Lucas 11
Magandang Balita Biblia
Katuruan tungkol sa Pananalangin(A)
11 Minsan, nanalangin si Jesus sa isang lugar. Nang siya'y matapos, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, tulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.” 2 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo'y mananalangin, sabihin ninyo,
‘Ama, sambahin nawa ang iyong pangalan.
Dumating nawa ang iyong kaharian.
3 Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw.[a]
4 At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad namin ang bawat nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming hayaang matukso.’”
5 Sinabi pa rin niya sa kanila, “Ipalagay nating isang hatinggabi, isa sa inyo'y nagpunta sa isa ninyong kaibigan at nakiusap, ‘Kaibigan, pahiram muna ng tatlong tinapay. 6 Dumating kasi ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!’ 7 At ganito naman ang sagot ng kaibigan mong nasa loob ng bahay, ‘Huwag mo akong gambalain! Sarado na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako makakabangon para bigyan ka ng kahit ano.’ 8 Sinasabi ko sa inyo, hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagiging magkaibigan, babangon siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit nito. 9 Kaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 10 Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. 11 Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung ito'y humihingi ng isda? 12 Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya'y humihingi ng itlog? 13 Kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak. Lalo na ang inyong Ama na nasa langit, na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”[b]
Si Jesus at si Beelzebul(B)
14 Minsan, pinalayas ni Jesus ang isang demonyo mula sa isang lalaking pipi. Nang nakapagsalita ito, ang mga tao ay humanga kay Jesus. 15 Subalit(C) sinabi naman ng ilan sa mga naroon, “Nakapagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Beelzebul, ang pinuno ng mga demonyo.”
16 May(D) mga nagnanais na siya'y subukin kaya't patuloy na humihiling na magpakita siya ng isang himala mula sa langit. 17 Subalit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya, “Ang bawat kahariang naglalaban-laban ang mga mamamayan ay babagsak, at alinmang sambahayang sila-sila ang naglalaban ay mawawasak. 18 Kung kinakalaban ni Satanas ang kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sa kapangyarihan ni Beelzebul. 19 Kung ako'y nagpapalayas ng mga demonyo sa kapangyarihan ni Beelzebul, sa kaninong kapangyarihan naman nagpapalayas ng demonyo ang inyong mga tagasunod? Sila na rin ang magpapatunay na mali kayo. 20 Nagpapalayas ako ng mga demonyo sa kapangyarihan ng Diyos, at ito'y nangangahulugang dumating na sa inyo ang kaharian ng Diyos.
21 “Kapag ang isang taong malakas ay nagbabantay sa kanyang bahay na dala ang kanyang mga sandata, ligtas ang kanyang mga ari-arian. 22 Ngunit kung salakayin siya ng isang taong higit na malakas kaysa kanya, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi nito ang mga inagaw na ari-arian.
23 “Ang(E) hindi ko kakampi ay kalaban ko, at ang hindi ko kasamang nag-iipon ay nagkakalat.”
Ang Pagbabalik ng Masamang Espiritu(F)
24 “Kapag lumabas sa tao ang isang masamang espiritu, nagpapagala-gala ito sa mga tigang na lugar at naghahanap ng mapagpapahingahan. Kapag wala siyang makita, sasabihin niya sa sarili, ‘Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.’ 25 Sa pagbabalik niya ay madadatnan niyang malinis at maayos ang bahay. 26 Kaya't lalabas siyang muli at magsasama ng pito pang espiritung mas masasama kaysa kanya. Papasok sila at maninirahan doon, kaya't mas masama pa kaysa dati ang kalagayan ng taong iyon.”
Ang Tunay na Pinagpala
27 Habang nagsasalita si Jesus, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan, “Pinagpala ang babaing nagbuntis at nag-alaga sa iyo.”
28 Ngunit sumagot siya, “Higit na pinagpala ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”
Hinanapan si Jesus ng Palatandaan(G)
29 Nang(H) dumagsa ang mga tao, sinabi ni Jesus, “Napakasama ng mga tao sa panahong ito. Naghahanap sila ng palatandaang mula sa langit, subalit walang palatandaang ipapakita sa kanila maliban sa nangyari kay Jonas. 30 Kung(I) paanong si Jonas ay naging isang palatandaan sa mga taga-Nineve, gayundin naman, ang Anak ng Tao ay magiging isang palatandaan sa lahing ito. 31 Sa(J) Araw ng Paghuhukom, sasaksi ang Reyna ng Sheba laban sa lahing ito, sapagkat naglakbay siya mula pa sa dulo ng daigdig upang mapakinggan ang karunungan ni Solomon, ngunit ang naririto ngayon ay higit na dakila kaysa kay Solomon. 32 Sa(K) Araw ng Paghuhukom, sasaksi ang mga taga-Nineve laban sa lahing ito, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas. Pakinggan ninyo, lalong dakila kay Jonas ang naririto ngayon.”
Ang Ilaw ng Katawan(L)
33 “Walang(M) nagsisindi ng ilaw upang itago lamang iyon, [o kaya'y ilagay sa ilalim ng banga].[c] Inilalagay ang ilaw sa talagang patungan upang matanglawan ang mga pumapasok sa bahay. 34 Ang iyong mata ang ilaw ng iyong katawan. Kung malinaw ang iyong mata, mapupuno ng liwanag ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, ang buo mong katawan ay mapupuno ng kadiliman. 35 Kaya't mag-ingat ka, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo ay kadiliman pala. 36 Kung nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging nasa dilim, magliliwanag itong parang isang ilawan na tumatanglaw sa iyo.”
Tinuligsa ni Jesus ang mga Tagapagturo ng Kautusan at ang mga Pariseo(N)
37 Pagkatapos magsalita, si Jesus ay inanyayahan ng isang Pariseo upang kumain sa bahay niya. Nagpaunlak si Jesus at dumulog sa hapag. 38 Nagulat ang Pariseo nang makita niyang si Jesus ay hindi muna naghugas ng kamay bago kumain. 39 Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Pariseo, hinuhugasan ninyo ang labas ng baso at ng pinggan, ngunit ang loob ninyo'y punung-puno ng kasakiman at kasamaan. 40 Mga hangal! Hindi ba't ang lumikha ng nasa labas ang siya ring lumikha ng nasa loob? 41 Ipamahagi muna ninyo sa mga dukha ang laman ng inyong mga baso at pinggan, at magiging malinis ang lahat ng bagay para sa inyo.
42 “Kahabag-habag(O) kayong mga Pariseo! Ibinibigay ninyo ang ikasampung bahagi ng yerbabuena, ruda, at iba pang halamang panimpla sa pagkain, ngunit kinakaligtaan naman ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Dapat lamang na gawin ninyo ito ngunit hindi dapat kaligtaan ang mas mahahalagang bagay.
43 “Kahabag-habag kayong mga Pariseo! Mahihilig kayo sa mga upuang pandangal sa mga sinagoga, at ibig ninyong pagpugayan kayo sa mga palengke. 44 Kahabag-habag kayo sapagkat para kayong mga libingang walang tanda kaya't nalalakaran ng mga tao nang hindi nila namamalayan.”
45 Sinabi sa kanya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, “Guro, sa sinabi ninyong iyan, pati kami'y kinukutya ninyo.”
46 Sinagot naman siya ni Jesus, “Kahabag-habag din kayo, mga dalubhasa sa kautusan! Pinagpapasan ninyo ng mabibigat na dalahin ang mga tao, ngunit ni daliri ay ayaw ninyong igalaw upang matulungan sila. 47 Kahabag-habag kayo! Ipinagpapatayo pa ninyo ng magagarang libingan ang mga propetang pinatay ng inyong mga ninuno. 48 Sa gayon, kayo na rin ang nagpapatunay na sang-ayon kayo sa ginawa ng inyong mga ninuno, sapagkat sila ang pumatay sa mga propeta at kayo naman ang nagtatayo ng libingan ng mga ito. 49 Dahil dito'y sinabi rin ng Karunungan ng Diyos, ‘Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; ang ilan ay papatayin nila at ang iba nama'y uusigin.’ 50 Sa gayon, pananagutan ng salinlahing ito ang pagpaslang sa lahat ng mga propetang pinaslang mula nang likhain ang daigdig, 51 magmula(P) kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng dambana at ng Dakong Banal. Oo, sinasabi ko sa inyo, mananagot ang salinlahing ito.
52 “Kahabag-habag kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinagkakait ninyo ang susi ng kaalaman. Hindi na nga kayo pumapasok, hinahadlangan pa ninyo ang mga ibang nais pumasok.”
53 At umalis si Jesus doon. Mula noon, tinuligsa na siya ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga Pariseo at pinagtatatanong tungkol sa maraming bagay, 54 upang masilo siya sa pamamagitan ng kanyang pananalita.
Footnotes
- Lucas 11:3 pagkain sa araw-araw: o kaya'y kakainin para bukas .
- Lucas 11:13 ang inyong Ama…sa kanya: Sa ibang manuskrito'y ang inyong Ama. Ibibigay niya ang Espiritu Santo mula sa langit .
- Lucas 11:33 o kaya’y ilagay sa ilalim ng banga: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
路加福音 11
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
教导门徒祷告
11 有一天,耶稣在某地祷告完毕,有个门徒对祂说:“主啊,请教导我们祷告,像约翰教他的门徒一样。”
2 耶稣对他们说:“你们应该这样祷告,
“‘天父,愿人都尊崇你的圣名,
愿你的国度降临,
愿你的旨意在地上成就,
就像在天上成就一样[a]。
3 愿你天天赐给我们日用的饮食。
4 求你饶恕我们的罪,
因为我们也饶恕那些亏欠我们的人。
不要让我们遇见诱惑,
拯救我们脱离那恶者[b]。’”
5 耶稣又对他们说:“假设你在半夜跑去朋友家请求说,‘朋友,请借给我三个饼吧, 6 因为有一位朋友远道而来,我家没有什么可以招待他。’ 7 那个人在屋里应声说,‘请别打搅我,门已经锁上了,我和孩子们也已经上床了,我不能起来给你拿饼。’
8 “我告诉你们,那人虽不念朋友之情,但是倘若你不肯罢休,继续请求,他最终会起来满足你的愿望。
9 “我告诉你们,祈求,就会给你们;寻找,就会寻见;叩门,就会给你们开门。 10 因为凡祈求的,就得到;寻找的,就寻见;叩门的,就给他开门。
11 “你们中间做父亲的,如果孩子要饼,你会给他石头吗?[c]要鱼,你会给他蛇吗? 12 要鸡蛋,你会给他蝎子吗? 13 你们虽然邪恶,尚且知道把好东西给儿女,天父岂不更要赐圣灵给那些求祂的人吗?”
