Add parallel Print Page Options

Ang(A) salita ng Panginoon na dumating kay Sefanias na anak ni Cushi, na anak ni Gedalias, na anak ni Amarias, na anak ni Hezekias, nang mga araw ni Josias na anak ni Amon, na hari ng Juda.

Ang Araw ng Paghuhukom ng Panginoon

“Aking lubos na lilipulin ang lahat ng bagay
    sa ibabaw ng lupa,” sabi ng Panginoon.
“Aking pupuksain ang tao at ang hayop;
    lilipulin ko ang mga ibon sa himpapawid,
    at ang mga isda sa dagat,
at ang katitisuran kasama ang masasama;
    aking aalisin ang sangkatauhan
    sa ibabaw ng lupa,” sabi ng Panginoon.
“Aking iuunat ang aking kamay laban sa Juda,
    at laban sa lahat ng naninirahan sa Jerusalem;
at aking aalisin mula sa lugar na ito ang nalabi ni Baal,
    at ang mga pangalan ng mga paring sumasamba sa diyus-diyosan kasama ang mga pari;
yaong mga yumuyukod sa mga bubungan
    sa mga bagay na nasa kalangitan;
sa mga yumuyukod at sumusumpa rin sa Panginoon
    at gayunma'y sumusumpa sa pangalan ni Malcam;
at iyong mga tumalikod mula sa pagsunod sa Panginoon;
    at ang mga hindi hinanap ang Panginoon, ni sumangguni man sa kanya.”

Tumahimik ka sa harapan ng Panginoong Diyos!
    Sapagkat ang araw ng Panginoon ay malapit na;
sapagkat inihanda ng Panginoon ang isang handog,
    at itinalaga ang kanyang mga panauhin.
At sa araw ng paghahandog sa Panginoon
“Aking parurusahan ang mga pinuno, at ang mga anak ng hari,
    at ang lahat na nagsusuot ng damit ng dayuhan.
At sa araw na iyon ay aking parurusahan
    ang lahat ng lumulukso sa pasukan,
na pinupuno ang bahay ng kanilang panginoon
    ng karahasan at pandaraya.”

10 “At sa araw na iyon,” sabi ng Panginoon,
    “maririnig ang panaghoy mula sa Pintuang Isda,
ang pananambitan mula sa Ikalawang Bahagi,
    ang isang malakas na lagapak mula sa mga burol.
11 Managhoy kayo, kayong mga naninirahan sa Mortar!
    Sapagkat ang buong bayan ng Canaan ay nalansag;
    lahat ng nagtitimbang ng pilak ay inalis.
12 At sa panahong iyon, ang Jerusalem ay sisiyasatin ko sa pamamagitan ng ilawan,
    at aking parurusahan ang mga tao
na nagsisiupo sa kanilang mga latak,
    na nagsasabi sa kanilang puso,
‘Ang Panginoon ay hindi gagawa ng mabuti,
    ni gagawa man siya ng masama.’
13 At ang kanilang kayamanan ay nanakawin,
    at ang kanilang mga bahay ay gigibain.
Bagaman sila'y nagtatayo ng mga bahay,
    hindi nila titirahan ang mga iyon;
bagaman sila'y nagtatanim ng ubasan,
    hindi sila iinom ng alak niyon.”
14 Ang dakilang araw ng Panginoon ay malapit na,
    malapit na at napakabilis na dumarating,
ang tinig ng araw ng Panginoon,
    ang makapangyarihang tao ay sumisigaw nang may kapaitan roon.
15 Ang araw na iyon ay araw ng pagkapoot,
    araw ng kaguluhan at kahapisan,
    araw ng pagkawasak at pagkasira,
    araw ng kadiliman at kalumbayan,
    araw ng mga ulap at makapal na kadiliman,
16     araw ng tunog ng tambuli at ng hudyat ng digmaan,
laban sa mga lunsod na may muog,
    at laban sa mataas na kuta.

