Lucas 9
Ang Biblia (1978)
9 At (A)tinipon niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit.
2 At sila'y sinugo niya upang ipangaral (B)ang kaharian ng Dios, at magpagaling ng mga may sakit.
3 At sinabi niya sa kanila, (C)Huwag kayong mangagdala ng anoman sa inyong paglalakad, kahit tungkod, kahit supot ng ulam, kahit tinapay, kahit salapi; at kahit magkaroon ng dalawang tunika.
4 At sa anomang bahay na inyong pasukin, doon kayo mangatira, at buhat doo'y magsialis kayo.
5 At ang lahat na di magsitanggap sa inyo sa bayang yaon, ay ipagpag ninyo ang alabok sa inyong mga paa, na pinaka patotoo laban sa kanila.
6 At sila'y nagsialis, at nagsiparoon sa lahat ng mga nayon, na ipinangangaral ang evangelio, at nagpapagaling saa't saan man.
7 Nabalitaan nga ni (D)Herodes na tetrarka ang (E)lahat na ginawa; at siya'y totoong natitilihan, sapagka't sinasabi ng ilan, na si Juan ay muling ibinangon sa mga patay;
8 At ng ilan, na si Elias ay lumitaw; at ng mga iba, na isa sa mga datihang propeta ay muling ibinangon.
9 At sinabi ni Herodes, Pinugutan ko ng ulo si Juan: datapuwa't sino nga ito, na tungkol sa kaniya'y nababalitaan ko ang gayong bagay? At pinagsisikapan niyang siya'y makita.
10 (F)At nang magsibalik ang mga apostol, ay isinaysay nila sa kaniya kung anong mga bagay ang kanilang ginawa. (G)At sila'y isinama niya, at lumigpit na bukod sa isang bayan na tinatawag na Betsaida.
11 Datapuwa't nang maalaman ng mga karamihan ay nagsisunod sa kaniya: at sila'y tinanggap niyang may galak at sinasalita sa kanila ang tungkol sa kaharian ng Dios, at pinagagaling niya ang nangagkakailangang gamutin.
12 At nagpasimulang kumiling ang araw; at nagsilapit ang labingdalawa, at nangagsabi sa kaniya, Paalisin mo ang karamihan, upang sila'y magsiparoon sa mga nayon at sa mga lupaing nasa palibotlibot, at mangakapanuluyan, at mangakakuha ng pagkain: sapagka't tayo'y nangarito sa isang ilang na dako.
13 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Bigyan ninyo sila ng makakain. At sinabi nila, Wala tayo kundi limang tinapay at dalawang isda; malibang kami'y magsiyaon at ibili ng pagkain ang lahat ng mga taong ito.
14 Sapagka't sila'y may limang libong lalake. At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Paupuin ninyo sila ng pulupulutong, na may tiglilimangpu bawa't isa.
15 At gayon ang ginawa nila, at pinaupo silang lahat.
16 At kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad upang ihain sa harap ng karamihan.
17 At sila'y nagsikain, at nangabusog ang lahat: at ang lumabis sa kanila na mga pinagputolputol ay pinulot na labingdalawang bakol.
18 At nangyari, nang siya'y nananalangin ng bukod, na ang mga alagad ay kasama niya: at tinanong niya sila, na sinasabi, (H)Ano ang sinasabi ng karamihan kung sino ako?
19 At pagsagot nila'y nangagsabi, Si Juan Bautista; datapuwa't sinasabi ng mga iba, Si Elias; at sinasabi ng mga iba na isa sa mga datihang propeta ay muling nagbangon.
20 At sinabi niya sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako? At pagsagot ni Pedro, ay nagsabi, Ang Cristo ng Dios.
21 (I)Datapuwa't ipinagbilin niya, at ipinagutos sa kanila na huwag sabihin ito sa kanino mang tao;
22 (J)Na sinasabi, (K)Kinakailangang magbata ng maraming mga bagay ang Anak ng tao, at itakuwil ng matatanda at ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba, at patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw.
