Add parallel Print Page Options

Ang Handog ng Isang Biyuda(A)

21 Nang tumingin si Jesus sa paligid, nakita niya ang mayayaman na naglalagay ng mga handog sa Templo. Nakita rin niya ang isang dukhang biyuda na naghulog ng dalawang salaping tanso. Sinabi niya, “Ang inihandog ng dukhang biyudang iyon ay higit pa sa inihandog nilang lahat. Ang inilagay nila ay bahagi lamang ng kanilang kasaganaan, ngunit ang kanyang ibinigay ay ang buo niyang kabuhayan.”

Tungkol sa Pagkawasak ng Templo(B)

May ilang tao namang nag-uusap tungkol sa Templo. Pinag-uusapan nila ang naglalakihan at magagandang batong ginamit dito at ang mga palamuting inihandog ng mga tao. Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Darating ang panahon na ang lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, at walang matitirang magkakapatong na mga bato.”

Mga Kahirapan at Pag-uusig na Darating(C)

Tinanong nila si Jesus, “Guro, kailan po mangyayari iyon? At ano ang magiging palatandaang iyon ay magaganap na?”

Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! Marami ang darating sa aking pangalan at magsasabi, ‘Ako ang Cristo,’ at, ‘Dumating na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila. Huwag kayong matatakot kung makabalita man kayo ng mga digmaan at mga himagsikan. Dapat munang mangyari ang mga iyon subalit hindi kaagad darating ang wakas.” 10 At sinabi pa niya, “Maglalaban-laban ang mga bansa at ang mga kaharian. 11 Magkakaroon ng malalakas na lindol, taggutom at mga salot sa iba't ibang dako. May lilitaw na mga kakaibang bagay at mga kakila-kilabot na kababalaghan buhat sa langit.

12 “Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, kayo'y dadakpin at uusigin. Kayo'y lilitisin sa mga sinagoga at ipabibilanggo. At dahil sa pagsunod ninyo sa akin, isasakdal kayo sa harap ng mga hari at mga gobernador. 13 Iyon ang pagkakataon ninyo upang makapagpatotoo tungkol sa akin. 14 Ipagpasya(D) ninyo na huwag kayong mabahala kung paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili, 15 sapagkat bibigyan ko kayo ng pananalita at karunungang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. 16 Ipagkakanulo kayo kahit ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang ilan sa inyo. 17 Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, 18 ngunit hindi kayo malalagasan kahit isang hibla ng buhok. 19 Sa inyong pagtitiis ay maililigtas ninyo ang inyong buhay.”

Ang Darating na Pagkawasak ng Jerusalem(E)

20 “Kapag nakita ninyong napapaligiran na ng mga hukbo ang Jerusalem, tandaan ninyo, malapit na ang pagkawasak nito. 21 Ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan, ang mga nasa bayan ay dapat nang lumabas, at ang mga nasa bukid ay huwag nang pumasok sa bayan. 22 Sapagkat(F) iyon ang mga araw ng pagpaparusa bilang katuparan ng mga sinasabi sa Kasulatan. 23 Kawawa ang mga nagdadalang-tao at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon dahil magkakaroon ng malaking kapighatian sa lupaing ito at darating ang pagpaparusa ng Diyos sa bansang ito. 24 Mamamatay sila sa tabak, at ang iba'y dadalhing-bihag sa lahat ng bansa. Ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga Hentil hanggang sa matapos ang panahong itinakda sa kanila.”

Ang Pagdating ng Anak ng Tao(G)

25 “Magkakaroon(H) ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. 26 Ang mga tao'y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga kapahamakang darating sa sanlibutan sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit. 27 Sa(I) panahong iyon, makikita nila ang Anak ng Taong dumarating na nasa alapaap, at may kapangyarihan at dakilang karangalan. 28 Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, tumayo kayo at tumingala sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo.”

Ang Aral mula sa Puno ng Igos(J)

29 At sinabi sa kanila ni Jesus ang isang talinghaga, “Tingnan ninyo ang puno ng igos at iba pang punongkahoy. 30 Kapag nagkakadahon na ang mga ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw. 31 Gayundin naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinabi ko, malalaman ninyong malapit na ang kaharian ng Diyos. 32 Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago lumipas ang salinlahing ito. 33 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay hindi lilipas kailanman.”

Mag-ingat Kayo

34 “Mag-ingat kayo na huwag kayong malulong sa labis na pagsasaya, paglalasing at matuon ang inyong pag-iisip sa mga alalahanin sa buhay na ito; kung hindi ay bigla kayong aabutan ng Araw na iyon 35 na tulad ng isang bitag. Sapagkat darating ang Araw na iyon sa lahat ng tao sa ibabaw ng lupa. 36 Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang malampasan ninyo ang lahat ng mangyayaring ito, at makatayo kayo sa harap ng Anak ng Tao.”

