Lucas 17
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Mga Dahilan ng Pagkakasala(A)
17 Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Hindi maiiwasan ang pagdating ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkakasala ng tao. Ngunit nakakaawa ang taong magiging dahilan ng pagkakasala ng kanyang kapwa. 2 Mas mabuti pang talian siya sa leeg ng gilingang bato at itapon sa dagat, kaysa siya ang maging dahilan ng pagkakasala ng isa sa maliliit[a] na ito. 3 Kaya mag-ingat kayo.
“Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo siya. At kung magsisi siya, patawarin mo. 4 Kahit pitong beses pa siyang magkasala sa iyo sa maghapon, kung pitong beses din siyang hihingi ng tawad sa iyo ay patawarin mo.”
Tungkol sa Pananampalataya
5 Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang pananampalataya namin.” 6 Sumagot ang Panginoon, “Kung may pananampalataya kayong kasinlaki lang ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa malaking punong ito, ‘Mabunot ka at malipat sa dagat!’ At susundin kayo nito.”
Ang Tungkulin ng Alipin
7 Sinabi pa ni Jesus, “Halimbawa, may alipin kang nag-aararo o nag-aalaga ng mga tupa at kararating lang niya mula sa trabaho niya. Bilang amo sasabihin mo ba sa kanya, ‘Halika na, maupo ka at kumain’? 8 Hindi! Sa halip, ito ang sasabihin ninyo, ‘Magbihis ka na at ipaghanda ako ng hapunan, at pagsilbihan mo ako habang kumakain. Saka ka na kumain pagkatapos ko.’ 9 Hindi pinasasalamatan ang alipin dahil ginagawa lang niya ang kanyang tungkulin. 10 Ganoon din naman sa inyo. Pagkatapos ninyong gawin ang mga iniutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Mga alipin lamang kami, at hindi nararapat papurihan dahil ginagawa lang namin ang aming tungkulin.’ ”
Pinagaling ni Jesus ang Sampung Lalaking may Malubhang Sakit sa Balat
11 Sa paglalakbay ni Jesus papuntang Jerusalem, dumaan siya sa hangganan ng Galilea at Samaria. 12 Nang papasok na siya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung lalaking may malubhang sakit sa balat. Tumayo lang sila sa malayo 13 at sumigaw kay Jesus, “Panginoong Jesus, maawa po kayo sa amin!” 14 Nang makita sila ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa mga pari at magpatingin sa kanila.” At habang naglalakad pa lang sila, luminis na ang kanilang balat. 15 Nang makita ng isa sa kanila na magaling na siya, bumalik siya kay Jesus at nagsisigaw ng papuri sa Dios. 16 Lumuhod siya sa harap ni Jesus at nagpasalamat sa kanya. Isa siyang Samaritano. 17 Sinabi ni Jesus, “Hindi baʼt sampu ang pinagaling ko? Nasaan ang siyam? 18 Bakit hindi bumalik ang iba upang magpuri sa Dios maliban sa taong ito na hindi Judio?” 19 Sinabi niya sa lalaki, “Tumayo ka at umuwi na. Iniligtas[b] ka ng pananampalataya mo.”
Ang tungkol sa Paghahari ng Dios.(B)
20 Minsan, tinanong ng mga Pariseo si Jesus kung kailan magsisimula ang paghahari ng Dios. Sumagot siya, “Walang makikitang palatandaan na nagsisimula na ang paghahari ng Dios. 21 Kaya walang makapagsasabing, ‘Dito maghahari ang Dios!’ o, ‘Doon siya maghahari!’ Dahil naghahari na ang Dios sa puso ninyo.”[c]
22 Pagkatapos, sinabi niya sa mga tagasunod niya, “Darating ang panahon na gugustuhin ninyong makita ako na Anak ng Tao kahit isang araw lang, pero hindi pa iyon mangyayari. 23 May mga magsasabi sa inyo, ‘Naroon siya!’ o, ‘Nandito siya!’ Huwag kayong sasama sa kanila para hanapin ako. 24 Sapagkat ako na Anak ng Tao ay babalik na tulad ng kidlat na nagliliwanag sa buong kalangitan. 25 Ngunit kailangan muna akong dumanas ng maraming hirap, at itakwil ng henerasyong ito.
