Eclesiastes 2
Ang Biblia, 2001
Tungkol sa Sariling Kasiyahan
2 Sinabi ko sa aking sarili, “Pumarito ka ngayon, susubukin ko ang kasayahan; magpakasarap ka.” Ngunit ito rin ay walang kabuluhan.
2 Aking sinabi tungkol sa halakhak, “Ito'y kalokohan” at sa kasayahan, “Anong halaga nito?”
3 Siniyasat ng aking isipan kung paano pasasayahin ang aking katawan sa pamamagitan ng alak—pinapatnubayan pa ng karunungan ang aking isipan—at kung paano maging hangal, hanggang sa aking makita kung ano ang mabuting gawin ng mga tao sa silong ng langit sa iilang araw ng kanilang buhay.
4 Gumawa(A) ako ng mga dakilang gawa; nagtayo ako ng mga bahay at nagtanim ako para sa sarili ko ng mga ubasan.
5 Gumawa ako para sa sarili ko ng mga halamanan at mga liwasan, at aking tinamnan ng mga sari-saring punungkahoy na nagbubunga.
6 Gumawa ako para sa sarili ko ng mga tipunan ng tubig, upang diligin ang gubat na pagtatamnan ng mga lumalaking punungkahoy.
7 Ako'y(B) bumili ng mga aliping lalaki at babae, at nagkaroon ako ng mga aliping ipinanganak sa aking bahay. Nagkaroon din ako ng mga malaking ari-arian ng mga bakahan at mga kawan, higit kaysa lahat ng nauna sa akin sa Jerusalem.
8 Nagtipon(C) din ako para sa akin ng pilak at ginto, at ng kayamanan ng mga hari at ng mga lalawigan. Kumuha ako ng mga mang-aawit na lalaki at babae, at maraming asawa na kasiyahan ng laman.
9 Kaya't(D) naging dakila ako, at nahigitan ko ang lahat ng nauna sa akin sa Jerusalem; ang aking karunungan ay nanatili naman sa akin.
10 At anumang ninasa ng aking mga mata ay hindi ko ipinagkait. Hindi ko pinigil ang aking puso sa anumang kasiyahan, sapagkat nagagalak ang aking puso dahil sa lahat kong gawain; at ito ang aking gantimpala para sa lahat ng aking pagpapagod.
11 Nang magkagayo'y minasdan ko ang lahat na ginawa ng aking mga kamay, at ang pagpapagal na aking ginugol sa paggawa nito. At muli, lahat ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin, at walang mapapakinabang sa ilalim ng araw.
12 Kaya't ako'y bumaling upang isaalang-alang ang karunungan, ang kaululan at ang kahangalan; sapagkat ano ang magagawa ng tao na sumusunod sa hari? Ang kanya lamang nagawa na.
13 Nang magkagayo'y aking nakita, na ang karunungan ay nakakahigit sa kahangalan, na gaya ng liwanag na nakakahigit sa kadiliman.
14 Ang mga mata ng pantas ay nasa kanyang ulo, ngunit ang hangal ay lumalakad sa kadiliman; gayunma'y aking nakita na isang kapalaran ang dumarating sa kanilang lahat.
15 Nang magkagayo'y sinabi ko sa aking sarili, “Kung ano ang nangyari sa hangal ay mangyayari rin sa akin; kaya't bakit pa nga ako naging napakarunong?” At sinabi ko sa puso ko na ito man ay walang kabuluhan.
16 Sapagkat kung paano sa pantas ay gayundin sa hangal, walang alaala magpakailanman; na sa mga araw na darating ay malilimutan nang lahat. At kung paanong ang pantas ay namamatay ay gayon ang mangmang!
17 Sa gayo'y kinamuhian ko ang buhay, sapagkat ang ginawa sa ilalim ng araw ay mapanglaw sa akin, sapagkat lahat ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin.
18 Kinamuhian ko ang lahat kong pagpapagal na aking ginawa sa ilalim ng araw; yamang marapat kong iwan sa tao na susunod sa akin.
19 At sinong nakakaalam kung siya'y magiging isang pantas o isang hangal? Gayunman ay mamumuno siya sa lahat ng aking pinagpaguran, at sa aking ginamitan ng aking karunungan sa ilalim ng araw. Ito man ay walang kabuluhan.
20 Kaya't ako'y bumalik at aking ibinigay ang aking puso sa kawalang pag-asa sa lahat ng gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw.
21 Sapagkat kung minsan ang taong gumawa na may karunungan, kaalaman, at kakayahan ay iiwanan ang lahat upang pakinabangan ng taong hindi nagpagod para dito. Ito man ay walang kabuluhan at malaking kasamaan.
22 Sapagkat ano ang natatamo ng tao sa lahat ng kanyang ginagawa at pinagpaguran sa ilalim ng araw?
23 Sapagkat(E) lahat ng kanyang araw ay punô ng sakit at ang kanyang gawa ay pagdaramdam; at pati sa gabi ay hindi nagpapahinga ang kanyang isip. Ito man ay walang kabuluhan.