耶稣和别西卜
14 有一次,耶稣赶出一个使人哑巴的鬼。鬼一出去,哑巴就能说话了,大家都很惊奇。 15 有人却说:“祂是靠鬼王别西卜赶鬼。” 16 还有些人想试探耶稣,要求祂行个神迹证明自己是上帝派来的。
17 耶稣知道他们的心思,就说:“一个国内部自相纷争,必然灭亡;一个家内部自相纷争,必然崩溃。 18 同样,若撒旦内部自相纷争,它的国怎能维持呢?你们说我是靠别西卜赶鬼, 19 若我是靠别西卜赶鬼,你们的子弟又是靠谁赶鬼呢?因此,他们要审判你们。 20 但若我是靠上帝的能力赶鬼,就是上帝的国已降临在你们中间了。
21 “壮汉全副武装地看守自己的住宅,他的财物会很安全。 22 但是,来了一个比他更强壮的人,把他制服后,夺去他所依靠的武装,并把他抢来的东西分给了人。 23 谁不与我为友,就是与我为敌;谁不和我一起收聚,就是故意拆散。
24 “有个污鬼离开了它以前所附的人,在干旱无水之地四处游荡,寻找安歇之处,却没有找到。于是它说,‘我要回到老地方。’ 25 它回去后,看见里面打扫得又干净又整齐, 26 就去带来了七个比自己更邪恶的鬼一起住在那里。那人的下场比从前更惨了。”
谁更有福
27 耶稣说话的时候,人群中有个妇人高喊:“生你养你的人真有福啊!”
28 耶稣回答说:“但那听了上帝的话又去遵行的人更有福。”
可悲的邪恶世代
29 这时聚集的人越来越多,耶稣说:“这是一个邪恶的世代,人们只想看神迹,但除了约拿的神迹以外,再没有神迹给他们看。 30 正如约拿成了尼尼微人的神迹,人子也要成为这世代的神迹。
31 “在审判的日子,南方的女王和这世代的人都要起来[d],她要定这个世代的罪,因为她曾不远千里来听所罗门王的智言慧语。看啊!这里有一位比所罗门王更伟大。
32 “在审判的日子,尼尼微人和这世代的人都要起来,尼尼微人要定这个世代的罪,因为他们听到约拿的宣告,就悔改了。看啊!这里有一位比约拿更伟大。
灯的比喻
33 “没有人点了灯却将它放在地窖里或斗底下,人总是把灯放在灯台上,让进来的人可以看见光。 34 你的眼睛就是身体的灯,你的眼睛明亮,全身就光明;你的眼睛昏花,全身就黑暗。 35 因此要小心,不要让你心里的光变为黑暗。 36 如果你全身光明、毫无黑暗,你整个人就熠熠生辉,好像有灯光照在你身上。”
谴责法利赛人
37 耶稣说完这番话后,有一个法利赛人来请祂吃饭,祂便应邀入席。 38 这位法利赛人看见耶稣饭前没有行犹太人洗手的礼仪,十分诧异。 39 主对他说:“你们法利赛人洗净杯盘的外面,你们里面却充满了贪婪和邪恶。 40 愚蠢的人啊,人里外不都是上帝所创造的吗? 41 只要你们发自内心地去施舍,一切对你们都是洁净的。
42 “法利赛人啊,你们有祸了!你们将薄荷、茴香、各样蔬菜献上十分之一,却忽略了上帝的公义和仁爱。后者是你们本该做的,前者也不可忽略。
43 “法利赛人啊,你们有祸了!你们喜欢在会堂里坐首位,又喜欢在街市上听到别人的问候。 44 你们有祸了!因为你们就像没有墓碑的坟墓,人们从上面走过也不知道。”
谴责律法教师
45 一位律法教师对耶稣说:“老师,你这话把我们也侮辱了!”
46 耶稣回答说:“你们这些律法教师也有祸了!你们把沉重难负的担子放在别人肩上,自己却连一根指头也不肯动。
47 “你们有祸了,你们为先知修造坟墓,而他们正是被你们祖先杀害的! 48 所以你们是见证人,你们赞同祖先的行为,因为他们杀了先知,你们为先知造坟墓。 49 因此,充满智慧的上帝说,‘我要差遣先知和使徒到他们那里,有些要被杀害,有些要遭迫害’, 50-51 使创世以来,自亚伯一直到在祭坛和圣所之间被杀的撒迦利亚等众先知的血债,都由这个世代承担。我实在告诉你们,这些罪责都要由这个世代承担。
52 “律法教师啊,你们有祸了!你们拿走了知识的钥匙,自己不进去,还阻挡那些正要进去的人。”
53 耶稣离开那里后,法利赛人和律法教师开始激烈地反对祂,用各种问题刁难祂, 54 伺机找把柄陷害祂。
Lucas 11
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Turo tungkol sa Panalangin(A)
11 Minsan, matapos manalangin si Jesus sa isang lugar ay sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, tulad ni Juan na nagturo sa kanyang mga alagad.” 2 Sinabi niya sa kanila, “Kapag kayo ay mananalangin, sabihin ninyo,
