Add parallel Print Page Options

Si Jonas Bilang Isang Tanda

38 Nang magkagayon, ang ilan sa mga guro ng kautusan at mga Fariseo ay sumagot sa kaniya: Ibig naming makakita ng isang tanda mula sa iyo.

39 Ngunit sinabi niya sa kanila: Kayo ay isang lahing masama at mapangalunya. Mahigpit kayong naghahangad ng isang tanda. Walang tanda na ibibigay sa inyo kundi ang tanda ni Jonas na propeta. 40 Ito ay sapagkat kung paanong si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng balyena sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, gayundin naman ang Anak ng Tao. Siya ay pupunta sa kailaliman ng lupa sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi.

Read full chapter

Ang Tanda ni Jonas(A)

38 Pagkatapos, (B) may mga guro ng Kautusan at mga Fariseo na sumagot sa kanya, “Guro, nais naming makakita mula sa iyo ng isang himala bilang tanda.” 39 Sumagot (C) siya sa kanila, “Ang isang masama at taksil na lahi ay humahanap ng mahimalang tanda; subalit walang mahimalang tanda na ibibigay sa kanya, maliban sa mahimalang tanda ng propetang si Jonas. 40 Sapagkat (D) kung paanong tatlong araw at tatlong gabi si Jonas sa loob ng tiyan ng isang dambuhalang isda, gayundin ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabing mapapasailalim ng lupa.

Read full chapter