Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Start your day in Scripture. Get the Verse of the Day by email.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Finding your way around? Take the tour.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG1978
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG1978
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Deuteronomio 14  Ang Biblia (1978)

Pagiiba ng ayos ng katawan dahil sa patay ay ipinagbawal. Malinis at di malinis na hayop.

14 (A)Kayo'y mga anak ng Panginoon ninyong Dios: (B)huwag kayong magkukudlit, ni magpapakakalbo sa pagitan ng inyong mga mata, ng dahil sa patay.

2 (C)Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, at ikaw ay pinili ng Panginoon (D)upang maging bayan sa kaniyang sariling pagaari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.

3 (E)Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay.

4 (F)Ito ang mga hayop na inyong makakain: ang baka, ang tupa, at ang kambing,

5 Ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang lalaking usa, at ang mabangis na kambing, at ang pigargo, at ang antilope, at ang gamuza.

6 At bawa't hayop na may hati ang paa, at baak, at ngumunguya sa mga hayop, ay inyong makakain.

7 Gayon ma'y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga ngumunguya, o sa baak ang paa: ang kamelyo, at ang liebre, at ang coneho, sapagka't sila'y ngumunguya, nguni't walang hati ang paa; mga marumi sa inyo;

8 At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, (G)at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin.

9 At ang mga ito'y inyong makakain sa lahat ng nasa tubig: anomang may mga kaliskis at mga palikpik, ay inyong makakain:

10 At anomang walang kaliskis at palikpik, ay huwag ninyong kakanin; marumi nga ito sa inyo.

11 Sa lahat ng ibong malinis ay makakakain kayo.

12 Nguni't ang mga ito'y hindi ninyo makakain: ang aguila, at ang aguilang dumudurog ng mga buto, at ang aguilang dagat;

13 At ang (H)ixio, at ang halkon, at ang (I)lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;

14 At lahat na uwak ayon sa kanilang pagkauwak;

15 At ang avestruz, at ang chotacabras, at ang graviota, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;

16 Ang munting kuwago, at ang malaking kuwago, at ang kuwagong tila may sungay;

17 At ang pelikano, at ang buitre, at ang somormuho;

18 At ang ciguena at ang tagak, ayon sa kanilang pagkatagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag.

19 At lahat ng may pakpak na umuusad, ay marumi sa inyo: (J)hindi kakanin.

20 Sa lahat ng ibong malinis ay kayo'y makakakain.

21 (K)Huwag kayong kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili: iyong maibibigay sa taga ibang bayang (L)nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kaniyang kanin; o iyong maipagbibili sa taga ibang bayan: sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios. (M)Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kaniyang ina.

22 (N)Iyo ngang pagsasangpuing bahagi ang lahat na bunga ng iyong binhi na nanggagaling taontaon sa iyong bukid.

23 At (O)iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, (P)at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi.

24 At kung ang daan ay totoong mahaba sa ganang iyo, na ano pa't hindi mo madadala, (Q)sapagka't totoong malayo sa iyo ang dako, na pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan, pagka ikaw ay pagpapalain ng Panginoon mong Dios:

25 Ay iyo ngang sasalapiin, at iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios:

26 At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at (R)iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan;

27 At ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay (S)huwag mong pababayaan: (T)sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo.

28 (U)Sa katapusan ng bawa't tatlong taon ay iyong kukunin ang buong ikasangpung bahagi ng iyong bunga ng taong yaon, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga pintuang-daan:

29 At ang Levita, sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nangasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay magsisiparoon at magsisikain at mangabubusog; (V)upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay sa iyong ginagawa.

Cross references

  1. 14:1 : Os. 1:10; Rom. 8:16; 9:8, 26; Gal. 3:26.
  2. 14:1 : Lev. 19:28; 1 Hari 18:28; Jer. 16:16; 41:5; 47:5; 1 Tes. 4:13.
  3. 14:2 : Ex. 19:6.
  4. 14:2 : 1 Ped. 2:9.
  5. 14:3 : Is. 65:4; Gawa 10:13, 14.
  6. 14:4 : Hanggang tal. 20; Lev. 11:2-23.
  7. 14:8 : Lev. 11:26.
  8. 14:13 : Lev. 11:14.
  9. 14:13 : Is. 34:15.
  10. 14:19 : Lev. 11:21.
  11. 14:21 : Lev. 17:15.
  12. 14:21 : tal. 2.
  13. 14:21 : Ex. 23:19.
  14. 14:22 : Deut. 12:6, 17.
  15. 14:23 : Deut. 12:5, 7, 17, 18.
  16. 14:23 : Deut. 12:6.
  17. 14:24 : Deut. 12:21.
  18. 14:26 : Deut. 12:7.
  19. 14:27 : Deut. 12:19.
  20. 14:27 : Blg. 18:20.
  21. 14:28 : Deut. 26:12; Amos 4:4.
  22. 14:29 : Deut. 15:10; 24:19; Mal. 3:10.
Next
Deuteronomio 13
Deuteronomio 15
Next
dropdown
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway