Add parallel Print Page Options

Mga Naging Anak ni Esau(A)

36 Ito ang mga lahi ni Esau, na siya ring Edom.

Si(B) Esau ay nag-asawa mula sa mga anak ng Canaan; kay Ada na anak ni Elon na Heteo, kay Aholibama, anak ni Ana na anak ni Zibeon na Heveo;

kay(C) Basemat na anak ni Ismael, na kapatid ni Nebayot.

Ipinanganak ni Ada si Elifaz kay Esau; at ipinanganak ni Basemat si Reuel;

at ipinanganak ni Aholibama sina Jeus, Jalam, at Kora. Ito ang mga anak ni Esau, na ipinanganak sa kanya sa lupain ng Canaan.

Dinala ni Esau ang kanyang mga asawa, ang kanyang mga anak na lalaki at babae, ang lahat ng tao sa kanyang bahay, ang kanyang hayop, lahat ng kanyang kawan, at ang lahat na kanyang tinipon sa lupain ng Canaan, at pumunta sa isang lupaing malayo sa kanyang kapatid na si Jacob.

Sapagkat ang kanilang ari-arian ay totoong napakalaki para sa kanila na manirahang magkasama. Ang lupain na kanilang pinaglakbayan ay hindi sila makayang tustusan dahilan sa kanilang mga hayop.

Kaya't nanirahan si Esau sa bundok ng Seir. Si Esau ay si Edom.

Ito ang mga lahi ni Esau, na ama ng mga Edomita sa bundok ng Seir.

10 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Elifaz, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemat, na asawa ni Esau.

11 Ang mga anak ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Gatam at Kenaz.

12 Si Timna ay asawang-lingkod ni Elifaz na anak ni Esau; at ipinanganak niya kay Elifaz si Amalek. Ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau.

13 Ito ang mga anak ni Reuel: sina Nahat, Zera, Shammah, at Mizza. Ito ang mga anak ni Basemat na asawa ni Esau.

14 Ito ang mga anak ni Esau kay Aholibama, na anak ni Ana, na anak ni Zibeon. Ipinanganak niya kay Esau sina Jeus, Jalam at Kora.

15 Ito ang mga pinuno sa mga anak ni Esau: ang mga anak ni Elifaz, na panganay ni Esau; ang mga pinunong sina Teman, Omar, Zefo, Kenaz,

16 Kora, Gatam, at Amalek. Ito ang mga pinunong nagmula kay Elifaz sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Ada.

17 Ito ang mga anak ni Reuel na anak ni Esau: ang mga pinunong sina Nahat, Zera, Shammah, at Mizza. Ito ang mga pinunong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemat na asawa ni Esau.

18 Ito ang mga anak ni Aholibama na asawa ni Esau: ang mga pinunong sina Jeus, Jalam, at Kora. Ito ang mga pinunong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana, na asawa ni Esau.

19 Ito ang mga anak ni Esau, (na siyang Edom) at ito ang kanilang mga pinuno.

Mga Anak ni Seir(D)

20 Ito ang mga anak ni Seir na Horeo, na naninirahan sa lupain: sina Lotan, Sobal, Zibeon, at si Ana,

21 sina Dishon, Eser, at Disan. Ito ang mga pinunong nagmula sa mga Horeo, na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom.

22 Ang mga anak ni Lotan ay sina Hori at Heman; at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.

23 Ito ang mga anak ni Sobal: sina Alvan, Manahat, Ebal, Zefo, at si Onam.

24 Ito ang mga anak ni Zibeon: sina Aya at Ana. Ito rin si Ana na nakatagpo ng maiinit na bukal sa ilang, habang kanyang inaalagaan ang mga asno ni Zibeon na kanyang ama.

25 Ito ang mga anak ni Ana: sina Dishon at Aholibama, na anak na babae ni Ana.

26 Ito ang mga anak ni Dishon: sina Hemdan, Esban, Itran, at Cheran.

27 Ito ang mga anak ni Eser: sina Bilhan, Zaavan at Acan.

28 Ito ang mga anak ni Disan: sina Uz at Aran.

29 Ito ang mga pinunong nagmula sa mga Horeo: ang mga pinunong sina Lotan, Sobal, Zibeon, at Ana,

30 Dishon, Eser, at Disan. Ito ang mga pinunong nagmula sa mga Horeo ayon sa kanilang mga angkan, sa lupain ng Seir.

Mga Hari ng Edom(E)

31 Ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinumang hari sa angkan ni Israel.

