Apocalipsis 1
Ang Biblia, 2001
Pambungad
1 Ang apocalipsis ni Jesu-Cristo, na ibinigay ng Diyos sa kanya upang ipahayag sa kanyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari sa madaling panahon, at kanyang ipinaalam ito sa pamamagitan ng mga sagisag at pagsusugo ng kanyang anghel sa kanyang aliping si Juan,
2 na siyang sumaksi sa salita ng Diyos at sa patotoo ni Jesu-Cristo, sa lahat ng bagay na nakita niya.
3 Mapalad ang bumabasa at ang nakikinig ng mga salita ng propesiya at tumutupad ng mga bagay na nasusulat dito, sapagkat ang panahon ay malapit na.
Pagbati sa Pitong Iglesya
4 Si(A) Juan sa pitong iglesya na nasa Asia:
Biyaya ang sumainyo at kapayapaang mula sa kanya na siyang ngayon, ang nakaraan at ang darating; at mula sa pitong espiritu na nasa harapan ng kanyang trono;
5 at(B) mula kay Jesu-Cristo na siyang saksing tapat, ang panganay mula sa mga patay, at ang pinuno ng mga hari sa lupa.
Doon sa umiibig sa atin, at sa nagpalaya sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo;
6 at(C) ginawa tayong kaharian, mga pari sa kanyang Diyos at Ama; sumakanya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailanpaman. Amen.
7 Tingnan ninyo,(D) siya'y dumarating na nasa mga ulap;
at makikita siya ng bawat mata,
at ng mga umulos sa kanya;
at ang lahat ng mga lipi sa lupa ay tatangis dahil sa kanya.
Gayon nga. Amen.
8 “Ako(E) ang Alpha at ang Omega,” sabi ng Panginoong Diyos, na siyang ngayon at ang nakaraan at ang darating, ang Makapangyarihan sa lahat.
Si Cristo sa Isang Pangitain
9 Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis alang-alang kay Jesus ay nasa pulo na tinatawag na Patmos, dahil sa salita ng Diyos at sa patotoo ni Jesus.
10 Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang malakas na tinig na tulad sa isang trumpeta,
11 na nagsasabi, “Ang iyong nakikita ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa pitong iglesya, sa Efeso, sa Smirna, sa Pergamo, sa Tiatira, sa Sardis, sa Filadelfia, at sa Laodicea.”
12 Ako'y lumingon upang makita kung kanino ang tinig na nagsasalita sa akin. At sa aking paglingon, nakita ko ang pitong gintong ilawan,
13 at(F) sa gitna ng mga ilawan ay may isang katulad ng isang Anak ng Tao, na may suot na damit na hanggang sa paa, at may gintong bigkis sa kanyang dibdib.
14 At(G) (H) ang kanyang ulo at ang kanyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibo ng tupa, gaya ng niebe; at ang kanyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy;
15 at(I) ang kanyang mga paa ay katulad ng tansong pinakintab, na parang dinalisay sa isang pugon; at ang kanyang tinig ay gaya ng ingay ng maraming tubig.
16 Sa kanyang kanang kamay ay may pitong bituin at mula sa kanyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim, at ang kanyang mukha ay gaya ng araw na matinding sumisikat.
17 Nang(J) siya'y aking makita, ako'y parang patay na bumagsak sa kanyang paanan. Ngunit ipinatong niya sa akin ang kanyang kanang kamay, na sinasabi, “Huwag kang matakot; ako ang una at ang huli,
18 at ang nabubuhay. Ako'y namatay, at tingnan mo, ako'y nabubuhay magpakailanpaman, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.
19 Kaya't isulat mo ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari pagkatapos ng mga bagay na ito.
20 Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ang pitong gintong ilawan; ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesya; at ang pitong ilawan ay ang pitong iglesya.
Apocalipsis 1
Ang Biblia (1978)
1 Ang (A)Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng (B)Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at kaniyang ipinadala at ipinaalam (C)sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan;
2 Na sumaksi (D)sa salita ng Dios, at sa patotoo ni Jesucristo, sa lahat ng mga bagay na nakita niya.
3 Mapalad (E)ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't (F)ang panaho'y malapit na.
4 Si Juan sa (G)pitong iglesia na nasa Asia: (H)Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula (I)doon sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa (J)pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan;
5 At mula kay Jesucristo na siyang (K)saksing tapat, (L)na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. (M)Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag (N)sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo;
6 At ginawa (O)tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa.
7 Narito, (P)siya'y pumaparitong (Q)nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at (R)ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.
8 Ako ang Alpha (S)at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, (T)ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.
9 Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus, ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, (U)dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus.
10 Ako'y (V)nasa Espiritu (W)nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang (X)dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.
