Mga Panaghoy 3
Ang Biblia (1978)
Mga panaghoy ng mga naghihirap.
3 Ako ang tao na (A)nakakita ng pagdadalamtahi (B)sa pamalo ng iyong poot.
2 Ako'y kaniyang pinatnubayan at (C)pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag.
3 Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw
4 (D)Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; (E)kaniyang binali ang aking mga buto.
5 Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam.
6 Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, (F)gaya ng nangamatay nang malaon.
7 Kaniyang binakuran ako (G)na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala.
8 Oo, (H)pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing.
9 Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas.
10 Siya'y parang (I)oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako.
11 Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako'y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako;
12 Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at (J)ginawa akong pinaka tanda sa pana.
13 (K)Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan.
14 Ako'y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang (L)awit buong araw.
15 Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, (M)kaniyang sinuya ako ng ajenjo.
16 Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga (N)maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo.
17 At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan.
18 At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon.
Ang pagasa sa tulong ay sa pamamagitan lamang ng habag ng Panginoon.
19 Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo.
20 Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko.
21 Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; (O)kaya't may pagasa ako.
22 Sa mga kaawaan nga ng (P)Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos.
23 Ang mga yao'y bago (Q)tuwing umaga, (R)dakila ang inyong pagtatapat.
24 Ang Panginoon ay aking bahagi, (S)sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.
25 Ang Panginoon ay mabuti sa (T)kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya.
26 Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na (U)tahimik sa pagliligtas ng Panginoon.
27 (V)Mabuti nga sa tao (W)na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan.
28 Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya.
29 Sumubsob siya (X)sa alabok, kung gayo'y magkakaroon siya ng pagasa.
30 Ibigay niya ang kaniyang pisngi (Y)sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan.
31 Sapagka't ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man.
32 Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan.
33 Sapagka't siya'y (Z)hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao.
34 Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa.
35 Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan,
36 Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginoon.
37 Sino siya (AA)na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon?
38 Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama't mabuti?
39 Bakit dumadaing ang taong may buhay, (AB)ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan?
40 Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon.
41 Igawad natin (AC)ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit.
42 Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad.
43 Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; (AD)ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa.
44 Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na (AE)anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin.
45 Iyong ginawa (AF)kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan.
46 (AG)Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.
47 Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba.
48 Ang mata ko'y dumadaloy ng mga (AH)ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
49 Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan.
50 Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit.
51 Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan.
52 Lubha nila akong hinahabol na (AI)parang ibon, na mga kaaway kong (AJ)walang kadahilanan.
53 Kanilang pinaikli ang aking buhay (AK)sa bilangguan at (AL)hinagis ako ng bato.
54 (AM)Tubig ay nagsisihuho sa (AN)aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay.
55 Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay.
56 Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing.
57 Ikaw ay lumapit sa araw (AO)na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot.
58 Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay.
59 Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; (AP)hatulan mo ang aking usap.
60 Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti, at ang lahat nilang (AQ)pasiya laban sa akin.
61 Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi, Oh Panginoon, at lahat nilang pasiya laban sa akin,
62 Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin, at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw.
63 Masdan mo ang kanilang pagupo, (AR)at ang kanilang pagtayo; (AS)ako ang kanilang awit.
64 Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan, Oh Panginoon, (AT)ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.
65 (AU)Iyong papagmamatigasin ang kanilang puso, ang iyong sumpa sa kanila.
66 Iyong hahabulin sila sa galit, (AV)at iyong lilipulin sila mula sa silong ng langit ng Panginoon.
Panaghoy 3
Ang Dating Biblia (1905)
3 Ako ang tao na nakakita ng pagdadalamhati sa pamalo ng iyong poot.
2 Ako'y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag.
3 Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw.
4 Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; kaniyang binali ang aking mga buto.
5 Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam.
6 Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng nangamatay nang malaon.
7 Kaniyang binakuran ako na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala.
8 Oo, pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing.
9 Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas.
10 Siya'y parang oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako.
11 Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako'y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako;
12 Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at ginawa akong pinaka tanda sa pana.
13 Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan.
14 Ako'y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang awit buong araw.
15 Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, kaniyang sinuya ako ng ajenjo.
16 Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo.
17 At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan.
18 At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon.
19 Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo.
20 Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko.
