Galacia 4
Ang Dating Biblia (1905)
4 Nguni't sinasabi ko na samantalang ang tagapagmana ay bata, ay walang pagkakaibang anoman sa alipin bagama't siya'y panginoon ng lahat;
2 Datapuwa't nasa ilalim ng mga tagapagampon at ng mga tagapangasiwa hanggang sa panahong itinakda ng ama.
3 Gayon din naman tayo, nang tayo'y mga bata pa, tayo'y nasasakop ng pagkaalipin sa ilalim ng mga pasimulang aral ng sanglibutan.
4 Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan,
5 Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak.
6 At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.
7 Ano pa't hindi ka na alipin, kundi anak; at kung anak, ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios.
8 Gayon man nang panahong yaon, sa hindi ninyo pagkakilala sa Dios, kayo'y nasa pagkaalipin ng sa katutubo ay hindi mga dios:
9 Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, bakit muling nangagbabalik kayo doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral, na sa mga yao'y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin?
10 Ipinangingilin ninyo ang mga araw, at mga buwan, at mga panahon, at mga taon.
11 Ako'y natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan.
12 Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na kayo'y mangagsitulad sa akin, sapagka't ako'y katulad din ninyo. Wala kayong ginawa sa aking anomang kasamaan.
13 Datapuwa't nalalaman ninyo na dahil sa sakit ng laman, ay ipinangaral ko sa inyo ang evangelio nang pasimula:
14 At yaong sa inyo'y isang tukso sa aking laman ay hindi ninyo inalipusta, ni itinakuwil man; kundi ako'y tinanggap ninyong tulad sa isang anghel ng Dios, tulad kay Cristo Jesus.
15 Saan nga naroon yaong inyong kapalaran? sapagka't pinatototohanan ko sa inyo, na, kung mangyayari, ay inyong dinukit sana ang inyong mga mata at ibinigay sa akin.
16 Kaya nga ako baga'y naging kaaway ninyo, sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan?
17 May nangagmamalasakit sa inyo sa hindi mabuting akala; subali't, ang ibig nila ay ihiwalay kayo, upang ipagmalasakit ninyo sila.
18 Datapuwa't mabuti ang ipagmalasakit sa mabuting bagay sa lahat ng panahon, at hindi lamang samantalang ako'y kaharap ninyo.
19 Maliliit kong mga anak, na muli kong ipinagdaramdam sa panganganak hanggang si Cristo ay mabadha sa inyo.
20 Datapuwa't, ibig kong makaharap ninyo ako ngayon, at baguhin ang aking tinig; sapagka't ako'y nagaalinlangan tungkol sa inyo.
21 Sabihin ninyo sa akin, kayong nagsisipagnasang mapasa ilalim ng kautusan, hindi baga ninyo naririnig ang kautusan?
22 Sapagka't nasusulat, na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak, ang isa'y sa aliping babae, at ang isa'y sa babaing malaya.
23 Gayon man ang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa laman; nguni't ang anak sa babaing malaya ay sa pamamagitan ng pangako.
24 Ang mga bagay na ito'y may lamang talinghaga: sapagka't ang mga babaing ito'y dalawang tipan; ang isa'y mula sa bundok ng Sinai, na nanganganak ng mga anak sa pagkaalipin, na ito'y si Agar.
25 Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa Arabia, at ito'y katulad ng Jerusalem ngayon: sapagka't ito'y nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.
26 Nguni't ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ina natin.
27 Sapagka't nasusulat, Magsaya ka, Oh baog na hindi nanganganak; Magbiglang umawit at humiyaw ka, ikaw na hindi nagdaramdam sa panganganak: Sapagka't higit pa ang mga anak ng pinabayaan kay sa mga anak ng may asawa.
28 At tayo, mga kapatid, tulad ni Isaac, ay mga anak sa pangako.
29 Datapuwa't kung papaanong yaong ipinanganak ayon sa laman ay nagusig sa ipinanganak ayon sa espiritu, ay gayon din naman ngayon.
30 Gayon man ano ang sinasabi ng kasulatan? Palayasin ang aliping babae at ang kaniyang anak: sapagka't hindi magmamana ang anak ng babaing alipin na kasama ng anak ng babaing malaya.
31 Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo mga anak ng babaing alipin, kundi ng babaing malaya.