‘Ama, pakabanalin mo ang pangalan mo,
Dumating nawa ang paghahari mo,
3 Bigyan mo kami sa bawat araw ng aming pang-araw-araw na pagkain,
4 At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkakautang sa amin.
At huwag mo kaming dalhin sa tukso.’ ”
5 Sinabi niya sa kanila, “Ipagpalagay nating isa sa inyo ang pumunta sa isang kaibigan isang hatinggabi at nagsabi, ‘Kaibigan, pahiram naman ng tatlong tinapay; 6 sapagkat isang kaibigan ko ang dumating mula sa paglalakbay at wala akong maihain sa kanya.’ 7 Sinagot naman kayo ng nasa loob na nagsabing, ‘Huwag mo akong gambalain! Nakatrangka na ang pintuan at nasa higaan na ang aking mga anak. Hindi na ako makababangon upang mabigyan ka ng anuman.’ 8 Sinasabi ko sa inyo, kung hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagkakaibigan, babangon siya upang maibigay ang hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit nito. 9 Kaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo ay bibigyan. Humanap kayo at kayo ay makatatagpo. Kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 10 Sapagkat ang sinumang humihingi ay nakatatanggap, ang humahanap ay nakatatagpo at ang kumakatok ay pinagbubuksan. 11 Sinong ama sa inyo ang magbibigay ng ahas sa inyong anak kung ito'y humihingi ng isda? 12 O kung humingi ito ng itlog ay bibigyan ba ninyo ito ng alakdan? 13 Kung kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa ang Ama na nasa langit na magbibigay ng Banal na Espiritu sa mga humingi sa kanya?”
Si Jesus at si Beelzebul(B)
14 Minsan ay nagpalayas si Jesus ng demonyo ng pagiging pipi. Nang lumabas na ang demonyo, nakapagsalita ang pipi kaya namangha ang mga tao. 15 Ngunit ilan sa kanila ang nagsabi, “Nakapagpapalayas siya ng demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.” 16 Dahil nais siyang subukin ng iba, hinahanapan siya ng mga ito ng tanda mula sa langit. 17 Ngunit dahil batid niya ang kanilang mga iniisip, sinabi niya sa kanila, “Bawat kahariang hindi nagkakaisa ay babagsak, at ang tahanang nag-aaway-away ay mawawasak. 18 At kung kinakalaban ni Satanas ang kanyang sarili, paano makatatayo ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong pinalalayas ko ang mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul. 19 At kung pinalalayas ko ang mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sa pamamagitan naman nino pinalalayas ang mga ito ng inyong mga anak? Kaya sila ang magiging hukom ninyo. 20 Ngunit kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng daliri ng Diyos, dumating na nga sa inyo ang paghahari ng Diyos. 21 Kapag isang taong malakas at nasasandatahang mabuti ang nagbabantay sa kanyang bahay, ligtas ang kanyang mga ari-arian. 22 Ngunit kung isang mas malakas sa kanya ang sumalakay at siya ay talunin, sasamsamin nito ang mga sandatang pinagtiwalaan niya at ipamamahagi ang mga ari-ariang nasamsam. 23 Ang wala sa panig ko ay kalaban ko, at ang hindi ko kasamang nagtitipon ay magkakawatak-watak.”
Ang Pagbabalik ng Maruming Espiritu(C)
24 “Kapag lumabas sa isang tao ang maruming espiritu, gumagala ito sa mga tuyong lugar upang maghanap ng mapagpapahingahan. At kapag wala itong matagpuan ay magsasabing, ‘Babalik na lang ako sa bahay na aking pinanggalingan.’ 25 Pagdating nito at nakitang nawalisan at naayos na iyon, 26 aalis ito at magsasama ng pito pang espiritung mas masama sa kanya. Papasok sila at maninirahan doon. Kaya't nagiging mas masahol pa kaysa dati ang taong iyon.”
Ang Tunay na Pinagpala
27 Habang sinasabi ni Jesus ang mga ito, isang babae mula sa karamihan ang pasigaw na nagsabi sa kanya, “Pinagpala ang sinapupunang nagdala sa iyo at ang mga dibdib na iyong sinusuhan.” 28 Subalit sinabi niya, “Higit na pinagpala ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Diyos.”
Hinanapan si Jesus ng Tanda(D)
29 Nang lalong dumarami pa ang mga tao, nagsimula siyang magsalita, “Masama ang salinlahing ito. Naghahanap ito ng isang tanda, ngunit walang tandang ibibigay dito maliban sa tanda ni Jonas. 30 Kung paanong naging tanda si Jonas sa mga taga-Nineve, ganoon din ang Anak ng Tao sa salinlahing ito. 31 Sa araw ng paghuhukom, titindig na kasama ng salinlahing ito ang Reyna ng Timog at hahatulan sila. Sapagkat nagmula pa siya sa dulo ng daigdig upang marinig ang karunungan ni Solomon; ngunit masdan ninyo, higit pa kay Solomon ang narito. 32 Sa araw ng paghuhukom, titindig na kasama ng salinlahing ito ang mga taga-Nineve at hahatulan ito. Sapagkat nagsisi sila sa pangangaral ni Jonas; ngunit masdan ninyo, higit pa kay Jonas ang narito.