37 Araw-araw,(K) si Jesus ay nagtuturo sa Templo. Kung gabi nama'y umaalis siya at nagpapalipas ng magdamag sa Bundok ng mga Olibo. 38 Maaga pa'y pumupunta na sa Templo ang mga tao upang makinig sa kanya.

Ang Handog ng Babaing Balo(A)

21 Nang tumingala siya, nakita niya ang mayayaman na naglalagay ng kanilang handog sa kabang-yaman ng templo. Nakita rin niya ang isang mahirap na babaing balo na nag-alay ng dalawang kusing, kaya't sinabi niya, “Totoo ang sinasabi ko sa inyo: ang mahirap na babaing balong iyon ang nag-alay ng higit sa ihinandog ng lahat. Sapagkat lahat sila'y naghandog mula sa kanilang kasaganaan, ngunit ang babaing ito, kahit sa kanyang kahirapan ay nag-alay ng buo niyang ikinabubuhay.”

Sinabi ni Jesus ang tungkol sa Pagkawasak ng Templo(B)

Samantalang nag-uusap ang ilan tungkol sa templo, kung paano ito nagagayakan ng magagandang bato at ng mga handog, sinabi ni Jesus, “Darating ang panahon na lahat ng nakikita ninyong ito ay iguguho, at walang bato na makikitang nasa ibabaw ng isa pang bato.”

Mga Tanda at Pag-uusig na Darating(C)

Tinanong ng mga alagad si Jesus, “Guro, kailan po mangyayari ang mga ito? At ano ang magiging tanda na malapit nang mangyari ang mga ito?” At sinabi niya, “Mag-ingat kayo upang hindi mailigaw ng sinuman. Sapagkat marami ang darating na gumagamit ng aking pangalan at magsasabi, ‘Ako ang Cristo!’[a] at ‘Malapit na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila. At kapag nakarinig kayo ng mga digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong matakot, sapagkat kailangan munang mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa kaagad darating ang wakas.” 10 Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Makikidigma ang isang bansa laban sa isang bansa at ang isang kaharian laban sa isang kaharian. 11 Magkakaroon ng malalakas na lindol, mga taggutom at mga salot sa iba't ibang dako; at mula sa langit ay lilitaw ang mga kakila-kilabot at dakilang tanda. 12 Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, dadakpin muna nila kayo at uusigin. Dadalhin nila kayo sa mga sinagoga at mga bilangguan, at dahil sa aking pangalan ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. 13 Magbibigay sa inyo ito ng pagkakataon upang magpatotoo. 14 Ipanatag ninyo ang inyong kalooban at huwag isipin kung paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili. 15 Sapagkat ako ang magkakaloob sa inyo ng sasabihin at karunungan na hindi matututulan o mapabubulaanan ng lahat ng mga sumasalungat sa inyo. 16 Ipagkakanulo kayo maging ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang ilan sa inyo. 17 Kapopootan kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. 18 Ngunit kahit isang hibla ng buhok ninyo sa ulo ay hinding-hindi malalagas. 19 Makakamit ninyo ang inyong buhay dahil sa inyong pagtitiis.”

Sinabi ni Jesus ang tungkol sa Pagbagsak ng Jerusalem(D)

20 “Kapag nakita ninyong napalilibutan ng mga hukbo ang Jerusalem, alam ninyong malapit na ang pagkawasak nito. 21 Kaya't ang mga nasa Judea ay tumakas na patungo sa bundok at ang mga nasa loob ng lungsod ay lumabas mula rito, at ang mga nasa bukid sa palibot nito ay huwag nang pumasok pa. 22 Sapagkat ito ang mga araw ng kaparusahan, bilang katuparan ng lahat ng mga naisulat. 23 Kaysaklap ng sasapitin ng mga nagdadalang-tao at nagpapasuso sa mga araw na iyon. Magkakaroon ng matinding pagdurusa sa lupain at poot laban sa bayang ito. 24 Mamamatay ang ilan sa pamamagitan ng patalim at ang iba'y dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa; at yuyurakan ng mga Hentil ang Jerusalem hanggang matupad ang mga panahon ng mga Hentil.”

Ang Pagdating ng Anak ng Tao(E)

25 “Magkakaroon ng mga tanda sa araw, buwan at mga bituin. At sa lupa, mababagabag ang mga bansa at ikalilito nila ang ugong at daluyong ng dagat. 26 Hihimatayin ang mga tao sa takot at mangangamba dahil sa mga darating sa daigdig sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalangitan. 27 Pagkatapos ay makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa alapaap at may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 28 At kapag nagsimula na ang mga ito, tumayo kayo at itingala ang inyong ulo sapagkat malapit na ang pagtubos sa inyo.”