24 Walang(F) mabuti sa tao kundi ang kumain at uminom, at magpakaligaya sa kanyang pinagpaguran. Nakita ko na ito man ay mula sa kamay ng Diyos.
25 Sapagkat sinong makakakain, o sinong makapagtataglay ng kagalakan na hiwalay sa kanya?
26 Sapagkat(G) ang tao na kinalulugdan ng Diyos ay binibigyan niya ng karunungan, kaalaman at kagalakan; ngunit sa makasalanan ay ibinibigay niya ang gawain ng pagtitipon at pagbubunton, upang maibigay sa kanya na kinalulugdan ng Diyos. Ito man ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin.
Ecclesiastes 2
English Standard Version
The Vanity of Self-Indulgence
2 I (A)said in my heart, “Come now, I will test you with pleasure; enjoy yourself.” But behold, this also was vanity.[a] 2 I (B)said of laughter, “It is mad,” and of pleasure, “What use is it?” 3 I (C)searched with my heart how to cheer my body with wine—my heart still guiding me with wisdom—and how to lay hold on (D)folly, till I might see what was good for the children of man to do under heaven during the few days of their life. 4 I made great works. I (E)built houses and planted (F)vineyards for myself. 5 I made myself (G)gardens and parks, and planted in them all kinds of fruit trees. 6 I made myself pools from which to water the forest of growing trees. 7 I bought male and female slaves, and had (H)slaves who were born in my house. I had also great possessions of (I)herds and flocks, more than any who had been before me in Jerusalem. 8 I also gathered for myself silver and (J)gold and the treasure of (K)kings and (L)provinces. I got (M)singers, both men and women, and many (N)concubines,[b] the delight of the sons of man.
9 So I became great and (O)surpassed all who were before me in Jerusalem. Also my (P)wisdom remained with me. 10 And whatever my eyes desired I did not keep from them. I kept my heart from no pleasure, for my heart (Q)found pleasure in all my toil, and this was my (R)reward for all my toil. 11 Then I considered all that my hands had done and the toil I had expended in doing it, and behold, all was (S)vanity and a striving after wind, and there was nothing (T)to be gained under the sun.
The Vanity of Living Wisely
12 (U)So I turned to consider (V)wisdom and madness and folly. For what can the man do who comes after the king? Only (W)what has already been done. 13 Then I saw that there is more gain in wisdom than in folly, as there is more gain in light than in darkness. 14 (X)The wise person has his eyes in his head, but the fool walks in darkness. And yet I perceived that the (Y)same event happens to all of them. 15 Then I said in my heart, (Z)“What happens to the fool will happen to me also. Why then have I been so very wise?” And I said in my heart that this also is vanity. 16 For of the wise as of the fool there is (AA)no enduring remembrance, seeing that in the days to come all will have been long forgotten. (AB)How the wise dies just like the fool! 17 So I hated life, because what is done under the sun was grievous to me, for (AC)all is vanity and a striving after wind.
The Vanity of Toil
18 I hated (AD)all my toil in which I toil under the sun, seeing that I must (AE)leave it to the man who will come after me, 19 and who knows whether he will be wise or a fool? Yet he will be master of all for which I toiled and used my wisdom under the sun. This also is vanity. 20 So I (AF)turned about and gave my heart up to despair (AG)over all the toil of my labors under the sun, 21 because sometimes a person who has toiled with wisdom and knowledge and skill must leave everything to be enjoyed by someone who did not toil for it. This also is vanity and a great evil. 22 What has a man from (AH)all the toil and striving of heart with which he toils beneath the sun? 23 For (AI)all his days are full of sorrow, and his (AJ)work is a vexation. Even in the night his heart does not rest. This also is vanity.
24 (AK)There is nothing better for a person than that he should (AL)eat and drink and find enjoyment[c] in his toil. This also, I saw, is (AM)from the hand of God, 25 for apart from him[d] who can eat or who can have enjoyment? 26 For to the one who pleases him (AN)God has given wisdom and knowledge and joy, but to the sinner he has given (AO)the business of gathering and collecting, (AP)only to give to one who pleases God. (AQ)This also is vanity and a striving after wind.
Footnotes
- Ecclesiastes 2:1 The Hebrew term hebel can refer to a “vapor” or “mere breath”; also verses 11, 15, 17, 19, 21, 23, 26 (see note on 1:2)
- Ecclesiastes 2:8 The meaning of the Hebrew word is uncertain
- Ecclesiastes 2:24 Or and make his soul see good
- Ecclesiastes 2:25 Some Hebrew manuscripts, Septuagint, Syriac; most Hebrew manuscripts apart from me
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
The ESV® Bible (The Holy Bible, English Standard Version®), © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers. ESV Text Edition: 2025.