23 At sinabi niya sa lahat, (L)Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin (M)sa araw-araw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
24 Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay, ay mawawalan nito; datapuwa't sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin, ay maililigtas nito yaon.
25 Sapagka't (N)ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan, at mawawala o mapapahamak ang kaniyang sarili?
26 Sapagka't (O)ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita, ay ikahihiya siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaniyang sariling kaluwalhatian, at sa kaluwalhatian ng Ama, at ng mga banal na anghel.
27 Datapuwa't katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa mangakita nila ang kaharian ng Dios.
28 At (P)nangyari, nang makaraan ang may mga walong araw pagkatapos ng mga pananalitang ito, na isinama niya si Pedro at si Juan at si Santiago, at umahon sa bundok (Q)upang manalangin.
29 At samantalang siya'y nananalangin, ay nagbago ang anyo ng kaniyang mukha, at ang kaniyang damit ay pumuti, at nakasisilaw.
30 At narito, dalawang lalake ay nakikipagusap sa kaniya, na ang mga ito'y si Moises at si Elias;
31 Na napakitang may kaluwalhatian, at nangaguusapan ng tungkol sa kaniyang (R)pagkamatay na malapit niyang ganapin sa Jerusalem.
32 Si Pedro nga at ang kaniyang mga kasamahan ay nangagaantok: datapuwa't nang sila'y mangagising na totoo ay nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian, at ang dalawang lalaking nangakatayong kasama niya.
33 At nangyari, samantalang sila'y nagsisihiwalay sa kaniya, ay sinabi ni Pedro kay Jesus, Guro, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: at magsigawa tayo ng tatlong dampa; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias: (S)na hindi nalalaman ang kaniyang sinasabi.
34 At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ay dumating ang isang alapaap, at sila'y naliliman: at sila'y nangatakot nang sila'y mangapasok sa alapaap.
35 At may tinig na nanggaling sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang aking Anak, ang aking hirang: siya ang inyong pakinggan.
36 At nang dumating ang tinig, si Jesus ay nasumpungang nagiisa. (T)At sila'y di nagsisiimik, at nang mga araw na yao'y hindi nila sinabi kanino mang tao ang alin man sa mga bagay na kanilang nakita.
37 At nangyari nang kinabukasan, (U)nang pagbaba nila mula sa (V)bundok, ay sinalubong siya ng lubhang maraming tao.
38 At narito, isang lalake sa karamihan, ay sumigaw na nagsasabi, Guro, ipinamamanhik ko sa iyo na iyong tingnan ang aking anak na lalake; sapagka't siya'y aking (W)bugtong na anak;
39 At narito, inaalihan siya ng isang espiritu, at siya'y biglang nagsisigaw; at siya'y (X)nililiglig, na pinabubula ang bibig, at bahagya nang siya'y hiwalayan, na siya'y totoong pinasasakitan.
40 At ipinamanhik ko sa iyong mga alagad na palabasin siya; at hindi nila magawa.
41 At sumagot si Jesus at nagsabi, Oh lahing walang pananampalataya at taksil, hanggang kailan makikisama ako sa inyo at magtitiis sa inyo? dalhin mo rito ang anak mo.
42 At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwa't pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata, at isinauli siya sa kaniyang ama.
43 At nangagtaka silang lahat sa karangalan ng Dios.
Datapuwa't samantalang ang lahat ay (Y)nagsisipanggilalas sa lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
44 Manuot sa inyong mga tainga ang mga salitang ito: sapagka't ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao.
45 (Z)Datapuwa't hindi nila napaguunawa ang sabing ito, at sa kanila'y nalilingid, upang ito'y huwag mapagunawa; at nangatatakot silang magsipagtanong sa kaniya ng tungkol sa sabing ito.
46 At (AA)nagkaroon ng isang pagmamatuwiran sa gitna nila kung sino kaya sa kanila ang pinakadakila.
47 Datapuwa't pagkaunawa ni Jesus sa pangangatuwiran ng kanilang puso, ay kumuha siya ng isang maliit na bata, at inilagay sa kaniyang siping,
48 At sinabi sa kanila, (AB)Ang sinomang tumanggap sa maliit na batang ito sa pangalan ko, ay ako ang tinatanggap: at ang sinomang tumanggap sa akin, ay tinatanggap ang nagsugo sa akin: (AC)sapagka't ang pinaka maliit sa inyong lahat, ay siyang dakila.
