Add parallel Print Page Options

Pagbubulaybulay at panalangin tungkol sa kautusan ng Dios.

ALEPH.

119 Mapalad silang (A)sakdal sa lakad,
Na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo,
Na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
(B)Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan;
Sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.
Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo,
Upang aming sunding masikap.
Oh matatag nawa ang aking mga daan,
Upang sundin ang mga palatuntunan mo!
(C)Hindi nga ako mapapahiya,
Pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso,
Pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.
Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo:
Oh huwag mo akong pabayaang lubos.

BETH.

Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan?
Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
10 Hinanap kita ng aking buong puso:
Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.
11 Ang salita mo'y aking iningatan (D)sa aking puso:
Upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
12 Mapalad ka, Oh Panginoon:
(E)Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
13 Aking ipinahayag ng aking mga labi
Ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
14 (F)Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo,
Na gaya ng lahat na kayamanan.
15 Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin,
At gagalang sa iyong mga daan.
16 (G)Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan:
Hindi ko kalilimutan ang iyong salita.

GIMEL.

17 (H)Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay;
Sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.
18 Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita
Ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.
19 (I)Ako'y nakikipamayan sa lupa:
Huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.
20 (J)Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik.
Na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
21 Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa,
Na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.
22 Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan;
(K)Sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.
23 Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin;
Nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.
24 (L)Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran.
At aking mga tagapayo.

DALETH.

25 (M)Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok:
(N)Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
26 Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin:
Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
27 (O)Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin:
Sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
28 Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob:
Iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.
29 Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan:
At ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.
30 Aking pinili ang daan ng pagtatapat:
Ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.
31 Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo:
Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.
32 Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos,
Pagka iyong (P)pinalaki ang aking puso.

HE.

33 Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan;
At aking iingatan hanggang sa wakas.
34 Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan;
Oo, aking susundin ng aking buong puso.
35 Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos;
Sapagka't siya kong (Q)kinaaliwan.
36 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo,
At huwag sa (R)kasakiman.
37 (S)Alisin mo ang aking mga mata (T)sa pagtingin ng walang kabuluhan.
At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
38 (U)Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod,
Na ukol sa takot sa iyo.
39 Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan:
Sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
40 Narito, ako'y (V)nanabik sa iyong mga tuntunin;
Buhayin mo ako sa iyong katuwiran.

VAU.

41 (W)Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
42 Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin;
Sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita.
43 At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig;
Sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan.
44 Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi
Magpakailan-kailan pa man.
45 At lalakad ako sa kalayaan;
Sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.
46 (X)Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari,
At hindi ako mapapahiya.
47 At ako'y maaaliw sa iyong mga utos,
Na aking iniibig.
48 (Y)Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig;
At ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.

ZAIN.

49 Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod,
Na doo'y iyong pinaasa ako.
50 Ito'y aking (Z)kaaliwan sa aking pagkapighati:
Sapagka't binuhay ako ng (AA)iyong salita.
51 Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin:
Gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.
52 Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon,
At ako'y nagaliw sa sarili.
53 (AB)Maalab na galit ang humawak sa akin,
Dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.
54 Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit
Sa (AC)bahay ng aking pangingibang bayan.
55 (AD)Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon,
At sinunod ko ang iyong kautusan.
56 Ito ang tinamo ko,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.

CHETH.

57 (AE)Ang Panginoon ay aking bahagi:
Aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.
58 Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso:
Magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.
59 (AF)Ako'y nagiisip sa aking mga lakad,
At ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
60 Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad,
Na sundin ang iyong mga utos.
61 Pinuluputan ako ng mga panali ng masama;
Nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
62 (AG)Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo,
Dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
63 Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo,
At ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.
64 Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno (AH)ng iyong kagandahang-loob:
(AI)Ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.

TETH.

65 Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod,
Oh Panginoon, (AJ)ayon sa iyong salita.
66 Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman;
Sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.
67 (AK)Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako;
Nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.
68 (AL)Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti;
Ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
69 Ang palalo ay (AM)kumatha ng kabulaanan laban sa akin:
Aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
70 (AN)Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo;
Nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.
71 (AO)Mabuti sa akin na ako'y napighati;
Upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.
72 Ang kautusan ng iyong bibig ay (AP)lalong mabuti sa akin
Kay sa libong ginto at pilak.

JOD.

73 (AQ)Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay:
(AR)Bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.
74 (AS)Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa;
Sapagka't ako'y umasa (AT)sa iyong salita;
75 Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid,
At sa (AU)pagtatapat, iyo akong dinalamhati.
76 Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob,
Ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.
77 Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay:
Sapagka't (AV)ang kautusan mo'y aking kaaliwan.
78 (AW)Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan:
Nguni't (AX)ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin.
79 Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo,
At silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo.
80 Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan;
Upang huwag akong mapahiya.

CAPH.

81 Pinanglulupaypayan ng (AY)aking kaluluwa ang iyong pagliligtas:
Nguni't umaasa ako sa iyong salita.
82 (AZ)Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita,
Samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin?
83 Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok;
Gayon ma'y hindi (BA)ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan.
84 (BB)Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod?
(BC)Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin?
85 Inihukay ako (BD)ng palalo ng mga lungaw
Na hindi mga ayon sa iyong kautusan.
86 Lahat mong mga utos ay tapat.
Kanilang inuusig ako (BE)na may kamalian; (BF)tulungan mo ako.
87 Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa;
Nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo.
88 Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob;
Sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig.

LAMED.

89 (BG)Magpakailan man, Oh Panginoon,
Ang iyong salita ay natatag sa langit.
90 Ang iyong (BH)pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi:
Iyong itinatag ang lupa, (BI)at lumalagi.
91 (BJ)Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin;
Sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo.
92 Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan,
Namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.
93 Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo;
Sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.
94 Ako'y iyo, iligtas mo ako,
Sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo,
95 Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin;
Nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo.
96 Aking nakita ang wakas (BK)ng buong kasakdalan;
Nguni't ang utos mo'y totoong malawak.

MEM.

97 (BL)Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan!
Siya kong gunita buong araw.
98 Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway (BM)ng iyong mga utos;
Sapagka't mga laging sumasa akin.
99 Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin;
(BN)Sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.
100 Ako'y nakakaunawa na (BO)higit kay sa may katandaan,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
101 Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad,
Upang aking masunod ang salita mo.
102 Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan;
Sapagka't iyong tinuruan ako.
103 (BP)Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa!
Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
104 Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa:
Kaya't aking (BQ)ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.

NUN.

105 (BR)Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa,
At liwanag sa aking landas.
106 (BS)Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko,
Na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
107 Ako'y nagdadalamhating mainam:
(BT)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
108 Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, (BU)ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon,
At ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
109 Ang kaluluwa ko'y (BV)laging nasa aking kamay;
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
110 Ipinaglagay ako ng silo ng masama;
Gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
111 Ang mga patotoo mo'y inari kong (BW)pinakamana magpakailan man;
Sapagka't (BX)sila ang kagalakan ng aking puso.
112 Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo,
Magpakailan man, sa makatuwid baga'y (BY)hanggang sa wakas.

SAMECH.

113 Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip;
Nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.
114 Ikaw ang (BZ)kublihan kong dako at (CA)kalasag ko:
Ako'y umaasa (CB)sa iyong salita.
115 (CC)Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan;
Upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
116 Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay;
(CD)At huwag mo akong hiyain (CE)sa aking pagasa.
117 Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas,
At magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.
118 (CF)Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan;
Sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
119 Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal;
(CG)Kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.
120 (CH)Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo;
At ako'y takot sa iyong mga kahatulan.

AIN.

121 Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan:
Huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
122 (CI)Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti:
Huwag mong ipapighati ako sa palalo.
123 Pinangangalumatahan (CJ)ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
At ang iyong matuwid na salita.
124 Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob,
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
125 (CK)Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa;
Upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
126 Kapanahunan sa Panginoon na gumawa;
Sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
127 (CL)Kaya't aking iniibig ang mga utos mo
Ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
128 Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay;
At ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.

PE.