21 Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako.
22 Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos.
23 Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat.
24 Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.
25 Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya.
26 Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon.
27 Mabuti nga sa tao na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan.
28 Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya.
29 Sumubsob siya sa alabok, kung gayo'y magkakaroon siya ng pagasa.
30 Ibigay niya ang kaniyang pisngi sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan.
31 Sapagka't ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man.
32 Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan.
33 Sapagka't siya'y hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao.
34 Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa.
35 Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan,
36 Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginoon.
37 Sino siya na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon?
38 Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama't mabuti?
39 Bakit dumadaing ang taong may buhay, ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan?
40 Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon.
41 Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit.
42 Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad.
43 Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa.
44 Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin.
45 Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan.
46 Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.
47 Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba.
48 Ang mata ko'y dumadaloy ng mga ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
49 Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan.
50 Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit.
51 Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan.
52 Lubha nila akong hinahabol na parang ibon, na mga kaaway kong walang kadahilanan.
53 Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato.
54 Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay.
55 Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay.
56 Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing.
57 Ikaw ay lumapit sa araw na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot.
58 Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay.
59 Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; hatulan mo ang aking usap.
60 Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti, at ang lahat nilang pasiya laban sa akin.
61 Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi, Oh Panginoon, at lahat nilang pasiya laban sa akin,
62 Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin, at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw.
63 Masdan mo ang kanilang pagupo, at ang kanilang pagtayo; ako ang kanilang awit.
64 Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan, Oh Panginoon, ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.
65 Iyong papagmamatigasin ang kanilang puso, ang iyong sumpa sa kanila.
66 Iyong hahabulin sila sa galit, at iyong lilipulin sila mula sa silong ng langit ng Panginoon.
Panaghoy 3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
3 Isa ako sa mga nakaranas ng parusa ng Panginoon dahil sa kanyang galit. 2 Pinalayas niya ako at pinalakad sa dilim sa halip na sa liwanag. 3 Paulit-ulit niya akong pinarusahan araw at gabi. 4 Pinahina ang aking katawan at binali ang aking mga buto. 5 Sinalakay niya ako at ibinilanggo sa paghihirap at pagdurusa. 6 Inilagay sa kadiliman na parang isang tao na matagal nang patay. 7 Kinadena niya ako at ikinulong upang hindi makatakas. 8 Kahit na humingi ako ng tulong, hindi niya ako pinakinggan. 9 Hinarangan niya ng pader ang aking landas, at pinaliku-liko ang aking dadaanan. 10 Para siyang oso o leon na nag-aabang upang salakayin ako. 11 Kinaladkad ako palayo sa daan at pagkatapos ay nilapa at iniwan. 12 Iniumang niya ang kanyang pana at itinutok sa akin. 13 Pinana niya ako at tumagos ito sa puso ko. 14 Naging katawa-tawa ako sa aking mga kalahi. Buong araw nila akong inaawitan ng pangungutya. 15 Pinuno niya ako ng labis na kapaitan. 16 Nabungi ang mga ngipin ko dahil pinakain niya ako ng graba, at saka tinapak-tapakan niya ako sa lupa. 17 Inalis niya ako sa maganda kong kalagayan at hindi ko na naranasan ang kasaganaan.
18 Nawala na ang karangalan ko at lahat ng pag-asa sa Panginoon. 19 Napakasakit isipin ang mga paghihirap at pagdurusa ko. 20 At kung palagi ko itong iisipin, manghihina ako. 21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. 23 Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng Panginoon! 24 Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang Panginoon ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.” 25 Mabuti ang Panginoon sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya. 26 Mabuting matiyagang maghintay sa pagliligtas ng Panginoon. 27 Mabuti para sa isang tao na kahit bata pa ay matuto nang sumunod. 28 Kapag tinuturuan tayo ng Panginoon, tumahimik tayo at pag-isipan itong mabuti. 29 Magpakumbaba tayo sa harap ng Panginoon at huwag mawalan ng pag-asa. 30 Kapag sinampal ka sa isang pisngi, ibigay mo pa ang kabila. At tanggapin mo rin ang pangungutya ng iyong mga kaaway. 31 Dahil hindi tayo itatakwil ng Panginoon magpakailanman. 32 Pero kahit nagpaparusa siya, ipinapakita pa rin niya ang kanyang habag at ang napakalakiʼt walang hanggan niyang pag-ibig sa atin. 33 Dahil hindi siya natutuwa na tayoʼy saktan o pahirapan.