26 “Kung ano ang mga ginawa ng mga tao noong kapanahunan ni Noe ay ganoon din ang gagawin ng mga tao sa araw ng pagbabalik ko na Anak ng Tao. 27 Sa panahon nga ni Noe, wala silang inaatupag kundi ang magsaya. Nagkakainan sila, nag-iinuman at nag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. Dumating ang baha at nalunod silang lahat. 28 Ganoon din noong kapanahunan ni Lot. Ang mga taoʼy nagkakainan, nag-iinuman, nagnenegosyo, nagsasaka at nagtatayo ng mga bahay, 29 hanggang sa araw na umalis si Lot sa Sodom. At pagkatapos, umulan ng apoy at asupre mula sa langit at namatay silang lahat doon sa Sodom. 30 Ganyan din ang mangyayari sa araw ng pagbabalik ko na Anak ng Tao. 31 Sa araw na iyon, ang nasa labas ng bahay ay huwag nang pumasok para kumuha ng mga ari-arian niya. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi. 32 Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot. 33 Sapagkat ang taong naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nagnanais mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. 34 Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, kapag may dalawang natutulog na magkatabi; maaaring kukunin ang isa at iiwan ang isa. 35 Sa dalawang babaeng magkasamang naggigiling, kukunin ang isa at iiwan ang isa. 36 [At kapag may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid, maaaring kukunin ang isa at iiwan ang isa.]” 37 Tinanong siya ng mga tagasunod niya, “Saan po ito mangyayari, Panginoon?” Sumagot siya sa pamamagitan ng kasabihan, “Kung saan may bangkay, doon nag-uumpukan ang mga buwitre.”[d]
Footnotes
- 17:2 maliliit: Maaaring ang ibig sabihin, ang mahihina sa pananampalataya o ang mga itinuturing na hamak o mababa o di kayaʼy ang maliliit na bata.
- 17:19 Iniligtas: o, Pinagaling.
- 17:21 sa puso ninyo: o, sa kalagitnaan ninyo.
- 17:37 buwitre: sa Ingles, “vulture,” isang malaking ibon na kumakain ng mga patay.
Lik 17
Haitian Creole Version
17 ¶ Jezi di disip li yo: Ap toujou gen bagay k'ap fèt ki pou fè moun fè peche. Men, malè pou moun ki lakòz bagay sa yo rive.
2 Li ta pi bon pou li si yo ta mare yon gwo wòl moulen nan kou l' epi yo voye l' jete nan lanmè; wi, sa ta pi bon pou li pase pou l' ta lakòz yonn nan ti piti sa yo tonbe nan peche.
3 Veye kò nou byen. Si frè ou tonbe nan peche, rale zòrèy li. Si l' chanje konpòtman li, padonnen li.
4 Si nan yon sèl jounen an li peche sèt fwa kont ou, si toulesèt fwa yo, li tounen vin jwenn ou pou l' di ou: Mwen p'ap fè sa ankò, se pou ou padonnen li.
5 Apòt yo di Jezi: Fè nou gen plis konfyans non.
6 Jezi di yo: Si nou te gen konfyans nan Bondye gwosè yon ti grenn moutad, nou ta di pye sikomò sa a: Derasinen tèt ou sot la a, al plante tèt ou nan lanmè, li ta obeyi nou.
7 Sipoze yonn nan nou gen yon domestik k'ap travay tè l' osinon k'ap gade mouton pou li. Lè domestik la soti nan jaden, èske l'ap di li: Pwoche vit, vin chita bò tab la pou ou manje.
8 Non. Okontrè. L'ap di li: Pare manje pou mwen. Twouse ponyèt ou pou ou ka sèvi m' pandan m'ap manje, pandan m'ap bwè. Se lè m' fin manje, ou menm wa manje, wa bwè.
9 Li pa gen mèsi pou l' di domestik la paske domestik la fè sa l' te mande l' fè a, pa vre.
10 Se menm jan an tou pou nou, lè nou fin fè tou sa yo te mande nou fè, se pou n' di: Se domestik nou ye, nou fè sa n' te dwe fè.
11 ¶ Pandan Jezi te nan chemen pou li al Jerizalèm, li t'ap pase sou fwontyè ki separe peyi Samari ak peyi Galile.
12 Antan l' t'ap antre nan yon bouk, dis moun ki te gen maladi lalèp vin kontre li. Yo rete kanpe byen lwen l',
13 yo pale byen fò, yo di l' konsa: Jezi, Mèt, gen pitye pou nou.
14 Lè Jezi wè yo, li di: Al fè prèt yo wè nou. Pandan yo taprale, yo geri.
15 Yonn ladan yo ki wè li geri tounen sou wout li, li t'ap fè lwanj Bondye byen fò pou tout moun tande.
16 Li lage kò l' atè nan pye Jezi, li di l' mèsi. Nonm sa a te yon moun pèyi Samari.
17 Jezi pran lapawòl, li di l': Nou toulèdis te geri pa vre. Kote nèf lòt yo?
18 Se etranje sa a sèlman ki chonje pou l' vin fè lwanj Bondye?
19 Epi li di li: Leve non. Ou mèt ale. Se konfyans ou nan Bondye ki geri ou.
20 ¶ Farizyen yo mande Jezi kilè Bondye t'ap vin tabli gouvènman l' lan. Li reponn yo: Bondye ap vin tabli gouvènman l' lan yon jan pou tout moun wè li.
