Add parallel Print Page Options

Ang hula laban sa Egipto.

29 Nang ikasangpung taon, nang ikasangpung buwan, nang ikalabing dalawang araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha laban kay Faraon na hari sa Egipto, at manghula ka laban sa kaniya, at (A)laban sa buong Egipto;

Iyong salitain, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y lalaban sa iyo, Faraong hari sa Egipto, na malaking (B)buwaya na nahihiga sa gitna ng kaniyang mga ilog, na nagsabi: Ang ilog ko ay aking sarili, at aking ginawa sa ganang aking sarili.

At (C)kakawitan kita ng mga pangbingwit sa iyong mga panga, at aking padidikitin ang isda ng iyong mga ilog sa iyong mga kaliskis; at isasampa kita mula sa gitna ng iyong mga ilog, na kasama ng lahat na isda ng iyong mga ilog na magsisidikit sa iyong mga kaliskis.

At ikaw ay aking iiwan tapon sa ilang, ikaw at ang lahat na isda ng iyong mga ilog: ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang; (D)ikaw ay hindi pipisanin, o pupulutin man; aking ibinigay kang pagkain sa mga hayop sa lupa, at sa mga ibon sa himpapawid.

At lahat ng nananahan sa Egipto ay makakaalam na ako ang Panginoon, sapagka't sila'y naging (E)tukod na tambo sa sangbahayan ni Israel.

Nang kanilang pigilan (F)ka sa iyong kamay, iyong binali, at iyong nilabnot ang kanilang mga balikat; at nang sila'y sumandal sa iyo, iyong binalian, at iyong pinapanghina ang kanilang mga balakang.

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, pagdadalhan kita ng tabak sa iyo, at aking ihihiwalay sa iyo ang tao at hayop.

At ang lupain ng Egipto ay magiging giba at sira; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. Sapagka't kaniyang sinabi, Ang ilog ay akin, at aking ginawa;

10 Kaya't, narito, ako'y laban sa iyo, at laban sa iyong mga ilog, (G)at aking lubos na gigibain at sisirain ang lupain ng Egipto, (H)mula sa moog ng Seveneh hanggang sa hangganan ng Etiopia.

11 Walang paa ng tao na daraan doon, o paa man ng hayop ay daraan doon, o tatahanan man siyang apat na pung taon.

12 At aking gagawing sira ang lupain (I)ng Egipto sa gitna ng mga lupain na sira; at ang kaniyang mga bayan sa gitna ng mga bayang giba ay magiging sira na apat na pung taon; (J)at aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at aking pananabugin sila sa mga lupain.

13 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa katapusan (K)ng apat na pung taon ay aking pipisanin ang mga taga Egipto, mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan;

14 At aking ibabalik uli ang mga bihag sa Egipto, at aking pababalikin sila sa lupain ng (L)Patros, na lupain na kinapanganakan sa kanila; at sila'y magiging doo'y isang mababang kaharian.

15 Siyang magiging pinakamababa sa mga kaharian; at hindi na matataas pa man ng higit kay sa mga bansa: at aking babawasan sila, upang huwag na silang magpuno sa mga bansa.

16 At hindi na magiging (M)pagasa pa ng sangbahayan ni Israel, na nagpapaalaala ng kasamaan, pagka kanilang lilingunin sila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios.

17 At nangyari, nang ikadalawang pu't pitong taon, nang unang buwan, nang unang araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi:

18 Anak ng tao, (N)pinapaglilingkod ng mabigat ni (O)Nabucodonosor na hari sa Babilonia ang kaniyang kawal laban sa Tiro: lahat ng ulo ay nakalbo, at lahat ng balikat ay nalabnot; gayon ma'y wala siyang kaupahan, o ang kaniyang hukbo man, mula sa Tiro, sa paglilingkod na kaniyang ipinaglingkod laban doon.

19 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, (P)aking ibibigay ang lupain ng Egipto kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at dadalhin niya ang kaniyang karamihan, at kukunin ang samsam sa kaniya, at kukunin ang huli sa kaniya; at magiging kaupahan para sa kaniyang hukbo.

20 Ibinigay ko sa kaniya ang lupain ng Egipto na pinakaganti sa kaniya dahil sa kaniyang ipinaglingkod, sapagka't sila'y nagsipagpagal ng dahil sa akin, sabi ng Panginoong Dios.

21 Sa araw na yao'y (Q)aking palilitawin ang isang sungay upang tumulong sa sangbahayan ni Israel, at aking papangyayarihin ang (R)iyong salita sa gitna nila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

Ang Pahayag Laban sa Ehipto

29 Nang(A) ikalabindalawang araw ng ikasampung buwan ng ikasampung taon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,

“Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha laban kay Faraon na hari ng Ehipto, at magsalita ka ng propesiya laban sa kanya, at laban sa buong Ehipto.

Magsalita ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:

“Narito, ako'y laban sa iyo,
    Faraong hari ng Ehipto,
ang malaking dragon na nakahiga sa
    gitna ng kanyang mga ilog,
na nagsasabi, ‘Ang Nilo ko ay aking sarili,
    at ako ang gumawa nito!’
Maglalagay ako ng mga pangbingwit sa iyong mga panga,
    at aking padidikitin ang isda ng iyong mga ilog sa iyong mga kaliskis;
at iaahon kita mula sa gitna ng iyong mga ilog,
    na kasama ng lahat ng isda ng iyong mga ilog
    na dumidikit sa iyong mga kaliskis.
At ikaw ay aking itatapon sa ilang,
    ikaw at ang lahat ng isda sa iyong mga ilog;
ikaw ay mabubuwal sa parang;
    at hindi titipunin, at ililibing.
Ibinigay kita bilang pagkain sa mga hayop sa lupa,
    at sa mga ibon sa himpapawid.

“At(B) malalaman ng lahat ng naninirahan sa Ehipto na ako ang Panginoon. Sapagkat sila'y naging tukod na tambo sa sambahayan ni Israel;

nang kanilang hawakan ka sa iyong kamay, iyong binali at winasak ang kanilang mga balikat. Nang sila'y sumandal sa iyo, iyong binalian at pinanginig ang lahat nilang mga balakang.

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Narito, dadalhan kita ng tabak, at aking ihihiwalay sa iyo ang tao at hayop.

Ang lupain ng Ehipto ay magiging giba at sira; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. “Sapagkat iyong[a] sinabi, ‘Ang Nilo ay akin, at ako ang gumawa nito;’

10 kaya't narito, ako'y laban sa iyo at sa iyong mga sapa, at aking lubos na gigibain at sisirain ang lupain ng Ehipto, mula sa Migdol hanggang Syene, hanggang sa hangganan ng Etiopia.

11 Walang paa ng tao na daraan doon, o paa man ng hayop na daraan doon. Ito'y hindi tatahanan sa loob ng apatnapung taon.

12 Aking gagawing wasak ang lupain ng Ehipto sa gitna ng mga lupaing wasak; at ang kanyang mga lunsod sa gitna ng mga bansang giba ay magiging sira sa loob ng apatnapung taon. Aking pangangalatin ang mga Ehipcio sa gitna ng mga bansa, at aking pagwawatak-watakin sila sa mga lupain.

13 “Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sa katapusan ng apatnapung taon ay aking titipunin ang mga Ehipcio mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan;

14 at aking ibabalik uli ang kapalaran ng Ehipto, at aking ibabalik sila sa lupain ng Patros, sa lupain na kanilang pinagmulan; at sila doo'y magiging isang mababang kaharian.

15 Siya'y magiging pinakamababa sa mga kaharian; at hindi na muling matataas pa nang higit kaysa mga bansa. At gagawin ko silang napakaliit na anupa't hindi na sila mamumuno sa mga bansa.

16 At ito ay hindi na muling aasahan pa ng sambahayan ni Israel, na nagpapaalala ng kanilang kasamaan, nang sila'y humingi sa kanila ng tulong. At kanilang malalaman na ako ang Panginoong Diyos.”

Masasakop ang Ehipto

17 Nang unang araw ng unang buwan ng ikadalawampu't pitong taon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,

18 “Anak ng tao, pinapagtrabaho nang mabigat ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia ang kanyang kawal laban sa Tiro. Bawat ulo ay kinalbo, at lahat ng balikat ay napaltos; gayunma'y wala siyang nakuhang anuman o ang kanyang hukbo man mula sa Tiro upang ipambayad sa paglilingkod na kanyang ipinaglingkod laban doon.

19 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Narito, aking ibibigay ang lupain ng Ehipto kay Nebukadnezar na hari ng Babilonia, at dadalhin niya ang kanyang kayamanan. Kanyang sasamsaman ito at iyon ang magiging upa para sa kanyang hukbo.

20 Ibinigay ko sa kanya ang lupain ng Ehipto bilang ganti sa kanya dahil sa kanyang ipinaglingkod, sapagkat sila'y gumawa para sa akin, sabi ng Panginoong Diyos.

21 “Sa araw na iyon, aking palilitawin ang isang sungay upang umusli sa sambahayan ni Israel, at aking bubuksan ang iyong mga labi sa gitna nila. Kanilang malalaman na ako ang Panginoon.”

Footnotes

  1. Ezekiel 29:9 Sa Hebreo ay kanyang .
'Ezekiel 29 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

29 Nang ikasangpung taon, nang ikasangpung buwan, nang ikalabing dalawang araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha laban kay Faraon na hari sa Egipto, at manghula ka laban sa kaniya, at laban sa buong Egipto;

Iyong salitain, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y lalaban sa iyo, Faraong hari sa Egipto, na malaking buwaya na nahihiga sa gitna ng kaniyang mga ilog, na nagsabi: Ang ilog ko ay aking sarili, at aking ginawa sa ganang aking sarili.

At kakawitan kita ng mga pangbingwit sa iyong mga panga, at aking padidikitin ang isda ng iyong mga ilog sa iyong mga kaliskis; at isasampa kita mula sa gitna ng iyong mga ilog, na kasama ng lahat na isda ng iyong mga ilog na magsisidikit sa iyong mga kaliskis.

At ikaw ay aking iiwan tapon sa ilang, ikaw at ang lahat na isda ng iyong mga ilog: ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang; ikaw ay hindi pipisanin, o pupulutin man; aking ibinigay kang pagkain sa mga hayop sa lupa, at sa mga ibon sa himpapawid.

At lahat ng nananahan sa Egipto ay makakaalam na ako ang Panginoon, sapagka't sila'y naging tukod na tambo sa sangbahayan ni Israel.

Nang kanilang pigilan ka sa iyong kamay, iyong binali, at iyong nilabnot ang kanilang mga balikat; at nang sila'y sumandal sa iyo, iyong binalian, at iyong pinapanghina ang kanilang mga balakang.

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, pagdadalhan kita ng tabak sa iyo, at aking ihihiwalay sa iyo ang tao at hayop.

At ang lupain ng Egipto ay magiging giba at sira; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. Sapagka't kaniyang sinabi, Ang ilog ay akin, at aking ginawa;

10 Kaya't, narito, ako'y laban sa iyo, at laban sa iyong mga ilog, at aking lubos na gigibain at sisirain ang lupain ng Egipto, mula sa moog ng Seveneh hanggang sa hangganan ng Etiopia.

11 Walang paa ng tao na daraan doon, o paa man ng hayop ay daraan doon, o tatahanan man siyang apat na pung taon.

12 At aking gagawing sira ang lupain ng Egipto sa gitna ng mga lupain na sira; at ang kaniyang mga bayan sa gitna ng mga bayang giba ay magiging sira na apat na pung taon; at aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at aking pananabugin sila sa mga lupain.

13 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa katapusan ng apat na pung taon ay aking pipisanin ang mga taga Egipto, mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan;

14 At aking ibabalik uli ang mga bihag sa Egipto, at aking pababalikin sila sa lupain ng Patros, na lupain na kinapanganakan sa kanila; at sila'y magiging doo'y isang mababang kaharian.

15 Siyang magiging pinakamababa sa mga kaharian; at hindi na matataas pa man ng higit kay sa mga bansa: at aking babawasan sila, upang huwag na silang magpuno sa mga bansa.

16 At hindi na magiging pagasa pa ng sangbahayan ni Israel, na nagpapaalaala ng kasamaan, pagka kanilang lilingunin sila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios.

17 At nangyari, nang ikadalawang pu't pitong taon, nang unang buwan, nang unang araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi:

18 Anak ng tao, pinapaglilingkod ng mabigat ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia ang kaniyang kawal laban sa Tiro: lahat ng ulo ay nakalbo, at lahat ng balikat ay nalabnot; gayon ma'y wala siyang kaupahan, o ang kaniyang hukbo man, mula sa Tiro, sa paglilingkod na kaniyang ipinaglingkod laban doon.

19 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking ibibigay ang lupain ng Egipto kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at dadalhin niya ang kaniyang karamihan, at kukunin ang samsam sa kaniya, at kukunin ang huli sa kaniya; at magiging kaupahan para sa kaniyang hukbo.

20 Ibinigay ko sa kaniya ang lupain ng Egipto na pinakaganti sa kaniya dahil sa kaniyang ipinaglingkod, sapagka't sila'y nagsipagpagal ng dahil sa akin, sabi ng Panginoong Dios.

21 Sa araw na yao'y aking palilitawin ang isang sungay upang tumulong sa sangbahayan ni Israel, at aking papangyayarihin ang iyong salita sa gitna nila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.