Add parallel Print Page Options

Paghahanda upang ilipat ang kaban.

15 At gumawa si David ng mga bahay sa bayan ni David; at ipinaghanda niya ng isang dako ang kaban ng Dios, at[a] ipinaglagay roon ng isang tolda.

Nang magkagayo'y sinabi ni David, Walang makapagdadala ng kaban ng Dios kundi (A)ang mga Levita: sapagka't sila ang pinili ng Panginoon upang magsipagdala ng kaban ng Dios, at upang mangasiwa sa kaniya magpakailan man.

At (B)pinisan ni David ang buong Israel sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng Panginoon sa dakong pinaghandaan.

At pinisan ni David ang mga anak ni Aaron, at ang mga Levita:

Sa mga anak ni (C)Coath: si Uriel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at dalawangpu;

Sa mga anak ni Merari: si Asaias na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, dalawang daan at dalawangpu;

Sa mga anak ni Gersom: si Joel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at tatlongpu;

Sa mga anak ni (D)Elisaphan: si Semeias na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, dalawang daan:

Sa mga anak ni (E)Hebron: si Eliel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, walongpu;

10 Sa mga anak ni Uzziel: si Aminadab na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at labing dalawa.

11 At ipinatawag ni David si (F)Sadoc at si Abiathar na mga saserdote, at ang mga Levita, si Uriel, si Asaias, at si Joel, si Semeias, at si Eliel, at si Aminadab,

12 At sinabi sa kanila, Kayo ang mga pinuno sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita: magpakabanal kayo, at gayon din ang inyong mga kapatid, upang inyong maiahon ang kaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel, hanggang sa dakong aking pinaghandaan.

13 Sapagka't (G)dahil sa hindi ninyo dinala nang una, ang Panginoon nating Dios ay nagalit sa atin, sapagka't hindi natin hinanap siya ayon sa utos.

14 Sa gayo'y ang mga saserdote at ang mga Levita ay nagpakabanal, upang iahon ang kaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel.

15 At pinisan ng mga anak ng mga Levita ang kaban ng Dios sa kanilang mga balikat sa pamamagitan ng mga (H)pingga niyaon, gaya (I)ng iniutos ni Moises ayon sa salita ng Panginoon.

Ang kaban ay dinala ng mga Levita sa Jerusalem.

16 At si David ay nagsalita sa pinuno ng mga Levita, na ihalal ang kanilang mga kapatid na mangaawit, na may mga panugtog ng tugtugin, mga salterio, at mga alpa, at mga simbalo, upang magsitugtog ng malakas, at maglakas ng tinig na may kagalakan.

17 Sa gayo'y inihalal ng mga Levita (J)si Heman na anak ni Joel; at sa kaniyang mga kapatid (K)ay si Asaph na anak ni Berechias; at sa mga anak ni Merari na kanilang mga kapatid (L)ay si Ethan na anak ni Cusaias;

18 At kasama nila, ang kanilang mga kapatid sa ikalawang hanay, si Zacharias, si Ben, at si Jaaziel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Unni, si Eliab, at si Benaias, at si Maasias, at si Mathithias, at si Eliphelehu, at si Micnias, at si Obed-edom, at si Jehiel, na mga tagatanod-pinto.

19 Sa gayo'y ang mga mangaawit, si Heman, si Asaph, at si Ethan, ay nangahalal na may mga simbalong tanso upang patunuging malakas;

20 At si Zacharias, at si Jaaziel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Unni, at si Eliab, at si Maasias, at si Benaias, na may mga salterio na (M)itinugma sa Alamoth;

21 At si Mathithias, at si Eliphelehu, at si Micnias, at si Obed-edom, at si Jehiel, at si Azazias, na may mga alpa na itinugma sa Seminit, upang magayos sa pagawit.

22 At si Chenanias, na pinuno ng mga Levita, nasa pamamahala sa awitan: siya ang nagtuturo tungkol sa pagawit, sapagka't siya'y bihasa.

23 At si Berechias, at si Elcana ay mga tagatanod sa kaban.

24 At si Sebanias, at si Josaphat, at si Nathanael, at si Amasai, at si Zacharias, at si Benaias at si Eliezer na mga saserdote, ay (N)nagsihihip ng mga pakakak sa harap ng Dios: at si Obed-edom, at si Jehias ay mga tagatanod sa kaban.

25 (O)Sa gayo'y si David, at ang mga matanda sa Israel, at ang mga punong kawal sa mga lilibuhin, ay nagsiyaon upang iahong may sayahan ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bahay ni Obed-edom:

26 At nangyari, na pagka tinulungan ng Dios ang mga Levita na nangagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, na sila'y naghahain ng pitong baka at pitong tupa.

27 At si David ay nababalot ng isang balabal na mainam na kayong (P)lino, at ang lahat na Levita na nagsisipasan ng kaban, at ang mga mangaawit, at si Chenanias na tagapagturo ng awit na kasama ng mga mangaawit: at si David ay mayroong isang epod na lino.