17 At aking dadalhan ng kahapisan ang mga tao,
    upang sila'y lumakad na parang mga bulag,
    sapagkat sila'y nagkasala laban sa Panginoon;
at ang kanilang dugo ay ibubuhos na parang alabok,
    at ang kanilang laman ay parang dumi.
18 Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man
    ay hindi makakapagligtas sa kanila
    sa araw ng poot ng Panginoon.
Sa apoy ng kanyang naninibughong poot
    ang buong lupa ay matutupok;
sapagkat isang ganap at biglang paglipol
    ang kanyang gagawin, sa lahat ng naninirahan sa daigdig.

Ito ang ipinahayag ng Panginoon kay Zefanias noong si Josia na anak ni Amon ang hari ng Juda. Si Zefanias ay anak ni Cushi na anak ni Gedalia. Si Gedalia naman ay anak ni Amaria na anak ni Hezekia.

Darating ang Parusa ng Panginoon

Sinabi ng Panginoon, “Lilipulin ko ang lahat ng bagay na nasa mundo – ang mga tao, hayop, ibon at isda. Mawawala ang lahat ng nag-uudyok sa tao para magkasala pati ang mga makasalanan. Lilipulin ko nga ang lahat ng tao sa mundo. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

“Parurusahan ko ang mga mamamayan ng Juda, pati na ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem. Lilipulin ko ang mga natitirang sumasamba sa dios-diosang si Baal pati na ang mga paring naglilingkod dito, para tuluyan na silang makalimutan. Lilipulin ko rin ang mga taong umaakyat sa bubong ng kanilang bahay para sumamba sa araw, sa buwan at mga bituin. Lilipulin ko ang mga sumasamba at sumusumpang maglilingkod sa akin, pero sumusumpa ring maglilingkod sa dios-diosang si Molec.[a] Lilipulin ko ang mga tumatalikod at hindi dumudulog sa akin.

“Tumahimik kayo sa harapan ko, dahil malapit na ang araw ng aking pagpaparusa. Inihanda ko na ang aking mga mamamayan para patayin tulad ng hayop na ihahandog. Pinili ko na ang mga kalaban na tinawag ko na sasalakay sa Juda. Sa araw na iyon, papatayin ko ang mga taga-Juda na parang hayop na ihahandog. Parurusahan ko ang kanilang mga opisyal at ang mga anak ng kanilang hari, at ang lahat sa kanila na sumusunod sa masasamang ugali ng ibang bansa.[b] Parurusahan ko rin sa araw na iyon ang lahat ng sumasali sa mga seremonya ng mga hindi nakakakilala sa akin, at ang mga nagmamalupit at nandaraya para punuin ng mga bagay ang bahay ng kanilang panginoon.[c]

10 Ako, ang Panginoon ay nagsasabing sa araw na iyon maririnig ang iyakan sa pintuan na tinatawag na Isda[d] ng lungsod ng Jerusalem at sa bagong bahagi ng lungsod. Maririnig din ang malakas na ingay ng mga nagigibang bahay sa mga burol. 11 Mag-iyakan kayo, kayong mga naninirahan sa mababang bahagi[e] ng lungsod ng Jerusalem dahil mamamatay ang lahat ng inyong mga mangangalakal.

12 “Sa araw ding iyon, susuyurin kong mabuti[f] ang Jerusalem at parurusahan ko ang mga taong nagpapasarap lang sa buhay at nagsasabi sa kanilang sarili, ‘Walang gagawin ang Panginoon sa amin mabuti man o masama.’ 13 Aagawin sa mga taong ito ang kanilang mga pag-aari at wawasakin ang kanilang mga bahay. Hindi sila ang titira sa mga bahay na kanilang itinayo. At hindi sila ang iinom ng inuming mula sa ubas na kanilang itinanim.”