129 Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas;
Kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa.
130 (CM)Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag;
(CN)Nagbibigay ng unawa sa walang muwang.
131 Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga;
Sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo.
132 Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin,
Gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan.
133 (CO)Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita;
At huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang (CP)anomang kasamaan.
134 Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao:
Sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.
135 (CQ)Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod;
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
136 Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga (CR)ilog ng tubig;
Sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.

TZADDI.

137 (CS)Matuwid ka, Oh Panginoon,
At matuwid ang mga kahatulan mo.
138 Iniutos mo ang (CT)mga patotoo mo sa katuwiran
At totoong may pagtatapat.
139 Tinunaw ako ng (CU)aking sikap,
Sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.
140 Ang salita mo'y (CV)totoong malinis;
Kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.
141 Ako'y maliit at hinahamak:
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.
142 Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran,
At ang kautusan mo'y (CW)katotohanan.
143 Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin:
Gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.
144 Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man:
(CX)Bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.

COPH.

145 Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon:
Iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.
146 Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako,
At aking tutuparin ang mga patotoo mo.
147 (CY)Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako:
Ako'y umasa sa iyong mga salita.
148 (CZ)Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi,
Upang aking magunita ang salita mo.
149 Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob:
(DA)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan.
150 Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit;
Sila'y malayo sa iyong kautusan.
151 (DB)Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; At (DC)lahat mong utos ay katotohanan.
152 Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo,
Na iyong (DD)pinamalagi magpakailan man.

RESH.

153 (DE)Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan (DF)ang iyong kautusan.
154 (DG)Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako:
Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
155 Kaligtasan ay (DH)malayo sa masama;
Sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.
156 Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon:
(DI)Buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.
157 Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko;
Gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.
158 Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at (DJ)ako'y namanglaw;
Sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo.
159 Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo:
Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.
160 Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan;
At bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.

SIN.

161 Inusig ako (DK)ng mga pangulo ng walang kadahilanan;
Nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita.
162 Ako'y nagagalak sa iyong salita,
(DL)Na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
163 Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling;
Nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.
164 Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo,
Dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.
165 (DM)Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan.
At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.
166 Ako'y umasa sa (DN)iyong pagliligtas, Oh Panginoon.
At ginawa ko ang mga utos mo.
167 Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo;
At iniibig kong mainam,
168 Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo;
(DO)Sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.

TAU.

169 Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon:
Bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.
170 Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik:
Iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
171 Tulutang magbadya ng pagpuri ang (DP)aking mga labi;
Sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
172 Awitin ng aking dila ang iyong salita;
Sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
173 Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako;
Sapagka't aking pinili ang (DQ)iyong mga tuntunin.
174 Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon:
At ang (DR)iyong kautusan ay aking kaaliwan.
175 Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo;
At tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.
176 (DS)Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod;
Sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.

'Awit 119 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

119 Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.

Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.

Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.

Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap.

Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo!

Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.

Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.

Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos.

Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.

10 Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.

11 Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.

12 Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.

13 Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.

14 Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan.

15 Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan.

16 Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita.

17 Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.

18 Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.

19 Ako'y nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.

20 Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.

21 Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.

22 Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.

23 Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.

24 Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo.

25 Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.

26 Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.

27 Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.

28 Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.

29 Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.

30 Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.

31 Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.

32 Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso.

33 Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas.

34 Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso.

35 Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan.

36 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman.

37 Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan.

38 Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo.

39 Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.

40 Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran.

41 Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.

42 Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita.

43 At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan.

44 Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man.

45 At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.

46 Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, at hindi ako mapapahiya.

47 At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig.

48 Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.

49 Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod, na doo'y iyong pinaasa ako.

50 Ito'y aking kaaliwan sa aking pagkapighati: sapagka't binuhay ako ng iyong salita.

51 Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin: gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.

52 Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon, at ako'y nagaliw sa sarili.

53 Maalab na galit ang humawak sa akin, dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.

54 Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pangingibang bayan.

55 Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon, at sinunod ko ang iyong kautusan.

56 Ito ang tinamo ko, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.

57 Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.

58 Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.

59 Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.

60 Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, na sundin ang iyong mga utos.

61 Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.

62 Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.

63 Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo, at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.

64 Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno ng iyong kagandahang-loob: ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.

65 Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.

66 Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman; sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.

67 Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.

68 Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.

69 Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin: aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.

70 Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo; nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.

71 Mabuti sa akin na ako'y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.

72 Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak.

73 Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay: bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.

74 Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa; sapagka't ako'y umasa sa iyong salita;

75 Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati.

76 Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob, ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.

77 Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay: sapagka't ang kautusan mo'y aking kaaliwan.

78 Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan: nguni't ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin.

79 Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo, at silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo.

80 Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan; upang huwag akong mapahiya.

81 Pinanglulupaypayan ng aking kaluluwa ang iyong pagliligtas: nguni't umaasa ako sa iyong salita.

82 Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita, samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin?

83 Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan.

84 Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod? Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin?

85 Inihukay ako ng palalo ng mga lungaw na hindi mga ayon sa iyong kautusan.

86 Lahat mong mga utos ay tapat. Kanilang inuusig ako na may kamalian; tulungan mo ako.

87 Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa; nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo.

88 Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob; sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig.

89 Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit.

90 Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi: iyong itinatag ang lupa, at lumalagi.

91 Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin; sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo.

92 Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan, namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.

93 Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo; sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.

94 Ako'y iyo, iligtas mo ako, sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo,

95 Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin; nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo.

96 Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan; nguni't ang utos mo'y totoong malawak.

97 Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw.

98 Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; sapagka't mga laging sumasa akin.

99 Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.

100 Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.

101 Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, upang aking masunod ang salita mo.

102 Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; sapagka't iyong tinuruan ako.

103 Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!

104 Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.

105 Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.

106 Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.

107 Ako'y nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.

108 Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.

109 Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.

110 Ipinaglagay ako ng silo ng masama; gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.

111 Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso.

112 Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo, magpakailan man, sa makatuwid baga'y hanggang sa wakas.

113 Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.

114 Ikaw ang kublihan kong dako at kalasag ko: ako'y umaasa sa iyong salita.

115 Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan; upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.

116 Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay; at huwag mo akong hiyain sa aking pagasa.

117 Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas, at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.

118 Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan; sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.

119 Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal; kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.

120 Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo; at ako'y takot sa iyong mga kahatulan.

121 Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan: huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.

122 Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti: huwag mong ipapighati ako sa palalo.

123 Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, at ang iyong matuwid na salita.

124 Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob, at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.

125 Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa; upang aking maalaman ang mga patotoo mo,

126 Kapanahunan sa Panginoon na gumawa; sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.

127 Kaya't aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.

128 Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; at ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.

129 Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas; kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa.

130 Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.

131 Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga; sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo.

132 Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin, gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan.

133 Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan.

134 Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao: sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.

135 Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod; at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.

136 Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig; sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.

137 Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo.

138 Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat.

139 Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.

140 Ang salita mo'y totoong malinis; kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.

141 Ako'y maliit at hinahamak: gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.

142 Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan.

143 Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.

144 Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.

145 Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.

146 Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako, at aking tutuparin ang mga patotoo mo.

147 Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako: ako'y umasa sa iyong mga salita.

148 Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi, upang aking magunita ang salita mo.

149 Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan.

150 Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit; sila'y malayo sa iyong kautusan.

151 Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; at lahat mong utos ay katotohanan.

152 Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man.

153 Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan.

154 Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.

155 Kaligtasan ay malayo sa masama; sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.

156 Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon: buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.

157 Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko; gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.

158 Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at ako'y namanglaw; sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo.

159 Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.

160 Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.

161 Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan; nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita.

162 Ako'y nagagalak sa iyong salita, na parang nakakasumpong ng malaking samsam.

163 Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.

164 Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo, dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.

165 Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.

166 Ako'y umasa sa iyong pagliligtas, Oh Panginoon. At ginawa ko ang mga utos mo.

167 Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo; at iniibig kong mainam,

168 Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo; sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.

169 Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.

170 Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita.

171 Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.

172 Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.

173 Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin.

174 Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan.

175 Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.

176 Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.

Guds ord och Guds lagar

119 Lyckliga är de som är förståndiga nog att följa Guds lagar i allt.

Lyckliga är de som söker efter Gud och alltid gör hans vilja,

de som vägrar att kompromissa med det onda och helhjärtat följer hans vägar.

Du har gett oss dina lagar för att vi ska följa dem.

Vad jag längtar efter att helt och fullt kunna lyda dem!

Då skulle jag inte längre behöva skämmas, utan ha ett gott rykte.

När du nu har tillrättavisat mig, vill jag tacka dig genom att leva på rätt sätt!

Jag tänker verkligen lyda dig! Överge mig inte, och hindra mig från att falla i synd!

Hur kan en ung man bevara sitt liv rent? Jo, genom att läsa ditt ord och följa dina bud.

10 Jag har gjort mitt bästa för att finna dig. Hjälp mig så att jag inte vandrar bort från dig!

11 Jag har tänkt mycket på dina ord och lagt dem på minnet, för att de ska hålla mig borta från synden.

12 Käre Herre, lär mig dina bud!

13 Jag har läst dina lagar och

14 är mera glad för dem än för rikedom.

15 Jag tänker på dem och vill hålla mig till dem.

16 Jag är glad för dem och jag skall aldrig glömma dem.

17 Var god mot mig, som är din tjänare, och låt mig få leva, så att jag kan fortsätta att följa ditt ord.

18 Öppna mina ögon, så att jag kan se allt underbart som står där.

19 Jag är bara en vandringsman här på jorden. Jag behöver vägledning, och dina bud är karta och kompass för mig.

20 Jag längtar efter dina råd mer än jag kan tala om.

21 Du tillrättavisar de stolta, dem som vägrar att lyssna till dina bud.

22 Låt dem inte få håna mig för att jag lyder dina lagar!

23 Till och med furstar sitter och talar illa om mig, men jag tänker fortsätta att gå dina vägar.

24 Din lag är både mitt ljus och min rådgivare.

25 Jag har helt tappat modet. Ja, jag är totalt uppgiven. Håll mig vid liv genom ditt ord.

26 Jag berättade för dig om mina planer, och du svarade mig. Ge mig nu ditt råd!

27 Låt mig förstå vad det är du vill, så jag kan se dina under!

28 Jag gråter hämningslöst. Mitt hjärta är tungt av sorg. Säg något upp-muntrande till mig!

29-30 Bevara mig när jag är i fara. Hjälp mig att orubbligt följa dina lagar. Jag har ju beslutat mig för att göra det rätta.

31 Jag släpper inte tanken på dina befallningar. Herre, låt mig inte fördärva alltsammans!

32 Om du bara gör mig villig att lyda dig, kan jag bättre följa dina lagar.

33-34 Tala bara om för mig vad jag ska göra, så gör jag det. Så länge jag lever vill jag lyda dig av hela mitt hjärta.

35 Se till att jag går på rätta vägar, för jag vet verkligen hur underbara de är.

36 Ge mig kärlek till ditt ord och låt inte mitt habegär ta överhanden.

37 Vänd mig bort från det som är värdelöst och utan mening, och bevara mitt liv.

38 Säg mig än en gång att dina löften gäller mig, för jag litar på dig och tjänar dig.

39 Jag är så rädd att bli hånad för att jag lyder dina lagar, även om de är rätta och goda.

40 Jag längtar efter att lyda dem!När du håller vad du lovat, så får jag liv på nytt.

41-42 Ja, Herre, du älskar mig och har lovat att frälsa mig! Hjälp mig nu i din godhet och kärlek. Då kommer jag att kunna svara dem som hånar mig, för att jag litar på det du sagt.

43 Må jag aldrig glömma dina ord! Till dem sätter jag mitt hopp!

44-46 Därför ska jag fortsätta att alltid lyda dig. Det kommer att göra mig fri. Till och med för kungar kommer jag att tala om vad din lag säger utan att skämmas.

47 Vad jag älskar dina bud! Vad jag är glad över dina befallningar!

48 Jag sträcker mig efter dem och vill att de fyller mitt liv.

49-50 Glöm aldrig dina löften till mig, din tjänare, för de är mitt enda hopp! De ger mig styrka mitt i lidandet. De ger mig nya krafter och ger mig liv!

51 Självbelåtna människor talar föraktfullt om mig så ofta de kan, men jag står oberörd inför dem.

52 Från min tidigaste ungdom har jag försökt lyda dig. Dina ord har varit min tröst.

53 Jag grips av vrede och förtvivlan när jag tänker på de människor som överger dina befallningar,

54 för dina lagar har varit en källa till glädje för mig under denna korta vandring på jorden.

55 Jag kommer ihåg dina bud till och med på natten och tänker på dem, Herre.

56 Det har alltid varit en lycka för mig att lyda dig!

57 Du, Herre, är min! Jag lovar att göra det du vill!

58 Av hela mitt hjärta vill jag ha dina välsignelser.

59-60 Jag märkte hur felaktigt jag levde, men bestämde mig för att på nytt lyda dina bud.

61 Ogudaktiga människor har försökt att få mig på fall, men jag är fast förankrad vid dina lagar.

62 Mitt i natten går jag upp för att tacka dig för dina bud.

63 Den som bekänner och litar på Herren är min vän.

64 Herre, överallt i hela världen kan man uppleva din godhet. Hjälp mig att förstå vad jag ska göra!

65 Herre, du är god mot mig, precis som du har lovat.

66 Ge mig nu både förstånd och kunskap, för dina lagar är mina vägvisare.

67 Jag gick vilse, tills du straffade mig. Nu följer jag noggrant allt du säger.

68 Du är god och gör bara gott. Hjälp mig att förstå din lag!

69 Människor har oförskämt ljugit om mig, men sanningen är att jag har följt dina bud av hela mitt hjärta.

70 Deras sinnen är förmörkade och de förstår inget, men jag förstår att jag måste följa din lag.

71-72 För mig var det bra att jag fick erkänna: Nu är det slut med mig. Då först lärde jag mig vilken hjälp dina bud ger. De är värdefullare för mig än silver och guld!

73 Herre, min Skapare, du har gett mig livet. Ge mig nu insikt så att jag förstår dina lagar!

74 Alla som bekänner och litar på dig ska välkomna mig, eftersom jag också litar på ditt ord.

75-77 Herre, jag vet att dina beslut är rätta och att ditt straff bara gjorde mig gott. Trösta mig nu med din nåd, precis som du har lovat. Förbarma dig och hjälp mig, så att jag får leva. Din lag är ju min stora glädje.

78 Låt dessa oförskämda människor få skämmas, för de har varit orättvisa mot mig med alla sina lögner. Jag däremot vill tänka på dina befallningar.

79 Låt alla andra som ärar och litar på dig komma till mig för att samtala om dina lagar!

80 Hjälp mig att helt och fullt lyda alla dina bud. Då behöver jag aldrig skämmas över mig själv.

81 Jag längtar efter din frälsning, och jag väntar på den hjälp som du har lovat mig.

82 Otåligt längtar jag efter att få se hur dina löften infrias. Och jag frågar: När ska du trösta mig och hjälpa mig?

83 Jag känner mig gammal och utsliten och till ingen nytta. Men fortfarande klamrar jag mig fast vid dina lagar och lyder dem.

84 Hur länge måste jag vänta innan du straffar dem som förföljer mig?

85-86 Dessa fräcka och oförskämda människor, som är likgiltiga inför din sanning och dina lagar. De har grävt gropar för att jag ska falla i dem. De förföljer mig med sina lögner. Hjälp mig, för du älskar bara sanningen!

87 De hade så när tagit livet av mig, och ändå vägrade jag att ge upp och bryta mot dina bud.

88 Visa nåd mot mig och låt mig få leva, så att jag kan fortsätta att lyda dig!

89 Ditt ord, Herre, står fast i himlen för evigt.

90-91 Din trofasthet består från generation till generation, precis som jorden som du har skapat. Allt består ännu i dag, och tjänar dina syften.

92 Jag skulle ha dött för längesedan i mitt elände, om inte dina lagar hade varit min största glädje.

93 Jag tänker aldrig lägga dem åt sidan, för du har använt dem till att ge mig min glädje och min hälsa tillbaka.

94 Jag tillhör dig! Fräls mig, för jag har försökt leva efter dina befallningar.

95 Även om besinningslösa människor gömmer sig längs vägen för att döda mig, ska jag i stillhet tänka på dina löften.

96 Allt har sin begränsning, men för ditt ord finns inga gränser.

97 Vad jag älskar ditt ord! Jag tänker på det hela dagen.

98 Det gör mig klokare än mina fiender.

99 Ja, när jag tänker på dina bud gör de mig visare än mina lärare.

100 De gör mig till och med visare än gamla människor med sin livserfarenhet.

101 Jag har inte lyssnat till orättfärdiga förslag, för jag vill fortsätta att vara lydig mot ditt ord.

102-103 Jag kan inte vända mig bort från vad du har lärt mig. Smaken av dina ord är sötare än honung.

104 Eftersom bara dina lagar kan ge mig vishet och förstånd, är det inte att undra på att jag avskyr all slags falskhet.

105 Dina ord är som en lykta, som lyser upp stigen framför mig och hjälper mig att inte snubbla.

106 Jag har lovat att göra allt det som du fastställt i ditt ord.

107 Jag är plågad till det yttersta, men låt mig behålla livet, som du har lovat!

108 Ta emot mitt tack som ett offer och tala om din vilja för mig!

109 Mitt liv hänger på en skör tråd, men trots det tänker jag inte sluta upp att följa dina lagar.

110 De ogudaktiga har satt ut sina fällor för mig längs vägen, men jag tänker inte gå några omvägar.

111 Dina lagar är en skatt, som jag kommer att vara glad över i all framtid.

112 Jag har bestämt mig för att följa dem tills jag dör.

113 Herre, jag avskyr dem som inte vet om de ska lyda dig eller inte. Men jag älskar din lag.

114 Du är den som beskyddar mig och försvarar mig, och dina löften är mitt enda hopp.

115 Försvinn, ni människor som vill göra mig illa! Försök inte hindra mig från att lyda Guds befallningar!

116 Herre, du har lovat att låta mig leva! Låt det aldrig få sägas att Gud svek mig!

117 För mig i säkerhet för mina fiender. Då kan jag fortsätta att följa dina lagar.

118 Men du förkastar alla som förkastar dina lagar. Och den som vill föra dig bakom ljuset bedrar sig bara själv.

119 De ogudaktiga är som slagg, som man kastar bort. Inte undra på att det bästa jag vet är att följa dina lagar!

120 Hela jag ryser av fruktan inför dig. Jag är rädd för dina domar.

121 Överlämna mig inte i mina fienders händer, för jag har gjort vad som är gott och rätt.

122 Lova att du välsignar mig! Låt inte de högfärdiga förtrycka mig!

123 Mina ögon har blivit utmattade av att spana efter hur du ska uppfylla ditt underbara löfte att befria mig.

124 Herre, behandla mig efter din godhet och lär mig dina föreskrifter,

125 för jag är din tjänare! Ge mig därför sunt förnuft, så att jag kan tillämpa dina bud i allt jag gör.

126 Herre, det är dags för dig att gripa in, för dessa okunniga människor fördärvar dina lagar,

127 men jag älskar dina befallningar mer än renaste guld.

