Add parallel Print Page Options

Mga minamahal, (A)wala akong isinusulat sa inyo na anomang bagong utos, kundi ang dating utos (B)na nasa inyo buhat nang pasimula; ang dating utos ay ang salita na inyong narinig.

Muli, (C)isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, bagay na tunay sa kaniya at sa inyo; (D)sapagka't ang kadiliman ay lumilipas, at (E)ang tunay na ilaw ay lumiliwanag na.

Read full chapter

Ang Bagong Utos

Mga minamahal, hindi isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo. Sa halip, ito ay dating utos na tinanggap na ninyo noong una pa man. Ang utos na ito'y ang salita na inyo nang narinig. Gayunman, bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, na totoong nasa kanya at nasa inyo, sapagkat ang kadiliman ay naglalaho at ang tunay na liwanag ay tumatanglaw na.

Read full chapter