Add parallel Print Page Options

Hinirang sa Pagkapari sina Aaron(A)

29 “Ganito ang gagawin mo sa paglalagay kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki sa tungkulin bilang mga pari: Kumuha ka ng isang batang toro at dalawang lalaking tupa na walang kapintasan. Kumuha ka rin ng tinapay na walang pampaalsa, bibingkang walang pampaalsa at minasa sa langis, at manipis na tinapay na wala ring pampaalsa at pinahiran ng langis. Lahat ng ito'y kailangang yari sa pinakamainam na harinang trigo. Ilagay mo ito sa isang basket at ihandog sa akin, kasama ng batang toro at ng dalawang lalaking tupa.

“Isama mo si Aaron at ang kanyang mga anak na lalaki sa pintuan ng Toldang Tipanan at maligo sila roon. Isuot mo sa kanya ang mahabang panloob na kasuotan, ang damit bago ang efod, ang efod at ang pektoral, saka itali ang pamigkis ng efod. Isuot mo kay Aaron ang turbante at ikabit rito ang koronang kinasusulatan ng katagang “Inilaan kay Yahweh”. Bilang pagtatalaga, kunin mo ang langis na pantalaga at buhusan mo ang kanyang ulo.

“Pagkatapos ni Aaron, ang kanyang mga anak naman ang iyong itatalaga. Isuot mo sa kanila ang mahabang panloob na kasuotan, itali ang mga pamigkis sa kanilang baywang, at ilagay ang turbante sa kanilang mga ulo. Sa gayon, magiging pari sila sa bisa ng aking utos. Ganyan ang gagawin mo sa pagtatalaga kay Aaron at sa kanyang mga anak.

10 “Dalhin mo sa harap ng Toldang Tipanan ang batang toro. Ipapatong ni Aaron at ng kanyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo ng torong ito. 11 Papatayin mo ang batang toro sa harapan ni Yahweh, sa may pintuan ng Toldang Tipanan. 12 Kumuha ka ng kaunting dugo nito at sa pamamagitan ng iyong daliri, pahiran mo ng dugo ang mga sungay ng altar. Ang matitirang dugo ay ibuhos mo sa paanan ng altar. 13 Pagkatapos, kunin mo ang taba ng mga laman-loob, ang taba ng atay at ang dalawang bato kasama ng taba nito, at sunugin mo sa altar bilang handog. 14 Ang balat, ang karne at ang dumi ay susunugin sa labas ng kampo sapagkat ito'y handog para sa kapatawaran ng kasalanan.

15 “Kunin mo ang isa sa dalawang lalaking tupa at ipatong sa ulo nito ang kamay ni Aaron at ng kanyang mga anak. 16 Patayin mo ang tupa, kumuha ka ng kaunting dugo at iwisik mo sa mga gilid ng altar. 17 Pagkatapos, katayin mo ang tupa, hugasan ang mga laman-loob nito pati ang mga paa, at ipatong mo ito sa altar kasama ang ibang bahagi nito at ang ulo. 18 Sunugin(B) mo ang mga ito sa altar upang ang usok nito'y maging mabangong samyo para kay Yahweh.

19 “Kunin mo ang isa pang tupa at ipapatong din sa ulo nito ang kamay ni Aaron at ng kanyang mga anak. 20 Patayin mo ang tupa at sahurin ang dugo. Pahiran mo nito ang lambi ng kanang tainga ni Aaron at ng kanyang mga anak at ang hinlalaki ng kanang kamay at paa. Ang dugong matitira ay iwisik mo sa lahat ng gilid ng altar. 21 Kumuha ka ng kaunting dugo sa altar at kaunting langis na pantalaga. Iwisik mo ito kay Aaron at sa kanyang mga anak, pati sa kanilang kasuotan. Sa ganitong paraan, siya at ang kanyang mga anak pati ang kanilang kasuotan ay nakalaan para kay Yahweh.

22 “Kunin mo ang taba ng tupa: ang taba sa buntot, ang tabang nakabalot sa laman-loob, ang taba ng atay, ang dalawang bato kasama ang taba at ang kanang hita. 23 Kumuha ka ng isang tinapay, isang tinapay na hinaluan ng langis, at isang manipis na tinapay. Ang mga tinapay na ito ay walang pampaalsa at nakalagay sa basket na nasa altar ni Yahweh. 24 Lahat ng ito'y pahawakan mo kay Aaron at sa kanyang mga anak upang ialay nila bilang natatanging handog kay Yahweh. 25 Pagkatapos, kunin mo ito sa kanila at sunugin sa altar, sa ibabaw ng handog na sinusunog, upang ang usok nito'y maging mabangong samyo sa akin.

26 “Kunin mo ang parteng dibdib ng tupang ito, at ialay mo bilang natatanging handog kay Yahweh; ito naman ang bahaging nakalaan para sa iyo.

27 “Iaalay mo bilang natatanging handog ang dibdib at ang hitang para kay Aaron at sa kanyang mga anak. 28 Ito ay magiging tuntuning magpakailanman para kay Aaron at sa kanyang mga anak. Ang mga bahaging nabanggit na para sa kanila ay mula sa handog pangkapayapaan ng mga Israelita.

