1 Corinto 4:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Bukod dito, inaasahan sa mga katiwala na sila'y matagpuang tapat. 3 Ngunit para sa akin ay napakaliit na bagay ang hatulan ninyo ako o ng hukuman ng tao. Ni hindi nga ako humahatol sa aking sarili. 4 Sapagkat wala akong nalalamang anuman laban sa aking sarili, ngunit hindi ibig sabihin nito na ako'y walang sala. Ang humahatol sa akin ay ang Panginoon.
Read full chapter
1 Corinto 4:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Bukod dito'y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa't isa ay maging (A)tapat.
3 Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y (B)siyasatin ninyo, o ng (C)pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili.
4 Sapagka't (D)wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili; bagaman (E)hindi dahil dito'y inaaring-ganap ako: sapagka't ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon.
Read full chapter
1 Corinto 4:2-4
Ang Salita ng Diyos
2 Gayundin naman, ang katiwala ay kinakailangang maging matapat. 3 Para sa akin, isang maliit na bagay na ako ay siyasatin ninyo o kaya ng sinumang tao. Subalit maging ako ay hindi ko sinisiyasat ang aking sarili. 4 Ito ay sapagkat wala akong alam na laban patungkol sa aking sarili subalit hindi ito nangangahulugan na ako ay matuwid. Ngunit siya na sumisiyasat sa akin ay ang Panginoon.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1998 by Bibles International