Galacia 4
Ang Biblia (1978)
4 Nguni't sinasabi ko na samantalang (A)ang tagapagmana ay bata, ay walang pagkakaibang anoman sa alipin bagama't siya'y panginoon ng lahat;
2 Datapuwa't nasa ilalim ng mga tagapagampon at ng mga tagapangasiwa hanggang sa panahong itinakda ng ama.
3 Gayon din naman tayo, nang tayo'y mga bata pa, (B)tayo'y nasasakop ng pagkaalipin sa ilalim ng mga pasimulang aral ng sanglibutan.
4 Datapuwa't (C)nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, (D)na ipinanganak ng isang babae, na (E)ipinanganak sa ilalim ng kautusan,
5 (F)Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan, (G)upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak.
6 At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.
7 Ano pa't hindi ka na alipin, kundi anak; (H)at kung anak, ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios.
8 Gayon man nang panahong yaon, sa hindi ninyo pagkakilala sa Dios, kayo'y nasa pagkaalipin (I)ng sa katutubo ay hindi mga dios:
9 Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, bakit muling nangagbabalik kayo (J)doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral, na sa mga yao'y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin?
10 Ipinangingilin ninyo ang mga araw, (K)at mga buwan, at mga panahon, at mga taon.
11 Ako'y natatakot tungkol sa inyo, (L)baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan.
12 Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na kayo'y mangagsitulad sa akin, sapagka't ako'y katulad din ninyo. Wala kayong ginawa sa aking anomang kasamaan.
13 Datapuwa't nalalaman ninyo na (M)dahil sa sakit ng laman, ay ipinangaral ko sa inyo ang evangelio (N)nang pasimula:
14 At yaong sa inyo'y isang tukso sa aking laman ay hindi ninyo inalipusta, ni itinakuwil man; kundi ako'y tinanggap ninyong tulad sa isang anghel ng Dios, (O)tulad kay Cristo Jesus.
15 Saan nga naroon yaong inyong kapalaran? sapagka't pinatototohanan ko sa inyo, na, kung mangyayari, ay inyong dinukit sana ang inyong mga mata at ibinigay sa akin.
16 Kaya nga ako baga'y naging kaaway ninyo, sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan?
17 May (P)nangagmamalasakit sa inyo sa hindi mabuting akala; subali't, ang ibig nila ay ihiwalay kayo, upang ipagmalasakit ninyo sila.
18 Datapuwa't mabuti ang ipagmalasakit sa mabuting bagay sa lahat ng panahon, at hindi lamang samantalang ako'y kaharap ninyo.
19 Maliliit kong mga anak, (Q)na muli kong ipinagdaramdam sa panganganak hanggang si Cristo ay mabadha (R)sa inyo—
20 Datapuwa't, ibig kong makaharap ninyo ako ngayon, at baguhin ang aking tinig; sapagka't ako'y nagaalinlangan tungkol sa inyo.
21 Sabihin ninyo sa akin, kayong nagsisipagnasang mapasa ilalim ng kautusan, hindi baga ninyo naririnig ang kautusan?
22 Sapagka't nasusulat, na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak, (S)ang isa'y sa aliping babae, at (T)ang isa'y sa babaing malaya.
23 Gayon man (U)ang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa laman; nguni't (V)ang anak sa babaing malaya ay sa pamamagitan ng pangako.
24 Ang mga bagay na ito'y may lamang talinghaga: sapagka't ang mga babaing ito'y dalawang tipan; ang isa'y mula sa bundok ng Sinai, na nanganganak ng mga (W)anak sa pagkaalipin, na ito'y si Agar.
25 Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa (X)Arabia, at ito'y katulad ng Jerusalem ngayon: sapagka't ito'y nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.
26 Nguni't ang (Y)Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ina natin.
27 Sapagka't nasusulat,
(Z)Magsaya ka, Oh baog na hindi nanganganak;
Magbiglang umawit at humiyaw ka, ikaw na hindi nagdaramdam sa panganganak:
Sapagka't higit pa ang mga anak ng pinabayaan kay sa mga anak ng may asawa.
28 At tayo, mga kapatid, tulad ni Isaac, ay (AA)mga anak sa pangako.
29 Datapuwa't kung papaanong yaong (AB)ipinanganak ayon sa laman ay nagusig sa ipinanganak ayon sa espiritu, ay gayon din naman ngayon.
30 Gayon man ano ang sinasabi ng kasulatan? (AC)Palayasin ang aliping babae at ang kaniyang anak: sapagka't hindi magmamana ang anak ng babaing alipin na kasama ng anak ng babaing malaya.
31 Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo mga anak ng babaing alipin, kundi ng babaing malaya.
