1 Corinto 4:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Gawain ng mga Apostol
4 Kaya't dapat kaming ituring ng tao bilang mga tagapaglingkod ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Diyos. 2 Bukod dito, inaasahan sa mga katiwala na sila'y matagpuang tapat. 3 Ngunit para sa akin ay napakaliit na bagay ang hatulan ninyo ako o ng hukuman ng tao. Ni hindi nga ako humahatol sa aking sarili.
Read full chapter
1 Corinto 4:1-3
Ang Biblia (1978)
4 Ipalagay nga kami ng sinoman na (A)mga ministro ni Cristo, (B)at mga katiwala ng (C)mga hiwaga ng Dios.
2 Bukod dito'y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa't isa ay maging (D)tapat.
3 Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y (E)siyasatin ninyo, o ng (F)pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili.
Read full chapter
1 Corinto 4:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Mga Apostol ni Cristo
4 Kaya dapat ituring ninyo kami ni Apolos bilang mga lingkod ni Cristo na pinagkatiwalaan ng Dios na mangaral ng katotohanang inilihim niya noong una. 2 At ang katiwalaʼy dapat maging tapat. 3 Hindi mahalaga sa akin kung ano ang iniisip ninyo o ng sinuman sa akin, ni hindi ko nga pinapahalagahan ang sarili kong opinyon.
Read full chapter
1 Corinthians 4:1-3
New International Version
The Nature of True Apostleship
4 This, then, is how you ought to regard us: as servants(A) of Christ and as those entrusted(B) with the mysteries(C) God has revealed. 2 Now it is required that those who have been given a trust must prove faithful. 3 I care very little if I am judged by you or by any human court; indeed, I do not even judge myself.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.