49 At sumagot si Juan at (AD)sinabi, Guro, may nakita kaming nagpapalayas ng mga demonio sa pangalan mo; at aming pinagbawalan siya, sapagka't siya'y hindi sumasama sa atin.
50 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Huwag ninyong pagbawalan siya: sapagka't ang hindi laban sa inyo, ay sumasa inyo.
51 At nangyari, nang nalalapit na ang mga kaarawan (AE)na siya'y tatanggapin sa itaas, ay pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem,
52 At nagsugo ng mga sugo sa unahan ng kaniyang mukha: at nagsiyaon sila, at (AF)nagsipasok sa isang nayon ng mga Samaritano upang siya'y ipaghanda.
53 At (AG)hindi nila siya tinanggap, sapagka't ang mukha niya'y anyong patungo sa Jerusalem.
54 At nang makita ito ng mga alagad niyang (AH)si Santiago at si Juan, ay nangagsabi, Panginoon, ibig mo bagang magpababa tayo ng apoy mula sa langit, at sila'y pugnawin?
55 Datapuwa't, lumingon siya, at sila'y pinagwikaan.
56 At sila'y nagsiparoon sa ibang nayon.
57 At paglakad nila sa daan ay (AI)may nagsabi sa kaniya, Susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon.
58 At sinabi sa kaniya ni Jesus, May mga lungga ang mga sorra, at ang mga ibon sa langit ay may mga pugad; datapuwa't ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang kaniyang ulo.
59 At sinabi niya sa iba, Sumunod ka sa akin. Datapuwa't siya'y nagsabi, Panginoon, tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama.
60 Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, Pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay; datapuwa't yumaon ka at ibalita mo ang kaharian ng Dios.
61 At ang iba nama'y nagsabi, Susunod ako (AJ)sa iyo, Panginoon; datapuwa't pabayaan mo akong magpaalam muna sa mga kasangbahay ko.
62 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Jesus, Walang taong pagkahawak sa araro, at lumilingon sa likod, ay karapatdapat sa kaharian ng Dios.
Lucas 9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Sinugo ni Jesus ang Labindalawang Apostol(A)
9 Isang araw tinipon ni Jesus ang 12 apostol at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng lahat ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga sakit. 2 Pagkatapos, sinugo niya sila upang mangaral tungkol sa paghahari ng Dios at magpagaling ng mga may sakit. 3 Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglalakbay, kahit tungkod, bag, pagkain, pera o bihisan. 4 Kapag tinanggap kayo sa isang bahay, doon kayo makituloy hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon. 5 At kung ayaw kayong tanggapin ng mga tao sa isang bayan, umalis kayo roon at ipagpag ninyo ang alikabok sa mga paa nʼyo bilang babala sa kanila.” 6 Pagkatapos noon, umalis ang mga apostol at pumunta sa mga nayon. Nangaral sila ng Magandang Balita at nagpagaling ng mga may sakit kahit saan.
Naguluhan si Haring Herodes(B)
7 Nabalitaan ni Herodes na pinuno ng Galilea ang mga ginagawa ni Jesus. Naguluhan siya dahil may mga nagsasabing muling nabuhay si Juan na tagapagbautismo. 8 May nagsasabi namang siya si Elias na nagpakita ngayon. At may nagsasabi pang isa siya sa mga propeta noong unang panahon na muling nabuhay. 9 Sinabi ni Herodes, “Pinapugutan ko ng ulo si Juan. Pero sino kaya itong nababalitaan ko? Marami akong kahanga-hangang bagay na narinig tungkol sa kanya.” Kaya pinagsikapan ni Herodes na makita si Jesus.