21 Men, yo p'ap di: Men l' bò isit, osinon: Men l' bò laba. Paske, konnen sa byen, gouvenman Bondye a la nan mitan nou.
22 Epi li di disip yo: Gen yon lè nou va anvi wè yonn nan jou ki pou Moun Bondye voye nan lachè a, men nou p'ap wè sa.
23 Y'a di nou: Gade, men l' bò isit, osinon: Gade, men l' bò laba. Pa ale, pa kouri dèyè yo.
24 Lè yon kout zèklè fè yan, li klere syèl la byen klere depi yon bout jouk nan lòt bout la, pa vre. Se va menm jan an tou pou Moun Bondye voye nan lachè a, lè jou l' va rive.
25 Men, anvan sa, li gen pou l' soufri anpil, moun alèkile yo p'ap vle wè li.
26 Sa ki te rive nan tan Noe a se sa k'ap rive tou lè jou a va rive pou Moun Bondye voye nan lachè a vini.
27 Moun t'ap manje, yo t'ap bwè, moun t'ap marye, yo t'ap marye pitit fi yo; se konsa tout bagay te ye, jouk jou Noe te antre nan gwo batiman an. Lè inondasyon an fèt, li touye yo tout.
28 Sa ki te rive nan tan Lòt la va rive menm jan an tou. Moun t'ap manje, yo t'ap bwè, yo t'ap achte, yo t'ap plante, yo t'ap bati.
29 Men, jou Lòt soti kite lavil Sodòm lan, dife souf grennen sot nan syèl la tankou lapli, tonbe sou yo; yo tout peri.
30 Se va menm jan an tou lè jou a va rive pou Moun Bondye voye nan lachè a parèt.
31 Jou sa a, moun ki va sou tèt kay p'ap bezwen desann anndan kay la ale pran zafè li. Moun ki nan jaden p'ap bezwen tounen lakay ankò.
32 Chonje istwa madanm Lòt la.
33 Moun ki va chache sove lavi l' va pèdi l'; men moun ki va pèdi lavi l' va konsève li.
34 M'ap di nou sa: Jou lannwit sa a, va gen de moun sou yon menm kabann; y'ap pran yonn, y'ap kite lòt la.
35 Va gen de fanm k'ap pile grenn ansanm: y'ap pran yonn, y'ap kite lòt la.
36 Va gen dezòm nan yon menm jaden; y'ap pran yonn, y'ap kite lòt la.
37 Disip yo pran lapawòl, yo mande l' konsa: Ki kote sa pral fèt, Mèt? Li reponn yo: Kote kadav la va ye, se la votou yo va sanble.
Lucas 17
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ilang Kasabihan ni Jesus(A)
17 Sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Ang sanhi ng pagkakasala ay hindi mawawala ngunit kaysaklap ng sasapitin ng taong panggagalingan nito. 2 Mabuti pa sa kanya ang itapon sa dagat nang may nakabiting batong panggiling sa kanyang leeg, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng sinuman sa mga maliliit na ito. 3 Kaya't mag-ingat kayo! Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, sawayin mo siya, at kung siya ay magsisi, patawarin mo siya. 4 Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa isang araw at pitong ulit siyang lumapit sa iyo na nagsasabing, ‘Nagsisisi ako,’ patawarin mo siya.”
5 Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang pananampalataya namin.” 6 Kaya sinabi ng Panginoon, “Kung may pananampalataya kayong kasinlaki ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa puno ng sikamorong ito, ‘Mabunot ka at maitanim ka sa dagat,’ susundin kayo nito.”
7 “Sino sa inyo ang magsasabi sa inyong lingkod na kagagaling lang sa bukid dahil sa pag-aararo o pagpapastol ng tupa, ‘Halika na rito agad at umupo sa hapag-kainan’? 8 Sa halip, hindi ba sasabihin ninyo sa kanya, ‘Ipaghanda mo nga ako ng hapunan, magbihis ka at maglingkod sa akin habang ako'y kumakain. Pagkatapos ko ay maaari ka nang kumain.’? 9 Pinasasalamatan mo ba ang lingkod sa pagsunod niya sa mga utos? 10 Gayundin naman kayo, kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo ay sabihin ninyo, ‘Kami ay mga lingkod na walang kabuluhan; ginampanan lang namin ang aming tungkulin.’ ”
Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
11 Habang patungo sa Jerusalem, nagdaan si Jesus sa pagitan ng Samaria at Galilea. 12 Pagpasok niya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung ketongin. Habang sila'y nakatayo sa malayo, 13 sumigaw sila na nagsasabing, “Jesus! Panginoon! Maawa po kayo sa amin!” 14 Nang makita sila ni Jesus ay sinabi niya, “Humayo kayo at magpasuri sa mga pari.” Habang sila'y naglalakad, silang lahat ay gumaling. 15 Nang makita ng isa sa mga ito na gumaling na siya, bumalik siyang sumisigaw ng papuri sa Diyos. 16 Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus. Ang lalaking ito ay Samaritano. 17 Kaya't nagtanong si Jesus, “Hindi ba't sampu ang pinagaling? Nasaan ang siyam? 18 Wala bang natagpuang bumalik upang magbigay ng papuri sa Diyos, maliban sa dayuhang ito?” 19 At sinabi niya rito, “Tumindig ka at humayo! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”
Ang Simula ng Paghahari ng Diyos(B)
20 Minsan, tinanong ng mga Fariseo si Jesus kung kailan magsisimula ang paghahari ng Diyos. Sumagot siya, “Hindi magsisimula ang paghahari ng Diyos na may nakikitang palatandaan; 21 hindi rin nila masasabi, ‘Tingnan ninyo at narito,’ o ‘Naroon,’ sapagkat masdan ninyo, ang paghahari ng Diyos ay nasa inyo.” 22 Sinabi niya sa mga alagad, “Sasapit ang mga araw na hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo ito makikita. 23 May mga magsasabi sa inyo, ‘Tingnan ninyo roon,’ o ‘Tingnan ninyo rito!’ Huwag kayong pumunta roon o sumunod sa kanila. 24 Sapagkat kung paanong kumikislap at nagbibigay-liwanag ang kidlat mula isang panig ng kalangitan hanggang sa kabila, gayundin ang Anak ng Tao sa kanyang araw. 25 Ngunit kailangan muna niyang magdusa at maitakwil ng salinlahing ito. 26 Gaya nang nangyari noong panahon ni Noe, ganoon din ang mangyayari sa araw ng Anak ng Tao. 27 Ang mga tao noon ay nagkakainan, nag-iinuman, nag-aasawa, at pinag-aasawa hanggang sa araw na pumasok na sa daong si Noe at dumating ang baha at nilipol silang lahat. 28 Ganoon din noong mga araw ni Lot. Sila'y nagkakainan, nag-iinuman, namimili, nagbibili, nagtatanim at nagtatayo. 29 Subalit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre mula sa langit at pinuksa silang lahat. 30 Ganoon din ang mangyayari sa araw na maihayag ang Anak ng Tao. 31 Sa araw na iyon, huwag nang bumaba ang nasa tuktok ng bahay upang kunin ang mga gamit sa loob ng bahay. Ang nasa bukid naman ay huwag nang bumalik sa kanyang naiwan. 32 Tandaan ninyo ang asawa ni Lot. 33 Sinumang nagnanais mag-ingat ng kanyang buhay ay mawawalan nito at sinumang mawalan ng kanyang buhay ay makapag-iingat nito. 34 Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, dalawa ang nasa isang higaan, ang isa ay kukunin at iiwan ang isa. 35 May dalawang babaing magkasama sa gilingan, ang isa ay kukunin at iiwan ang isa. 36 May dalawang lalaki sa bukid, ang isa ay kukunin at iiwan ang isa. 37 At nagtanong sa kanya ang mga alagad, “Saan po mangyayari ito Panginoon?” Sinabi niya sa kanila, “Kung nasaan ang bangkay, doon din nagtitipon ang mga buwitre.”
Lucas 17
Ang Biblia (1978)
17 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad (A)Hindi mangyayari na di dumating ang mga kadahilanan ng pagkakatisod; datapuwa't sa aba niyaong pinanggalingan.
2 Mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato, at siya'y ihagis sa dagat, kay sa siya'y magpatisod sa isa sa maliliit na ito.
3 Mangagingat kayo sa inyong sarili: (B)kung magkasala ang iyong kapatid, (C)sawayin mo siya; at kung siya'y magsisi, patawarin mo siya.
4 At kung siya'y (D)makapitong magkasala sa isang araw laban sa iyo, at makapitong magbalik sa iyo na sasabihin, Pinagsisisihan ko; patawarin mo siya.
5 At sinabi (E)ng mga apostol sa Panginoon, Dagdagan mo ang pananampalataya namin.
6 At sinabi ng Panginoon, (F)Kung mangagkaroon kayo ng pananampalataya na kasing laki ng isang butil ng binhi ng mostasa, sasabihin ninyo sa puno ng sikomorong ito, Mabunot ka, at matanim ka sa dagat; at kayo'y tatalimahin.
7 Datapuwa't sino sa inyo, ang may isang aliping nagaararo o nagaalaga ng mga tupa, na pagbabalik niyang galing sa bukid ay magsasabi sa kaniya, Parito ka agad at maupo ka sa dulang ng pagkain;
8 At hindi sasabihin sa kaniya, Ipaghanda mo ako ng mahahapunan, at magbigkis ka, at paglingkuran mo ako, hanggang sa ako'y makakain at makainom; at saka ka kumain at uminom?
9 Nagpapasalamat baga siya sa alipin sapagka't ginawa ang iniutos sa kaniya?
10 Gayon din naman kayo, pagka nangagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na sa inyo'y iniutos, inyong sabihin, Mga aliping walang kabuluhan kami; ginawa namin ang katungkulan naming gawin.
11 At nangyari, na (G)samantalang sila'y napapatungo sa Jerusalem, na siya'y nagdaraan sa mga hangganan ng (H)Samaria at (I)Galilea.
12 At sa pagpasok niya sa isang nayon, ay sinalubong siya ng sangpung lalaking ketongin, (J)na nagsitigil sa malayo:
13 At sila'y nagsisigaw na nagsisipagsabi, Jesus, Guro, maawa ka sa amin.
14 At pagkakita niya sa kanila, ay sinabi niya sa kanila, (K)Magsihayo kayo at kayo'y pakita sa mga saserdote. At nangyari, na samantalang sila'y nagsisiparoon, ay nangalinis sila.
15 At isa sa kanila, nang makita niyang siya'y gumaling, ay nagbalik, na niluluwalhati ang Dios ng malakas na tinig;
16 At siya'y nagpatirapa sa kaniyang paanan, na nagpapasalamat sa kaniya: at siya'y isang Samaritano.
17 At pagsagot ni Jesus ay nagsabi, Hindi baga sangpu ang nagsilinis? datapuwa't saan nangaroon ang siyam?
18 Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios, kundi itong taga ibang lupa?
19 At sinabi niya sa kaniya, (L)Magtindig ka, at yumaon ka sa iyong lakad: pinagaling ka ng iyong pananampalataya.
20 At palibhasa'y tinanong siya ng mga Fariseo, (M)kung kailan darating ang kaharian ng Dios, ay sinagot niya sila at sinabi, Ang kaharian ng Dios ay hindi paririto na mapagkikita:
21 Ni sasabihin man nila, Naririto! o Naririyan! sapagka't narito, ang kaharian ng Dios ay (N)nasa loob ninyo.
22 At sinabi niya sa mga alagad, (O)Darating ang mga araw, na hahangarin ninyong (P)makita ang isa sa mga araw ng Anak ng tao, at hindi ninyo makikita.
23 At sasabihin nila sa inyo, (Q)Naririyan! Naririto! huwag kayong magsisiparoon, ni magsisisunod man sa kanila:
24 Sapagka't gaya (R)ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa (S)kaniyang kaarawan.
25 Datapuwa't (T)kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.
26 At kung paano ang nangyari (U)sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao.
27 Sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nangagaasawa, at sila'y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat.
28 Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot; sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nagsisibili, sila'y nangagbibili, sila'y nangagtatanim, sila'y nangagtatayo ng bahay.
29 Datapuwa't nang araw (V)na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat:
30 Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag.
31 Sa araw na yaon, (W)ang mapapasa bubungan, at nasa bahay ng kaniyang mga pagaari, ay huwag silang manaog upang kunin: at ang nasa bukid ay gayon din, huwag siyang umuwi.
32 Alalahanin ninyo (X)ang asawa ni Lot.
33 Sinomang (Y)nagsisikap ingatan ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: datapuwa't ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay ay maiingatan yaon.
34 Sinasabi ko sa inyo, Sa gabing yaon ay dalawang lalake ang sasa isang higaan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.
35 Magkasamang gigiling (Z)ang dalawang babae; kukunin ang isa, at ang isa'y iiwan.[a]
37 At pagsagot nila ay sinabi sa kaniya, Saan, Panginoon? At sinabi niya sa kanila, (AA)Kung saan naroon ang bangkay ay doon din naman magkakatipon ang mga uwak.
Footnotes
- Lucas 17:35 Sa ibang mga Kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 36 Mapapasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin at ang isa'y iiwan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
