Print Page Options

Ang pagmamataas ng Edom ay pabababain.

Ang pangitain ni Obadias.

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios (A)tungkol sa Edom, Kami ay (B)nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa mga bansa, na nagsasabi, Magsibangon kayo, at tayo'y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka.

Narito, ginawa kitang maliit sa mga bansa: ikaw ay lubhang hinamak.

Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na ang tahanan ay matayog; na nagsasabi sa kaniyang puso, Sinong magbababa sa akin sa lupa?

Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila, at (C)bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.

Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo, (D)kung mga mangloloob sa gabi (paano kang nahiwalay!) di baga sila sana'y nangagnakaw hanggang sa sila'y nangagkaroon ng sapat? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo, (E)di baga sila sana'y nangagiwan ng laglag na ubas?

Paano nasiyasat ang mga bagay ng Esau! paano nasumpungan ang kaniyang mga kayamanang natago!

Lahat na lalake na iyong kaalam ay dinala ka sa iyong lakad, hanggang sa hangganan: ang mga lalake na nangasa kapayapaan sa iyo ay dinaya ka, at nanaig laban sa iyo; silang nagsisikain ng iyong tinapay ay naglagay ng silo sa ilalim mo: (F)walang paguunawa sa kaniya.

Di ko baga lilipulin (G)sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, ang mga pantas na tao sa Edom, at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau?

At ang iyong mga makapangyarihang tao, Oh (H)Teman, ay manglulupaypay, palibhasa'y bawa't isa'y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan.

10 (I)Dahil sa karahasan na ginawa (J)sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo, at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man.

11 Nang araw na ikaw ay tumayo sa kabilang dako, nang araw na dalhin ng mga taga ibang bayan ang kaniyang kayamanan, at magsipasok ang mga mangingibang bayan sa kaniyang mga pintuang-bayan at (K)pagsapalaran ang Jerusalem, ikaw man ay naging gaya ng isa sa kanila.

12 Huwag ka ngang magmasid sa (L)araw ng iyong kapatid sa kaarawan ng kaniyang kasakunaan, at huwag mong ikagalak ang mga anak ni Juda sa kaarawan ng kanilang pagkabuwal; ni magsalita mang may kapalaluan sa kaarawan ng pagkahapis.

13 Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan; oo, huwag mong masdan ang kanilang pagdadalamhati sa kaarawan ng kanilang kasakunaan, o pakialaman man ninyo ang kanilang kayamanan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan.

14 At huwag kang tumayo sa mga salubungang daan na ihiwalay ang kaniya na tumatanan; at huwag mong ibigay ang kaniya na nalabi sa kaarawan ng kapanglawan.

15 (M)Sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, laban sa lahat ng bansa: (N)kung ano ang iyong gawin, ay siyang gagawin sa iyo; (O)ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo.

16 Sapagka't (P)kung paanong kayo'y nagsiinom sa aking banal na bundok, gayon magsisiinom na palagi ang lahat na bansa, oo, sila'y magsisiinom, at magsisitungga, at magiging wari baga sila'y hindi nangabuhay.

Ang Israel ay luluwalhatiin.

17 Nguni't sa bundok (Q)ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan, at magiging banal; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pagaari.

18 At ang sangbahayan ni Jacob ay (R)magiging isang apoy, at ang sangbahayan ni Jose ay isang liyab, at ang sangbahayan ni Esau ay dayami, at sila'y kanilang susunugin, at sila'y susupukin; at walang malalabi sa sangbahayan ni Esau; sapagka't sinalita ng Panginoon.

19 At silang sa Timugan, ay (S)mangagaari ng bundok ng Esau, (T)at silang sa mababang lupa ay ng mga Filisteo; at kanilang aariin ang parang ng Ephraim, at ang parang ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Galaad.

20 At ang mga bihag sa hukbong ito ng mga anak ni Israel na nasa mga taga Canaan, ay magaari ng (U)hanggang sa Sarefat; at ang mga bihag sa Jerusalem na nasa Sepharad ay magaari ng mga bayan ng Timugan.

21 At ang mga (V)tagapagligtas ay magsisisampa sa (W)bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau; at (X)ang kaharian ay magiging sa Panginoon.

'Obadias 1 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang pangitain ni Obadias. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa Edom, Kami ay nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa mga bansa, na nagsasabi, Magsibangon kayo, at tayo'y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka.

Narito, ginawa kitang maliit sa mga bansa: ikaw ay lubhang hinamak.

Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na ang tahanan ay matayog; na nagsasabi sa kaniyang puso, Sinong magbababa sa akin sa lupa?

Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila, at bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.

Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo, kung mga mangloloob sa gabi (paano kang nahiwalay!) di baga sila sana'y nangagnakaw hanggang sa sila'y nangagkaroon ng sapat? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo, di baga sila sana'y nangagiwan ng laglag na ubas?