29 “Pagkamatay ni Aaron, ang sagrado niyang kasuotan ay ibibigay sa kanyang mga anak. Ang kasuotang ito ang gagamitin nila sa panahon na sila ay italaga at buhusan ng langis. 30 Pitong araw na isusuot ito ng sinumang hahalili kay Aaron pagpasok nito upang maglingkod sa Toldang Tipanan.

31 “Kunin mo ang tupang ginamit sa pagtatalaga at ilaga mo ito sa isang sagradong lugar. 32 Ipakain mo ito kay Aaron at sa kanyang mga anak, kasama ng tinapay na nasa basket, doon sa may pintuan ng Toldang Tipanan. 33 Kakainin nila ang inihandog para sa kapatawaran ng kasalanan nang sila'y italaga. Mga pari lamang ang kakain nito sapagkat ito'y sagrado. 34 Kung hindi maubos ang tupa o ang tinapay, sunugin ito kinaumagahan at huwag kakainin sapagkat ito'y sagrado.

35 “Sundin mong lahat ang iniutos ko sa iyo tungkol sa pagtatalaga kay Aaron at sa kanyang mga anak; pitong araw mo itong gagawin. 36 Araw-araw, maghahandog ka ng isang bakang lalaki para sa pagpapatawad ng kasalanan. Gagawin mo ito upang maalis ang kasalanan sa altar. Pagkatapos, buhusan mo ito ng langis upang maging sagrado. 37 Pitong araw kang maghahandog ukol sa kasalanan at pagtatalaga. Pagkatapos, ito'y ituturing na ganap na sagrado at anumang malagay rito ay magiging sagrado.

Ang Paghahandog Araw-araw(C)

38 “Ganito ang gagawin mong paghahandog sa altar araw-araw: kumuha ka ng dalawang tupang isang taon ang gulang at iyong ihandog, 39 isa sa umaga, isa sa hapon. 40 Ang ihahandog sa umaga ay samahan mo ng kalahating salop na pinakamainam na harinang minasa sa isang litrong langis. Maglagay ka rin ng isang litrong alak bilang handog na inumin. 41 Ang ihahandog naman sa hapon ay samahan mo rin ng handog na pagkaing butil at inumin upang ang usok nito'y maging mabangong samyo para kay Yahweh. 42 Ang paghahandog na ito'y gagawin ninyo habang panahon. Gaganapin ninyo ito sa harapan ko, sa may pintuan ng Toldang Tipanan. Doon ko kayo tatagpuin. Doon ako makikipag-usap sa inyo. 43 Doon ko nga tatagpuin ang mga Israelita at ang pook na iyon ay pababanalin ng aking kaluwalhatian. 44 Gagawin kong sagrado ang Toldang Tipanan, ganoon din ang altar, at ibubukod ko si Aaron at ang kanyang mga anak na lalaki upang maglingkod sa akin bilang mga pari. 45 Ako'y makakasama nila at ako ang magiging Diyos nila. 46 Makikilala nilang ako si Yahweh, ang Diyos na nagligtas sa kanila sa Egipto. Maninirahan akong kasama nila; ako si Yahweh, ang kanilang Diyos.

Ang Altar na Sunugan ng Insenso(D)

30 “Gumawa ka ng altar na gawa sa akasya na sunugan ng insenso. Gawin mo itong parisukat: 0.5 metro ang haba, gayundin ang luwang at 0.9 na metro ang taas. Ang apat na sulok nito ay lalagyan mo ng sungay na kaisang piraso ng altar. Balutin mo rin ng purong ginto ang ibabaw, mga gilid, at ang mga sungay nito. Kabitan ito ng argolyang ginto sa magkabilang gilid, at sa ibaba para pagsuutan ng pampasan na yari sa punong akasya at babalutin din ng ginto. Pagkayari, ilagay ito sa labas ng kurtina ng Kaban ng Tipan at ng Luklukan ng Awa. Dito ko kayo tatagpuin. Tuwing umaga na aayusin ni Aaron ang ilawan, magsusunog siya rito ng insenso. Ganoon din ang gagawin niya kung gabi kapag inihahanda niya ang ilawan. Patuloy ninyo itong gagawin sa lahat ng inyong salinlahi. Huwag kayong magsusunog dito ng insensong iba sa iniuutos ko. Huwag din kayong magdadala rito ng handog na susunugin, maging hayop, pagkaing butil o inumin. 10 Minsan isang taon, gaganapin ni Aaron ang seremonya sa pagpapatawad ng kasalanan. Ang apat na tulis ng altar ay papahiran ng dugo ng hayop na handog para sa kasalanan. Gawin ninyo ito habang panahon. Ang altar na ito'y ganap na sagrado at nakalaan kay Yahweh.”

Ang Buwis para sa Templo

11 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 12 “Pagkuha mo ng sensus ng mga Israelita, bawat isa'y hingan mo ng pantubos sa kanilang buhay. Ihahandog nila ito sa akin para walang kapahamakang umabot sa kanila habang ginagawa ang sensus. 13 Lahat(E) ng mabilang sa sensus ay magbabayad ng kinakailangang timbang ng pilak ayon sa timbangan ng templo (ang kinakailangang timbang ay katumbas ng 6 na gramo), bilang handog sa akin. 14 Lahat ng may dalawampung taon at pataas ay isasama sa sensus. 15 Pareho ang halagang ibabayad na pantubos ng mayayaman at ng mahihirap, walang labis at walang kulang. 16 Lahat ng ibabayad nila ay gagamitin sa mga kailangan sa Toldang Tipanan. Ang halagang ibibigay nila'y pantubos ng kanilang buhay, at sa pamamagitan nito, maaalala ko ang mga Israelita.”

Ang Palangganang Hugasan

17 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 18 “Gumawa(F) ka rin ng palangganang tanso at ng tansong patungan nito. Ilagay mo ito sa pagitan ng altar at ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, lagyan mo ito ng tubig. 19 Ito ang gagamitin ni Aaron at ng kanyang mga anak sa paghuhugas ng kanilang paa't kamay. 20 Kailangang sila'y maghugas bago pumasok sa Toldang Tipanan o bago magsunog ng handog sa altar. Kung hindi, sila'y mamamatay. 21 Kailangan ngang maghugas muna sila ng paa't kamay upang hindi sila mamatay. Ito'y tuntuning susundin nila at ng kanilang lahi habang panahon.”

Ang Langis na Pampahid at ang Insenso

22 Sinabi(G) ni Yahweh kay Moises, 23 “Pumili ka ng pinakamainam na pabango: 6 na kilong mira, 3 kilong kanela at 3 kilong mabangong tubó 24 at 6 na kilong kasia ayon sa sukatang gamit sa templo. Pagkatapos, kumuha ka ng 4 na litrong langis ng olibo. 25 Paghalu-haluin mo ito tulad ng ginagawa ng mahuhusay na manggagawa ng pabango at gagamitin mo itong pampahid upang 26 maging sagrado ang Toldang Tipanan at ang Kaban ng Tipan, 27 ganoon din ang mesa at lahat ng kagamitan nito, ang ilawan at mga kasangkapang kaugnay nito at ang altar na sunugan ng insenso. 28 Pahiran mo rin ang altar na sunugan ng mga handog at mga kasangkapan nito, ang palangganang hugasan at ang patungan nito. 29 Ganyan ang gagawin mo sa mga kasangkapang nabanggit upang ang mga ito'y maging ganap na sagrado; magiging sagrado rin ang lahat ng maisagi rito.

30 “Pagkatapos, si Aaron naman at ang kanyang mga anak ang bubuhusan ng langis na ito upang lubos silang maitalaga bilang mga pari. 31 Sabihin mo sa mga Israelita na ang langis na ito'y banal at siya ninyong gagamitin habang panahon. 32 Huwag ninyo itong gagamitin sa karaniwang tao at huwag gagayahin ang paggawa nito. Ito'y banal at dapat igalang. 33 Ititiwalag ang sinumang gumaya nito at ang sinumang gumamit nito sa dayuhan.”

Ang Insenso

34 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kumuha ka ng magkakasindaming pabango ng estacte, onise, galbano at purong insenso. 35 Paghalu-haluin mo ito at gawing insenso tulad ng ginagawa ng mahusay na manggagawa ng pabangong inasinan, malinis, at banal. 36 Dikdikin mo nang pino ang kaunti nito at ilagay sa harap ng Kaban ng Tipan, sa Toldang Tipanan. Ituring mo itong ganap na sagrado. 37 Huwag ninyong gagayahin ito kung gagawa kayo ng insenso na pansariling gamit. Aariin ninyong ito'y bukod-tangi para kay Yahweh. 38 Ititiwalag ang sinumang gumamit nito bilang pabango.”

Ang mga Gagawa ng Tabernakulo(H)

31 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pinili ko si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur na mula sa lipi ni Juda. Pinuspos ko siya ng aking Espiritu[a] at binigyan ng kakayahan, kahusayan at katalinuhan sa lahat ng gawaing pansining. Ginawa ko ito upang makagawa siya ng magagandang disenyo at maiukit ito sa ginto, pilak o tanso. Gayundin, upang maging bihasa siya sa pagtabas ng mamahaling bato, mahusay sa paglilok, at dalubhasa sa anumang gawaing pansining. Pinili ko rin para makatulong niya si Aholiab, anak ni Ahisamac na mula naman sa lipi ni Dan. Binigyan ko rin ng kakayahan ang ibang mahuhusay na manggagawa upang sila ang gumawa ng lahat ng iniuutos ko sa iyo. Sila ang gagawa ng Toldang Tipanan, ng Kaban ng Tipan, ng Luklukan ng Awa at lahat ng kasangkapan sa tabernakulo. Sila rin ang gagawa ng mesang patungan ng handog na pagkaing butil at ng lahat ng kagamitan nito; ng ilawang ginto at mga kagamitan nito; ng altar na sunugan ng insenso; ng altar na sunugan ng mga handog at ang mga kasangkapan nito; ng palangganang hugasan at ng patungan nito. 10 Sila ang gagawa ng mga kasuotan ni Aaron at ng kanyang mga anak. 11 Sila rin ang maghahalo ng langis na pampahid at ng insenso para sa Dakong Banal. Sundin mong lahat ang sinasabi kong ito sa iyo.”