128 Jag hatar all slags falskhet, och därför låter jag dina befallningar få styra mina steg.

129 Dina lagar är underbara och därför håller jag dem.

130 När du förklarar ditt ord, kan till och med den mest obildade människa förstå det.

131 Min längtan efter dina befallningar är starkare än törsten hos den som flämtar i hettan.

132 Vänd dig till mig och visa mig barmhärtighet! Det har du lovat alla dem som älskar dig.

133 Beskydda mig och gör mig stark, så att jag inte bryts ner av det onda!

134 Rädda mig från dessa människor som så våldsamt förtrycker mig. Annars kan jag inte leva efter dina bud.

135 Låt mig få uppleva hur god du är, och lär mig alla dina lagar.

136 Jag gråter när jag ser att man inte följer dem.

137 Herre, du är rättvis och allt vad du beslutar är rätt.

138 Dina lagar är rätta och pålitliga.

139 Jag blir utom mig av vrede över mina fienders sätt att nonchalera dem.

140 Jag har verkligen prövat dina löften, och det är därför jag älskar dem så mycket.

141 Själv är jag värdelös och obetydlig, men jag glömmer inte dina lagar.

142 Din rättvisa är evig, och dina ord kan man alltid lita på.

143 I min nöd och ångest får jag tröst av dina befallningar.

144 Dina lagar är rätta och oföränderliga. Hjälp mig att förstå dem, så att jag får leva.

145 Från djupet av mitt hjärta ber jag till dig. Svara mig, Herre, så ska jag följa dina lagar!

146 Fräls mig, ropar jag, för jag lyder dig.

147 Tidigt på morgonen, innan solen har gått upp, ber jag till dig och visar dig att jag litar på dig.

148 Jag håller mig vaken om natten för att tänka på dina löften.

149 Lyssna till mig och ge mig nytt mod, du som är så kärleksfull och god!

150 Nu kommer dessa grymma människor för att anfalla mig,

151 men du är nära mig, Herre. Alla dina bud är grundade på sanningen.

152 Redan som ung lärde jag mig att din vilja aldrig förändras.

153 Se hur jag lider! Rädda mig därför, för jag har inte varit olydig mot dina befallningar!

154 Ja, rädda mig och ge mig livet tillbaka, precis som du har lovat.

155 De ogudaktiga ska inte bli frälsta, för de bryr sig inte om dina lagar.

156 Herre, vad stor din barmhärtighet är! Ge mig nytt mod genom dina rättvisa domar!

157 Mina fiender förföljer mig och försöker att få mig att inte lyda din lag. Men jag håller fast vid den.

158 Jag känner avsky och äckel inför dessa förrädare som sätter sig över dina lagar.

159 Herre, du vet hur mycket jag verkligen älskar dina bud. Ge mig nu livet och hälsan tillbaka!

160 Allt är sant och tillförlitligt i ditt ord. Dina befallningar är eviga.

161 Maktfullkomliga människor har förföljt mig, även om de inte haft någon orsak till det. Bara dina ord gör intryck på mig.

162 Jag är glad över dina lagar, precis som den som finner en värdefull skatt.

163 Jag hatar all slags falskhet, men jag älskar dina lagar!

164 Jag prisar dig sju gånger om dagen, därför att dina lagar är goda och rätta!

165 De som älskar dina lagar lever i fullständig frid och snubblar inte på vägen.

166 Jag väntar på din frälsning, Herre. Därför har jag följt dina lagar.

167 Jag älskar din undervisning, och jag har lyssnat till den.

168 Ja, alla dina befallningar och uppmaningar har jag uppriktigt följt. Du vet även detta, du som vet allt om mig.

169 Herre, lyssna till mina böner! Och låt mig förstå alltmer av ditt ord!

170 Hör mina böner, och rädda mig, som du också lovat!

171 Jag prisar dig för att jag får lära mig dina lagar.

172 Jag ska sjunga en sång om ditt ord för allt vad du befallt är gott.

173 Var därför beredd och grip in och hjälp mig, för jag har valt att göra din vilja!

174 Herre, jag längtar efter din frälsning, och din lag är min stora glädje.

175 Låt mig få leva länge så jag kan prisa dig. Låt dina lagar bli min hjälp!

176 Jag har vandrat bort som ett vilsegånget får. Kom och leta rätt på mig, för jag tillhör dig. Inte någonting av det du befallt har jag glömt.