Add parallel Print Page Options

36 Siya ay nagsabi rin ng isang talinghaga sa kanila. Walang sinumang nagtatagpi ng kaputol ng bagong damit na hindi pa umuurong sa lumang damit. Kapag ginawa ng sinuman ang gayon, pupunitin ito ng bago at gayundin, hindi ito aayon sa lumang kaputol. 37 Walang sinumang nagsasalin ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag ginawa ng sinuman ang gayon, papuputukin ng bagong alak ang sisidlang-balat at mabubuhos ang alak. Ang mga sisidlang balat ay mawawasak. 38 Subalit ang bagong alak ay dapat ilagay sa mga bagong sisidlang-balat at ang dalawa ay magkasamang mapapanatili.

Read full chapter

36 At sinabi niya sa kanila ang isang talinghaga, “Walang pumupunit ng bagong damit at ipinantatagpi iyon sa lumang damit. Kung gagawin iyon, masisira ang bago at ang tagping mula sa bago ay hindi babagay sa luma. 37 Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang balat. Papuputukin lamang ng bagong alak ang sisidlang balat. Matatapon lang ang alak at masisira ang sisidlan. 38 Sa halip, dapat ilagay ang bagong alak sa bagong sisidlang balat.

Read full chapter