Galacia 2:9-10
Ang Salita ng Diyos
9 Si Santiago, Cefas at Juan ang mga kinilalang mga haligi. Nang maunawaan nila ang biyayang ibinigay ng Diyos sa akin, iniabot nila ang kanilang kanang kamay ng pakikisama kay Bernabe at sa akin. Ibinigay nila ito upang kami ay pumaroon sa mga Gentil at sila naman ay sa mga Judio na mga tuli. 10 Ang kahilingan lamang nila ay huwag naming kalilimutan ang mga dukha na siya ko rin namang pinagsisikapang gawin.
Read full chapter
Galacia 2:9-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
9 Nang makita ng mga kinikilalang haligi ng iglesya na sina Santiago, Pedro, at Juan, na ibinigay sa akin ng Diyos ang tanging kaloob na ito, tinanggap nila kami ni Bernabe bilang mga kamanggagawa. Pinagkasunduan naming kami ni Bernabe ay mangangaral sa mga Hentil, at sila nama'y sa mga Judio. 10 Ang hiniling lamang nila ay ang patuloy naming pagmamalasakit sa mga dukha, na siya namang gusto kong gawin.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.