Ang Liwanag ng Katawan(E)
33 “Walang sinumang nagsisindi ng ilawan at pagkatapos ay ilalagay ito sa tagong lugar o sa ilalim ng takalan. Sa halip, ilalagay ang ilawan sa patungan upang makita ng mga papasok ang liwanag. 34 Ang mata ang ilawan ng katawan. Kung malinaw ang iyong mata, ang iyong buong katawan ay maliwanag. Ngunit kung hindi ito malinaw, ang iyong buong katawan ay puno ng kadiliman. 35 Kaya't mag-ingat ka at baka ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala. 36 Kaya naman kung ang iyong buong katawan ay puno ng liwanag at walang bahaging nasa kadiliman, lubos itong maliliwanagan na para bang tinatanglawan ka ng maliwanag na ilaw.”
Ang Pagtuligsa sa mga Fariseo at Dalubhasa sa Kautusan(F)
37 Habang nagsasalita pa si Jesus, inanyayahan siyang makasalo ng isang Fariseo. Kaya't pumasok siya at naupo sa may hapag-kainan. 38 Nagtaka ang Fariseo nang mapansing hindi muna naghugas ng kamay si Jesus bago kumain. 39 Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Fariseo, nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan subalit ang kalooban ninyo ay puno ng kasakiman at kasamaan. 40 Mga hangal! Hindi ba ang gumawa ng labas ay siya ring gumawa ng loob? 41 Ipamigay ninyo sa mga dukha ang mga bagay na nasa loob, at ang lahat ay magiging malinis para sa inyo. 42 Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga Fariseo! Sapagkat naglalaan kayo para sa Diyos ng ikasampung bahagi ng yerbabuena, ruda, at ng iba pang halamang pagkain ngunit binabalewala ninyo ang katarungan at pag-ibig ng Diyos. Dapat nga kayong maglaan ng ikasampu subalit huwag ninyong kaligtaan ang katarungan at pag-ibig ng Diyos. 43 Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga Fariseo! Sapagkat ang gusto ninyo ay ang mga upuang pandangal sa mga sinagoga at ang mabigyang-pugay sa mga pamilihan. 44 Kaysaklap ng sasapitin ninyo sapagkat para kayong mga libingang walang tanda kaya't nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman!” 45 Tumugon sa kanya ang isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, “Guro, sa mga sinabi mo ay para mo na rin kaming kinutya.” 46 Kaya't sinabi niya, “Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat pinahihirapan ninyo ang mga tao sa mga pasaning mahirap dalhin subalit ni daliri man lamang ninyo ay hindi iginagalaw upang sila'y tulungan. 47 Kaysaklap ng sasapitin ninyo sapagkat itinayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, gayong pinagpapatay sila ng inyong mga ninuno. 48 Kaya nga kayo ay mga saksi at sinang-ayunan ninyo ang ginawa ng inyong mga ninuno sapagkat pinagpapatay nila ang mga ito at kayo naman ang nagtayo ng kanilang mga libingan. 49 Kaya sinabi rin ng Karunungan ng Diyos, ‘Isusugo ko sa kanila ang mga propeta at apostol at ang ilan sa mga ito ay kanilang papatayin at uusigin,’ 50 upang papanagutin sa lahing ito ang dugong dumanak sa lahat ng mga propeta mula pa nang maitatag ang sanlibutan. 51 Mula ito sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng altar at ng templo. Oo, sinasabi ko sa inyong iyon ay papanagutan ng salinlahing ito. 52 Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinagkait ninyo ang susi ng karunungan. Kayo mismo'y hindi nagsisipasok, at hinahadlangan pa ninyo ang mga pumapasok.” 53 Paglabas niya roon, sinimulan na siyang pag-initan ng mga Fariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan at malimit na tinatanong tungkol sa iba't ibang bagay, 54 nag-aabang na siya'y masilo sa anumang kanyang sasabihin.
Lucas 11
Ang Biblia (1978)
11 At nangyari, nang siya'y (A)nananalangin sa isang dako, nang siya'y matapos, ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Panginoon, turuan mo kaming manalangin, na gaya naman ni Juan na nagturo sa kaniyang mga alagad.
2 At sinabi niya sa kanila, Pagka kayo'y nagsisipanalangin, inyong sabihin, (B)Ama, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo.
3 Ibigay mo sa amin araw-araw ang aming pangarawaraw na kakanin.
4 At ipatawad mo sa amin ang aming mga kasalanan; sapagka't aming pinatawad naman ang bawa't may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso.