28 Gayon iniahon ng buong Israel ang kaban ng tipan ng Panginoon na may mga hiyawan, at may mga tunog ng korneta, at mga pakakak, at may mga simbalo, na tumutunog ng malakas na may mga salterio at mga alpa.

29 (Q)At nangyari, samantalang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay dumarating sa bayan ni David, na si Michal na anak ni Saul ay tumanaw sa dungawan, at nakita niya ang haring David na sumasayaw at tumutugtog; at kaniyang niwalang kabuluhan siya sa kaniyang puso.

Footnotes

  1. 1 Cronica 15:1 1 Cron. 16:1.

Paghahanda Upang Ilipat ang Kaban

15 Gumawa si David[a] ng mga bahay para sa kanya sa lunsod ni David; at ipinaghanda niya ng isang dako ang kaban ng Diyos, at nagtayo para roon ng isang tolda.

Nang(A) magkagayo'y sinabi ni David, “Walang dapat magdala ng kaban ng Diyos kundi ang mga Levita, sapagkat sila ang pinili ng Panginoon upang magdala ng kaban ng Diyos at maglingkod sa kanya magpakailanman.”

Tinipon ni David ang buong Israel sa Jerusalem upang iahon ang kaban ng Panginoon sa lugar nito na kanyang inihanda para rito.

At tinipon ni David ang mga anak ni Aaron at ang mga Levita;

sa mga anak ni Kohat: si Uriel na pinuno at ang kanyang mga kapatid, isandaan at dalawampu;

sa mga anak ni Merari: si Asaya na pinuno at ang dalawandaan at dalawampu sa kanyang mga kapatid,

sa mga anak ni Gershon: si Joel na pinuno, at ang isandaan at tatlumpu sa kanyang mga kapatid,

sa mga anak ni Elisafan: si Shemaya na pinuno, at ang dalawandaan sa kanyang kapatid,

sa mga anak ni Hebron: si Eliel na pinuno, at ang kanyang walumpung mga kapatid,

10 sa mga anak ni Uziel: si Aminadab na pinuno, at ang kanyang isandaan at labindalawang mga kapatid.

11 Ipinatawag ni David ang mga paring sina Zadok at Abiatar, at ang mga Levita na sina Uriel, Asaya, Joel, Shemaya, Eliel, at Aminadab,

12 at kanyang sinabi sa kanila, “Kayo ang mga pinuno sa mga sambahayan ng mga Levita. Magpakabanal kayo, kayo at ang inyong mga kapatid, upang inyong maiahon ang kaban ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, sa dakong aking inihanda para rito.

13 Sapagkat dahil sa hindi ninyo dinala ito nang una, ang Panginoon nating Diyos ay nagalit sa atin, sapagkat hindi natin siya hinanap ayon sa utos.”

14 Sa gayo'y ang mga pari at ang mga Levita ay nagpakabanal upang iahon ang kaban ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.

15 At(B) binuhat ng mga anak ng mga Levita ang kaban ng Diyos sa kanilang mga balikat sa pamamagitan ng mga pasanan, gaya ng iniutos ni Moises ayon sa salita ng Panginoon.

Ang Kaban ay Dinala ng mga Levita sa Jerusalem(C)

16 Inutusan rin ni David ang pinuno ng mga Levita na italaga ang kanilang mga kapatid bilang mga mang-aawit na tutugtog sa mga panugtog, mga alpa, mga lira at mga pompiyang, upang magpailanglang ng mga tunog na may kagalakan.

17 Kaya't hinirang ng mga Levita si Heman na anak ni Joel; at sa kanyang mga kapatid ay si Asaf na anak ni Berequias; at sa mga anak ni Merari na kanilang mga kapatid ay si Etan na anak ni Cusaias.

18 Kasama nila ang kanilang mga kapatid mula sa ikalawang pangkat: sina Zacarias, Ben, Jaaziel, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Benaya, Maasias, Matithias, Eliphelehu, Micnias, Obed-edom, at Jehiel, na mga bantay sa pinto.

19 Ang mga mang-aawit na sina Heman, Asaf, at Etan, ay tutugtog ng mga pompiyang na tanso,

20 sina Zacarias, Aziel, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Maasias, at Benaya, ay tutugtog ng mga alpa ayon kay Alamot;

21 ngunit sina Matithias, Elifelehu, Micnias, Obed-edom, Jehiel, at si Azazias, ay mangunguna sa pagtugtog ng mga alpa ayon sa Sheminith.

22 Si Kenanias na pinuno ng mga Levita sa musika ay siyang mangangasiwa sa pag-awit sapagkat nauunawaan niya ito.

23 Sina Berequias, at Elkana ay mga bantay ng pintuan para sa kaban.

24 Sina Sebanias, Joshafat, Natanael, Amasai, Zacarias, Benaya at si Eliezer na mga pari, ang magsisihihip ng mga trumpeta sa harapan ng kaban ng Diyos. Sina Obed-edom at Jehias ay mga bantay rin sa pintuan para sa kaban.