11 Na nagsasabi, Ang iyong nakikita, ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa (Y)pitong iglesia: sa (Z)Efeso, at sa (AA)Smirna, at sa (AB)Pergamo, at sa (AC)Tiatira, at sa (AD)Sardis, at sa (AE)Filadelfia, at sa (AF)Laodicea.
12 At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay (AG)nakita ko ang pitong kandelerong ginto:
13 At sa gitna ng mga kandelero ay may (AH)isang katulad ng isang anak ng tao, (AI)na may suot na (AJ)damit hanggang sa paa, at (AK)may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto.
14 At ang kaniyang ulo at ang (AL)kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang (AM)kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy;
15 At ang kaniyang mga paa ay katulad ng (AN)tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang (AO)kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig.
16 At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.
17 At (AP)nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At (AQ)ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; (AR)ako'y ang una at ang huli,
18 At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at (AS)nasa akin ang mga susi ng (AT)kamatayan at ng Hades.
19 Isulat mo nga (AU)ang mga bagay na nakita mo, (AV)at ang mga bagay ngayon, (AW)at ang mga bagay na mangyayari sa darating;
20 Ang hiwaga (AX)ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at (AY)ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.
Pahayag 1
Ang Salita ng Diyos
Paunang Salita
1 Ito ang pahayag ni Jesucristo na ibinigay ng Diyos sa kaniya upang ipakita sa kaniyang mga alipin kung anong mga bagay ang malapit nang mangyari. Ito ay kaniyang pinatotohanan nang ipinadala niya ito sa kaniyang aliping si Juan sa pamamagitan ng kaniyang anghel.
2 Anuman ang nakita ni Juan, pinatotohanan niya ang salita ng Diyos at ang patotoo tungkol kay Jesucristo. 3 Pinagpala siya na bumabasa at sila na nakikinig sa mga salita ng pahayag at tumutupad sa mga bagay na nasusulat dito.
Mga Pagbati at Papuri
4 Akong si Juan ay sumusulat sa pitong iglesiya na nasa Asya.
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa kaniya na siyang kasalukuyan, na siyang nakaraan at siyang darating pa at mula sa pitong Espiritu na nakaharap sa kaniyang trono.
5 Sumainyo din nawa ang biyaya at kapayapaang mula kay Jesucristo, ang tapat na saksi, ang panganay sa mga patay at ang tagapamahala sa mga hari ng lupa.
Siya ang umibig sa atin at naghugas sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo.
6 Ginawa niya tayo na maging mga hari at mga saserdote sa kaniyang Diyos at Ama. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at kapamahalaan magpakailan pa man. Siya nawa.
7 Narito, dumarating siyang kasama ng mga alapaap at makikita siya ng bawat mata at ng mga tumusok sa kaniya. Dahil sa kaniya, ang lahat ng lipi ng tao sa lupa ay tatangis. Oo! Siya nawa.
8 Sinasabi ng Panginoon: Ako ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas. Ako ang kasalukuyan, ang kahapon at ang darating. Ako ang Makapangyarihan sa lahat.
Kawangis ng Anak ng Tao
9 Akong si Juan ay inyong kapatid at inyong kasama sa mga paghihirap at sa paghahari at sa pagtitiis ni Jesucristo. Dahil sa salita ng Diyos at sa patotoo ni Jesucristo, ako ay nasa pulo na kung tawagin ay Patmos.
10 Ako ay nasa Espiritu sa araw ng Panginoon. At narinig ko sa aking likuran ang malakas na tinig na katulad ng tunog ng isang trumpeta. 11 Sinabi nito: Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas. Isulat mo sa isang aklat ang anumang iyong makikita at ipadala mo ito sa mga iglesiya na nasa Asya, sa Efeso, sa Esmirna, sa Pergamo, sa Tiatira, Sardis, Filadelfia at Laodicia.
12 At ako ay lumingon upang tingnan ang tinig na nagsasalita sa akin. Sa aking paglingon, nakita ko ang pitong gintong lagayan ng ilawan. 13 Sa kalagitnaan ng pitong gintong lagayan ng ilawan ay may isang katulad ng Anak ng Tao. Siya ay nakasuot ng isang kasuotan na umaabot sa paa. Siya ay may isang gintong pamigkis na nakabigkis sa palibot ng kaniyang dibdib. 14 Ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay katulad ng maputing lana, kasimputi ng niyebe. Ang kaniyang mga mata ay katulad ng alab ng apoy. 15 At ang kaniyang mga paa ay katulad ng makinang na tanso na katulad din ng pinakinang sa pugon. Ang kaniyang tinig ay katulad ng ugong ng maraming tubig. 16 Siya ay may pitong bituin sa kaniyang kanang kamay. At may lumabas sa kaniyang bibig na isang tabak na may dalawang talim. Ang kaniyang mukha ay katulad ng matinding sikat ng araw.
