Exodo 6:7
Ang Biblia (1978)
7 (A)At kayo'y aking aariin na pinakabayan ko at ako'y magiging sa inyo'y Dios, (B)at inyong makikilala na ako'y si Jehova ninyong Dios, na naglalabas sa inyo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio.
Read full chapter
Exodo 6:7
Ang Biblia, 2001
7 Kayo'y aking aariing aking bayan at ako'y magiging Diyos ninyo at inyong malalaman na ako'y Panginoon ninyong Diyos na nagpalaya sa inyo sa pagpapahirap ng mga Ehipcio.
Read full chapter
Levitico 26:12
Ang Biblia (1978)
12 At (A)lalakad ako sa gitna ninyo at ako'y magiging inyong Dios, at kayo'y magiging aking bayan.
Read full chapter
Levitico 26:12
Ang Biblia, 2001
12 at(A) ako'y laging lalakad sa gitna ninyo. Ako'y magiging inyong Diyos, at kayo'y magiging aking bayan.
Read full chapter
Deuteronomio 14:2
Ang Biblia (1978)
2 (A)Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, at ikaw ay pinili ng Panginoon (B)upang maging bayan sa kaniyang sariling pagaari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.
Read full chapter
Deuteronomio 14:2
Ang Biblia, 2001
2 Sapagkat(A) ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Diyos, at ikaw ay pinili ng Panginoon upang maging bayan na kanyang sariling pag-aari, mula sa lahat ng mga bayan na nasa balat ng lupa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.