1 Cronica 15:2-4
Magandang Balita Biblia
2 Sinabi(A) niya, “Walang maaaring bumuhat sa Kaban ng Tipan ng Diyos maliban sa mga Levita, sapagkat sila ang pinili ni Yahweh upang magdala ng kanyang kaban at maglingkod sa kanya habang panahon.” 3 Pagkatapos, tinipon ni David sa Jerusalem ang buong Israel upang dalhin ang Kaban ng Tipan sa lugar na inilaan para dito. 4 Tinipon din niya ang mga mula sa angkan ni Aaron at ang mga Levita:
Read full chapter
1 Cronica 15:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Nang magkagayo'y sinabi ni David, Walang makapagdadala ng kaban ng Dios kundi (A)ang mga Levita: sapagka't sila ang pinili ng Panginoon upang magsipagdala ng kaban ng Dios, at upang mangasiwa sa kaniya magpakailan man.
3 At (B)pinisan ni David ang buong Israel sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng Panginoon sa dakong pinaghandaan.
4 At pinisan ni David ang mga anak ni Aaron, at ang mga Levita:
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978