Add parallel Print Page Options

29 At nangyari nang papalapit na siya sa Betfage at Betania, patungo sa tinatawag na bundok ng mga Olibo, sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad. 30 Kaniyang sinabi: Pumunta kayo sa nayon na nasa unahan ninyo. Sa pagpasok ninyo sa nayon, masusumpungan ninyo ang isang batang asno na nakatali. Hindi pa iyon nasasakyan ng sinumang tao. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 31 Kung may magtanong sa inyo: Bakit ninyo kinalagan iyan? Sabihin nga ninyo sa kaniya: Kailangan ito ng Panginoon.

32 Umalis ang mga sinugo at nasumpungan nila ang ayon sa pagkasabi sa kanila. 33 Sa pagkalag nila sa bisiro, ang mga may-ari nito ay nagsabi sa kanila: Bakit ninyo kinakalagan ang bisiro?

34 Sinabi nila: Kailangan ito ng Panginoon.

35 Inakay nila ang bisiro patungo kay Jesus. Pagkalagay nila ng kanilang mga damit sa bisiro, pinasakay nila si Jesus doon.

Read full chapter

29 Nang malapit na siya sa Betfage at Betania, sa lugar na tinatawag na Bundok ng mga Olibo, pinauna niya ang dalawa sa mga alagad. 30 Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Sa pagpasok ninyo roo'y makikita ninyo ang isang batang asno na nakatali na hindi pa nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 31 Kung may magtanong sa inyo, ‘Bakit ninyo kinakalagan iyan?’ ganito ang sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon.’ ” 32 Sumunod ang mga inutusan, at natagpuan nga nila ang asno ayon sa sinabi sa kanila. 33 Habang kinakalagan nila ang batang asno ay tinanong sila ng may-ari nito, “Bakit ninyo kinakalagan ang batang asno?” 34 Kaya't sinabi nila, “Kailangan ito ng Panginoon.” 35 Dinala nila ang batang asno kay Jesus at matapos ilagay sa likod nito ang kanilang mga balabal, siya ay pinasakay nila dito.

Read full chapter