5 At sinabi niya sa kanila, Sino sa inyo ang magkakaroon ng isang kaibigan, at paroroon sa kaniya sa hating gabi, at sa kaniya'y sasabihin, Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay;
6 Sapagka't dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya;
7 At siya na mula sa loob ay sasagot at sasabihin, Huwag mo akong bagabagin: nalalapat na ang pinto, at kasama ko sa hihigan ang aking mga anak; hindi ako makabangon at makapagbigay sa iyo?
8 Sinasabi ko sa inyo, (C)Kahit siya'y hindi bumangon, at magbigay sa kaniya, dahil sa siya'y kaibigan niya, gayon ma'y dahil sa kaniyang pagbagabag ay siya'y magbabangon at ibibigay gaano man ang kinakailangan niya.
9 At sinasabi ko sa inyo, (D)Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan.
10 Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.
11 At aling ama sa inyo, na kung humingi ang kaniyang anak ng isang tinapay, ay bibigyan niya siya ng isang bato? o ng isang isda kaya, at hindi isda ang ibibigay, kundi isang ahas?
12 O kung siya'y humingi ng itlog, kaniyang bibigyan kaya siya ng alakdan?
13 Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, (E)gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay (F)ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?
14 At (G)nagpalabas siya ng isang demoniong pipi. At nangyari, nang makalabas na ang demonio, ang pipi ay nangusap; at nangagtaka ang mga karamihan.
15 Datapuwa't sinabi ng ilan sa kanila, Sa pamamagitan ni Beelzebub, na pangulo ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.
16 At ang mga iba sa pagtukso sa kaniya'y (H)hinanapan siya ng isang tanda na mula sa langit.
17 Datapuwa't siya, na nakatataho ng mga pagiisip nila, sa kanila'y sinabi, (I)Ang bawa't kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay magkakawatakwatak; at ang sangbahayan na nagkakabahabahagi laban sa sangbahayan ay nagigiba.
18 At kung si Satanas naman ay nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili, paanong mananatili ang kaniyang kaharian? sapagka't sinasabi ninyong sa pamamagitan ni Beelzebub nagpapalabas ako ng mga demonio.
19 At kung nagpapalabas ako ng mga demonio sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino sila pinalalabas ng inyong (J)mga anak? kaya nga, sila ang inyong magiging mga hukom.
20 Nguni't kung sa pamamagitan ng daliri ng Dios ay nagpapalabas ako ng mga demonio, dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios.
21 Pagka ang lalaking malakas na nasasandatahang lubos ay nagbabantay sa kaniyang sariling looban, ang kaniyang mga pagaari ay wala sa panganib.
22 Datapuwa't kung siya'y datnan ng ibang lalong malakas kay sa kaniya, at siya'y matalo, ay kukunin nito sa kaniya ang lahat ng kaniyang sandata na kaniyang inaasahan, at ipamamahagi ang mga nasamsam sa kaniya.
23 (K)Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin; at ang hindi nagiimpok na kasama ko ay nagsasambulat.
24 Pagka (L)ang karumaldumal na espiritu ay lumabas sa isang tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig, na humahanap ng kapahingahan, at pagka hindi makasumpong, ay sinasabing, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko.
25 At pagdating niya ay nasusumpungang walis na at nagagayakan.
26 Kung magkagayo'y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama pa kay sa kaniya; at sila'y nagsisipasok at nagsisitahan doon: at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una.
27 At nangyari, na nang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ang isang babaing mula sa karamihan ay naglakas ng kaniyang tinig at sinabi sa kaniya, (M)Mapalad ang tiyang sa iyo'y nagdala, at ang mga dibdib na iyong sinusuhan.
28 Datapuwa't sinabi niya, Oo, bagkus na lalong (N)mapapalad ang nangakikinig ng salita ng Dios, at ito'y ginaganap.
29 At nang ang mga karamihan ay (O)nangagkakatipon sa kaniya, ay nagpasimula siyang magsabi, Ang lahing ito'y isang masamang lahi: siya'y humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ni Jonas.
30 Sapagka't kung paanong si Jonas ay naging tanda sa mga Ninivita, ay gayon din naman ang Anak ng tao sa lahing ito.
31 (P)Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng mga tao ng lahing ito, at sila'y hahatulan: sapagka't siya'y naparitong galing sa mga wakas ng lupa, upang pakinggan ang karunungan ni Salomon; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Salomon.
32 Magsisitayo sa paghuhukom (Q)ang mga tao sa Ninive na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: (R)sapagka't sila'y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas.
33 Walang taong pagkapagpaningas niya ng (S)isang ilawan, ay ilalagay sa isang dakong tago, ni sa ilalim man ng takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw, upang ang nagsisipasok ay makita ang ilaw.
34 Ang ilawan ng katawan mo ay ang iyong (T)mata: kung magaling ang iyong mata, ang buong katawan mo naman ay puspos ng liwanag; datapuwa't kung ito'y may sakit, ang katawan mo nama'y puspos ng kadiliman.
35 Masdan mo nga kung ang ilaw na nasa iyo ay baka kadiliman.
36 Kaya nga, kung ang buong katawan mo ay puspos ng liwanag, na walang anomang bahaging madilim, ito'y lubos na mapupuspos ng liwanag, na gaya ng pagliliwanag sa iyo ng ilawang may liwanag na maningning.
