Print Page Options
'Awit 105 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

105 Oh magpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan; ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan.

Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri; salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa.

Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon.

Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan; hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man.

Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa: ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;

Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod, ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.

Siya ang Panginoon nating Dios: ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa.

Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man, ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi;

Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham, at ang kaniyang sumpa kay Isaac;

10 At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan, sa Israel na pinakawalang hanggang tipan:

11 Na sinasabi, sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan, ang kapalaran na iyong mana;

12 Nang sila'y kaunti lamang tao sa bilang; Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon;

13 At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa, mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.

14 Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian; Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila;

15 Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis. At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko.

16 At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain; kaniyang binali ang buong tukod ng tinapay.

17 Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila; si Jose ay naipagbiling pinakaalipin:

18 Ang kaniyang mga paa ay sinaktan nila ng mga pangpangaw; siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal:

19 Hanggang sa panahon na nangyari ang kaniyang salita; tinikman siya ng salita ng Panginoon.

20 Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya; sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya.

21 Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay, at pinuno sa lahat niyang pag-aari:

22 Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan, at turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan.

23 Si Israel naman ay nasok sa Egipto; at si Jacob ay nakipamayan sa lupain ng Cham.

24 At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan, at pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway.

25 Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan, upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod.

26 Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod, at si Aaron na kaniyang hirang.

27 Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda, at mga kababalaghan sa lupain ng Cham.

28 Siya'y nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim; at sila'y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita.

29 Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig, at pinatay ang kanilang mga isda.

30 Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka, sa mga silid ng kanilang mga hari.

31 Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw, at kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan.

32 Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso, at liyab ng apoy sa kanilang lupain.

33 Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos; at binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan.

34 Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating, at ang mga higad, ay yao'y walang bilang,

35 At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain, at kinain ang bunga ng kanilang lupa.

36 Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain, ang puno ng lahat nilang kalakasan.

37 At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto: at hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi.

38 Natuwa ang Egipto nang sila'y magsialis; sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila.

39 Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong; at apoy upang magbigay liwanag sa gabi,

40 Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkain na mula sa langit.

41 Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig; nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog.

42 Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita, at si Abraham na kaniyang lingkod.

43 At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan, at ang kaniyang hirang na may awitan.

44 At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; at kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari:

45 Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan, at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin ninyo ang Panginoon.

Ang Diyos at ang Kanyang Bayan(A)

105 O magpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kanyang pangalan;
    ipabatid ninyo ang kanyang mga gawa sa mga bayan!
Umawit kayo sa kanya, umawit kayo sa kanya ng mga papuri;
    sabihin ninyo ang lahat niyang kahanga-hangang mga gawa!
Lumuwalhati kayo sa kanyang banal na pangalan;
    magagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon.
Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kanyang kalakasan;
    patuloy ninyong hanapin ang kanyang mukha!
Alalahanin ninyo ang mga kahanga-hangang gawa na kanyang ginawa;
    ang kanyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kanyang bibig,
O kayong binhi ni Abraham na lingkod niya,
    mga anak ni Jacob, na mga pinili niya!

Siya ang Panginoon nating Diyos;
    ang kanyang mga kahatulan ay nasa buong lupa.
Kanyang inaalala ang kanyang tipan magpakailanman,
    ang salita na kanyang iniutos sa libong salinlahi,
ang(B) tipan na kanyang ginawa kay Abraham,
    ang kanyang sinumpaang pangako kay Isaac,
10 na(C) kanyang pinagtibay kay Jacob bilang isang tuntunin,
    sa Israel bilang isang walang hanggang tipan,
11 na sinasabi, “Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan,
    bilang iyong bahaging pinakamana.”
12 Nang sila'y iilan lamang sa bilang;
    at totoong kakaunti, at doon ay mga dayuhan;
13 na gumagala mula sa isang bansa tungo sa isang bansa,
    mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.
14 Hindi(D) niya pinahintulutan ang sinuman na sila ay pagmalupitan;
    sinaway niya ang mga hari alang-alang sa kanilang sarili:
15 “Huwag ninyong galawin ang aking mga pinahiran;
    ang aking mga propeta ay huwag ninyong sasaktan.”
16 At(E) siya'y nagdala ng taggutom sa lupain;
    binali niya ang bawat tungkod ng tinapay,
17 siya'y(F) nagsugo ng isang lalaki sa unahan nila,
    si Jose na ipinagbili bilang alipin.
18 Ang(G) kanyang mga paa ay sinaktan ng mga tanikala,
    siya'y nilagyan ng kuwelyo na bakal;
19 hanggang sa ang kanyang salita ay maganap;
    siya ay sinubok ng salita ng Panginoon.
20 Ang(H) hari ay nagsugo at pinakawalan siya;
    ang pinuno ng mga bayan, at siya'y pinalaya niya,
21 kanyang(I) ginawa siyang panginoon ng kanyang tahanan,
    at pinuno ng lahat niyang ari-arian,
22 upang talian ang kanyang mga pinuno ayon sa kanyang nais,
    at turuan ng karunungan ang kanyang matatanda.