17 Nang makita ko siya, ako ay bumagsak sa kaniyang paanan na katulad ng isang taong patay. Ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay at sinabi sa akin: Huwag kang matakot. Ako ang una at ang wakas. 18 Ako yaong nabubuhay at yaong namatay. Narito, ako ay buhay magpakailan pa man. Siya nawa. Nasa akin ang mga susi ng hades at ng kamatayan.
19 Isulat mo ang mga bagay na iyong nakikita, ang mga bagay na kasalukuyan at ang mga bagay na mangyayari pagkatapos nito. 20 Isulat mo ang hiwaga tungkol sa pitong bituin na iyong nakita sa kanang kamay ko at pitong gintong lagayan ng ilawan. Ito ang hiwaga: Ang pitong bituin ay ang mga anghel sa pitong iglesiya. At ang pitong lagayan ng ilawan na iyong nakita ay ang pitong iglesiya.
Revelation 1
New International Version
Prologue
1 The revelation from Jesus Christ, which God gave(A) him to show his servants what must soon take place.(B) He made it known by sending his angel(C) to his servant John,(D) 2 who testifies to everything he saw—that is, the word of God(E) and the testimony of Jesus Christ.(F) 3 Blessed is the one who reads aloud the words of this prophecy, and blessed are those who hear it and take to heart what is written in it,(G) because the time is near.(H)
Greetings and Doxology
4 John,
To the seven churches(I) in the province of Asia:
Grace and peace to you(J) from him who is, and who was, and who is to come,(K) and from the seven spirits[a](L) before his throne, 5 and from Jesus Christ, who is the faithful witness,(M) the firstborn from the dead,(N) and the ruler of the kings of the earth.(O)
To him who loves us(P) and has freed us from our sins by his blood,(Q) 6 and has made us to be a kingdom and priests(R) to serve his God and Father(S)—to him be glory and power for ever and ever! Amen.(T)
7 “Look, he is coming with the clouds,”[b](U)
and “every eye will see him,
even those who pierced him”;(V)
and all peoples on earth “will mourn(W) because of him.”[c]
So shall it be! Amen.
8 “I am the Alpha and the Omega,”(X) says the Lord God, “who is, and who was, and who is to come,(Y) the Almighty.”(Z)
John’s Vision of Christ
9 I, John,(AA) your brother and companion in the suffering(AB) and kingdom(AC) and patient endurance(AD) that are ours in Jesus, was on the island of Patmos because of the word of God(AE) and the testimony of Jesus.(AF) 10 On the Lord’s Day(AG) I was in the Spirit,(AH) and I heard behind me a loud voice like a trumpet,(AI) 11 which said: “Write on a scroll what you see(AJ) and send it to the seven churches:(AK) to Ephesus,(AL) Smyrna,(AM) Pergamum,(AN) Thyatira,(AO) Sardis,(AP) Philadelphia(AQ) and Laodicea.”(AR)
12 I turned around to see the voice that was speaking to me. And when I turned I saw seven golden lampstands,(AS) 13 and among the lampstands(AT) was someone like a son of man,[d](AU) dressed in a robe reaching down to his feet(AV) and with a golden sash around his chest.(AW) 14 The hair on his head was white like wool, as white as snow, and his eyes were like blazing fire.(AX) 15 His feet were like bronze glowing in a furnace,(AY) and his voice was like the sound of rushing waters.(AZ) 16 In his right hand he held seven stars,(BA) and coming out of his mouth was a sharp, double-edged sword.(BB) His face was like the sun(BC) shining in all its brilliance.
17 When I saw him, I fell at his feet(BD) as though dead. Then he placed his right hand on me(BE) and said: “Do not be afraid.(BF) I am the First and the Last.(BG) 18 I am the Living One; I was dead,(BH) and now look, I am alive for ever and ever!(BI) And I hold the keys of death and Hades.(BJ)
19 “Write, therefore, what you have seen,(BK) what is now and what will take place later. 20 The mystery of the seven stars that you saw in my right hand(BL) and of the seven golden lampstands(BM) is this: The seven stars are the angels[e] of the seven churches,(BN) and the seven lampstands are the seven churches.(BO)
Footnotes
- Revelation 1:4 That is, the sevenfold Spirit
- Revelation 1:7 Daniel 7:13
- Revelation 1:7 Zech. 12:10
- Revelation 1:13 See Daniel 7:13.
- Revelation 1:20 Or messengers
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1998 by Bibles International
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.