A Good Soldier of Christ Jesus

You then, (A)my child, (B)be strengthened by the grace that is in Christ Jesus, and (C)what you have heard from me in the presence of many witnesses (D)entrust to faithful men,[a] (E)who will be able to teach others also. (F)Share in suffering as (G)a good soldier of Christ Jesus. No soldier (H)gets entangled in civilian pursuits, since his aim is to please the one who enlisted him. (I)An athlete is not (J)crowned unless he competes according to the rules. It is (K)the hard-working farmer who ought to have the first share of the crops. Think over what I say, for the Lord will give you understanding in everything.

Remember Jesus Christ, (L)risen from the dead, the (M)offspring of David, (N)as preached in my gospel, (O)for which I am suffering, (P)bound with chains as a criminal. But (Q)the word of God is not bound! 10 Therefore (R)I endure everything for the sake of the elect, that they also may obtain (S)the salvation that is in Christ Jesus with (T)eternal glory. 11 The saying is (U)trustworthy, for:

(V)If we have died with him, we will also (W)live with him;
12 (X)if we endure, we will also reign with him;
(Y)if we deny him, he also will deny us;
13 (Z)if we are faithless, (AA)he remains faithful—

for (AB)he cannot deny himself.

A Worker Approved by God

14 Remind them of these things, and (AC)charge them before God[b] (AD)not to quarrel about words, (AE)which does no good, but only ruins the hearers. 15 Do your best to present yourself to God as one approved,[c] a worker (AF)who has no need to be ashamed, rightly handling the word of truth. 16 But (AG)avoid (AH)irreverent babble, for it will lead people into more and more ungodliness, 17 and their talk will spread like gangrene. Among them are (AI)Hymenaeus and Philetus, 18 who have swerved from the truth, (AJ)saying that the resurrection has already happened. They are upsetting the faith of some. 19 But God's firm foundation stands, bearing this seal: (AK)“The Lord knows those who are his,” and, “Let everyone (AL)who names the name of the Lord depart from iniquity.”

20 Now in (AM)a great house there are not only vessels of gold and silver but also of wood and clay, (AN)some for honorable use, some for dishonorable. 21 Therefore, (AO)if anyone cleanses himself from what is dishonorable,[d] he will be a vessel for honorable use, set apart as holy, useful to the master of the house, (AP)ready for every good work.

22 So (AQ)flee (AR)youthful passions and pursue righteousness, faith, love, and peace, along with (AS)those who call on the Lord (AT)from a pure heart. 23 Have nothing to do with foolish, ignorant (AU)controversies; you know that they breed quarrels. 24 And (AV)the Lord's servant[e] must not be quarrelsome but (AW)kind to everyone, (AX)able to teach, patiently enduring evil, 25 correcting his opponents (AY)with gentleness. God (AZ)may perhaps grant them repentance (BA)leading to a knowledge of the truth, 26 and they may come to their senses and escape from (BB)the snare of the devil, after being captured by him to do his will.

Footnotes

  1. 2 Timothy 2:2 The Greek word anthropoi can refer to both men and women, depending on the context
  2. 2 Timothy 2:14 Some manuscripts the Lord
  3. 2 Timothy 2:15 That is, one approved after being tested
  4. 2 Timothy 2:21 Greek from these things
  5. 2 Timothy 2:24 For the contextual rendering of the Greek word doulos, see Preface

Ang Mabuting Kawal ni Cristo Jesus

Kaya nga, anak ko, magpakatatag ka sa pamamagitan ng biyaya na nakay Cristo Jesus. Ang mga bagay na narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ipagkatiwala mo rin sa mga mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo sa iba. Makihati ka sa mga paghihirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus. Hindi pinag-aabalahan ng isang kawal ang mga bagay na walang kinalaman sa pagiging kawal, upang mabigyan niya ng kasiyahan ang kanyang pinuno. Gayundin naman, hindi magwawagi ang isang manlalaro kung hindi siya susunod sa mga alituntunin. Ang masipag na magsasaka ang siyang dapat unang makinabang sa kanyang ani. Isipin mong mabuti ang sinasabi ko sapagkat tutulungan ka ng Panginoon na maunawaan ang lahat.