Pinakain ni Jesus ang 5,000 Tao(C)
10 Pagbalik ng mga apostol, ikinuwento nila kay Jesus ang lahat ng ginawa nila. Pagkatapos, isinama sila ni Jesus sa bayan ng Betsaida; wala na siyang isinamang iba. 11 Pero nalaman pa rin ng mga tao kung saan sila pumunta at sinundan sila. Pagdating nila doon, tinanggap naman sila ni Jesus at nangaral siya sa kanila tungkol sa paghahari ng Dios, at pinagaling din niya ang mga may sakit.
12 Nang dapit-hapon na, lumapit sa kanya ang 12 apostol at sinabi, “Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa kanayunan at kabukiran na malapit para humanap ng matutuluyan at makakain, dahil nasa ilang na lugar po tayo.” 13 Pero sinabi ni Jesus sa kanila, “Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “May limang tinapay lang po tayo at dalawang isda. Hindi ito kakasya, maliban na lang kung bibili kami ng pagkain para sa kanila.” 14 (May 5,000 lalaki ang naroon.) Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Paupuin ninyo sila nang grupo-grupo na tig-50 bawat grupo.” 15 At pinaupo nga nila ang lahat. 16 Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, hinati-hati niya ang tinapay at ibinigay sa mga tagasunod niya upang ipamigay sa mga tao. 17 Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng 12 basket.
Ang Pahayag ni Pedro tungkol kay Jesus(D)
18 Isang araw, nanalanging mag-isa si Jesus nang di-kalayuan sa mga tagasunod niya. Tinanong niya sila, “Sino raw ako ayon sa mga tao?” 19 Sumagot sila, “May mga nagsasabing kayo po si Juan na tagapagbautismo. May nagsasabi ring kayo si Elias. At ang iba namaʼy nagsasabing isa po kayo sa mga propeta noong unang panahon, na muling nabuhay.” 20 Tinanong sila ni Jesus, “Pero para sa inyo, sino ako?” Sumagot si Pedro, “Kayo po ang Cristo!”
Ang Unang Pagpapahayag ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan(E)
21 Mahigpit na sinabihan ni Jesus ang mga tagasunod niya na huwag nilang ipaalam kahit kanino na siya ang Cristo. 22 Sinabi pa niya, “Ako na Anak ng Tao ay kailangang dumanas ng maraming paghihirap. Itatakwil ako ng mga pinuno ng mga Judio, ng mga namamahalang pari, at ng mga tagapagturo ng Kautusan. Ipapapatay nila ako, ngunit sa ikatlong araw ay muli akong mabubuhay.”
23 Pagkatapos, sinabi niya sa kanilang lahat, “Ang sinumang gustong sumunod sa akin ay hindi dapat inuuna ang sarili. At dapat ay handa siyang humarap kahit sa kamatayan[a] alang-alang sa pagsunod niya sa akin araw-araw. 24 Sapagkat ang taong naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nagnanais mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. 25 Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo pero mapapahamak naman ang buhay niya? Wala! 26 Kung ako at ang mga aral ko ay ikakahiya ninuman, ikakahiya ko rin siya kapag ako na Anak ng Tao ay pumarito na taglay ang aking kapangyarihan at ang kapangyarihan ng Ama at ng mga banal na anghel. 27 Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaʼt hindi nila nakikita ang paghahari ng Dios.”
Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus(F)
28 Mga walong araw matapos sabihin ni Jesus iyon, isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago sa isang bundok upang manalangin. 29 Habang nananalangin si Jesus, nagbago ang anyo ng kanyang mukha. At ang damit niya ay naging puting-puti at nakakasilaw tingnan. 30 Biglang lumitaw ang dalawang lalaki – sina Moises at Elias – at nakipag-usap sa kanya. 31 Nakakasilaw din ang kanilang anyo, at ang pinag-uusapan nila ni Jesus ay ang tungkol sa kanyang kamatayan na malapit nang maganap sa Jerusalem. 32 Tulog na tulog noon sina Pedro. Pero nagising sila at nakita nila ang nagliliwanag na anyo ni Jesus at ang dalawang lalaking nakatayo sa tabi niya. 33 Nang paalis na ang dalawang lalaki, sinabi ni Pedro kay Jesus, “Guro, mabuti poʼt narito kami.[b] Gagawa po kami ng tatlong kubol:[c] isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.” (Ang totoo, hindi niya alam ang sinasabi niya.) 34 At habang nagsasalita pa si Pedro, tinakpan sila ng ulap at natakot sila. 35 May narinig silang tinig mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang aking Anak, na aking pinili. Pakinggan ninyo siya!” 36 Nang tumigil ang tinig, nakita nilang nag-iisa na lang si Jesus. Hindi muna nila sinabi kahit kanino ang mga nasaksihan nila nang mga panahong iyon.
