayer, they laid their hands on them and sent them off.
4 Having been sent on their mission by the Holy Spirit, they went down to Seleucia,[d] and from there they set sail for Cyprus. 5 When they arrived in Salamis,[e] they proclaimed the word of God in the Jewish synagogues, while John served as their assistant.
At Cyprus Facing a Proconsul and a Magician.[f] 6 When they had traveled through the whole island as far as Paphos,[g] they encountered a magician named Bar-Jesus, who was a Jewish false prophet. 7 He was an attendant of the proconsul Sergius Paulus, a learned man who had summoned Barnabas and Saul because he wanted to hear the word of God. 8 However, the magician Elymas (for that is the translation of his name) opposed them in an attempt to prevent the proconsul’s conversion to the faith.
9 Then Saul, also known as Paul,[h] filled with the Holy Spirit, looked intently at Elymas 10 and said, “You offspring of the devil, you enemy of righteousness, filled with every kind of deceit and fraud, will you never cease to pervert the straight paths of the Lord? 11 Now take note of how the hand of the Lord will strike you. You will be blind, and for a period of time you will not be able to see the sun.” Immediately, he was enveloped in a dark mist, and he groped about for someone to lead him by the hand. 12 When the proconsul saw what had happened, he became a believer, having been deeply impressed by the teaching of the Lord.
13 Paul’s Arrival at Antioch in Pisidia.[i]Paul and his companions set sail from Paphos and arrived at Perga[j] in Pamphylia. There, John left them and returned to Jerusalem. 14 Then they went on from Perga and arrived at Antioch[k] in Pisidia.
On the Sabbath, they went into the synagogue and took their seats. 15 After the readings from the Law and the Prophets, the officials of the synagogue sent this message to them, “Brethren, if you have any words of exhortation to offer to the people, please do so.”
16 Paul’s Speech in the Synagogue. Then Paul stood up, motioned with his hand, and began to speak, saying, “Listen, men of Israel and you others who fear God![l] 17 The God of this people Israel chose our ancestors and made our people great while they were dwelling as foreigners in Egypt. With uplifted arm, he led them out, 18 and for about forty years he endured their conduct in the desert.
19 “After he had destroyed seven nations in the land of Canaan, he gave their land to his people as their inheritance 20 at the end of about four hundred and fifty years.[m] After that, he appointed judges for them until the time of the prophet Samuel.
21 “Then they asked for a king, and God gave them Saul, son of Kish, a man from the tribe of Benjamin. He reigned for forty years, 22 after which God removed him and raised up David as their king. In commending him, he said, ‘I have found David, the son of Jesse, to be a man after my own heart. He will carry out my every wish.’
23 “From this man’s descendants, God has fulfilled his promise by raising up for Israel a savior, Jesus. 24 Prior to his coming, John had already proclaimed a baptism of repentance to all the people of Israel. 25 And as John was nearing the end of his work, he said, ‘I am not the one you believe me to be. One is coming after me whose sandals I am not worthy to unfasten.’
26 “Brethren, children of the family of Abraham, and those others among you who fear God, we are the ones to whom this message of salvation has been sent. 27 The people of Jerusalem and their leaders failed to recognize Jesus or to understand the words of the Prophets that are read on every Sabbath, and they fulfilled those prophecies by condemning him. 28 Even though they found no basis to justify his execution, they asked Pilate to have him killed.
29 “When they had carried out everything that was written about him, they took him down from the tree and placed him in a tomb. 30 However, God raised him from the dead, 31 and over a period of many days he appeared to those who had come up with him from Galilee to Jerusalem. These are now his witnesses before the people.
32 “We have come here to proclaim to you the good news—what God promised to our ancestors 33 he has fulfilled for us, their children, by raising Jesus up as it is written in the second psalm:
‘You are my Son;
this day I have begotten you.’
34 “God raised him from the dead, never to be subjected to corruption. He declares it in these words, ‘To you I will give the blessings promised to David.’ 35 And he also says in another psalm, ‘You will not allow your Holy One to suffer corruption.’ 36 When David had served God’s purposes during his lifetime, he fell asleep, and he was buried with his ancestors, and he saw corruption. 37 However, the one whom God raised up did not see corruption. 38 “You must understand, brethren, that it is through him that forgiveness of sins is being proclaimed to you. 39 All those who believe are justified from all the things from which they could not be justified by the Law of Moses. 40 Beware, then, lest what the Prophets have foretold will happen to you:
41 ‘Look carefully, you scoffers!
Be amazed and perish!
For I am doing a work in your days
that you will never believe
even if someone tells you.’ ”
42 As they were leaving the synagogue, the people urged them to speak further on these subjects on the following Sabbath. 43 After the congregation had dispersed, many Jews and devout converts to Judaism followed Paul and Barnabas, who spoke to them and urged them to remain faithful to the grace of God.
