Add parallel Print Page Options

16 Magkaroon kayo ng magandang budhi upang mapahiya ang mga naninirang-puri sa inyo na nagsasabing gumagawa kayo ng masama at tumutuya sa inyong magandang pamumuhay kay Cristo. 17 Ito ay sapagkat kung loloobin ng Diyos, higit na mabuti ang magdusa nang dahil sa paggawa ng kabutihan kaysa paggawa ng kasamaan.

18 Dahil si Cristo man ay minsang nagdusa dahil sa kasalanan. Ang matuwid para sa mga hindi matuwid upang madala niya tayo sa Diyos. Pinatay siya sa laman ngunit binuhay siya sa pamamagitan ng Espiritu.

Read full chapter

16 Ngunit gawin ninyo ito nang mahinahon at magalang. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang sinumang humahamak sa inyong magandang asal bunga ng inyong pakikipag-isa kay Cristo. 17 Sapagkat mabuti pang magdusa sa paggawa ng mabuti, kung ito'y kalooban ng Diyos, kaysa magdusa dahil sa paggawa ng masama. 18 Sapagkat si Cristo ay minsan lamang namatay dahil sa mga kasalanan, siya na walang kasalanan para sa mga makasalanan upang maiharap kayo[a] sa Diyos. Namatay siya ayon sa laman, ngunit muling binuhay ayon sa espiritu.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Pedro 3:18 Sa ibang manuskrito tayo.