Paano nasiyasat ang mga bagay ng Esau! paano nasumpungan ang kaniyang mga kayamanang natago!

Lahat na lalake na iyong kaalam ay dinala ka sa iyong lakad, hanggang sa hangganan: ang mga lalake na nangasa kapayapaan sa iyo ay dinaya ka, at nanaig laban sa iyo; silang nagsisikain ng iyong tinapay ay naglagay ng silo sa ilalim mo: walang paguunawa sa kaniya.

Di ko baga lilipulin sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, ang mga pantas na tao sa Edom, at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau?

At ang iyong mga makapangyarihang tao, Oh Teman, ay manglulupaypay, palibhasa'y bawa't isa'y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan.

10 Dahil sa karahasan na ginawa sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo, at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man.

11 Nang araw na ikaw ay tumayo sa kabilang dako, nang araw na dalhin ng mga taga ibang bayan ang kaniyang kayamanan, at magsipasok ang mga mangingibang bayan sa kaniyang mga pintuang-bayan at pagsapalaran ang Jerusalem, ikaw man ay naging gaya ng isa sa kanila.

12 Huwag ka ngang magmasid sa araw ng iyong kapatid sa kaarawan ng kaniyang kasakunaan, at huwag mong ikagalak ang mga anak ni Juda sa kaarawan ng kanilang pagkabuwal; ni magsalita mang may kapalaluan sa kaarawan ng pagkahapis.

13 Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan; oo, huwag mong masdan ang kanilang pagdadalamhati sa kaarawan ng kanilang kasakunaan, o pakialaman man ninyo ang kanilang kayamanan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan.

14 At huwag kang tumayo sa mga salubungang daan na ihiwalay ang kaniya na tumatanan; at huwag mong ibigay ang kaniya na nalabi sa kaarawan ng kapanglawan.

15 Sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, laban sa lahat ng bansa: kung ano ang iyong gawin, ay siyang gagawin sa iyo; ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo.

16 Sapagka't kung paanong kayo'y nagsiinom sa aking banal na bundok, gayon magsisiinom na palagi ang lahat na bansa, oo, sila'y magsisiinom, at magsisitungga, at magiging wari baga sila'y hindi nangabuhay.

17 Nguni't sa bundok ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan, at magiging banal; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pag-aari.

18 At ang sangbahayan ni Jacob ay magiging isang apoy, at ang sangbahayan ni Jose ay isang liyab, at ang sangbahayan ni Esau ay dayami, at sila'y kanilang susunugin, at sila'y susupukin; at walang malalabi sa sangbahayan ni Esau; sapagka't sinalita ng Panginoon.

19 At silang sa Timugan, ay mangagaari ng bundok ng Esau, at silang sa mababang lupa ay ng mga Filisteo; at kanilang aariin ang parang ng Ephraim, at ang parang ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Galaad.

20 At ang mga bihag sa hukbong ito ng mga anak ni Israel na nasa mga taga Canaan, ay magaari ng hanggang sa Sarefat; at ang mga bihag sa Jerusalem na nasa Sepharad ay magaari ng mga bayan ng Timugan.

21 At ang mga tagapagligtas ay magsisisampa sa bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau; at ang kaharian ay magiging sa Panginoon.

Ang Pagmamataas ng Edom ay Ibababa

Ang(A) pangitain ni Obadias.

Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos tungkol sa Edom:
Kami ay nakarinig ng mga balita mula sa Panginoon,
    at isang sugo ang ipinadala sa mga bansa:
“Bumangon kayo! Tumindig tayo laban sa kanya sa pakikipagdigma!”
Narito, gagawin kitang maliit sa mga bansa;
    ikaw ay lubhang hinahamak.
Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso,
    ikaw na naninirahan sa mga bitak ng bato,
    na ang tahanan ay matayog
na nagsasabi sa iyong puso, “Sinong magbababa sa akin sa lupa?”
Bagaman ikaw ay nagtatayo nang mataas na parang agila,
    bagaman inilalagay mo ang iyong pugad na kasama ng mga bituin,
    aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.

Kung ang mga magnanakaw ay pumaroon sa iyo,
    kung ang mga manloloob sa gabi—
    gaano ka winasak!—
    di ba sila'y magnanakaw lamang ng sapat sa kanila?
Kung ang mga mamimitas ng ubas ay pumaroon sa iyo,
    di ba sila'y mag-iiwan ng laglag na ubas?
O paanong si Esau ay nilooban,
    hinanap ang kanyang mga kayamanan!
Lahat ng lalaking iyong kakampi ay dadalhin ka sa hangganan;
    ang mga kasamahan mo na kasunod mo ay dadayain ka at dadaigin ka.
Ang mga kumakain ng iyong tinapay ay tatambangan ka—
    walang pagkaunawa sa kanya.
Di ko ba lilipulin sa araw na iyon, sabi ng Panginoon,
    ang mga taong pantas mula sa Edom,
    at ang pagkaunawa mula sa bundok ng Esau?
At ang iyong mga makapangyarihang tao ay mababalisa, O Teman,
    upang ang bawat tao ay maalis sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng pagkatay.