23 At(J) ang Israel ay dumating sa Ehipto;
    si Jacob ay nakipanirahan sa lupain ng Ham.
24 At(K) ginawang napakabunga ng Panginoon ang kanyang bayan,
    at ginawa silang higit na malakas kaysa kanilang mga kaaway.
25 Kanyang ibinaling ang kanilang puso upang mapoot sa kanyang bayan,
    upang makitungong may katusuhan sa kanyang mga lingkod.

26 Kanyang(L) sinugo si Moises na kanyang lingkod,
    at si Aaron na kanyang pinili.
27 Kanilang isinagawa ang kanyang kahanga-hangang gawa sa gitna nila,
    at mga kababalaghan sa lupain ng Ham.
28 Siya'y(M) nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim,
    sila'y hindi naghimagsik laban sa kanyang mga salita.
29 Kanyang(N) ginawang dugo ang kanilang tubig,
    at pinatay ang kanilang mga isda.
30 Ang(O) kanilang lupain ay napuno ng mga palaka,
    maging sa mga silid-tulugan ng kanilang mga hari.
31 Siya'y(P) nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw,
    at mga niknik sa buong bayan.
32 Binigyan(Q) niya sila ng yelo bilang ulan,
    at liyab ng apoy sa kanilang lupain.
33 Pinatay niya ang kanilang mga puno ng ubas at mga puno ng igos,
    at winasak ang mga punungkahoy sa kanilang lupain.
34 Siya'y(R) nagsalita at ang mga balang ay nagsidating,
    ang mga batang balang na di kayang bilangin,
35 na kinain ang lahat ng pananim sa kanilang lupain,
    at kinain ang bunga ng kanilang lupain.
36 Pinagpapatay(S) din niya ang lahat ng panganay sa kanilang lupain,
    ang unang bunga ng lahat nilang kalakasan.

37 At(T) kanyang inilabas sila na may pilak at ginto;
    at walang sinuman sa kanyang mga lipi ang natisod.
38 Natuwa ang Ehipto nang sila'y magsialis;
    sapagkat ang pagkatakot nila ay dumating sa kanila.
39 Kanyang(U) inilatag ang ulap bilang panakip,
    at apoy upang magbigay liwanag sa gabi.
40 Sila'y(V) humingi, at dinalhan niya ng mga pugo,
    at binigyan niya sila ng saganang tinapay mula sa langit.
41 Kanyang(W) binuksan ang bato at dumaloy ang tubig;
    ito'y umagos sa ilang na gaya ng ilog.
42 Sapagkat naalala niya ang kanyang banal na salita,
    at si Abraham na kanyang lingkod.

43 At kanyang inilabas na may kagalakan ang kanyang bayan,
    at ang kanyang hinirang na may pag-aawitan.
44 At(X) ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa;
    at inangkin nila ang paggawa ng mga tao,
45 upang kanilang ingatan ang kanyang mga tuntunin,
    at ang kanyang mga kautusan ay sundin.
Purihin ang Panginoon!

Psalm 105(A)

Give praise to the Lord,(B) proclaim his name;(C)
    make known among the nations what he has done.
Sing to him,(D) sing praise to him;(E)
    tell of all his wonderful acts.(F)
Glory in his holy name;(G)
    let the hearts of those who seek the Lord rejoice.
Look to the Lord and his strength;
    seek his face(H) always.

Remember the wonders(I) he has done,
    his miracles, and the judgments he pronounced,(J)
you his servants, the descendants of Abraham,(K)
    his chosen(L) ones, the children of Jacob.
He is the Lord our God;
    his judgments are in all the earth.

He remembers his covenant(M) forever,
    the promise he made, for a thousand generations,
the covenant he made with Abraham,(N)
    the oath he swore to Isaac.
10 He confirmed it(O) to Jacob as a decree,
    to Israel as an everlasting covenant:(P)
11 “To you I will give the land of Canaan(Q)
    as the portion you will inherit.”(R)

12 When they were but few in number,(S)
    few indeed, and strangers in it,(T)
13 they wandered from nation to nation,(U)
    from one kingdom to another.
14 He allowed no one to oppress(V) them;
    for their sake he rebuked kings:(W)
15 “Do not touch(X) my anointed ones;
    do my prophets(Y) no harm.”

16 He called down famine(Z) on the land
    and destroyed all their supplies of food;
17 and he sent a man before them—
    Joseph, sold as a slave.(AA)
18 They bruised his feet with shackles,(AB)
    his neck was put in irons,
19 till what he foretold(AC) came to pass,
    till the word(AD) of the Lord proved him true.
20 The king sent and released him,
    the ruler of peoples set him free.(AE)
21 He made him master of his household,
    ruler over all he possessed,
22 to instruct his princes(AF) as he pleased
    and teach his elders wisdom.(AG)