34 Ayaw ng Panginoon na apihin ang mga bilanggo, 35 o balewalain ang karapatan ng tao. 36 Ayaw din ng Kataas-taasang Dios na ipagkait ang katarungan sa sinumang tao. Nakikita niya ang lahat ng ito.
37 Walang anumang bagay na nangyayari na hindi pinahihintulutan ng Panginoon. 38 Ang Kataas-taasang Dios ang nagpapasya kung ang isang bagay na mabuti o masama ay mangyayari. 39 Kaya bakit tayo magrereklamo kung pinarurusahan tayo dahil sa ating kasalanan? 40 Ang dapat ay siyasatin natin ang ating pamumuhay at magbalik-loob sa Panginoon. 41 Buksan natin ang ating mga puso at itaas ang ating mga kamay sa Dios na nasa langit at sabihin: 42 “Panginoon, nagkasala po kami at naghimagsik sa inyo, at hindi nʼyo kami pinatawad. 43 Nagalit kayo sa amin at inusig kami at walang awang pinatay. 44 Tinakpan nʼyo ng mga ulap ang inyong sarili para hindi nʼyo marinig ang aming mga dalangin. 45 Ginawa nʼyo kaming parang basura sa paningin ng ibaʼt ibang bansa. 46 Kinutya kami ng lahat ng aming mga kaaway. 47 Dumanas kami ng matinding takot, panganib, pagkasira at kapahamakan.”
48 Napaluha ako dahil sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi.
49 Patuloy akong iiyak 50 hanggang sa tumunghay ang Panginoon mula sa langit. 51 Labis akong nasaktan sa sinapit ng mga kababaihan ng aking lungsod.
52 Hinahabol ako ng aking mga kaaway na parang isang ibon, kahit na wala naman akong nagawang kasalanan sa kanila. 53 Sinubukan nila akong patayin sa pamamagitan ng pambabato at paghulog sa balon. 54 Halos malunod na ako at ang akala koʼy mamamatay na ako.
55 Doon sa ilalim ng balon, tumawag ako sa inyo Panginoon. 56 Pinakinggan nʼyo ang pagmamakaawa ko at paghingi ng tulong. 57 Dumating kayo nang akoʼy tumawag at sinabi nʼyong huwag akong matakot. 58 Tinulungan nʼyo ako sa problema ko Panginoon, at iniligtas nʼyo ang buhay ko. 59 Panginoon, nakita nʼyo ang kasamaang ginawa sa akin ng aking mga kaaway, kaya bigyan nʼyo ako ng katarungan. 60 Alam nʼyo kung paano nila ako pinaghigantihan at ang lahat ng binabalak nila laban sa akin. 61 Napakinggan nʼyo, O Panginoon, ang mga pangungutya nila at alam nʼyo ang lahat ng binabalak nila laban sa akin. 62 Buong araw nilang pinag-uusapan ang pinaplano nilang masama laban sa akin. 63 Masdan nʼyo, nakaupo man sila o nakatayo, kinukutya nila ako sa pamamagitan ng pag-awit. 64 Panginoon, parusahan nʼyo sila ayon sa kanilang ginagawa. 65 Patigasin nʼyo ang mga puso nila at sumpain nʼyo sila. 66 Sa galit nʼyo Panginoon, habulin nʼyo sila at lipulin nang mawala na sila sa mundong ito.
Lamentations 3
New International Version
3 [a]I am the man who has seen affliction(A)
by the rod of the Lord’s wrath.(B)
2 He has driven me away and made me walk
in darkness(C) rather than light;
3 indeed, he has turned his hand against me(D)
again and again, all day long.
4 He has made my skin and my flesh grow old(E)
and has broken my bones.(F)
5 He has besieged me and surrounded me
with bitterness(G) and hardship.(H)
6 He has made me dwell in darkness
like those long dead.(I)
7 He has walled me in so I cannot escape;(J)
he has weighed me down with chains.(K)
8 Even when I call out or cry for help,(L)
he shuts out my prayer.(M)
9 He has barred(N) my way with blocks of stone;
he has made my paths crooked.(O)
10 Like a bear lying in wait,
like a lion(P) in hiding,(Q)
11 he dragged me from the path and mangled(R) me
and left me without help.
12 He drew his bow(S)
and made me the target(T) for his arrows.(U)
13 He pierced(V) my heart
with arrows from his quiver.(W)
14 I became the laughingstock(X) of all my people;(Y)
they mock me in song(Z) all day long.
15 He has filled me with bitter herbs
and given me gall to drink.(AA)
16 He has broken my teeth with gravel;(AB)
he has trampled me in the dust.(AC)
17 I have been deprived of peace;
I have forgotten what prosperity is.
18 So I say, “My splendor is gone
and all that I had hoped from the Lord.”(AD)
19 I remember my affliction and my wandering,
the bitterness(AE) and the gall.(AF)
20 I well remember them,
and my soul is downcast(AG) within me.(AH)
21 Yet this I call to mind
and therefore I have hope:
22 Because of the Lord’s great love(AI) we are not consumed,(AJ)
for his compassions never fail.(AK)
23 They are new every morning;
great is your faithfulness.(AL)
24 I say to myself, “The Lord is my portion;(AM)
therefore I will wait for him.”
25 The Lord is good to those whose hope is in him,
to the one who seeks him;(AN)
26 it is good to wait quietly(AO)
for the salvation of the Lord.(AP)
27 It is good for a man to bear the yoke
while he is young.
28 Let him sit alone in silence,(AQ)
for the Lord has laid it on him.
29 Let him bury his face in the dust(AR)—
there may yet be hope.(AS)
30 Let him offer his cheek to one who would strike him,(AT)
and let him be filled with disgrace.(AU)
31 For no one is cast off
by the Lord forever.(AV)
32 Though he brings grief, he will show compassion,
so great is his unfailing love.(AW)
33 For he does not willingly bring affliction
or grief to anyone.(AX)
34 To crush underfoot
all prisoners in the land,
35 to deny people their rights
before the Most High,(AY)
36 to deprive them of justice—
would not the Lord see such things?(AZ)
37 Who can speak and have it happen
if the Lord has not decreed it?(BA)
38 Is it not from the mouth of the Most High
that both calamities and good things come?(BB)
39 Why should the living complain
when punished for their sins?(BC)
40 Let us examine our ways and test them,(BD)
and let us return to the Lord.(BE)
41 Let us lift up our hearts and our hands
to God in heaven,(BF) and say:
42 “We have sinned and rebelled(BG)
and you have not forgiven.(BH)
43 “You have covered yourself with anger and pursued(BI) us;
you have slain without pity.(BJ)
44 You have covered yourself with a cloud(BK)
so that no prayer(BL) can get through.(BM)
45 You have made us scum(BN) and refuse
among the nations.
46 “All our enemies have opened their mouths
wide(BO) against us.(BP)
47 We have suffered terror and pitfalls,(BQ)
ruin and destruction.(BR)”
48 Streams of tears(BS) flow from my eyes(BT)
because my people are destroyed.(BU)
49 My eyes will flow unceasingly,
without relief,(BV)
50 until the Lord looks down
from heaven and sees.(BW)
51 What I see brings grief to my soul
because of all the women of my city.
52 Those who were my enemies without cause
hunted me like a bird.(BX)
53 They tried to end my life in a pit(BY)
and threw stones at me;
54 the waters closed over my head,(BZ)
and I thought I was about to perish.(CA)
55 I called on your name, Lord,
from the depths(CB) of the pit.(CC)
56 You heard my plea:(CD) “Do not close your ears
to my cry for relief.”
57 You came near(CE) when I called you,
and you said, “Do not fear.”(CF)
58 You, Lord, took up my case;(CG)
you redeemed my life.(CH)
59 Lord, you have seen the wrong done to me.(CI)
Uphold my cause!(CJ)
60 You have seen the depth of their vengeance,
all their plots against me.(CK)
Footnotes
- Lamentations 3:1 This chapter is an acrostic poem; the verses of each stanza begin with the successive letters of the Hebrew alphabet, and the verses within each stanza begin with the same letter.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

