Add parallel Print Page Options

29 At ito ang bagay na iyong gagawin sa kanila na ibukod sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote: kumuha ka ng isang guyang toro at ng dalawang lalaking tupang walang kapintasan.

At tinapay na walang lebadura, at mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis, at mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis: na gagawin mo sa mainam na harina ng trigo.

At iyong isisilid sa isang bakol, at dadalhin mo na nasa bakol, sangpu ng toro at ng dalawang tupang lalake.

At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay iyong dadalhin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at iyong huhugasan sila ng tubig.

At iyong kukunin ang mga kasuutan, at iyong isusuot kay Aaron ang tunika niya, at ang balabal ng epod, at ang epod, at ang pektoral, at bibigkisan mo ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod:

At iyong ipuputong ang mitra sa kaniyang ulo, at ipapatong mo ang banal na korona sa mitra.

Saka mo kukunin ang langis na pangpahid, at ibubuhos mo sa ibabaw ng kaniyang ulo, at papahiran mo ng langis siya.

At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak, at susuutan mo ng mga tunika sila.

At iyong bibigkisan sila ng mga pamigkis, si Aaron at ang kaniyang mga anak, at itatali mo ang mga tiara sa kanikaniyang ulo: at tatamuhin nila ang pagkasaserdote na pinakapalatuntunang palagi: at iyong papagbabanalin si Aaron at ang kaniyang mga anak.

10 At iyong dadalhin ang toro sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng toro.

11 At iyong papatayin ang toro sa harap ng Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

12 At kukuha ka ng dugo ng toro, at ilalagay mo ng iyong daliri sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana; at iyong ibubuhos ang lahat ng dugo sa paanan ng dambana.

13 At kukunin mo ang buong taba na nakababalot sa bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at susunugin mo sa ibabaw ng dambana.

14 Datapuwa't ang laman ng toro, at ang balat, at ang dumi ay iyong susunugin sa apoy sa labas ng kampamento: handog nga dahil sa kasalanan.

15 Kukunin mo rin ang isang lalaking tupa; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng lalaking tupa.

16 At iyong papatayin ang lalaking tupa, at iyong kukunin ang dugo, at iyong iwiwisik sa palibot sa ibabaw ng dambana.

17 At iyong kakatayin ang tupa at huhugasan mo ang bituka, at ang mga hita, at ipapatong mo sa mga pinagputolputol at sa ulo.

18 At iyong susunugin ang buong tupa sa ibabaw ng dambana: handog na susunugin nga sa Panginoon; pinaka masarap na amoy na handog sa Panginoon, na pinaraan sa apoy.

19 At kukunin mo ang isang tupa; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng tupa.

20 Saka mo papatayin ang tupa, at kukunin mo ang dugo, at ilalagay mo sa pingol ng kanang tainga ni Aaron, at sa pingol ng kanang tainga ng kaniyang mga anak, at sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa, at iwiwisik mo ang dugong labis sa ibabaw ng dambana sa palibot.

21 At kukuha ka ng dugo na nasa ibabaw ng dambana, at ng langis na pangpahid, at iwiwisik mo kay Aaron, at sa kaniyang mga suot, at sa kaniyang mga anak na kasama niya: at ikapapaging banal niya at ng kaniyang mga suot, at ng kaniyang mga anak, at ng mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya.

22 Kukunin mo rin naman sa lalaking tupa ang taba, at ang matabang buntot, at ang tabang nakababalot sa mga bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at ang kanang hita (sapagka't isang lalaking tupa na itinalaga),

23 At isang malaking tinapay, at isang munting tinapay na nilangisan, at isang manipis na tinapay sa bakol ng tinapay na walang lebadura na nasa harap ng Panginoon:

24 At iyong ilalagay ang kabuoan sa mga kamay ni Aaron, at sa mga kamay ng kaniyang mga anak; at iyong mga luluglugin na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon.

25 At iyong kukunin sa kanilang mga kamay, at iyong susunugin sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin, na pinaka masarap na amoy sa harap ng Panginoon: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

26 At kukunin mo ang dibdib ng tupa na itinalaga ni Aaron, at luglugin mo na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon: at magiging iyong bahagi.

27 At iyong ihihiwalay ang dibdib ng handog na niluglog, at ang hita ng handog na itinaas, ang niluglog at ang itinaas, ng lalaking tupa na itinalaga na kay Aaron at sa kaniyang mga anak;

28 At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na pinaka bahagi magpakailan man, na mula sa mga anak ni Israel: sapagka't isang handog na itinaas: at magiging isang handog na itinaas sa ganang mga anak ni Israel, na kinuha sa kanilang mga hain tungkol sa kapayapaan: na dili iba't kanilang handog ngang itinaas sa Panginoon.

