Add parallel Print Page Options

37 Sa huli at dakilang araw ng kapistahan tumayo si Jesus. Sa malakas na tinig siya ay nagsabi: Kung ang sinuman ay nauuhaw, hayaan siyang lumapit sa akin at uminom. 38 Mang­yayari sa sumasampalataya sa akin ang gaya ng sinabi ng kasulatan: Magkakaroon siya ng ilog ng tubig na buhay. Ito ay aagos mula sa loob niya. 39 Sinabi niya ito patungkol sa Espiritu na tatanggapin na ng mga sumasampalataya sa kaniya sapagkat hindi pa naibibigay ang Banal na Espiritu dahil hindi pa naluluwalhati si Jesus.

Read full chapter

37 (A)Sa huli at natatanging araw ng pista, tumayo si Jesus at sumigaw. Sinabi niya, “Lumapit sa akin ang sinumang nauuhaw at uminom. 38 (B)Ang sumasampalataya sa akin, tulad ng sinabi ng kasulatan, ‘Mula sa kanyang puso ay dadaloy ang ilog ng tubig ng buhay.’ ” 39 Sinabi niya ito tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. Hindi pa naibibigay ang Espiritu, sapagkat hindi pa naluluwalhati si Jesus.

Read full chapter