Add parallel Print Page Options

Ang mga ito ang katibayan ng makatarungang paghatol ng Diyos na kayo ay ariing karapat-dapat na mapabilang sa kaharian ng Diyos. Alang-alang sa kaharian ng Diyos, kayo ay natitiis. Makatarungan para sa Diyos na gantihan ng paghihirap ang mga nagpapahirap sa inyo. Gantihan din kayo ng Diyos ng kapahingahan kasama namin, sa inyo na mga nagbata ng kahirapan, sa araw na ang Panginoong Jesucristo ay mahahayag mula sa langit kasama ng kaniyang makapang­yarihang mga anghel.

Read full chapter

Nagpapatunay ito ng makatwirang hatol ng Diyos, at ginagawa niya kayong karapat-dapat na makibahagi sa kanyang paghahari, na siya namang dahilan ng inyong pagdurusa. Tunay na makatarungan ang Diyos at parurusahan niya ang mga taong nagpapahirap sa inyo. Siya rin ang magbibigay ng ginhawa sa inyo at sa amin na mga dumaranas ng pagtitiis. Magaganap ito kapag nahayag na ang Panginoong Jesus mula sa langit kasama ang kanyang mga makapangyarihang anghel.

Read full chapter

Na isang tandang hayag (A)ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo'y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito'y nangagbabata rin naman kayo:

Kung isang bagay na (B)matuwid sa Dios na gantihin ng kapighatian ang mga pumipighati sa inyo,

At kayong mga pinighati ay (C)bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag (D)ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy,

Read full chapter