Mga Hebreo 8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Si Jesus ang Ating Pinakapunong Pari
8 Ito(A) ang ibig naming sabihin: mayroon tayong ganyang Pinakapunong Pari, na nakaupo sa kanan ng trono ng Kataas-taasan. 2 Siya'y naglilingkod doon sa Dakong Banal, sa tunay na toldang itinayo ng Panginoon, at hindi ng tao.
3 Tungkulin ng bawat pinakapunong pari ang mag-alay ng mga kaloob at mga handog, kaya't kailangang ang ating Pinakapunong Pari ay mayroon ding ihahandog. 4 Kung siya ay nasa lupa, hindi siya maaaring maging pari, sapagkat mayroon nang mga paring naghahandog ng mga kaloob ayon sa Kautusan. 5 Ang(B) paglilingkod ng mga ito ay larawan lamang ng nasa langit, sapagkat nang itatayo na ni Moises ang tolda, mahigpit na ipinagbilin sa kanya ng Diyos ang ganito, “Tiyakin mo na gagawin mo ang lahat ayon sa huwarang ipinakita ko sa iyo sa bundok.” 6 Ngunit ang paglilingkod na ipinagkaloob kay Jesus ay higit na dakila kaysa ipinagkaloob sa kanila, dahil siya'y tagapamagitan ng isang tipan na higit na mabuti, sapagkat ang tipang ito ay nababatay sa mas maiinam na pangako.
7 Kung walang kakulangan ang unang tipan, hindi na sana nangailangan pa ng pangalawa. 8 Ngunit(C) nakita ng Diyos ang pagkukulang ng kanyang bayan, kaya't sinabi niya,
“Darating ang mga araw, sabi ng Panginoon,
na gagawa ako ng bagong tipan sa bayang Israel at sa bayang Juda.
9 Hindi ito magiging katulad ng tipang ginawa ko sa kanilang mga ninuno,
nang ilabas ko sila sa Egipto.
Sapagkat hindi sila naging tapat sa pakikipagtipan sa akin,
kaya't sila'y aking pinabayaan.
10 Ganito ang gagawin kong tipan sa bayan ng Israel
pagdating ng panahon, sabi ng Panginoon:
Itatanim ko sa kanilang pag-iisip ang aking mga utos;
isusulat ko ito sa kanilang puso.
Ako ang kanilang magiging Diyos,
at sila ang aking magiging bayan.
11 Hindi na kailangang turuan ang isa't isa at sabihing,
‘Kilalanin mo ang Panginoon.’
Sapagkat ako'y makikilala nilang lahat,
mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila.
12 Sapagkat patatawarin ko ang kanilang mga kasalanan,
at kalilimutan ko na ang kanilang mga kasamaan.”
13 Nang sabihin ng Diyos ang tungkol sa bagong tipan, pinawalang-bisa na niya ang una. At anumang nawawalan ng bisa at naluluma ay malapit nang mawala.
Mga Hebreo 8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Tagapamagitan ng mas Mabuting Tipan
8 Ito (A) ang buod ng aming sinasabi: Tayo ay mayroong gayong Kataas-taasang Pari na nakaupo sa kanan ng trono ng Kamahalan sa kalangitan. 2 Bilang pari, siya'y tagapaglingkod sa Dakong Banal, sa tunay na tabernakulong itinayo ng Panginoon at hindi ng tao. 3 Dahil itinalaga ang bawat Kataas-taasang Pari upang maghandog ng mga kaloob at ng mga alay, kailangan din na ang ating Kataas-taasang Pari ay magkaroon ng ihahandog. 4 Ngayon, kung siya'y nasa lupa, hindi siya maaaring maging pari, yamang mayroong mga paring naghahandog ng mga kaloob ayon sa Kautusan. 5 Ang (B) paglilingkod nila ay anyo at anino lamang ng mga bagay na makalangit; tulad din noon nang bigyan ng tagubilin si Moises nang malapit na niyang itayo ang tabernakulo, “Tiyakin mo na gagawin mo ang lahat ayon sa huwarang ipinakita sa iyo sa bundok.” 6 Subalit ang paglilingkod na tinanggap ni Cristo ay higit na marangal, yamang siya'y tagapamagitan para sa isang higit na mabuting tipan, na nakabatay sa higit na mabubuting pangako.
7 Sapagkat kung walang kakulangan ang unang tipan na iyon, hindi na sana nangailangan pang humanap ng ikalawa. 8 Nakita (C) ng Diyos ang kakulangan sa kanila, kaya't sinabi niya,
“Tiyak ang pagdating ng mga araw, sabi ng Panginoon,
na makikipagtipan ako ng panibago sa sambahayan ni Israel
at sa sambahayan ni Juda,
9 isang tipang hindi katulad ng aking ginawa sa kanilang mga ninuno,
nang araw na akayin ko sila palabas sa lupain ng Ehipto;
sapagkat sila'y hindi nanatiling tapat sa aking tipan,
kaya't ako'y hindi na nagmalasakit sa kanila, sabi ng Panginoon.
10 Ganito ang tipang aking gagawin sa sambahayan ni Israel
pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon:
Itatanim ko ang aking mga tuntunin sa kanilang pag-iisip,
at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga puso.