44 Paul’s Speech to the Gentiles. On the next Sabbath, almost the entire city gathered to hear the word of the Lord. 45 When the Jews saw the crowds, they were filled with jealousy, and with blasphemy they contradicted whatever Paul said. 46 Then both Paul and Barnabas spoke out boldly, saying, “It was necessary that the word of God should be proclaimed to you first. However, since you have rejected it and judge yourselves to be unworthy of eternal life, we now turn to the Gentiles. 47 For so has the Lord commanded us to do, saying,
‘I have made you a light for the Gentiles
so that you may bring salvation
to the farthest corners of the earth.’ ”
48 When the Gentiles heard this, they were delighted, and they praised the word of the Lord. All those who were destined for eternal life became believers. 49 Thus, the word of the Lord continued to spread throughout the entire region.
50 However, the Jews incited the devout women of the upper classes and the leading men of the city. As a result, a campaign of persecution was stirred up against Paul and Barnabas, and they were driven out of the territory. 51 And so they shook the dust from their feet in protest against them and went to Iconium.[n] 52 And the disciples were filled with joy and with the Holy Spirit.
Footnotes
- Acts 13:1 Under the impulse of the Spirit and the call of events, the community of Jerusalem finds the main points of its internal fire; it has broken out of the Jewish world to spread the Gospel into the Gentile world. New communities have been founded in which the Spirit stirs up the same internal fire and strong missionary initiative. The cycle of Jerusalem ends with the establishment of the Church at Antioch (Acts 11:19-26). In the second cycle in Acts, this young Church is the point of departure and return for all the stories, replacing Jerusalem as the center for the spread of the Gospel. Henceforth, the action takes place outside of Palestine; the Church now exists independently of the temple and of Jewish life in the Holy Land.
According to the historians of the period, Antioch, a main communications center of the Mediterranean world, was a “hotbed of falsehood.” Two missionary journeys take off from it: the first to Asia Minor (Acts 13:1—14:28), the second as far as Greece (Acts 15:36—18:23). We shall witness the encounter with quite different environments, from Oriental magic to Greek philosophy.
Paul will soon take the initiative in this missionary activity by means of the first two voyages ordinarily called missionary journeys of the Apostle. The Council of Jerusalem is called upon to officially resolve the problem in the community between converts from the Gentiles and converts from Judaism. - Acts 13:1 A missionary undertaking begins that will reach into the heart of Asia Minor. The story dwells at length on the outward journey; the return is told in a few verses, but makes clear that in the interim some Churches have been born that have their own life and personality. The Gospel will be addressed first of all to Jews and then directly to the Gentiles. Is Christianity a complete novelty or Judaism with a new face?
- Acts 13:1 Events suggest the vitality of the community of Antioch, whose importance is also underlined by the list of people available. Paul and Barnabas are chosen to go on mission. The laying on of hands by the community here is not a communication of powers (as in Acts 6:6) but a confirmation of the inspiration of the Spirit.
- Acts 13:4 Seleucia: this was Antioch’s seaport, 16 miles to the west. Cyprus: the Gospel had already been preached there (see Acts 11:19f).
- Acts 13:5 Salamis: a town on the east coast of Cyprus.
- Acts 13:6 The problem preoccupying some spiritual authorities once again comes to the fore: What is Christianity’s relation to magic? Luke once again dissociates the Church from the magical arts practiced at the time (see Acts 8:18-24).
- Acts 13:6 Paphos: a town 100 miles west of Salamis.
- Acts 13:9 Known as Paul: Saul drops his Hebrew name and uses his Roman name, Paul, to show that he has entered fully into his mission to the world of the “nations.” Henceforth, he will also be mentioned before Barnabas, his companion in missionary activity.
- Acts 13:13 Christianity came into being within Judaism and brought the history of Israel to its conclusion. Therefore, the proclamation of the word must follow that same order: it is to be addressed first to the Jews, then to the Gentiles (see Acts 11:19-20). Only at the end of Acts will the mission be aimed directly at the Gentiles without first passing through the synagogue (see Acts 28:28). This sermon of Paul is delivered to Jews and follows the pattern of early Christian preaching that has already characterized the discourses of Peter.
- Acts 13:13 Perga: the capital of Pamphylia, which was a province of Asia Minor, 80 miles long and 20 miles wide, between the provinces of Lycia and Cilicia on the southern coast of Asia Minor.
- Acts 13:14 Antioch: a city 110 miles from Perga strategically situated for commerce, which was a Roman colony and had a large Jewish population. Pisidia: a district north of Pamphylia that was 120 miles long and 50 miles wide.
- Acts 13:16 Others who fear God: Gentiles who accept the beliefs and moral principles of Judaism without becoming members of the Jewish people by circumcision.
- Acts 13:20 Four hundred and fifty years: this could also refer to the period of the Judges until the time of the prophet Samuel.
- Acts 13:51 Iconium: an important crossroads and center of agriculture in the province of Galatia.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.