Galacia 4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Ito ang ibig kong sabihin: habang bata pa ang tagapagmana ay wala siyang pagkakaiba sa isang alipin kahit na siya ang may-ari ng lahat. 2 Sa halip ay nasa ilalim siya ng mga tagapangalaga at mga katiwala hanggang dumating ang panahong itinakda ng kanyang ama. 3 Ganoon din tayo. Noong tayo'y mga bata pa, inalipin din tayo ng mga espiritung naghahari sa sanlibutan. 4 Ngunit nang sumapit ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae, at namuhay sa ilalim ng Kautusan, 5 upang (A) palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan, nang sa gayo'y matanggap natin ang karapatang maging mga anak ng Diyos. 6 Sapagkat kayo ngayon ay mga anak na ng Diyos, isinugo niya ang Espiritu ng kanyang Anak, ang Espiritung sumisigaw sa ating[a] mga puso, “Ama,[b] aking Ama!” 7 Kaya't hindi ka na alipin kundi anak. At dahil ikaw ay anak, ikaw ay ginawa na ring tagapagmana sa pamamagitan ng Diyos.
Pinagsabihan ni Pablo ang mga Taga-Galacia
8 Kayo'y alipin ng mga diyus-diyosan noong hindi pa ninyo kilala ang Diyos. 9 Subalit ngayong nakikilala na ninyo ang Diyos, o mas tamang sabihing, kilala na kayo ng Diyos, bakit kayo bumabalik na naman sa mahihina at hamak na mga espiritung iyan? Bakit ibig ninyong muling maalipin ng mga iyon? 10 Nangingilin kayo ng mga araw, mga buwan, mga panahon, at mga taon! 11 Nangangamba akong ang mga pagpapagal ko para sa inyo'y mawalan ng kabuluhan.
12 Nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, gayahin ninyo ako, sapagkat ako nama'y gaya rin ninyo noon. Wala kayong ginawang masama sa akin. 13 Alam naman ninyong kaya ako nakapangaral ng ebanghelyo sa inyo ay dahil nagkaroon ako ng karamdaman. 14 At kahit na ako'y naging malaking pasanin sa inyo dahil sa aking karamdaman, hindi pa rin ninyo ako hinamak o tinanggihan. Sa halip, tinanggap ninyo ako na parang isang anghel ng Diyos, at para pa ngang si Cristo Jesus! 15 Nasaan na ang kagalakang iyon ngayon?[c] Ano na ang nangyari? Ako mismo ang makapagpapatotoo na kung maaari lang ay dudukutin ninyo noon ang inyong mga mata maibigay lang ito sa akin. 16 Naging kaaway ba ninyo ako ngayon dahil sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan? 17 Masigasig ang mga taong iyan upang mahikayat kayo, subalit hindi mabuti ang kanilang layunin. Ang naisin nila ay ang ilayo kayo sa akin, upang kayo'y sa kanila maging masigasig. 18 Mabuti naman ang maging laging masigasig, basta para sa mabuting layunin. Gawin ninyo lagi ito at hindi lamang kapag kaharap ninyo ako! 19 Minamahal kong mga anak! Para sa inyo'y muli akong dumaranas ng hirap gaya ng isang babaing nanganganak, hanggang hindi nabubuo sa inyo ang pagkatao ni Cristo. 20 Sana'y kasama ko kayo ngayon upang maiba ko ang tono ng aking pagsasalita. Labis akong nag-aalala para sa inyo!
Paghahambing kina Hagar at Sarah
21 Sabihin ninyo sa akin, kayong nagnanais pailalim sa Kautusan: hindi ba ninyo naririnig ang sinasabi ng Kautusan? 22 Sapagkat (B) nasusulat doon na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki, isa sa aliping babae, at isa sa babaing malaya. 23 Ang anak niya sa alipin ay ipinanganak sa karaniwang paraan,[d] ngunit ang anak niya sa babaing malaya ay isinilang bilang katuparan ng pangako ng Diyos. 24 Ito'y isang paghahambing: Ang mga babaing ito'y larawan ng dalawang tipan. Ang isa ay ang tipan na nagmula sa bundok ng Sinai na inilalarawan ni Hagar na nagsilang ng mga anak para sa pagkaalipin. 25 Ngayon, si Hagar ay kumakatawan sa bundok ng Sinai sa Arabia, at larawan ng kasalukuyang Jerusalem na nasa pagkaalipin, kasama ng kanyang mga mamamayan. 26 Ngunit ang Jerusalem na nasa langit ay malaya, at siya ang ating ina. 27 Sapagkat (C) nasusulat,
“Magalak ka, O babaing baog, ikaw na hindi magkaanak;
umawit ka at humiyaw sa galak, ikaw na ang sakit sa panganganak ay hindi man lang dinanas;
sapagkat ang mga babaing pinabayaan ay higit na marami ang supling
kaysa supling ng mga babaing may asawang kapiling.”
