1 Corinto 3:16
Magandang Balita Biblia
16 Hindi(A) ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu?
Read full chapter
1 Corinto 3:16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
16 Hindi ba ninyo nalalaman na kayo ay templo ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo?
Read full chapter
2 Corinto 6:16
Magandang Balita Biblia
16 O(A) di kaya'y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan? Hindi ba't tayo ang templo[a] ng Diyos na buháy? Siya na rin ang maysabi,
“Mananahan ako
at mamumuhay sa piling nila.
Ako ang magiging Diyos nila,
at sila'y magiging bayan ko.
Footnotes
- 2 Corinto 6:16 tayo ang templo: Sa ibang manuskrito'y tayo ang mga templo, at sa iba pang manuskrito'y kayo ang templo .
2 Corinto 6:16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
16 Anong (A) pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Diyos sa mga diyus-diyosan? Sapagkat tayo[a] ay templo ng Diyos na buhay. Gaya ng sinabi ng Diyos,
“Ako'y maninirahan sa kanila, at lalakad na kasama nila,
ako'y magiging Diyos nila,
at sila'y magiging bayan ko.
Footnotes
- 2 Corinto 6:16 Sa ibang mga manuskrito kayo.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.