Ang Nakakatakot na Araw ng Pagpaparusa ng Panginoon

14 Malapit na ang nakakatakot na araw ng pagpaparusa ng Panginoon. Itoʼy mabilis na dumarating. Mapait ang araw na iyon, dahil kahit na ang matatapang na sundalo ay sisigaw para humingi ng tulong. 15 Sa araw na iyon, ipapakita ng Dios ang kanyang galit. Magiging araw iyon ng pighati at paghihirap, araw ng pagkasira at lubusang pagkawasak. Magiging maulap at madilim ang araw na iyon, 16 at maririnig ang tunog ng trumpeta at sigawan ng mga sundalong sumasalakay sa mga napapaderang lungsod at sa matataas na tore nito.

17 Sinabi ng Panginoon, “Ipaparanas ko ang paghihirap sa mga tao, at lalakad sila na parang bulag dahil nagkasala sila sa akin. Dadaloy na parang tubig[g] ang kanilang dugo, at mabubulok na parang dumi[h] ang kanilang bangkay. 18 Hindi sila maililigtas ng kanilang mga pilak at ginto sa araw na ipapakita ko ang aking galit na parang apoy na tutupok sa buong mundo. Sapagkat bigla kong lilipulin ang lahat ng naninirahan sa lupa.”

Footnotes

  1. 1:5 Molec: sa Hebreo, Malcom, na isa pang pangalan ni Molec.
  2. 1:8 sumusunod … bansa: sa literal, nagsusuot ng damit ng taga-ibang bansa.
  3. 1:9 ang bahay ng kanilang panginoon: o, ang templo ng kanilang dios-diosan.
  4. 1:10 pintuan na tinatawag na Isda: Maaaring dito idinadaan ang mga isdang dinadala sa lungsod.
  5. 1:11 mababang bahagi: o, pamilihan.
  6. 1:12 susuyurin kong mabuti: sa literal, susuyurin ko sa pamamagitan ng mga ilaw.
  7. 1:17 tubig: sa Hebreo, buhangin.
  8. 1:17 mabubulok na parang dumi: o, lalabas ang kanilang mga bituka sa kanilang katawan na parang dumi.

Ang araw ng kagalitan ng Panginoon ay darating sa Juda.

Ang salita ng Panginoon na dumating kay Zefanias na anak ni Cushi, na anak ni Gedalias, na anak ni Amarias, na anak ni Ezechias, nang mga kaarawan ni Josias na anak ni Amon, na hari sa Juda.

Aking lubos na lilipulin ang lahat na bagay sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.

Aking lilipulin ang tao (A)at ang hayop; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at (B)ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.

At aking iuunat ang aking kamay sa Juda, at sa lahat na nananahan sa Jerusalem; at (C)aking ihihiwalay ang nalabi kay Baal sa dakong ito, at ang pangalan ng mga (D)Chemarim sangpu ng mga saserdote;

At ang nagsisisamba sa natatanaw sa langit sa mga bubungan ng bahay; at ang nagsisisamba na (E)nanunumpa sa Panginoon at (F)nanunumpa sa pangalan ni Malcam;

At ang nagsisitalikod na mula sa pagsunod sa Panginoon; at yaong mga hindi nagsisihanap sa Panginoon, ni sumangguni man sa kaniya.

Pumayapa ka sa harap ng Panginoong Dios; (G)sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na: sapagka't inihanda ng (H)Panginoon ang isang hain, kaniyang itinalaga ang kaniyang mga panauhin.

At mangyayari sa kaarawan ng hain sa Panginoon, na aking parurusahan ang mga prinsipe, at ang mga anak ng hari, at ang lahat na nangagsusuot ng pananamit ng taga ibang lupa.

At sa araw na yaon ay aking parurusahan yaong lahat (I)na nagsisilukso sa pasukan, na pinupuno ang bahay ng kanilang panginoon ng pangdadahas at pagdaraya.

10 At sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, magkakaroon ng ingay ng hiyawan na (J)mula sa pintuang-bayan ng mga isda, at ng pananambitan mula sa (K)ikalawang bahagi, at malaking hugong na mula sa mga burol.

11 Manambitan kayo, kayong mga nananahan sa Mactes; sapagka't ang buong bayan ng Canaan ay nalansag; yaong napapasanan ng pilak ay nangahiwalay.