29 At ang mga banal na kasuutan ni Aaron ay magiging sa kaniyang mga anak, pagkamatay niya, upang pahiran ng langis sa mga yaon, at upang italaga sa mga yaon.

30 Pitong araw na isusuot ng anak na magiging saserdote nakahalili niya, pagka siya'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan upang mangasiwa sa dakong banal.

31 At kukunin mo ang lalaking tupa na itinalaga at lulutuin mo ang kaniyang laman sa dakong banal.

32 At kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang laman ng tupa, at ang tinapay na nasa bakol sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

33 At kanilang kakanin ang mga bagay na yaon, na ipinangtubos ng sala, upang italaga at pakabanalin sila: datapuwa't hindi kakain niyaon ang sinomang taga ibang lupa, sapagka't mga bagay na banal.

34 At kung may lumabis sa laman na itinalaga, o sa tinapay, hanggang sa kinaumagahan, ay iyo ngang susunugin sa apoy ang labis: hindi kakanin, sapagka't yao'y banal.

35 At ganito mo gagawin kay Aaron, at sa kaniyang mga anak, ayon sa lahat na aking iniutos sa iyo: pitong araw na iyong itatalaga sila.

36 At araw-araw ay maghahandog ka ng toro na pinakahandog, dahil sa kasalanan na pinakapangtubos: at iyong lilinisin ang dambana pagka iyong ipinanggagawa ng katubusan yaon; at iyong papahiran ng langis upang pakabanalin.

37 Pitong araw na iyong tutubusin sa sala ang dambana, at iyong pakakabanalin; at ang dambana ay magiging kabanalbanalan; anomang masagi sa dambana ay magiging banal.

38 Ito nga ang iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana: dalawang kordero ng unang taon araw-araw na palagi.

39 Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga; at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon:

40 At kasama ng isang kordero na iyong ihahandog ang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na may halong ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo; at ang ikaapat na bahagi ng isang hin na alak, ay pinakahandog na inumin.

41 At ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon, at iyong gagawin ayon sa handog na harina sa umaga, at ayon sa inuming handog niyaon, na pinaka masarap na amoy, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

42 Magiging isang palaging handog na susunugin sa buong panahon ng inyong lahi sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa harap ng Panginoon; na aking pakikipagkitaan sa inyo, upang makipagusap ako roon sa iyo.

43 At doo'y makikipagtagpo ako sa mga anak ni Israel: at ang Tolda ay pakakabanalin sa pamamagitan ng aking kaluwalhatian.

44 At aking pakakabanalin ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana; si Aaron man at ang kaniyang mga anak ay aking papagbabanalin upang mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.

45 At ako'y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel, at ako'y magiging kanilang Dios.

46 At kanilang makikilala, na ako ang Panginoon nilang Dios, na kumuha sa kanila sa lupain ng Egipto, upang ako'y tumahan sa gitna nila: ako ang Panginoon nilang Dios.

'Exodo 29 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Consecration of the Priests(A)

29 “This is what you are to do to consecrate(B) them, so they may serve me as priests: Take a young bull and two rams without defect.(C) And from the finest wheat flour make round loaves without yeast, thick loaves without yeast and with olive oil mixed in, and thin loaves without yeast and brushed with olive oil.(D) Put them in a basket and present them along with the bull and the two rams.(E) Then bring Aaron and his sons to the entrance to the tent of meeting and wash them with water.(F) Take the garments(G) and dress Aaron with the tunic, the robe of the ephod, the ephod itself and the breastpiece. Fasten the ephod on him by its skillfully woven waistband.(H) Put the turban(I) on his head and attach the sacred emblem(J) to the turban. Take the anointing oil(K) and anoint him by pouring it on his head. Bring his sons and dress them in tunics(L) and fasten caps on them. Then tie sashes on Aaron and his sons.[a](M) The priesthood is theirs by a lasting ordinance.(N)

“Then you shall ordain Aaron and his sons.