Pinagaling ni Jesus ang Batang Sinasaniban ng Masamang Espiritu(G)
37 Kinabukasan, pagbaba nila galing sa bundok ay sinalubong si Jesus ng napakaraming tao. 38 May isang lalaki roon sa karamihan na sumisigaw, “Guro, pakitingnan po ninyo ang kaisa-isa kong anak na lalaki! 39 Sinasaniban po siya ng masamang espiritu at bigla na lang siyang sumisigaw, nangingisay at bumubula ang bibig. Sinasaktan siya lagi ng masamang espiritu at halos ayaw siyang iwan. 40 Nakiusap ako sa mga tagasunod ninyo na palayasin nila ang masamang espiritu, pero hindi po nila kaya.” 41 Sumagot si Jesus, “Kayong henerasyon ng mga walang pananampalataya at baluktot ang pag-iisip! Hanggang kailan ba ako magtitiis sa inyo? Dalhin mo rito ang anak mo!” 42 Nang papalapit na ang bata, itinumba siya at pinangisay ng masamang espiritu. Pero pinalayas ni Jesus ang masamang espiritu at pinagaling ang bata, at ibinalik sa ama nito. 43 Namangha ang lahat sa kapangyarihan ng Dios.
Ang Ikalawang Pagpapahayag ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan(H)
Habang mangha pa ang lahat sa mga ginawa ni Jesus, sinabi niya sa mga tagasunod niya, 44 “Pakinggan ninyo at tandaan ang sasabihin kong ito: Ako na Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng mga tao na kumokontra sa akin.” 45 Pero hindi nila naunawaan ang sinasabi niya, dahil inilihim sa kanila ang kahulugan nito. Nag-aalangan naman silang magtanong sa kanya tungkol sa bagay na ito.
Sino ang Pinakadakila?(I)
46 Minsan, nagtalo-talo ang mga tagasunod ni Jesus kung sino sa kanila ang pinakadakila. 47 Alam ni Jesus ang iniisip nila, kaya kumuha siya ng isang maliit na bata at pinatayo sa tabi niya. 48 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap sa akin. At ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa aking Amang nagsugo sa akin. Sapagkat ang pinakamababa sa inyong lahat ang siyang pinakadakila.”
Kakampi Natin ang Hindi Laban sa Atin(J)
49 Sinabi ni Juan kay Jesus, “Guro, nakakita po kami ng taong nagpapalayas ng masasamang espiritu sa inyong pangalan. Pinagbawalan namin siya dahil hindi natin siya kasamahan.” 50 Pero sinabi sa kanya ni Jesus, “Huwag nʼyo siyang pagbawalan, dahil ang hindi laban sa atin ay kakampi natin.”
Hindi Tinanggap si Jesus sa Isang Nayon sa Samaria
51 Nang malapit na ang araw para bumalik si Jesus sa langit, nagpasya siyang pumunta sa Jerusalem. 52 Kaya pinauna niya ang ilang tao sa isang nayon ng mga Samaritano para humanap ng matutuluyan. 53 Pero ayaw siyang tanggapin ng mga taga-roon dahil alam nilang papunta siya sa Jerusalem. 54 Nang malaman iyon ng mga tagasunod ni Jesus na sina Santiago at Juan, sinabi nila kay Jesus, “Panginoon, gusto nʼyo po bang humingi kami ng apoy mula sa langit para sunugin sila?” 55 Pero lumingon si Jesus at pinagsabihan sila.[d] 56 At tumuloy na lang sila sa ibang nayon.