Alalahanin mo si Jesu-Cristo na muling binuhay at nagmula sa angkan ni David, ayon sa ebanghelyong ipinapangaral ko. Ito ang dahilan ng aking pagdurusa at pagkabilanggo, na parang ako'y isang kriminal. Ngunit hindi maaaring ibilanggo ang salita ng Diyos. 10 Dahil dito, tinitiis ko ang lahat alang-alang sa mga hinirang, upang makamit nila ang kaligtasan na matatagpuan kay Cristo Jesus na nagdudulot ng kaluwalhatiang walang hanggan. 11 Mapagkakatiwalaan ang salitang ito:

Kung tayo'y namatay na kasama niya, mabubuhay rin tayong kasama niya;
12 kung (A) tayo'y makapagtitiis, maghahari naman tayong kasama niya;
    kapag siya'y ating ikakaila, ikakaila rin niya tayo;
13 kung tayo ma'y hindi nanatiling tapat, siya'y nananatiling tapat;
    sapagkat hindi niya magagawang ikaila ang kanyang sarili.

14 Ipaalala mo sa kanila ang mga ito, at sa harap ng Diyos[a] ay pagbilinan mo sila na umiwas sa pagtatalo tungkol sa kahulugan ng mga salita. Wala itong ibinubungang mabuti at sa halip ay nagpapahamak lamang sa mga nakikinig.

Ang Manggagawa ng Diyos

15 Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, isang manggagawang walang anumang dapat ikahiya, at matapat sa pagtuturo ng katotohanan. 16 Iwasan mo ang mga usapang walang kabuluhan, sapagkat lalo lang magtutulak ito sa mga tao sa higit pang kasamaan. 17 Ang mga salita ng mga gumagawa nito'y gaya ng kanser na kumakalat sa katawan. Kasama sa mga ito sina Himeneo at Fileto. 18 Lumihis sila sa katotohanan at sinasabing ang muling pagkabuhay ay naganap na. Sinisira nila ang pananampalataya ng iba. 19 Ngunit (B) matibay ang saligang itinatag ng Diyos, at doo'y nakatatak: “Kilala ng Panginoon kung sino ang sa kanya,” at, “Lumayo sa kasamaan ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon.” 20 Sa isang malaking bahay ay may mga sisidlang yari sa ginto at pilak, ngunit mayroon din namang yari sa kahoy at putik. Ang iba'y para sa marangyang paggagamitan, at ang iba'y para sa karaniwan. 21 Sinumang naglilinis ng kanyang sarili mula sa kasamaan ay tulad ng mga sisidlang natatangi, malinis, at karapat-dapat gamitin ng may-ari para sa lahat ng mabuting gawain. 22 Layuan mo ang masasamang pagnanasa ng kabataan. Pagsikapan mong mabuhay ka sa katuwiran, pananampalataya, pag-ibig, at kapayapaan, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon mula sa pusong dalisay. 23 Iwasan mo ang mga hangal at walang kabuluhang pakikipagtalo. Alam mo namang nagbubunga lang ang mga iyan ng pag-aaway. 24 Ang lingkod ng Panginoon ay hindi dapat makipag-away, sa halip, dapat siyang mabait sa lahat, mahusay magturo at matiyaga. 25 Mahinahon niyang pinapangaralan ang mga sumasalungat sa kanya, sa pag-asang pagkakalooban sila ng Diyos ng pagkakataong magsisi tungo sa pagkakilala sa katotohanan. 26 Sa gayon, matatauhan sila at makakawala sa bitag ng diyablo na bumihag sa kanila upang gawin ang kanyang kalooban.[b]

Footnotes

  1. 2 Timoteo 2:14 Sa ibang matandang kasulatan, Panginoon.
  2. 2 Timoteo 2:26 upang gawin ang kanyang kalooban o sa pamamagitan niya, upang gawin ang kalooban ng Diyos.