Add parallel Print Page Options

Ayusin ninyo ang bilang ng mga anak ni Coath, sa gitna ng mga anak ni Levi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

Read full chapter

15 At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario, kailan ma't isusulong ang kampamento: ay magsisilapit pagkatapos ang mga (A)anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon: (B)datapuwa't huwag silang hihipo sa santuario, baka sila'y mamatay. Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan.

Read full chapter

At sa ibabaw ng (A)dulang ng tinapay na handog ay maglalatag sila ng isang kayong bughaw, at kanilang ilalagay sa ibabaw nito ang mga pinggan, at ang mga sandok, at ang mga mangkok, at ang mga tasa upang buhusan; at ang namamalaging tinapay ay malalagay sa ibabaw niyaon.

At kanilang lalatagan ang ibabaw ng mga yaon ng kayong pula, at kanilang tatakpan ito ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga (B)pingga.

At kukuha sila ng isang kayong bughaw at kanilang tatakpan ang (C)kandelerong pangtanglaw at ang mga ilawan, at ang mga gunting, at ang mga pinggan, at ang lahat ng sisidlan ng langis niyaon, na kanilang pinangangasiwaan:

Read full chapter

Nang panahong yaon ay (A)inihiwalay ng Panginoon ang lipi ni Levi, (B)upang magdala ng kaban ng tipan ng Panginoon, (C)upang tumayo sa harap ng Panginoon na mangasiwa sa kaniya, at (D)upang magbasbas sa kaniyang pangalan hanggang sa araw na ito.

Read full chapter

Ang batas ay ibinigay sa mga saserdote; at inilagay sa tabi ng kaban ng tipan.

At isinulat ni Moises ang kautusang ito, (A)at ibinigay sa mga saserdote na mga anak ni Levi, (B)na silang nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at sa lahat ng matanda sa Israel.

Read full chapter