28 At tulad ni Isaac, kayo, mga kapatid, ay mga anak ayon sa pangako. 29 Kung paanong inusig noon (D) ng ipinanganak sa karaniwang paraan ang ipinanganak ayon sa Espiritu, ganoon din naman ngayon. 30 Subalit (E) ano ang sinasabi ng kasulatan? “Palayasin mo ang babaing alipin at ang kanyang anak, sapagkat hindi magmamanang magkasama ang anak ng babaing alipin at ang anak ng babaing malaya.” 31 Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo mga supling ng babaing alipin, kundi ng babaing malaya.
Footnotes
- Galacia 4:6 Sa ibang mga kasulatan ay inyong.
- Galacia 4:6 Sa orihinal ay ABBA: hango sa salitang Aramaico na ang kahulugan ay Ama.
- Galacia 4:15 o pagiging mapalad.
- Galacia 4:23 Sa Griyego, ayon sa laman.
加拉太书 4
Chinese New Version (Traditional)
4 我說,那承受產業的,雖然是全部產業的主人,但在孩童的時期,卻和奴僕沒有分別。 2 他是在監護人和管家之下,直到父親預先指定的時候。 3 我們也是這樣,作孩童的時候,被世俗的言論所奴役; 4 但到了時機成熟, 神就差遣他的兒子,由女人所生,而且生在律法之下, 5 要把律法之下的人救贖出來,好讓我們得著嗣子的名分。 6 你們既然是兒子, 神就差遣他兒子的靈進入我們心裡,呼叫“阿爸、父!” 7 這樣,你不再是奴僕,而是兒子;既然是兒子,就靠著 神承受產業了。
保羅為加拉太信徒擔憂
8 從前你們不認識 神的時候,是給那些本來不是 神的作奴僕; 9 現在你們既然認識 神,更可以說是 神所認識的,怎麼還回到那些軟弱貧乏的言論,情願再作它們的奴僕呢? 10 你們嚴守日子、月份、節期、年份; 11 我為你們擔心,恐怕我在你們身上的勞苦是白費了。
12 弟兄們,我請求你們要像我一樣,因為我也像你們一樣。你們並沒有虧負過我。 13 你們知道,我第一次傳福音給你們,是因為身體有病。 14 雖然我的身體對你們是個試煉,你們卻沒有輕看,也沒有厭棄,反而接納我,好像 神的天使,也好像基督耶穌。 15 現在,你們的歡樂在哪裡呢?我可以為你們作證,那時如果可能,你們甚至願意把你們的眼睛剜出來給我哩! 16 現在我把真理告訴你們,反而成了你們的仇敵嗎? 17 那些人熱心待你們,並不是出於好意,而是想你們和我疏遠,好使你們熱心待他們。 18 常常在善事上熱心,總是好的;只是不要我在你們那裡的時候才是這樣。 19 我的孩子們,為了你們我再受生產的痛苦,直到基督在你們裡面成形。 20 我恨不得現今就在你們那裡,改變我的語氣,因為我為你們十分困擾。
兩個婦人的寓意
21 你們這願意在律法之下的人哪!請告訴我,你們沒有聽過律法嗎? 22 經上記著說,亞伯拉罕有兩個兒子,一個出於婢女,一個出於自由的婦人。 23 但那出於婢女的,是按著肉體生的;那出於自由的婦人的,是憑著應許生的。 24 這都是寓意的說法:那兩個婦人就是兩個約,一個是出於西奈山,生子作奴僕,這是夏甲。 25 這夏甲是指著阿拉伯的西奈山,相當於現在的耶路撒冷,她和她的兒女都是作奴僕的。 26 那在上面的耶路撒冷是自由的,她是我們的母親, 27 因為經上記著說:
“不能生育、沒有生養的啊,你要歡欣!
沒有受過生產痛苦的啊,你要呼喊,大聲呼叫!
因為棄婦比有夫之婦有更多兒子。”
28 可是,弟兄們,你們是按著應許作兒女的,好像以撒一樣。 29 不過,當時那按著肉體生的,迫害那按著聖靈生的,現在也是這樣。 30 然而經上怎樣說呢?“把婢女和她的兒子趕出去,因為婢女的兒子,絕對不可以和自由的婦人的兒子一同承受產業。” 31 所以,弟兄們,我們不是婢女的兒女,而是自由的婦人的兒女了。
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.