Ang Araw ng Pamamahinga

12 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 13 “Sabihin mo sa mga Israelita na ipangilin ang Araw ng Pamamahinga sapagkat ito ang magsisilbing palatandaan sa inyo at sa inyong mga salinlahi na kayo'y aking pinili para maging bayan ko. 14 Ipangilin ninyo ang Araw ng Pamamahinga sapagkat ito'y sagrado. Papatayin ang sinumang hindi magpahalaga rito at ititiwalag ang sinumang magtrabaho sa araw na ito. 15 Anim(I) na araw kayong magtatrabaho ngunit ang ikapitong araw ay araw ng ganap na pamamahinga at nakalaan para sa akin. Papatayin ang sinumang magtrabaho sa araw na iyon. 16 Ipangingilin ito ng lahat ng inyong salinlahi bilang tanda ng tipan. 17 Ito'y(J) isang palatandaan ko at ng bansang Israel, at ito'y mananatili habang panahon. Sapagkat sa loob ng anim na araw, nilikha ko ang langit at ang lupa at nagpahinga ako sa ikapitong araw.”

18 Matapos sabihin ni Yahweh kay Moises ang lahat ng ito sa Bundok ng Sinai, ibinigay niya rito ang dalawang tapyas na batong kinasusulatan ng Kautusan na si Yahweh mismo ang sumulat.

Ang Guyang Ginto(K)

32 Nang magtagal si Moises sa bundok, ang mga Israelita'y lumapit kay Aaron. Sinabi nila, “Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin. Hindi namin alam kung ano na ang nangyari sa Moises na iyan na naglabas sa amin sa Egipto.”

“Kung gayon, tipunin ninyo ang mga hikaw na ginto ng inyong asawa't mga anak at dalhin sa akin,” sagot ni Aaron. Ganoon nga ang kanilang ginawa. Kinuha(L) (M) ni Aaron ang mga hikaw at tinunaw; ibinuhos niya sa isang hulmahan at ginawang hugis ng guya.

Pagkayari, sinabi nila: “Israel, narito ang diyos mong naglabas sa iyo sa Egipto!”

Nang ito'y makita ni Aaron, gumawa siya ng altar sa harap nito at sinabi sa mga tao, “Ipagpipista natin bukas si Yahweh.” Kinabukasan,(N) maaga silang bumangon at naghandog ng mga hayop at sinunog sa altar. Nagpatay pa sila ng hayop na kanilang pinagsalu-saluhan. Sila'y nagpakabusog, nag-inuman at mahalay na nagkasayahan.

Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Balikan mo ngayon din ang mga Israelitang inilabas mo sa Egipto, sapagkat itinakwil na nila ako. Tinalikdan nila agad ang mga utos ko. Gumawa sila ng guyang ginto. Iyon ang sinasamba nila ngayon at hinahandugan. Ang sabi nila'y iyon ang diyos na naglabas sa kanila sa Egipto. Kilala ko ang mga taong iyan at alam kong matitigas ang kanilang ulo. 10 Hayaan mong lipulin ko sila at ikaw at ang iyong lahi'y gagawin kong isang malaking bansa.”

11 Nagmakaawa(O) si Moises kay Yahweh: “Huwag po! Huwag ninyong lilipulin ang mga taong inilabas ninyo sa Egipto sa pamamagitan ng inyong dakilang kapangyarihan. 12 Kapag nilipol ninyo sila, masasabi ng mga Egipcio na ang mga Israelita'y inilabas ninyo sa Egipto upang lipulin sa kabundukan. Huwag na po kayong magalit sa kanila at huwag na ninyong ituloy ang inyong parusa sa kanila. 13 Alalahanin(P) ninyo ang mga lingkod ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob. Ipinangako ninyo sa kanila na ang lahi nila'y pararamihing tulad ng mga bituin sa langit at magiging kanila habang panahon ang lupang ipinangako ninyo.” 14 Hindi nga itinuloy ni Yahweh ang balak na paglipol sa mga Israelita.

15 Pagkaraan noon, si Moises ay bumalik mula sa bundok dala ang dalawang tapyas na batong kinasusulatan ng mga utos. 16 Ang Diyos mismo ang gumawa ng dalawang tapyas na bato at nag-ukit ng mga utos na nakasulat doon.

17 Nang pabalik na sila, narinig ni Josue ang sigawan ng mga tao. Sinabi niya kay Moises, “May ingay ng labanan sa kampo.”

18 “Ang naririnig ko'y hindi sigaw ng tagumpay o ng pagkatalo, kundi awitan,” sagot ni Moises.

19 Nang sila'y malapit na sa kampo, nakita ni Moises ang guya at ang mga taong nagsasayawan. Dahil dito, nagalit siya. Ibinalibag niya sa paanan ng bundok ang mga tapyas na bato at ito'y nadurog. 20 Kinuha niya ang guya at sinunog. Pagkatapos, dinurog niya ito nang pino saka ibinuhos sa tubig at ipinainom sa mga Israelita. 21 Hinarap niya si Aaron, “Ano bang ginawa nila sa iyo at pumayag kang gawin ang malaking kasalanang ito?”

22 Sumagot si Aaron, “Huwag ka nang magalit sa akin, kapatid ko. Alam mo naman kung gaano katigas ang kanilang ulo. Ayaw nilang paawat sa paggawa ng kasamaang ito. 23 Sinabi nila sa akin na igawa ko sila ng mga diyos na mangunguna sa kanila sapagkat hindi raw nila alam kung ano na ang nangyari sa iyo. 24 Kaya't tinanong ko sila kung sino ang may ginto. Ibinigay naman nila sa akin ang mga alahas, tinunaw ko sa apoy at lumabas ang guyang iyon.”

