Mangangaral 12
Magandang Balita Biblia
12 Alalahanin mo ang iyong Manlilikha sa panahon ng iyong kabataan bago dumating ang mga araw at taon na puno ng kaguluhan, panahong hindi mo na madama ang tamis ng mabuhay. 2 Alalahanin mo ang Diyos bago makubli ang sikat ng araw, bago magdilim ang buwan at mga bituin, bago ka matabunan ng makapal at madilim na ulap. 3 Alalahanin mo siya bago humina ang iyong katawan, bago manghina ang iyong mga bisig, bago mawalan ng lakas ang iyong mga tuhod. Alalahanin mo siya bago mabungi ang iyong mga ngipin at bago lumabo ang iyong mga mata. 4 Alalahanin mo nga siya bago dumating ang panahon na sarado na ang mga pintuan at tumigil na ang tunog ng gilingan; bago dumating ang panahon na madali kang magising sa himig ng mga ibon, o ang tunog ng awitin ay tuluyan ng tumigil.[a] 5 Alalahanin mo siya bago dumating ang panahong katatakutan mong umakyat sa mataas na lugar, bago dumating ang panahong di ka na makalakad na mag-isa, bago pumuti ang iyong buhok, at lipasan ng pagnanasang sumiping sa minamahal.
Darating ang araw na tayo'y pupunta sa huli nating hantungan at marami ang tatangis sa lansangan. 6 Darating ang araw na malalagot ang tanikalang pilak na nagdadala sa ilawang ginto; babagsak ito at madudurog. Darating din ang araw na malalagot ang tali ng timba at ito'y babagsak at masisira. 7 Alalahanin mo siya bago manumbalik sa alabok ang ating katawang lupa at ang ating hininga ay magbalik sa Diyos na may bigay nito. 8 “Napakawalang kabuluhan![b] Lahat ay napakawalang kabuluhan,” sabi ng Mangangaral.
9 Lahat ng nalalaman ng Mangangaral ay itinuro niya sa mga tao. Pinag-aralan niyang mabuti ang mga kasabihan at sinubok kung ito'y totoo. 10 Pinipili niya ang mga salitang magdudulot ng kasiyahan at isinusulat ang katotohanan.
11 Ang mga salita ng matalino ay matulis na tulad ng tungkod na pantaboy ng kawan, tulad ng matulis na pakong nakabaon pagkat buhat sa tanging pastol nating lahat. 12 Anak ko, mag-ingat ka sa mga bagay na wala rito. Hindi matitigil ang paggawa ng iba't ibang aklat, at ang labis na pag-aaral ay pahirap sa katawan.
13 Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi: Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. 14 Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay ipagsusulit natin sa Diyos.
Footnotes
- Mangangaral 12:4 Ang tekstong Hebreo ay maaaring tumutukoy sa panahon ng kamatayan at paglilibing, o kaya'y sa panahon na ang tao'y hindi na masyadong makarinig.
- Mangangaral 12:8 Napakawalang kabuluhan: o kaya'y Napakalaking palaisipan .
Ecclesiastes 12
New International Version
12 Remember(A) your Creator
in the days of your youth,
before the days of trouble(B) come
and the years approach when you will say,
“I find no pleasure in them”—
2 before the sun and the light
and the moon and the stars grow dark,
and the clouds return after the rain;
3 when the keepers of the house tremble,
and the strong men stoop,
when the grinders cease because they are few,
and those looking through the windows grow dim;
4 when the doors to the street are closed
and the sound of grinding fades;
when people rise up at the sound of birds,
but all their songs grow faint;(C)
5 when people are afraid of heights
and of dangers in the streets;
when the almond tree blossoms
and the grasshopper drags itself along
and desire no longer is stirred.
Then people go to their eternal home(D)
and mourners(E) go about the streets.
6 Remember him—before the silver cord is severed,
and the golden bowl is broken;
before the pitcher is shattered at the spring,
and the wheel broken at the well,
7 and the dust returns(F) to the ground it came from,
and the spirit returns to God(G) who gave it.(H)
The Conclusion of the Matter
9 Not only was the Teacher wise, but he also imparted knowledge to the people. He pondered and searched out and set in order many proverbs.(K) 10 The Teacher(L) searched to find just the right words, and what he wrote was upright and true.(M)
11 The words of the wise are like goads, their collected sayings like firmly embedded nails(N)—given by one shepherd.[b] 12 Be warned, my son, of anything in addition to them.
Of making many books there is no end, and much study wearies the body.(O)
Footnotes
- Ecclesiastes 12:8 Or the leader of the assembly; also in verses 9 and 10
- Ecclesiastes 12:11 Or Shepherd
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.