23 Then Israel entered Egypt;(AH)
    Jacob resided(AI) as a foreigner in the land of Ham.(AJ)
24 The Lord made his people very fruitful;
    he made them too numerous(AK) for their foes,
25 whose hearts he turned(AL) to hate his people,
    to conspire(AM) against his servants.
26 He sent Moses(AN) his servant,
    and Aaron,(AO) whom he had chosen.(AP)
27 They performed(AQ) his signs(AR) among them,
    his wonders(AS) in the land of Ham.
28 He sent darkness(AT) and made the land dark—
    for had they not rebelled against(AU) his words?
29 He turned their waters into blood,(AV)
    causing their fish to die.(AW)
30 Their land teemed with frogs,(AX)
    which went up into the bedrooms of their rulers.
31 He spoke,(AY) and there came swarms of flies,(AZ)
    and gnats(BA) throughout their country.
32 He turned their rain into hail,(BB)
    with lightning throughout their land;
33 he struck down their vines(BC) and fig trees(BD)
    and shattered the trees of their country.
34 He spoke,(BE) and the locusts came,(BF)
    grasshoppers(BG) without number;(BH)
35 they ate up every green thing in their land,
    ate up the produce of their soil.
36 Then he struck down all the firstborn(BI) in their land,
    the firstfruits of all their manhood.
37 He brought out Israel, laden with silver and gold,(BJ)
    and from among their tribes no one faltered.
38 Egypt was glad when they left,
    because dread of Israel(BK) had fallen on them.

39 He spread out a cloud(BL) as a covering,
    and a fire to give light at night.(BM)
40 They asked,(BN) and he brought them quail;(BO)
    he fed them well with the bread of heaven.(BP)
41 He opened the rock,(BQ) and water gushed out;
    it flowed like a river in the desert.

42 For he remembered his holy promise(BR)
    given to his servant Abraham.
43 He brought out his people with rejoicing,(BS)
    his chosen ones with shouts of joy;
44 he gave them the lands of the nations,(BT)
    and they fell heir to what others had toiled(BU) for—
45 that they might keep his precepts
    and observe his laws.(BV)

Praise the Lord.[a](BW)

Footnotes

  1. Psalm 105:45 Hebrew Hallelu Yah

105 O give thanks unto the Lord; call upon his name: make known his deeds among the people.

Sing unto him, sing psalms unto him: talk ye of all his wondrous works.

Glory ye in his holy name: let the heart of them rejoice that seek the Lord.

Seek the Lord, and his strength: seek his face evermore.

Remember his marvellous works that he hath done; his wonders, and the judgments of his mouth;

O ye seed of Abraham his servant, ye children of Jacob his chosen.

He is the Lord our God: his judgments are in all the earth.

He hath remembered his covenant for ever, the word which he commanded to a thousand generations.

Which covenant he made with Abraham, and his oath unto Isaac;

10 And confirmed the same unto Jacob for a law, and to Israel for an everlasting covenant:

11 Saying, Unto thee will I give the land of Canaan, the lot of your inheritance:

12 When they were but a few men in number; yea, very few, and strangers in it.

13 When they went from one nation to another, from one kingdom to another people;

14 He suffered no man to do them wrong: yea, he reproved kings for their sakes;

15 Saying, Touch not mine anointed, and do my prophets no harm.

16 Moreover he called for a famine upon the land: he brake the whole staff of bread.

17 He sent a man before them, even Joseph, who was sold for a servant:

18 Whose feet they hurt with fetters: he was laid in iron:

19 Until the time that his word came: the word of the Lord tried him.

20 The king sent and loosed him; even the ruler of the people, and let him go free.

21 He made him lord of his house, and ruler of all his substance:

22 To bind his princes at his pleasure; and teach his senators wisdom.

23 Israel also came into Egypt; and Jacob sojourned in the land of Ham.

24 And he increased his people greatly; and made them stronger than their enemies.

25 He turned their heart to hate his people, to deal subtilly with his servants.

26 He sent Moses his servant; and Aaron whom he had chosen.

27 They shewed his signs among them, and wonders in the land of Ham.

28 He sent darkness, and made it dark; and they rebelled not against his word.

29 He turned their waters into blood, and slew their fish.

30 Their land brought forth frogs in abundance, in the chambers of their kings.

31 He spake, and there came divers sorts of flies, and lice in all their coasts.

32 He gave them hail for rain, and flaming fire in their land.

33 He smote their vines also and their fig trees; and brake the trees of their coasts.

34 He spake, and the locusts came, and caterpillers, and that without number,

35 And did eat up all the herbs in their land, and devoured the fruit of their ground.

36 He smote also all the firstborn in their land, the chief of all their strength.

37 He brought them forth also with silver and gold: and there was not one feeble person among their tribes.

38 Egypt was glad when they departed: for the fear of them fell upon them.

39 He spread a cloud for a covering; and fire to give light in the night.

40 The people asked, and he brought quails, and satisfied them with the bread of heaven.

41 He opened the rock, and the waters gushed out; they ran in the dry places like a river.

42 For he remembered his holy promise, and Abraham his servant.

43 And he brought forth his people with joy, and his chosen with gladness:

44 And gave them the lands of the heathen: and they inherited the labour of the people;

45 That they might observe his statutes, and keep his laws. Praise ye the Lord.