25 Nakita ni Moises na nagkakagulo ang mga tao sapagkat sila'y pinabayaan ni Aaron na sumamba sa diyus-diyosan. At naging katawatawa sila sa paningin ng mga kaaway na nakapaligid. 26 Kaya't tumayo si Moises sa pintuan ng kampo at sumigaw, “Lumapit sa akin ang lahat ng nasa panig ni Yahweh!” At lumapit sa kanya ang mga Levita. 27 Sinabi niya sa kanila, “Ipinapasabi ni Yahweh, ng Diyos ng Israel: ‘Kunin ninyo ang inyong mga tabak, galugarin ninyo ang buong kampo at patayin ang lahat ng inyong makita, maging kapatid, kaibigan o sinuman.’” 28 Sinunod ng mga Levita ang utos ni Moises at may tatlong libong katao ang napatay nila nang araw na iyon. 29 Sinabi ni Moises, “Ngayo'y inilaan ninyo ang inyong mga sarili sa paglilingkod kay Yahweh dahil sa pagkapatay ninyo sa inyong mga anak at mga kapatid. Kaya, tatanggapin ninyo ngayon ang kanyang pagpapala.”

30 Kinabukasan, sinabi ni Moises sa mga tao, “Napakalaki ng nagawa ninyong kasalanan. Aakyat ako ngayon sa bundok at mananalangin kay Yahweh, baka sakaling maihingi ko kayo ng tawad.” 31 Umakyat nga sa bundok si Moises at nanalangin kay Yahweh. Sinabi niya, “Napakalaking pagkakasala ang nagawa ng mga tao; gumawa sila ng diyus-diyosang ginto. 32 Ipinapakiusap(Q) ko pong patawarin na ninyo sila. Kung hindi ninyo sila mapapatawad, burahin na rin ninyo sa inyong aklat ang aking pangalan.”

33 Sumagot si Yahweh, “Kung sino ang nagkasala sa akin ay siya kong buburahin sa aking aklat. 34 Ngayon, pangunahan mo sila sa lugar na sinabi ko sa iyo at papatnubayan kayo ng aking anghel. Ngunit darating ang araw na paparusahan ko ang mga Israelita dahil sa kanilang mga kasalanan.”

35 At pinadalhan ni Yahweh ng sakit ang mga tao sapagkat pinagawa nila ng guya si Aaron.

Footnotes

  1. Exodo 31:3 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .

Consecration of the Priests(A)

29 “This is what you are to do to consecrate(B) them, so they may serve me as priests: Take a young bull and two rams without defect.(C) And from the finest wheat flour make round loaves without yeast, thick loaves without yeast and with olive oil mixed in, and thin loaves without yeast and brushed with olive oil.(D) Put them in a basket and present them along with the bull and the two rams.(E) Then bring Aaron and his sons to the entrance to the tent of meeting and wash them with water.(F) Take the garments(G) and dress Aaron with the tunic, the robe of the ephod, the ephod itself and the breastpiece. Fasten the ephod on him by its skillfully woven waistband.(H) Put the turban(I) on his head and attach the sacred emblem(J) to the turban. Take the anointing oil(K) and anoint him by pouring it on his head. Bring his sons and dress them in tunics(L) and fasten caps on them. Then tie sashes on Aaron and his sons.[a](M) The priesthood is theirs by a lasting ordinance.(N)

“Then you shall ordain Aaron and his sons.

10 “Bring the bull to the front of the tent of meeting, and Aaron and his sons shall lay their hands on its head.(O) 11 Slaughter it in the Lord’s presence(P) at the entrance to the tent of meeting. 12 Take some of the bull’s blood and put it on the horns(Q) of the altar with your finger, and pour out the rest of it at the base of the altar.(R) 13 Then take all the fat(S) on the internal organs,(T) the long lobe of the liver, and both kidneys with the fat on them, and burn them on the altar. 14 But burn the bull’s flesh and its hide and its intestines(U) outside the camp.(V) It is a sin offering.[b]

15 “Take one of the rams,(W) and Aaron and his sons shall lay their hands on its head.(X) 16 Slaughter it and take the blood and splash it against the sides of the altar. 17 Cut the ram into pieces and wash(Y) the internal organs and the legs, putting them with the head and the other pieces. 18 Then burn the entire ram on the altar. It is a burnt offering to the Lord, a pleasing aroma,(Z) a food offering presented to the Lord.