Ang Aral tungkol sa Puno ng Igos(F)

29 At isinalaysay niya sa kanila ang isang talinghaga, “Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punongkahoy. 30 Kapag nagkakadahon na ang mga ito, nakikita ninyo at nalalaman ninyong malapit na ang tag-araw. 31 Gayundin naman kayo; kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, alam ninyong nalalapit na ang paghahari ng Diyos. 32 Tinitiyak ko sa inyo: hinding-hindi lilipas ang salinlahing ito hangga't hindi nagaganap ang lahat. 33 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit hinding-hindi lilipas ang aking mga salita.”

Kailangang Magbantay

34 “Mag-ingat kayo upang hindi magumon ang inyong mga puso sa katakawan, at paglalasing, at sa mga alalahanin sa buhay. Baka bigla na lang sumapit ang araw na iyon 35 na parang isang bitag. Sapagkat darating ito sa lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa. 36 Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Idalangin ninyong magkaroon kayo ng lakas upang makatakas kayo sa lahat ng mangyayaring ito at tumayo sa harap ng Anak ng Tao.”

37 Si Jesus ay nagtuturo sa templo sa araw ngunit sa gabi ay nagpapalipas siya ng magdamag sa Bundok ng mga Olibo. 38 Maaga pa lang ay nagpupunta na sa templo ang mga tao upang mapakinggan siya.

Footnotes

  1. Lucas 21:8 Ako ang Cristo: Sa Griyego, Ako siya.

穷寡妇的奉献(A)

21 耶稣抬眼看见有钱的人把奉献投入奉献箱。 他又看见一个穷寡妇,投入两个小钱, 就说:“我实在告诉你们,这个穷寡妇所投的,比众人投的更多。 因为这些人都是把自己剩余的投进去作奉献,这寡妇是自己不足,却把所有养生的都投进去了。”

预言圣殿被毁(B)

有人在谈论圣殿,是用美丽的石头和供物装饰的。耶稣说: “你们看见的这些,到了日子,必没有一块石头留在另一块石头上面,每一块都要拆下来。”

这世代终结的预兆(C)

那些人问他:“老师,甚么时候会有这些事呢?这些事要发生的时候,有甚么预兆呢?” 他说:“你们要小心,不要被人迷惑。因为有许多人要来,假冒我的名说:‘我就是基督’,又说:‘时候近了。’你们不要跟从这些人。 你们要听见战乱和暴动,但不要惊慌,因为这些事是必先发生的,不过结局却不会立刻就到。” 10 过了一会儿,耶稣又对他们说:“一个民族要起来攻打另一个民族,一个国家要起来攻打另一个国家。 11 必有大地震,到处有饥荒和瘟疫,天上必有又恐怖又巨大的预兆。 12 但在这一切以先,人必为我的名,下手拘捕、迫害你们,把你们交给会堂,下在监里,甚至押到君王和总督面前, 13 结果却成了你们见证的机会。 14 所以,你们应当心里镇定,用不着预先思虑怎样申辩。 15 因为我必赐给你们口才、智慧,是你们所有的敌人不能抵抗,也不能驳倒的。 16 你们也会被父母、弟兄、亲戚、朋友出卖,他们又要害死你们一些人。 17 你们要因我的名,被众人恨恶, 18 然而连你们的一根头发,也必不失落。 19 你们要以坚忍的心志,赢取自己的灵魂。

预言耶路撒冷被毁(D)

20 “当你们看见耶路撒冷被军队围困的时候,就知道它荒凉的日子近了。 21 那时,住在犹太的,应该逃到山上;住在城里的,要离开;住在乡下的,不要进城。 22 因为这是报仇的日子,使经上的一切话都得应验。 23 当那些日子,怀孕的和乳养孩子的有祸了!因为大灾难要临到这地,烈怒要临到这民。 24 他们将倒在刀下,被掳到各国,耶路撒冷必被外族人践踏,直到外族人的日期满足。

人子必驾云降临(E)

25 “日月星辰将有异兆;在地上,各国也要因着海洋波涛的咆哮而困苦不安。 26 天上的万象震动,人因为等待即将临到世界的事,都吓昏了。 27 那时,他们要看见人子,带着能力,满有荣耀,驾着云降临。 28 一有这些事,你们就当挺身昂首,因为你们的救赎近了。”

29 耶稣又给他们讲了一个比喻:“你们看看无花果树和各样的树。 30 它们甚么时候发芽,你们看见了,就知道夏天近了。 31 同样,你们甚么时候看见这些事发生,也应该知道 神的国近了。 32 我实在告诉你们,这一切都必定发生,然后这世代才会过去。 33 天地都过去,但我的话决不会废去。

警醒祈求

34 “你们应当自己小心,免得在贪食醉酒和生活的挂虑压住你们的心的时候,那日子突然临到你们, 35 正如网罗临到全地的所有居民。 36 你们要时刻警醒,常常祈求,好让你们能逃避这一切要发生的事,可以站在人子面前。”

37 耶稣白天在殿里教导人,晚上就到橄榄山上去过夜。 38 群众清早起来上圣殿,到他那里要听他讲道。