12 At mangyayari sa panahong yaon, na ang Jerusalem ay sisiyasatin kong may mga ilawan; at aking parurusahan ang mga tao na (L)nagsisiupo sa kanilang mga latak, na (M)nangagsasabi sa kanilang puso, Ang Panginoo'y hindi gagawa ng mabuti, ni gagawa man siya ng masama.

13 At ang kanilang kayamanan ay magiging samsam, at ang kanilang mga bahay ay kasiraan: oo, sila'y mangagtatayo ng mga bahay, nguni't (N)hindi nila titirahan; at sila'y mag-uubasan, nguni't hindi sila magsisiinom ng alak niyaon.

14 Ang dakilang kaarawan ng Panginoon (O)ay malapit na, (P)malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay (Q)sumisigaw roon ng kalagimlagim.

15 Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,

16 Kaarawan (R)ng pakakak at ng hudyatan, laban sa mga bayang nakukutaan, at laban sa mataas na kuta.

17 At aking dadalhan ng kahapisan ang mga tao, na sila'y magsisilakad na (S)parang mga bulag, sapagka't sila'y nangagkasala laban sa Panginoon; at (T)ang kanilang dugo ay mabububo na parang alabok, at ang kanilang katawan ay parang dumi.

18 Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain (U)ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka't (V)wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain.

(A)Слово Господне, което биде към Софония, син на Хусия, син на Годолия, син на Амория, син на Езекия, в дните на Иосия, син Амонов, цар иудейски.

Всичко ще изтребя от лицето на земята – казва Господ:

(B)ще изтребя човеци и добитък, ще изтребя птици небесни и риби морски, и съблазните заедно с нечестивите; ще изтребя човеците от лицето на земята, казва Господ.

(C)И ще простра ръката Си върху Иудея и върху всички жители на Иерусалим; ще изтребя от това място остатъците на Ваала, името на жреците със свещениците,

(D)и ония, които върху покривите се покланят на воинството небесно, и ония от покланящите се, които се кълнат в Господа и се кълнат в царя си,

и ония, които отстъпиха от Господа, не търсиха Господа и не Го подирват.

(E)Замълчи пред лицето на Господа Бога, защото близо е денят Господен. Вече приготви Господ жертвеното клане, назначи, кого да повика.

(F)И в деня на жертвата Господня Аз ще споходя князете, синовете на царя и всички, които се обличат в дреха на чуждоплеменници;

ще споходя в оня ден всички, които прескачат праг, които дома на своя Господ напълнят с насилие и измама.

10 И ще има в оня ден, казва Господ, вик при Рибни порти и ридание при другите порти и голямо разрушение на хълмовете.

11 Плачете, жители от долната част на града, защото ще изчезне целият търговски народ, и изтребени ще бъдат натоварените със сребро.

12 (G)И в онова време Аз ще огледам Иерусалим със светило и ще накажа ония, които седят на дрождието си и казват в сърце си: „Господ не прави ни добро, ни зло“, –

13 (H)и ще станат богатствата им плячка, и къщите им ще запустеят; те ще построят къщи, а няма да живеят в тях, ще насадят лозя, а вино от тях няма да пият.

14 (I)Близо е великият ден Господен, близо – и твърде бърза: вече се чува гласът на деня Господен. Горчиво ще завика тогава и най-храбрият!

15 (J)Ден на гняв е тоя ден, ден на скръб и на теснотия, ден на опустошение и разорение, ден на тъма и на мрак, ден на облак и на мъгла,

16 ден на тръба и на боен вик против укрепени градове и високи кули.

17 И Аз ще стесня човеците, и те ще ходят като слепи, защото съгрешиха против Господа, и разхвърлена ще бъде кръвта им като прах, и плътта им – като смет.

18 (K)Ни среброто им, нито златото им не ще може да ги спаси в деня на гнева Господен, и от огъня на ревността Му ще бъде погълната цялата тая земя, защото изтребване, и при това внезапно, ще извърши Той над всички жители земни.