Bakit pa Pinarusahan ang Edom

10 Dahil sa karahasang ginawa sa iyong kapatid na Jacob
    ay kahihiyan ang tatakip sa iyo,
    at ikaw ay aalisin magpakailanman.
11 Nang araw na ikaw ay tumayo sa malayo,
    nang araw na dalhin ng mga dayuhan ang kanyang kayamanan,
at pumasok ang mga dayuhan sa kanyang mga pintuan
    at pinagpalabunutan ang Jerusalem,
    ikaw ay naging gaya ng isa sa kanila.
12 Huwag ka ngang matuwa sa araw ng iyong kapatid
    sa araw ng kanyang kapahamakan,
huwag kang magalak dahil sa mga anak ni Juda,
    sa araw ng kanilang pagkawasak;
hindi ka sana nagmalaki sa araw ng pagkabalisa.
13 Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan
    sa araw ng kanilang kapahamakan;
oo, huwag kang matuwa sa kanyang pagkapahamak
    sa araw ng kanilang kasakunaan,
huwag kang magnakaw ng kanilang kayamanan
    sa araw ng kanilang kapahamakan.
14 Huwag kang tumayo sa mga sangandaan
    upang puksain ang kanyang mga takas;
huwag ibilanggo ang kanyang mga nalabi
    sa araw ng kabalisahan.

Ang Paghatol sa mga Bansa

15 Sapagkat ang araw ng Panginoon ay malapit na laban sa lahat ng mga bansa.
Kung ano ang iyong ginawa, ay siyang gagawin sa iyo;
    ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo.
16 Sapagkat kung paanong kayo'y uminom sa aking banal na bundok,
    gayon iinom ang lahat ng mga bansa sa palibot,
sila'y iinom, at magpapasuray-suray,
    at magiging wari bang sila'y hindi nabuhay.

Ang Tagumpay ng Israel

17 Ngunit sa bundok ng Zion ay doroon ang mga nakatakas,
    at ito ay magiging banal;
at aangkinin ng sambahayan ni Jacob ang kanilang sariling ari-arian.
18 At ang sambahayan ni Jacob ay magiging isang apoy,
    ang sambahayan ni Jose ay isang liyab,
    ang sambahayan ni Esau ay dayami,
at sila'y kanilang susunugin, at sila'y tutupukin;
    at walang malalabi sa sambahayan ni Esau; sapagkat sinabi ng Panginoon.
19 Silang nasa Negeb ay mag-aangkin ng Bundok ng Esau,
    at silang nasa Shefela ay ang lupain ng mga Filisteo;
at kanilang aangkinin ang lupain ng Efraim, at ang lupain ng Samaria;
    at aangkinin ng Benjamin ang Gilead.
20 Ang mga bihag sa Hala na kabilang sa bayan ng Israel
    ay mag-aangkin ng Fenicia hanggang sa Zarefta;
at ang mga bihag ng Jerusalem na nasa Sefarad
    ay aangkinin ang mga bayan ng Negeb.
21 At ang mga tagapagligtas ay aahon sa Bundok ng Zion
    upang hatulan ang bundok ng Esau;
    at ang kaharian ay magiging sa Panginoon.

Ito ang sinabi ng Panginoong Dios tungkol sa bansa ng Edom, na kanyang ipinahayag kay Obadias.

Parurusahan ng Panginoon ang Edom

Nabalitaan nating mga Israelita mula sa Panginoon, na nagsugo siya ng mensahero sa mga bansa upang hikayatin sila na salakayin ang bansa ng Edom. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa mga taga-Edom, “Makinig kayo! Gagawin ko kayong pinakamahina sa lahat ng bansa at hahamakin nila kayo. Sinasabi ninyo na walang makakapagpabagsak sa inyo dahil nakatira kayo sa lugar na mataas at mabato. Sa pagyayabang ninyong ito, dinadaya lamang ninyo ang inyong mga sarili. Sapagkat kahit gawin ninyong kasintaas ng lipad ng agila ang inyong tirahan at paabutin pa ninyo sa mga bituin, ibabagsak ko pa rin kayo sa lupa. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

“Hindi baʼt kapag pinasok ng mga magnanakaw ang iyong bahay, ang kinukuha lamang nila ay ang kanilang magustuhan? At hindi baʼt ang mga namimitas ng ubas ay nagtitira ng ilang bunga?[a] Pero kayong lahat ay lilipulin ng inyong mga kaaway. Hahanapin nila at kukunin ang lahat ng kayamanan ng mga lahi ni Esau. Lilinlangin kayo ng inyong kakamping mga bansa. Ang mga bansang nakipagkaibigan sa inyo ay siya ring sasalakay sa inyo, at palalayasin nila kayo sa bayan ninyo. Silang mga nakisalo sa inyo ang siya pang palihim na maglalagay ng bitag laban sa inyo. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi na sa araw ng paghatol ko sa inyo, lilipulin ko ang marurunong sa inyo. Mawawala ang karunungan sa Edom na tinatawag na Bundok ni Esau. Manginginig sa takot ang inyong mga sundalo sa lungsod ng Teman, kaya mamamatay kayong lahat na nakatira sa Bundok ni Esau.”