19 “Take the other ram,(AA) and Aaron and his sons shall lay their hands on its head.(AB) 20 Slaughter it, take some of its blood and put it on the lobes of the right ears of Aaron and his sons, on the thumbs of their right hands, and on the big toes of their right feet.(AC) Then splash blood against the sides of the altar.(AD) 21 And take some blood(AE) from the altar and some of the anointing oil(AF) and sprinkle it on Aaron and his garments and on his sons and their garments. Then he and his sons and their garments will be consecrated.(AG)

22 “Take from this ram the fat,(AH) the fat tail, the fat on the internal organs, the long lobe of the liver, both kidneys with the fat on them, and the right thigh. (This is the ram for the ordination.) 23 From the basket of bread made without yeast, which is before the Lord, take one round loaf, one thick loaf with olive oil mixed in, and one thin loaf. 24 Put all these in the hands of Aaron and his sons and have them wave them before the Lord as a wave offering.(AI) 25 Then take them from their hands and burn them on the altar along with the burnt offering for a pleasing aroma to the Lord, a food offering presented to the Lord.(AJ) 26 After you take the breast of the ram for Aaron’s ordination, wave it before the Lord as a wave offering, and it will be your share.(AK)

27 “Consecrate those parts of the ordination ram that belong to Aaron and his sons:(AL) the breast that was waved and the thigh that was presented. 28 This is always to be the perpetual share from the Israelites for Aaron and his sons. It is the contribution the Israelites are to make to the Lord from their fellowship offerings.(AM)

29 “Aaron’s sacred garments(AN) will belong to his descendants so that they can be anointed and ordained in them.(AO) 30 The son(AP) who succeeds him as priest and comes to the tent of meeting to minister in the Holy Place is to wear them seven days.

31 “Take the ram(AQ) for the ordination and cook the meat in a sacred place.(AR) 32 At the entrance to the tent of meeting, Aaron and his sons are to eat the meat of the ram and the bread(AS) that is in the basket. 33 They are to eat these offerings by which atonement was made for their ordination and consecration. But no one else may eat(AT) them, because they are sacred. 34 And if any of the meat of the ordination ram or any bread is left over till morning,(AU) burn it up. It must not be eaten, because it is sacred.

35 “Do for Aaron and his sons everything I have commanded you, taking seven days to ordain them. 36 Sacrifice a bull each day(AV) as a sin offering to make atonement(AW). Purify the altar by making atonement for it, and anoint it to consecrate(AX) it. 37 For seven days make atonement for the altar and consecrate it. Then the altar will be most holy, and whatever touches it will be holy.(AY)

38 “This is what you are to offer on the altar regularly each day:(AZ) two lambs a year old. 39 Offer one in the morning and the other at twilight.(BA) 40 With the first lamb offer a tenth of an ephah[c] of the finest flour mixed with a quarter of a hin[d] of oil(BB) from pressed olives, and a quarter of a hin of wine as a drink offering.(BC) 41 Sacrifice the other lamb at twilight(BD) with the same grain offering(BE) and its drink offering as in the morning—a pleasing aroma, a food offering presented to the Lord.

42 “For the generations to come(BF) this burnt offering is to be made regularly(BG) at the entrance to the tent of meeting,(BH) before the Lord. There I will meet you and speak to you;(BI) 43 there also I will meet with the Israelites, and the place will be consecrated by my glory.(BJ)

44 “So I will consecrate the tent of meeting and the altar and will consecrate Aaron and his sons to serve me as priests.(BK) 45 Then I will dwell(BL) among the Israelites and be their God.(BM) 46 They will know that I am the Lord their God, who brought them out of Egypt(BN) so that I might dwell among them. I am the Lord their God.(BO)

The Altar of Incense(BP)

30 “Make an altar(BQ) of acacia wood for burning incense.(BR) It is to be square, a cubit long and a cubit wide, and two cubits high[e]—its horns(BS) of one piece with it. Overlay the top and all the sides and the horns with pure gold, and make a gold molding around it.(BT) Make two gold rings(BU) for the altar below the molding—two on each of the opposite sides—to hold the poles used to carry it. Make the poles of acacia wood and overlay them with gold.(BV) Put the altar in front of the curtain that shields the ark of the covenant law—before the atonement cover(BW) that is over the tablets of the covenant law—where I will meet with you.

“Aaron must burn fragrant incense(BX) on the altar every morning when he tends the lamps. He must burn incense again when he lights the lamps at twilight so incense will burn regularly before the Lord for the generations to come.(BY) Do not offer on this altar any other incense(BZ) or any burnt offering or grain offering, and do not pour a drink offering on it. 10 Once a year(CA) Aaron shall make atonement(CB) on its horns. This annual atonement must be made with the blood of the atoning sin offering[f](CC) for the generations to come.(CD) It is most holy to the Lord.”

Atonement Money

11 Then the Lord said to Moses, 12 “When you take a census(CE) of the Israelites to count them, each one must pay the Lord a ransom(CF) for his life at the time he is counted. Then no plague(CG) will come on them when you number them. 13 Each one who crosses over to those already counted is to give a half shekel,[g] according to the sanctuary shekel,(CH) which weighs twenty gerahs. This half shekel is an offering to the Lord. 14 All who cross over, those twenty years old or more,(CI) are to give an offering to the Lord. 15 The rich are not to give more than a half shekel and the poor are not to give less(CJ) when you make the offering to the Lord to atone for your lives. 16 Receive the atonement(CK) money from the Israelites and use it for the service of the tent of meeting.(CL) It will be a memorial(CM) for the Israelites before the Lord, making atonement for your lives.”

Basin for Washing

17 Then the Lord said to Moses, 18 “Make a bronze basin,(CN) with its bronze stand, for washing. Place it between the tent of meeting and the altar, and put water in it. 19 Aaron and his sons are to wash their hands and feet(CO) with water(CP) from it. 20 Whenever they enter the tent of meeting, they shall wash with water so that they will not die.(CQ) Also, when they approach the altar to minister by presenting a food offering to the Lord, 21 they shall wash their hands and feet so that they will not die. This is to be a lasting ordinance(CR) for Aaron and his descendants for the generations to come.”(CS)

Anointing Oil

22 Then the Lord said to Moses, 23 “Take the following fine spices:(CT) 500 shekels[h] of liquid myrrh,(CU) half as much (that is, 250 shekels) of fragrant cinnamon,(CV) 250 shekels[i] of fragrant calamus,(CW) 24 500 shekels(CX) of cassia(CY)—all according to the sanctuary shekel—and a hin[j] of olive oil. 25 Make these into a sacred anointing oil, a fragrant blend, the work of a perfumer.(CZ) It will be the sacred anointing oil.(DA) 26 Then use it to anoint(DB) the tent of meeting, the ark of the covenant law, 27 the table and all its articles, the lampstand and its accessories, the altar of incense, 28 the altar of burnt offering and all its utensils, and the basin with its stand. 29 You shall consecrate them(DC) so they will be most holy, and whatever touches them will be holy.(DD)

30 “Anoint Aaron and his sons and consecrate(DE) them so they may serve me as priests.(DF) 31 Say to the Israelites, ‘This is to be my sacred anointing oil(DG) for the generations to come.(DH) 32 Do not pour it on anyone else’s body and do not make any other oil using the same formula. It is sacred, and you are to consider it sacred.(DI) 33 Whoever makes perfume like it and puts it on anyone other than a priest must be cut off(DJ) from their people.’”

Incense

34 Then the Lord said to Moses, “Take fragrant spices(DK)—gum resin, onycha and galbanum—and pure frankincense, all in equal amounts, 35 and make a fragrant blend of incense,(DL) the work of a perfumer.(DM) It is to be salted and pure and sacred. 36 Grind some of it to powder and place it in front of the ark of the covenant law in the tent of meeting, where I will meet(DN) with you. It shall be most holy(DO) to you. 37 Do not make any incense with this formula for yourselves; consider it holy(DP) to the Lord. 38 Whoever makes incense like it to enjoy its fragrance must be cut off(DQ) from their people.”

Bezalel and Oholiab(DR)

31 Then the Lord said to Moses, “See, I have chosen Bezalel(DS) son of Uri, the son of Hur,(DT) of the tribe of Judah, and I have filled him with the Spirit of God, with wisdom, with understanding, with knowledge(DU) and with all kinds of skills(DV) to make artistic designs for work in gold, silver and bronze, to cut and set stones, to work in wood, and to engage in all kinds of crafts. Moreover, I have appointed Oholiab(DW) son of Ahisamak, of the tribe of Dan,(DX) to help him. Also I have given ability to all the skilled workers(DY) to make everything I have commanded you: the tent of meeting,(DZ) the ark of the covenant law(EA) with the atonement cover(EB) on it, and all the other furnishings of the tent— the table(EC) and its articles, the pure gold lampstand(ED) and all its accessories, the altar of incense,(EE) the altar of burnt offering(EF) and all its utensils, the basin(EG) with its stand— 10 and also the woven garments(EH), both the sacred garments for Aaron the priest and the garments for his sons when they serve as priests, 11 and the anointing oil(EI) and fragrant incense(EJ) for the Holy Place. They are to make them just as I commanded(EK) you.”

The Sabbath

12 Then the Lord said to Moses, 13 “Say to the Israelites, ‘You must observe my Sabbaths.(EL) This will be a sign(EM) between me and you for the generations to come,(EN) so you may know that I am the Lord, who makes you holy.(EO)

14 “‘Observe the Sabbath, because it is holy to you. Anyone who desecrates it is to be put to death;(EP) those who do any work on that day must be cut off from their people. 15 For six days work(EQ) is to be done, but the seventh day is a day of sabbath rest,(ER) holy to the Lord. Whoever does any work on the Sabbath day is to be put to death. 16 The Israelites are to observe the Sabbath,(ES) celebrating it for the generations to come as a lasting covenant. 17 It will be a sign(ET) between me and the Israelites forever, for in six days the Lord made the heavens and the earth, and on the seventh day he rested and was refreshed.(EU)’”(EV)

18 When the Lord finished speaking to Moses on Mount Sinai,(EW) he gave him the two tablets of the covenant law, the tablets of stone(EX) inscribed by the finger of God.(EY)

The Golden Calf

32 When the people saw that Moses was so long in coming down from the mountain,(EZ) they gathered around Aaron and said, “Come, make us gods[k] who will go before(FA) us. As for this fellow Moses who brought us up out of Egypt, we don’t know what has happened to him.”(FB)

Aaron answered them, “Take off the gold earrings(FC) that your wives, your sons and your daughters are wearing, and bring them to me.” So all the people took off their earrings and brought them to Aaron. He took what they handed him and made it into an idol(FD) cast in the shape of a calf,(FE) fashioning it with a tool. Then they said, “These are your gods,[l](FF) Israel, who brought you up out of Egypt.”(FG)

When Aaron saw this, he built an altar in front of the calf and announced, “Tomorrow there will be a festival(FH) to the Lord.” So the next day the people rose early and sacrificed burnt offerings and presented fellowship offerings.(FI) Afterward they sat down to eat and drink(FJ) and got up to indulge in revelry.(FK)

Then the Lord said to Moses, “Go down, because your people, whom you brought up out of Egypt,(FL) have become corrupt.(FM) They have been quick to turn away(FN) from what I commanded them and have made themselves an idol(FO) cast in the shape of a calf.(FP) They have bowed down to it and sacrificed(FQ) to it and have said, ‘These are your gods, Israel, who brought you up out of Egypt.’(FR)

“I have seen these people,” the Lord said to Moses, “and they are a stiff-necked(FS) people. 10 Now leave me alone(FT) so that my anger may burn against them and that I may destroy(FU) them. Then I will make you into a great nation.”(FV)

11 But Moses sought the favor(FW) of the Lord his God. “Lord,” he said, “why should your anger burn against your people, whom you brought out of Egypt with great power and a mighty hand?(FX) 12 Why should the Egyptians say, ‘It was with evil intent that he brought them out, to kill them in the mountains and to wipe them off the face of the earth’?(FY) Turn from your fierce anger; relent and do not bring disaster(FZ) on your people. 13 Remember(GA) your servants Abraham, Isaac and Israel, to whom you swore by your own self:(GB) ‘I will make your descendants as numerous as the stars(GC) in the sky and I will give your descendants all this land(GD) I promised them, and it will be their inheritance forever.’” 14 Then the Lord relented(GE) and did not bring on his people the disaster he had threatened.

15 Moses turned and went down the mountain with the two tablets of the covenant law(GF) in his hands.(GG) They were inscribed(GH) on both sides, front and back. 16 The tablets were the work of God; the writing was the writing of God, engraved on the tablets.(GI)

17 When Joshua(GJ) heard the noise of the people shouting, he said to Moses, “There is the sound of war in the camp.”

18 Moses replied:

“It is not the sound of victory,
    it is not the sound of defeat;
    it is the sound of singing that I hear.”

19 When Moses approached the camp and saw the calf(GK) and the dancing,(GL) his anger burned(GM) and he threw the tablets out of his hands, breaking them to pieces(GN) at the foot of the mountain. 20 And he took the calf the people had made and burned(GO) it in the fire; then he ground it to powder,(GP) scattered it on the water(GQ) and made the Israelites drink it.

21 He said to Aaron, “What did these people do to you, that you led them into such great sin?”

22 “Do not be angry,(GR) my lord,” Aaron answered. “You know how prone these people are to evil.(GS) 23 They said to me, ‘Make us gods who will go before us. As for this fellow Moses who brought us up out of Egypt, we don’t know what has happened to him.’(GT) 24 So I told them, ‘Whoever has any gold jewelry, take it off.’ Then they gave me the gold, and I threw it into the fire, and out came this calf!”(GU)

25 Moses saw that the people were running wild and that Aaron had let them get out of control and so become a laughingstock(GV) to their enemies. 26 So he stood at the entrance to the camp and said, “Whoever is for the Lord, come to me.” And all the Levites rallied to him.

27 Then he said to them, “This is what the Lord, the God of Israel, says: ‘Each man strap a sword to his side. Go back and forth through the camp from one end to the other, each killing his brother and friend and neighbor.’”(GW) 28 The Levites did as Moses commanded, and that day about three thousand of the people died. 29 Then Moses said, “You have been set apart to the Lord today, for you were against your own sons and brothers, and he has blessed you this day.”

30 The next day Moses said to the people, “You have committed a great sin.(GX) But now I will go up to the Lord; perhaps I can make atonement(GY) for your sin.”

31 So Moses went back to the Lord and said, “Oh, what a great sin these people have committed!(GZ) They have made themselves gods of gold.(HA) 32 But now, please forgive their sin(HB)—but if not, then blot me(HC) out of the book(HD) you have written.”

33 The Lord replied to Moses, “Whoever has sinned against me I will blot out(HE) of my book. 34 Now go, lead(HF) the people to the place(HG) I spoke of, and my angel(HH) will go before you. However, when the time comes for me to punish,(HI) I will punish them for their sin.”

35 And the Lord struck the people with a plague because of what they did with the calf(HJ) Aaron had made.

Footnotes

  1. Exodus 29:9 Hebrew; Septuagint on them
  2. Exodus 29:14 Or purification offering; also in verse 36
  3. Exodus 29:40 That is, probably about 3 1/2 pounds or about 1.6 kilograms
  4. Exodus 29:40 That is, probably about 1 quart or about 1 liter
  5. Exodus 30:2 That is, about 1 1/2 feet long and wide and 3 feet high or about 45 centimeters long and wide and 90 centimeters high
  6. Exodus 30:10 Or purification offering
  7. Exodus 30:13 That is, about 1/5 ounce or about 5.8 grams; also in verse 15
  8. Exodus 30:23 That is, about 12 1/2 pounds or about 5.8 kilograms; also in verse 24
  9. Exodus 30:23 That is, about 6 1/4 pounds or about 2.9 kilograms
  10. Exodus 30:24 That is, probably about 1 gallon or about 3.8 liters
  11. Exodus 32:1 Or a god; also in verses 23 and 31
  12. Exodus 32:4 Or This is your god; also in verse 8