37 Samantala ngang siya'y nagsasalita, ay inanyayahan siya ng isang Fariseo na kumaing kasalo niya: at siya'y pumasok, at naupo sa dulang.
38 At nang makita (U)ito ng Fariseo, ay nagtaka na siya'y hindi muna naghugas bago mananghali.
39 At sinabi sa kaniya (V)ng Panginoon, Gayon nga kayong mga Fariseo na nililinis ninyo ang dakong labas ng saro at ng pinggan; datapuwa't ang loob ninyo'y puno ng panglulupig at kasamaan.
40 Kayong mga haling, di baga ang gumawa ng dakong labas ay siya ring gumawa ng dakong loob?
41 Datapuwa't ilimos ninyo (W)ang mga bagay na nasa kalooban; at narito, ang (X)lahat ng mga bagay ay malilinis sa inyo.
42 Datapuwa't (Y)sa aba ninyong mga Fariseo! sapagka't nagbibigay kayo ng (Z)ikapu ng yerbabuena, at ng ruda, at ng bawa't gugulayin, at pinababayaan ninyo ang katarungan at ang pagibig ng Dios: datapuwa't dapat ngang gawin ninyo ang mga ito, at huwag pabayaan di ginagawa ang mga yaon.
43 Sa aba ninyong mga Fariseo! (AA)sapagka't inyong iniibig ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pagpupugay sa mga pamilihan.
44 Sa aba ninyo! sapagka't kayo'y tulad sa mga libingang hindi nakikita, at di nalalaman ng mga taong nagsisilakad sa ibabaw nila.
45 At pagsagot ng isa sa mga (AB)tagapagtanggol ng kautusan, ay nagsabi sa kaniya, Guro, sa pagsasabi mo nito, pati kami ay iyong pinupulaan.
46 At sinabi niya, (AC)Sa aba rin naman ninyong mga tagapagtanggol ng kautusan! sapagka't inyong ipinapapasan sa mga tao ang mga pasang mahihirap dalhin, at hindi man lamang ninyo hinihipo ng isa sa inyong mga daliri ang mga pasan.
47 Sa aba ninyo! (AD)sapagka't inyong itinatayo ang mga libingan ng mga propeta, at ang mga yao'y pinatay ng inyong mga magulang.
48 Kayo nga'y mga saksi at nagsisisangayon sa mga gawa ng inyong mga magulang: sapagka't pinatay ng mga ito ang mga yaon, at itinatayo ninyo ang kanilang mga libingan.
49 Kaya nga, sinasabi naman ng karunungan ng Dios, (AE)Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; at ilan sa kanila ay kanilang papatayin at paguusigin;
50 Upang hingin sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta, na ibinubo buhat nang itatag ang sanglibutan;
51 Mula sa dugo ni Abel, hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng dambana at (AF)ng santuario: oo, sinasabi ko sa inyo, na ito'y hihingin sa lahing ito.
52 Sa aba ninyong (AG)mga tagapagtanggol ng kautusan! sapagka't inalis ninyo ang susi ng karunungan: hindi kayo nagsipasok, at inyong sinasansala ang nagsisipasok.
53 At paglabas niya roon, ay nangagpasimula ang mga eskriba at ang mga Fariseo na higpitang mainam siya, at akitin siyang magsalita ng maraming mga bagay;
54 Na siya'y inaabangan, (AH)upang makahuli sa kaniyang bibig ng anoman.
Luke 11
New International Version
Jesus’ Teaching on Prayer(A)(B)
11 One day Jesus was praying(C) in a certain place. When he finished, one of his disciples said to him, “Lord,(D) teach us to pray, just as John taught his disciples.”
2 He said to them, “When you pray, say:
“‘Father,[a]
hallowed be your name,
your kingdom(E) come.[b]
3 Give us each day our daily bread.
4 Forgive us our sins,
for we also forgive everyone who sins against us.[c](F)
And lead us not into temptation.[d]’”(G)
5 Then Jesus said to them, “Suppose you have a friend, and you go to him at midnight and say, ‘Friend, lend me three loaves of bread; 6 a friend of mine on a journey has come to me, and I have no food to offer him.’ 7 And suppose the one inside answers, ‘Don’t bother me. The door is already locked, and my children and I are in bed. I can’t get up and give you anything.’ 8 I tell you, even though he will not get up and give you the bread because of friendship, yet because of your shameless audacity[e] he will surely get up and give you as much as you need.(H)
9 “So I say to you: Ask and it will be given to you;(I) seek and you will find; knock and the door will be opened to you. 10 For everyone who asks receives; the one who seeks finds; and to the one who knocks, the door will be opened.
11 “Which of you fathers, if your son asks for[f] a fish, will give him a snake instead? 12 Or if he asks for an egg, will give him a scorpion? 13 If you then, though you are evil, know how to give good gifts to your children, how much more will your Father in heaven give the Holy Spirit to those who ask him!”