Ako'y magiging Diyos nila,
at sila'y magiging bayan ko.
11 At hindi na ituturo ng sinuman sa kanyang kababayan,
o sasabihin ng bawat isa sa kanyang kapatid,
‘Kilalanin mo ang Panginoon,’
sapagkat kikilalanin nila akong lahat,
mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila.
12 Kahahabagan ko sila sa kanilang mga kasamaan,
at hindi ko na aalalahanin ang kanilang mga kasalanan.”
13 Nang sabihin ng Diyos ang tungkol sa “bagong tipan,” pinawalang bisa niya ang una, at malapit nang mawala ang pinawalang bisa at naluluma.
Mga Hebreo 8
Ang Dating Biblia (1905)
8 Ang kinauuwian nga ng mga bagay na aming sinasabi ay ito: Mayroon tayong isang dakilang saserdote, na nakaupo sa kanan ng luklukan ng Karangalan sa mga langit,
2 Ministro sa santuario, at sa tunay na tabernakulo, na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao.
3 Sapagka't ang bawa't dakilang saserdote ay inilagay upang maghandog ng mga kaloob at ng mga hain naman: sa ganito'y kinakailangan din namang siya'y magkaroon ng anomang ihahandog.
4 Kung siya nga'y nasa lupa ay hindi siya saserdote sa anomang paraan, palibhasa'y mayroon nang nagsisipaghandog ng mga kaloob ayon sa kautusan;
5 Na nangaglilingkod sa anyo at anino ng mga bagay sa kalangitan, gaya naman ni Moises na pinagsabihan ng Dios nang malapit ng gawin niya ang tabernakulo: sapagka't sinabi niya, Ingatan mo na iyong gawin ang lahat ng mga bagay ayon sa anyong ipinakita sa iyo sa bundok.
6 Datapuwa't ngayo'y kinamtan niya ang ministeriong lalong marangal, palibhasa'y siya nama'y tagapamagitan sa isang tipang lalong magaling, na inilagda sa lalong mabubuting pangako.
7 Sapagka't kung ang unang tipang yaon ay naging walang kakulangan, ay hindi na sana inihanap ng pangangailangan ang ikalawa.
8 Sapagka't sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi niya, Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon, Na ako'y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda.
9 Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang Nang araw na sila'y aking tangnan sa kamay, upang sila'y ihatid sa labas ng lupain ng Egipto; Sapagka't sila'y hindi nanatili sa aking tipan, At akin silang pinabayaan, sinasabi ng Panginoon.
10 Sapagka't ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip, At sa kanilang mga puso'y aking isusulat ang mga ito. At ako'y magiging Dios nila, At sila'y magiging bayan ko:
11 At hindi magtuturo ang bawa't isa sa kaniyang kababayan, At ang bawa't isa sa kaniyang kapatid, na sasabihing, Kilalanin mo ang Panginoon: Sapagka't ako'y makikilala ng lahat, Mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa kanila.
12 Sapagka't ako'y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan, At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa.
13 Doon sa sinasabi niya, Isang bagong tipan, ay linuma niya ang una. Datapuwa't ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas.
Hebrews 8
New International Version
The High Priest of a New Covenant
8 Now the main point of what we are saying is this: We do have such a high priest,(A) who sat down at the right hand of the throne of the Majesty in heaven,(B) 2 and who serves in the sanctuary, the true tabernacle(C) set up by the Lord, not by a mere human being.
3 Every high priest(D) is appointed to offer both gifts and sacrifices,(E) and so it was necessary for this one also to have something to offer.(F) 4 If he were on earth, he would not be a priest, for there are already priests who offer the gifts prescribed by the law.(G) 5 They serve at a sanctuary that is a copy(H) and shadow(I) of what is in heaven. This is why Moses was warned(J) when he was about to build the tabernacle: “See to it that you make everything according to the pattern shown you on the mountain.”[a](K) 6 But in fact the ministry Jesus has received is as superior to theirs as the covenant(L) of which he is mediator(M) is superior to the old one, since the new covenant is established on better promises.
7 For if there had been nothing wrong with that first covenant, no place would have been sought for another.(N) 8 But God found fault with the people and said[b]:
“The days are coming, declares the Lord,
when I will make a new covenant(O)
with the people of Israel
and with the people of Judah.
9 It will not be like the covenant
I made with their ancestors(P)
when I took them by the hand
to lead them out of Egypt,
because they did not remain faithful to my covenant,
and I turned away from them,
declares the Lord.
10 This is the covenant(Q) I will establish with the people of Israel
after that time, declares the Lord.
I will put my laws in their minds
and write them on their hearts.(R)
I will be their God,
and they will be my people.(S)
11 No longer will they teach their neighbor,
or say to one another, ‘Know the Lord,’
because they will all know me,(T)
from the least of them to the greatest.
12 For I will forgive their wickedness
and will remember their sins no more.(U)”[c](V)
13 By calling this covenant “new,”(W) he has made the first one obsolete;(X) and what is obsolete and outdated will soon disappear.
Footnotes
- Hebrews 8:5 Exodus 25:40
- Hebrews 8:8 Some manuscripts may be translated fault and said to the people.
- Hebrews 8:12 Jer. 31:31-34
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