Ang mga Nagnais Sumunod kay Jesus(K)
57 Habang naglalakad sila, may isang lalaking nagsabi kay Jesus, “Susunod po ako sa inyo kahit saan.” 58 Pero sinagot siya ni Jesus, “May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon, ngunit ako na Anak ng Tao ay walang sariling tahanan na mapagpahingahan.” 59 Sinabi ni Jesus sa isa, “Sumunod ka sa akin.” Pero sumagot siya, “Panginoon, pauwiin po muna ninyo ako para maipalibing ko ang aking ama.”[e] 60 Pero sinabi sa kanya ni Jesus, “Ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay. Pero ikaw, lumakad ka at ipangaral ang tungkol sa paghahari ng Dios.” 61 May isa ring nagsabi kay Jesus, “Susunod po ako sa inyo, Panginoon, pero hayaan nʼyo muna po akong magpaalam sa pamilya ko.” 62 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ang sinumang nag-aararo na palaging lumilingon ay hindi kapaki-pakinabang ang paglilingkod sa ilalim ng paghahari ng Dios.”
Footnotes
- 9:23 dapat ay handa siyang humarap kahit sa kamatayan: sa literal, dapat pasanin niya ang kanyang krus.
- 9:33 kami: o, tayo.
- 9:33 kubol: sa Ingles, “temporary shelter.”
- 9:55 May ilang tekstong Griego na may dagdag pang salita sa talatang 55 at 56: Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang nasa inyo. Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang iligtas ang mga tao at hindi upang ipahamak sila.
- 9:59 pauwiin po … aking ama: Maaaring ang ibig sabihin ay uuwi muna siya habang hindi pa patay ang kanyang ama, at kapag namatay na at nailibing, susunod na siya kay Jesus.
Luke 9
Douay-Rheims 1899 American Edition
9 Then calling together the twelve apostles, he gave them power and authority over all devils, and to cure diseases.
2 And he sent them to preach the kingdom of God, and to heal the sick.
3 And he said to them: Take nothing for your journey; neither staff, nor scrip, nor bread, nor money; neither have two coats.
4 And whatsoever house you shall enter into, abide there, and depart not from thence.
5 And whosoever will not receive you, when ye go out of that city, shake off even the dust of your feet, for a testimony against them.
6 And going out, they went about through the towns, preaching the gospel, and healing everywhere.
7 Now Herod, the tetrarch, heard of all things that were done by him; and he was in a doubt, because it was said
8 By some, that John was risen from the dead: but by other some, that Elias had appeared; and by others, that one of the old prophets was risen again.
9 And Herod said: John I have beheaded; but who is this of whom I hear such things? And he sought to see him.
10 And the apostles, when they were returned, told him all they had done. And taking them, he went aside into a desert place, apart, which belongeth to Bethsaida.
11 Which when the people knew, they followed him; and he received them, and spoke to them of the kingdom of God, and healed them who had need of healing.
12 Now the day began to decline. And the twelve came and said to him: Send away the multitude, that going into the towns and villages round about, they may lodge and get victuals; for we are here in a desert place.
13 But he said to them: Give you them to eat. And they said: We have no more than five loaves and two fishes; unless perhaps we should go and buy food for all this multitude.
14 Now there were about five thousand men. And he said to his disciples: Make them sit down by fifties in a company.
15 And they did so; and made them all sit down.
16 And taking the five loaves and the two fishes, he looked up to heaven, and blessed them; and he broke, and distributed to his disciples, to set before the multitude.
17 And they did all eat, and were filled. And there were taken up of fragments that remained to them, twelve baskets.
18 And it came to pass, as he was alone praying, his disciples also were with him: and he asked them, saying: Whom do the people say that I am?
19 But they answered, and said: John the Baptist; but some say Elias; and others say that one of the former prophets is risen again.
20 And he said to them: But whom do you say that I am? Simon Peter answering, said: The Christ of God.
21 But he strictly charging them, commanded they should tell this to no man.
22 Saying: The Son of man must suffer many things, and be rejected by the ancients and chief priests and scribes, and be killed, and the third day rise again.
23 And he said to all: If any man will come after me, let him deny himself, and take up his cross daily, and follow me.
24 For whosoever will save his life, shall lose it; for he that shall lose his life for my sake, shall save it.
25 For what is a man advantaged, if he gain the whole world, and lose himself, and cast away himself?
26 For he that shall be ashamed of me and of my words, of him the Son of man shall be ashamed, when he shall come in his majesty, and that of his Father, and of the holy angels.
27 But I tell you of a truth: There are some standing here that shall not taste death, till they see the kingdom of God.
28 And it came to pass about eight days after these words, that he took Peter, and James, and John, and went up into a mountain to pray.
29 And whilst he prayed, the shape of his countenance was altered, and his raiment became white and glittering.
30 And behold two men were talking with him. And they were Moses and Elias,
31 Appearing in majesty. And they spoke of his decease that he should accomplish in Jerusalem.
32 But Peter and they that were with him were heavy with sleep. And waking, they saw his glory, and the two men that stood with him.
33 And it came to pass, that as they were departing from him, Peter saith to Jesus: Master, it is good for us to be here; and let us make three tabernacles, one for thee, and one for Moses, and one for Elias; not knowing what he said.
34 And as he spoke these things, there came a cloud, and overshadowed them; and they were afraid, when they entered into the cloud.
35 And a voice came out of the cloud, saying: This is my beloved Son; hear him.
36 And whilst the voice was uttered, Jesus was found alone. And they held their peace, and told no man in those days any of these things which they had seen.
37 And it came to pass the day following, when they came down from the mountain, there met him a great multitude.
38 And behold a man among the crowd cried out, saying: Master, I beseech thee, look upon my son, because he is my only one.
39 And lo, a spirit seizeth him, and he suddenly crieth out, and he throweth him down and teareth him, so that he foameth; and bruising him, he hardly departeth from him.
40 And I desired thy disciples to cast him out, and they could not.
41 And Jesus answering, said: O faithless and perverse generation, how long shall I be with you, and suffer you? Bring hither thy son.
42 And as he was coming to him, the devil threw him down, and tore him.
43 And Jesus rebuked the unclean spirit, and cured the boy, and restored him to his father.
44 And all were astonished at the mighty power of God. But while all wondered at all the things he did, he said to his disciples: Lay you up in your hearts these words, for it shall come to pass, that the Son of man shall be delivered into the hands of men.
45 But they understood not this word; and it was hid from them, so that they perceived it not. And they were afraid to ask him concerning this word.
46 And there entered a thought into them, which of them should be greater.
47 But Jesus seeing the thoughts of their heart, took a child and set him by him,
48 And said to them: Whosoever shall receive this child in my name, receiveth me; and whosoever shall receive me, receiveth him that sent me. For he that is the lesser among you all, he is the greater.
49 And John, answering, said: Master, we saw a certain man casting out devils in thy name, and we forbade him, because he followeth not with us.
50 And Jesus said to him: Forbid him not; for he that is not against you, is for you.
51 And it came to pass, when the days of his assumption were accomplishing, that he steadfastly set his face to go to Jerusalem.
52 And he sent messengers before his face; and going, they entered into a city of the Samaritans, to prepare for him.
53 And they received him not, because his face was of one going to Jerusalem.
54 And when his disciples James and John had seen this, they said: Lord, wilt thou that we command fire to come down from heaven, and consume them?
55 And turning, he rebuked them, saying: You know not of what spirit you are.
56 The Son of man came not to destroy souls, but to save. And they went into another town.
57 And it came to pass, as they walked in the way, that a certain man said to him: I will follow thee whithersoever thou goest.
58 Jesus said to him: The foxes have holes, and the birds of the air nests; but the Son of man hath not where to lay his head.
59 But he said to another: Follow me. And he said: Lord, suffer me first to go, and to bury my father.
60 And Jesus said to him: Let the dead bury their dead: but go thou, and preach the kingdom of God.
61 And another said: I will follow thee, Lord; but let me first take my leave of them that are at my house.
62 Jesus said to him: No man putting his hand to the plough, and looking back, is fit for the kingdom of God.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Public Domain (Why are modern Bible translations copyrighted?)