10 “Bring the bull to the front of the tent of meeting, and Aaron and his sons shall lay their hands on its head.(O) 11 Slaughter it in the Lord’s presence(P) at the entrance to the tent of meeting. 12 Take some of the bull’s blood and put it on the horns(Q) of the altar with your finger, and pour out the rest of it at the base of the altar.(R) 13 Then take all the fat(S) on the internal organs,(T) the long lobe of the liver, and both kidneys with the fat on them, and burn them on the altar. 14 But burn the bull’s flesh and its hide and its intestines(U) outside the camp.(V) It is a sin offering.[b]

15 “Take one of the rams,(W) and Aaron and his sons shall lay their hands on its head.(X) 16 Slaughter it and take the blood and splash it against the sides of the altar. 17 Cut the ram into pieces and wash(Y) the internal organs and the legs, putting them with the head and the other pieces. 18 Then burn the entire ram on the altar. It is a burnt offering to the Lord, a pleasing aroma,(Z) a food offering presented to the Lord.

19 “Take the other ram,(AA) and Aaron and his sons shall lay their hands on its head.(AB) 20 Slaughter it, take some of its blood and put it on the lobes of the right ears of Aaron and his sons, on the thumbs of their right hands, and on the big toes of their right feet.(AC) Then splash blood against the sides of the altar.(AD) 21 And take some blood(AE) from the altar and some of the anointing oil(AF) and sprinkle it on Aaron and his garments and on his sons and their garments. Then he and his sons and their garments will be consecrated.(AG)

22 “Take from this ram the fat,(AH) the fat tail, the fat on the internal organs, the long lobe of the liver, both kidneys with the fat on them, and the right thigh. (This is the ram for the ordination.) 23 From the basket of bread made without yeast, which is before the Lord, take one round loaf, one thick loaf with olive oil mixed in, and one thin loaf. 24 Put all these in the hands of Aaron and his sons and have them wave them before the Lord as a wave offering.(AI) 25 Then take them from their hands and burn them on the altar along with the burnt offering for a pleasing aroma to the Lord, a food offering presented to the Lord.(AJ) 26 After you take the breast of the ram for Aaron’s ordination, wave it before the Lord as a wave offering, and it will be your share.(AK)

27 “Consecrate those parts of the ordination ram that belong to Aaron and his sons:(AL) the breast that was waved and the thigh that was presented. 28 This is always to be the perpetual share from the Israelites for Aaron and his sons. It is the contribution the Israelites are to make to the Lord from their fellowship offerings.(AM)

29 “Aaron’s sacred garments(AN) will belong to his descendants so that they can be anointed and ordained in them.(AO) 30 The son(AP) who succeeds him as priest and comes to the tent of meeting to minister in the Holy Place is to wear them seven days.

31 “Take the ram(AQ) for the ordination and cook the meat in a sacred place.(AR) 32 At the entrance to the tent of meeting, Aaron and his sons are to eat the meat of the ram and the bread(AS) that is in the basket. 33 They are to eat these offerings by which atonement was made for their ordination and consecration. But no one else may eat(AT) them, because they are sacred. 34 And if any of the meat of the ordination ram or any bread is left over till morning,(AU) burn it up. It must not be eaten, because it is sacred.

35 “Do for Aaron and his sons everything I have commanded you, taking seven days to ordain them. 36 Sacrifice a bull each day(AV) as a sin offering to make atonement(AW). Purify the altar by making atonement for it, and anoint it to consecrate(AX) it. 37 For seven days make atonement for the altar and consecrate it. Then the altar will be most holy, and whatever touches it will be holy.(AY)

38 “This is what you are to offer on the altar regularly each day:(AZ) two lambs a year old. 39 Offer one in the morning and the other at twilight.(BA) 40 With the first lamb offer a tenth of an ephah[c] of the finest flour mixed with a quarter of a hin[d] of oil(BB) from pressed olives, and a quarter of a hin of wine as a drink offering.(BC) 41 Sacrifice the other lamb at twilight(BD) with the same grain offering(BE) and its drink offering as in the morning—a pleasing aroma, a food offering presented to the Lord.

42 “For the generations to come(BF) this burnt offering is to be made regularly(BG) at the entrance to the tent of meeting,(BH) before the Lord. There I will meet you and speak to you;(BI) 43 there also I will meet with the Israelites, and the place will be consecrated by my glory.(BJ)

44 “So I will consecrate the tent of meeting and the altar and will consecrate Aaron and his sons to serve me as priests.(BK) 45 Then I will dwell(BL) among the Israelites and be their God.(BM) 46 They will know that I am the Lord their God, who brought them out of Egypt(BN) so that I might dwell among them. I am the Lord their God.(BO)

Footnotes

  1. Exodus 29:9 Hebrew; Septuagint on them
  2. Exodus 29:14 Or purification offering; also in verse 36
  3. Exodus 29:40 That is, probably about 3 1/2 pounds or about 1.6 kilograms
  4. Exodus 29:40 That is, probably about 1 quart or about 1 liter