Jesus and Beelzebul(J)(K)
14 Jesus was driving out a demon that was mute. When the demon left, the man who had been mute spoke, and the crowd was amazed.(L) 15 But some of them said, “By Beelzebul,(M) the prince of demons, he is driving out demons.”(N) 16 Others tested him by asking for a sign from heaven.(O)
17 Jesus knew their thoughts(P) and said to them: “Any kingdom divided against itself will be ruined, and a house divided against itself will fall. 18 If Satan(Q) is divided against himself, how can his kingdom stand? I say this because you claim that I drive out demons by Beelzebul. 19 Now if I drive out demons by Beelzebul, by whom do your followers drive them out? So then, they will be your judges. 20 But if I drive out demons by the finger of God,(R) then the kingdom of God(S) has come upon you.
21 “When a strong man, fully armed, guards his own house, his possessions are safe. 22 But when someone stronger attacks and overpowers him, he takes away the armor in which the man trusted and divides up his plunder.
23 “Whoever is not with me is against me, and whoever does not gather with me scatters.(T)
24 “When an impure spirit comes out of a person, it goes through arid places seeking rest and does not find it. Then it says, ‘I will return to the house I left.’ 25 When it arrives, it finds the house swept clean and put in order. 26 Then it goes and takes seven other spirits more wicked than itself, and they go in and live there. And the final condition of that person is worse than the first.”(U)
27 As Jesus was saying these things, a woman in the crowd called out, “Blessed is the mother who gave you birth and nursed you.”(V)
28 He replied, “Blessed rather are those who hear the word of God(W) and obey it.”(X)
The Sign of Jonah(Y)
29 As the crowds increased, Jesus said, “This is a wicked generation. It asks for a sign,(Z) but none will be given it except the sign of Jonah.(AA) 30 For as Jonah was a sign to the Ninevites, so also will the Son of Man be to this generation. 31 The Queen of the South will rise at the judgment with the people of this generation and condemn them, for she came from the ends of the earth to listen to Solomon’s wisdom;(AB) and now something greater than Solomon is here. 32 The men of Nineveh will stand up at the judgment with this generation and condemn it, for they repented at the preaching of Jonah;(AC) and now something greater than Jonah is here.
The Lamp of the Body(AD)
33 “No one lights a lamp and puts it in a place where it will be hidden, or under a bowl. Instead they put it on its stand, so that those who come in may see the light.(AE) 34 Your eye is the lamp of your body. When your eyes are healthy,[g] your whole body also is full of light. But when they are unhealthy,[h] your body also is full of darkness. 35 See to it, then, that the light within you is not darkness. 36 Therefore, if your whole body is full of light, and no part of it dark, it will be just as full of light as when a lamp shines its light on you.”
Woes on the Pharisees and the Experts in the Law
37 When Jesus had finished speaking, a Pharisee invited him to eat with him; so he went in and reclined at the table.(AF) 38 But the Pharisee was surprised when he noticed that Jesus did not first wash before the meal.(AG)
39 Then the Lord(AH) said to him, “Now then, you Pharisees clean the outside of the cup and dish, but inside you are full of greed and wickedness.(AI) 40 You foolish people!(AJ) Did not the one who made the outside make the inside also? 41 But now as for what is inside you—be generous to the poor,(AK) and everything will be clean for you.(AL)
42 “Woe to you Pharisees, because you give God a tenth(AM) of your mint, rue and all other kinds of garden herbs, but you neglect justice and the love of God.(AN) You should have practiced the latter without leaving the former undone.(AO)
43 “Woe to you Pharisees, because you love the most important seats in the synagogues and respectful greetings in the marketplaces.(AP)
44 “Woe to you, because you are like unmarked graves,(AQ) which people walk over without knowing it.”
45 One of the experts in the law(AR) answered him, “Teacher, when you say these things, you insult us also.”
46 Jesus replied, “And you experts in the law, woe to you, because you load people down with burdens they can hardly carry, and you yourselves will not lift one finger to help them.(AS)
47 “Woe to you, because you build tombs for the prophets, and it was your ancestors who killed them. 48 So you testify that you approve of what your ancestors did; they killed the prophets, and you build their tombs.(AT) 49 Because of this, God in his wisdom(AU) said, ‘I will send them prophets and apostles, some of whom they will kill and others they will persecute.’(AV) 50 Therefore this generation will be held responsible for the blood of all the prophets that has been shed since the beginning of the world, 51 from the blood of Abel(AW) to the blood of Zechariah,(AX) who was killed between the altar and the sanctuary. Yes, I tell you, this generation will be held responsible for it all.(AY)
52 “Woe to you experts in the law, because you have taken away the key to knowledge. You yourselves have not entered, and you have hindered those who were entering.”(AZ)
53 When Jesus went outside, the Pharisees and the teachers of the law began to oppose him fiercely and to besiege him with questions, 54 waiting to catch him in something he might say.(BA)
Footnotes
- Luke 11:2 Some manuscripts Our Father in heaven
- Luke 11:2 Some manuscripts come. May your will be done on earth as it is in heaven.
- Luke 11:4 Greek everyone who is indebted to us
- Luke 11:4 Some manuscripts temptation, but deliver us from the evil one
- Luke 11:8 Or yet to preserve his good name
- Luke 11:11 Some manuscripts for bread, will give him a stone? Or if he asks for
- Luke 11:34 The Greek for healthy here implies generous.
- Luke 11:34 The Greek for unhealthy here implies stingy.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