Ang Kasalanan ng mga Taga-Edom

10 “Dahil sa inyong pagmamalupit sa mga lahi ni Jacob, na inyong kalahi, malalagay kayo sa kahihiyan at lilipulin magpakailanman. 11 Pinabayaan lamang ninyo ang Jerusalem nang salakayin ng ibang bansa. Pinabayaan ninyong kunin ang kanilang mga ari-arian at paghahati-hatian sa pamamagitan ng palabunutan. Kayoʼy tulad nila na mga kaaway ng Israel. 12 Hindi sana ninyo ikinatuwa ang panahon ng kapahamakan ng mga taga-Juda na inyong kalahi. Hindi sana kayo nagalak sa panahon ng kanilang pagkawasak. At hindi sana kayo nagmalaki sa panahon ng kanilang kahirapan. 13 Hindi dapat sana kayo pumasok sa lungsod ng aking mga mamamayan sa panahon ng kanilang kasawian at kumuha ng kanilang mga ari-arian. At hindi sana kayo natuwa sa panahon ng kanilang paghihirap. 14 Hindi sana kayo nag-abang sa mga sangang-daan upang patayin ang mga tumatakas mula sa Jerusalem. At hindi sana ninyo sila ibinigay sa mga kaaway sa panahon ng kanilang kasawian.

Parurusahan ng Dios ang mga Bansa

15 Hindi sana ninyo ginawa iyon sa mga taga-Jerusalem, dahil malapit na ang araw ng aking paghatol sa lahat ng bansa. At kung ano ang inyong ginawa sa iba, ganoon din ang gagawin sa inyo. Kung paano ang pagtrato nʼyo sa iba, ganoon din ang magiging pagtrato nila sa inyo. 16 Kung paanong pinarusahan ang aking mga mamamayan[b] sa aking banal na bundok,[c] parurusahan din ang lahat ng bansa. Matinding parusa ang ibibigay ko sa kanila hanggang malipol silang lahat.

Magtatagumpay ang Israel

17 “Pero may matitirang mga Israelita sa bundok ng Zion, at magiging banal muli ang lugar na ito. Maibabalik sa mga lahi ni Jacob ang mga lupain na dati nilang pag-aari. 18 Ang mga lahi nina Jacob at Jose[d] ay magiging tulad ng apoy na lilipol sa lahi ni Esau, tulad ng pagsunog sa dayami. At walang matitira sa lahi ni Esau.” Mangyayari nga ito, dahil ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

19 “Sasakupin ng mga Israelitang taga-Negev[e] ang bundok ni Esau, at sasakupin ng mga Israelitang nakatira sa kaburulan sa kanluran[f] ay sasakupin naman ang lupain ng mga Filisteo. Sasakupin din ng mga Israelita ang lupain ng Efraim at Samaria, at sasakupin naman ng mga lahi ni Benjamin ang Gilead. 20 Sasakupin ng maraming Israelita na galing sa pagkabihag ang lupain ng Canaan hanggang sa Zarefat. Ang mga taga-Jerusalem na binihag sa Sefarad ay sasakupin naman ang mga bayan ng Negev. 21 Aakyat sa Bundok ng Zion ang mga tagapagpalaya ng Israel upang pamahalaan ang mga taong naninirahan sa Bundok ni Esau. At ako, ang Panginoon, ang siyang maghahari.”

Footnotes

  1. 1:5 Kaugalian ng mga Israelita na mag-iwan ng mga bunga ng kanilang mga pananim sa panahon ng pag-ani para sa mga dukha. Tingnan sa Lev. 19:10; Deu. 24:21. Maaaring ganito rin ang kaugalian ng mga taga-Edom.
  2. 1:16 ang aking mga mamamayan: sa Hebreo, kayo.
  3. 1:16 banal na bundok: o, Bundok ng Zion.
  4. 1:18 mga lahi nina Jacob at Jose: Si Jacob ay kumakatawan sa mga mamamayan ng Juda, at si Jose naman ay kumakatawan sa mga mamamayan ng Israel.
  5. 1:19 Negev: Ang timog ng Juda.
  6. 1:19 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela.