Ezekiel 30:2-3
Ang Biblia (1978)
2 Anak ng tao, manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manambitan kayo: Sa aba ng araw na yaon!
3 Sapagka't ang kaarawan ay (A)malapit na, sa makatuwid baga'y ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na; magiging kaarawan ng pagaalapaap; panahon ng mga bansa.
Read full chapter
Ezekiel 36:4
Ang Biblia (1978)
4 Kaya't kayong mga bundok ng Israel, inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, sa mga sirang dako at sa mga bayan na nangapabayaan, na mga naging samsam at (A)kakutyaan na nalabi sa mga bansa na nangasa palibot;
Read full chapter
Ezekiel 36:6
Ang Biblia (1978)
6 Kaya't manghula ka tungkol sa lupain ng Israel, at sabihin mo sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y nagsalita sa aking paninibugho at sa aking kapusukan, sapagka't (A)inyong tinaglay ang kahihiyan ng mga bansa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978