Add parallel Print Page Options

106 Purihin ninyo ang Panginoon. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon, o makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan?

Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan, at siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon.

Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas:

Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.

Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang, kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama.

Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto; hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob, kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.

Gayon ma'y iniligtas niya sila dahil sa kaniyang pangalan, upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan.

Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at natuyo: sa gayo'y pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang.

10 At iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila, at tinubos niya sila sa kamay ng kaaway.

11 At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway: walang nalabi sa kanila kahit isa.

12 Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita; inawit nila ang kaniyang kapurihan.

13 Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa; hindi sila naghintay sa kaniyang payo:

14 Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang, at tinukso ang Dios sa ilang.

15 At binigyan niya sila ng kanilang hiling; nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.

16 Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento, at si Aaron na banal ng Panginoon.

17 Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan, at tinakpan ang pulutong ni Abiram.

18 At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong; sinunog ng liyab ang mga masama,

19 Sila'y nagsigawa ng guya sa Horeb, at nagsisamba sa larawang binubo.

20 Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo.

21 Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas, na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;

22 Kagilagilalas na mga gawa sa lupain ng Cham, at kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.

23 Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila, kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak, upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila.

24 Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain, hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;

25 Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda, at hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.

26 Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila, na kaniyang ibubulid sila sa ilang:

27 At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa, at pangalatin sila sa mga lupain.

28 Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor, at nagsikain ng mga hain sa mga patay.

29 Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa; at ang salot ay lumitaw sa kanila.

30 Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan: at sa gayo'y tumigil ang salot.

31 At nabilang sa kaniya na katuwiran, sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.

32 Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba, na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila:

33 Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa, at siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.

34 Hindi nila nilipol ang mga bayan, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila;

35 Kundi nangakihalo sa mga bansa, at nangatuto ng kanilang mga gawa:

36 At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan; na naging silo sa kanila:

37 Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,

38 At nagbubo ng walang salang dugo, sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae, na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan; at ang lupain ay nadumhan ng dugo.

39 Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa, at nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.

40 Kaya't nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan, at kinayamutan niya ang kaniyang pamana.

41 At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa; at silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila.

42 Pinighati naman sila ng kanilang mga kaaway, at sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.

43 Madalas na iligtas niya sila; nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo, at nangababa sila sa kanilang kasamaan.

44 Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan, nang kaniyang marinig ang kanilang daing:

45 At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan, at nagsisi ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.

46 Ginawa naman niyang sila'y kaawaan niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila.

47 Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios, at pisanin mo kami na mula sa mga bansa, upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan, at mangagtagumpay sa iyong kapurihan.

48 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sabihin ng buong bayan, Siya nawa. Purihin ninyo ang Panginoon.

Herren är god mot sitt folk

106 Halleluja! Tacka Herren för han är så god mot oss. Hans kärlek till oss varar i evighet.

Vem kan någonsin räkna upp de väldiga under som Gud gör? Vem kan någonsin prisa honom ens till hälften av vad han är värd?

Alla, som håller hans bud och alltid gör det som är rätt i hans ögon, är lyckliga.

Tänk också på mig, Herre, när du välsignar och räddar ditt folk!

Låt mig med egna ögon få se allt gott som du gör med ditt utvalda folk. Jag gläder mig tillsammans med dem, och är stolt över att jag tillhör dem som du har gjort till din egendom.

Vi har syndat mot dig, något som våra förfäder också gjorde.

De var inte villiga att lära sig av undren du gjorde i Egypten. De glömde snart hur ofta du räddade dem. I stället gjorde de uppror mot dig vid Röda havet.

Trots detta räddade du dem för att försvara ditt namns ära och visa din makt inför hela världen.

Du befallde Röda havet att dela sig och gjorde en torr väg längs dess botten. Ja, du gjorde den torr som en öken!

10 På så sätt räddade du dem från deras fiender.

11 Sedan lät du vattnet välla fram över fienderna och dränkte dem. Inte en enda en av dem undkom med livet i behåll.

12 Då äntligen trodde de hans ord och lovade honom med sin sång.

13 Men tänk, hur kvickt de glömde allt han gjort! De ville inte vänta på det som skulle hända i enlighet med den plan han gjort upp för dem,

14 utan där i öknen utmanade de Gud och krävde att de skulle få kött att äta. De prövade hans tålamod till bristningsgränsen.

15 Då gav han dem vad de begärde, men han sände också smittosamma sjukdomar över dem.

16 De blev avundsjuka på Mose, ja, också på Aron, den man som Gud hade smort till präst.

17 Därför öppnade sig plötsligt jorden och svalde Datan, Abiram och deras familjer.

18 Eld föll från himlen och uppslukade dessa ogudaktiga människor.

19-20 På berget Horeb gjorde de sig en kalv av guld och tillbad den. De bytte ut Guds härlighet mot en avbild av ett djur som äter gräs.

21-22 De glömde Gud, deras Frälsare, som med sina märkliga under hade räddat dem ut ur Egypten. Och de kom inte längre ihåg vilken skräck som drabbade egyptierna vid Röda havet.

23 Därför bestämde sig Herren för att han skulle förgöra dem. Men Mose, som han hade utvalt, ställde sig på folkets sida och tog sig an deras sak så att Herren höll tillbaka sin vrede och inte förgjorde dem.

24 Sedan vägrade de att gå in i det utlovade landet, för de trodde inte på vad Gud lovat.

25 I stället satt de i sina tält och klagade, och de vägrade att lyssna till honom.

26 Därför lyfte han sin hand och sa att han skulle döda dem i öknen,

27 och att deras barn skulle skingras bland främmande folk och dö i avlägsna länder.

28 Sedan förenade sig våra förfäder med det folk som tillbad Baal i Peor, och de till och med åt kött som offrats till livlösa avgudar.

29 Genom att göra så retade de Herren till vrede så att pest bröt ut bland dem.

30 Pesten härjade tills Pinehas grep in och avrättade dem som hade syndat och orsakat pesten.

31 För detta kommer Pinehas alltid att bli ihågkommen.

32 Vid vattenkällorna i Meriba förargade folket Gud igen och ställde till med bekymmer.

33 På grund av det blev Mose upprörd och sa sådant som han inte skulle ha sagt.

34 De förgjorde inte heller invånarna i landet, som Gud hade sagt till dem.

35 I stället gifte de sig med dessa hedningar och tog efter deras seder och bruk

36 och började offra till deras avgudar. Men det ledde till deras egen undergång.

37-38 De till och med offrade sina söner och döttrar till onda andar. De dödade oskyldiga barn, och landet blev förorenat genom dessa mord.

39 Deras ogudaktiga handlingar gjorde dem orena. I Guds ögon var deras kärlek till avgudarna detsamma som otrohet i äktenskapet.

40 Det var därför som Herrens vrede upptändes, och han vände den mot dem och visade dem sin avsky.

41-42 Det var också därför som han lät främmande folk krossa dem. De kom i händerna på sina fiender som fick regera över dem och förtrycka dem.

43 Gång på gång befriade Gud dem från deras slaveri, men de fortsatte att göra uppror mot honom och de sjönk allt djupare i sin synd.

44 Trots detta lyssnade han till deras rop och hjälpte dem i deras svårigheter.

45 Han kom ihåg sina löften till dem och hans kärlek till dem var så stor, att det gjorde honom ont att han utlämnat dem till deras fiender.

46 Han till och med fick fienderna, som förtryckte dem, att känna medlidande med dem.

47 Herre, vår Gud, rädda oss! Hämta oss från dessa folk som inte känner dig och för oss tillsammans igen. Då ska vi prisa ditt heliga namn och glädja oss över dig och tacka dig.

48 Välsignad vare Herren, Israels Gud, nu och för all framtid. Och allt folket sa: Amen! Halleluja!

'Awit 106 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang pagkamasuwayin ng Israel at ang mga pagliligtas ng Panginoon.

106 (A)Purihin ninyo ang Panginoon.
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti;
(B)Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(C)Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon,
O makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan?
Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan,
At siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon.
(D)Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan;
Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas:
Upang makita ko ang kaginhawahan ng (E)iyong hirang,
Upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa,
Upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.
(F)Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang,
Kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama.
Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto;
Hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob,
(G)Kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.
Gayon ma'y iniligtas niya sila (H)dahil sa (I)kaniyang pangalan,
(J)Upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan.
Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at (K)natuyo:
Sa gayo'y (L)pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang.
10 At (M)iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila,
At (N)tinubos niya sila sa kamay ng kaaway.
11 (O)At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway:
Walang nalabi sa kanila kahit isa.
12 Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita;
Inawit nila ang kaniyang kapurihan.
13 (P)Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa;
Hindi sila naghintay sa kaniyang payo:
14 (Q)Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang,
At tinukso ang Dios sa ilang.
15 (R)At binigyan niya sila ng kanilang hiling;
Nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
16 (S)Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento,
At si Aaron na banal ng Panginoon.
17 (T)Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan,
At tinakpan ang pulutong ni Abiram.
18 (U)At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong;
Sinunog ng liyab ang mga masama,
19 (V)Sila'y nagsigawa ng guya (W)sa Horeb,
At nagsisamba sa larawang binubo.
20 Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian
Sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
21 Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas,
Na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;
22 Kagilagilalas na mga gawa (X)sa lupain ng Cham,
At kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.
23 (Y)Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila,
Kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak,
Upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila.
24 (Z)Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain,
(AA)Hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;
25 Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda,
At hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.
26 Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila,
Na kaniyang ibubulid sila sa ilang:
27 At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa,
At pangalatin sila sa mga lupain.
28 (AB)Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor,
At nagsikain ng mga hain sa (AC)mga patay.
29 Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa;
At ang salot ay lumitaw sa kanila.
30 (AD)Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan:
At sa gayo'y tumigil ang salot.
31 At nabilang sa kaniya na katuwiran,
(AE)Sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.
32 (AF)Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba,
Na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila:
33 (AG)Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa,
(AH)At siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.
34 Hindi nila nilipol (AI)ang mga bayan,
Gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila;
35 (AJ)Kundi nangakihalo sa mga bansa,
At nangatuto ng kanilang mga gawa:
36 (AK)At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan;
Na naging silo sa kanila:
37 (AL)Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,
38 At nagbubo ng walang salang dugo,
Sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae,
Na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan;
At (AM)ang lupain ay nadumhan ng dugo.
39 Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa,
At nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.
40 Kaya't (AN)nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan,
At kinayamutan niya ang kaniyang pamana.
41 At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa;
At silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila.
42 Pinighati naman (AO)sila ng kanilang mga kaaway,
At sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.
43 (AP)Madalas na iligtas niya sila;
Nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo,
At nangababa sila sa kanilang kasamaan.
44 Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan,
Nang kaniyang marinig ang kanilang daing:
45 (AQ)At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan,
At nagsisi (AR)ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
46 (AS)Ginawa naman niyang sila'y (AT)kaawaan
Niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila.
47 (AU)Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios,
At (AV)pisanin mo kami na mula sa mga bansa,
Upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan,
At mangagtagumpay sa iyong kapurihan.
48 (AW)Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel,
Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan.
At sabihin ng buong bayan, Siya nawa.
Purihin ninyo ang Panginoon.