25 Kaya't si David at ang matatanda sa Israel at ang mga punong-kawal sa mga libu-libo, ay umalis upang iahon na may kagalakan ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bahay ni Obed-edom:

26 Sapagkat tinulungan ng Diyos ang mga Levita na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, sila'y naghandog ng pitong baka at pitong tupa.

27 Si David ay may suot na isang balabal na pinong lino, gayundin ang lahat ng Levita na nagpapasan ng kaban, at ang mga mang-aawit, si Kenanias na tagapamahala sa awit ng mga mang-aawit; at si David ay may suot na efod na lino.

28 Sa gayon iniahon ng buong Israel ang kaban ng tipan ng Panginoon na may mga sigawan, may mga tunog ng tambuli, mga trumpeta at may mga pompiyang, at tumugtog nang malakas sa mga alpa at mga lira.

29 Nangyari nga, samantalang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay dumarating sa lunsod ni David, si Mical na anak ni Saul ay tumanaw sa bintana, at nakita niya si Haring David na sumasayaw at nagsasaya; at kanyang hinamak siya sa kanyang puso.

Footnotes

  1. 1 Cronica 15:1 Sa Hebreo ay siya .

搬运约柜的准备

15 大卫在大卫城为自己建造宫殿,又为 神的约柜预备地方,就是为它支搭帐幕。 那时大卫说:“ 神的约柜,除了利未人以外,没有人可以抬,因为耶和华拣选了他们抬 神的约柜,并且永远事奉他。” 于是,大卫把以色列人都招聚到耶路撒冷,要把耶和华的约柜抬上来,到大卫给它预备好的地方去。 大卫又聚集了亚伦的子孙和利未人: 哥辖子孙中有作领袖的乌列和他的亲族一百二十人; 米拉利子孙中有作领袖的亚帅雅和他的亲族二百二十人; 革顺的子孙中有作领袖的约珥和他的亲族一百三十人; 以利撒反的子孙中有作领袖的示玛雅和他的亲族二百人; 希伯仑子孙中有作领袖的以列和他的亲族八十人; 10 乌薛子孙中有作领袖的亚米拿达和他的亲族一百一十二人。 11 大卫把撒督和亚比亚他两位祭司,以及乌列、亚帅雅、约珥、示玛雅、以列和亚米拿达几位利未人,召了来, 12 对他们说:“你们是利未人各家族的首领,你们和你们的亲族都要自洁,好把以色列的 神耶和华的约柜抬上来,到我为它预备的地方去。 13 先前没有你们,耶和华我们的 神就击打我们,因为我们没有按照定例寻求他。” 14 于是祭司和利未人自洁,好把以色列的 神耶和华的约柜抬上来。 15 利未支派的子孙照着耶和华的话,就是摩西所吩咐的,用肩和杠来抬 神的约柜。

设立歌唱的仪仗队

16 大卫又吩咐利未支派的领袖,要指派他们的亲族负责歌唱,用琴瑟响钹各种乐器,欢欢喜喜高声歌唱。 17 于是利未人指派了约珥的儿子希幔和他的亲族中比利家的儿子亚萨,以及他们的亲族米拉利的子孙中古沙雅的儿子以探。 18 和他们一起的还有作第二班的,他们的亲族:撒迦利雅、便、雅薛、示米拉末、耶歇、乌尼、以利押、比拿雅、玛西雅、玛他提雅、以利斐利户、弥克尼雅,以及守门的俄别.以东和耶利。 19 歌唱的希幔、亚萨和以探敲打铜钹,发出响亮的声音; 20 撒迦利雅、雅薛、示米拉末、耶歇、乌尼、以利押、玛西雅和比拿雅敲瑟,调用女高音; 21 玛他提雅、以利斐利户、弥克尼雅、俄别.以东、耶利和亚撒西雅弹琴领导,调用男低音。 22 利未支派的领袖基拿尼雅专责音乐,又教人音乐,因为他精通音乐。 23 比利家、以利加拿作看守约柜的人。 24 示巴尼、约沙法、拿坦业、亚玛赛、撒迦利雅、比拿亚和以利以谢几位祭司,在 神的约柜前吹号;俄别.以东和耶希亚也作看守约柜的人。

约柜运进大卫城(A)

25 于是大卫和以色列的众长老,以及千夫长一起前去,从俄别.以东的家欢欢喜喜地把耶和华的约柜抬上来。 26  神帮助了那些抬耶和华约柜的利未人,他们就献上七头公牛和七只公绵羊。 27 大卫和所有抬约柜的利未人,以及歌唱的人和歌唱的人的领袖基拿尼雅,都穿上细麻布的外袍;大卫另外穿上细麻布的以弗得。 28 这样,以色列人欢呼、吹角、吹号、敲钹、鼓瑟、弹琴,大声奏乐,把耶和华的约柜抬了上来。

29 耶和华的约柜进了大卫城的时候,扫罗的女儿米甲从窗户往下观看,看见大卫王跳跃嬉笑,心里就鄙视他。

'1 Paralipomeno 15 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.