32 Si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom; at ang pangalan ng kanyang bayan ay Dinhaba.

33 Namatay si Bela, at naghari na kapalit niya si Jobab na anak ni Zera, na taga-Bosra.

34 Namatay si Jobab at naghari na kapalit niya si Husam, na taga-lupain ng mga Temanita.

35 Namatay si Husam at naghari na kapalit niya si Adad, na anak ni Badad, na siyang gumapi kay Midian sa parang ni Moab at ang pangalan ng kanyang bayan ay Avith.

36 Namatay si Adad at naghari na kapalit niya si Samla na taga-Masreca.

37 Namatay si Samla at naghari na kapalit niya si Shaul na taga-Rehobot na tabi ng Eufrates.

38 Namatay si Shaul at naghari na kapalit niya si Baal-hanan na anak ni Acbor.

39 Namatay si Baal-hanan na anak ni Acbor at naghari na kapalit niya si Adar; at ang pangalan ng kanyang bayan ay Pau; at ang pangalan ng kanyang asawa ay Mehetabel na anak ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.

40 Ito ang mga pangalan ng mga pinunong nagmula kay Esau, ayon sa kanya-kanyang angkan, ayon sa kanya-kanyang lugar, alinsunod sa kanya-kanyang pangalan: ang mga pinunong sina Timna, Alva, Jetet;

41 Aholibama, Ela, Pinon.

42 Kenaz, Teman, Mibzar.

43 Magdiel, at Hiram. Ito ang mga pinuno ni Edom, ayon sa kanya-kanyang tinitirhan sa lupain na kanilang pag-aari. Siya ay si Esau na ama ng mga Edomita.

36 Ito nga ang mga lahi ni Esau (na siyang Edom).

Si Esau ay nagasawa sa mga anak ng Canaan; kay Ada na anak ni Elon na Hethoh, at kay Aholibama, anak ni Ana na anak ni Zibeon na Heveo.

At kay Basemath na anak ni Ismael, na kapatid ni Nabaiot.

At ipinanganak si Eliphaz ni Ada kay Esau; at ipinanganak ni Basemath si Reuel;

At ipinanganak ni Aholibama si Jeus, at si Jaalam at si Cora; ito ang mga anak ni Esau, na ipinanganak sa kaniya sa lupain ng Canaan.

At dinala ni Esau ang kaniyang mga asawa, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng tao sa kaniyang bahay, at ang kaniyang hayop, at ang lahat ng kaniyang kawan, at ang lahat niyang tinatangkilik na kaniyang tinipon sa lupain ng Canaan; at napasa ibang lupaing bukod kay Jacob na kaniyang kapatid.

Sapagka't ang kanilang pag-aari ay totoong napakalaki para sa kanila na tumahang magkasama at ang lupain na kanilang pinaglakbayan ay hindi makaya sila, sapagka't napakarami ang kanilang hayop.

At tumahan si Esau sa bundok ng Seir: si Esau ay siyang Edom.

At ito ang mga lahi ni Esau, na ama ng mga Edomita sa bundok ng Seir:

10 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Eliphas, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemath, na asawa ni Esau.

11 At ang mga anak ni Eliphaz, ay si Teman, si Omar, si Zepho, si Gatham at si Cenaz.

12 At si Timna ay babae ni Eliphaz na anak ni Esau; at ipinanganak niya kay Eliphaz si Amalec; ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau.

13 At ito ang mga anak ni Reuel; si Nahat, si Zera, si Samma at si Mizza: ito ang mga anak ni Basemath na asawa ni Esau.

14 At ito ang mga anak ni Aholibama, na anak ni Ana, na anak ni Zibeon, na asawa ni Esau: at ipinanganak niya kay Esau: si Jeus at si Jaalam at si Cora.

15 Ito ang mga pangulo sa mga anak ni Esau: ang mga anak ni Eliphaz, na panganay ni Esau; ang pangulong Teman, ang pangulong Omar, ang pangulong Zepho, ang pangulong Cenaz,

16 Ang pangulong Cora, ang pangulong Gatam, ang pangulong Amalec: ito ang mga pangulong nagmula kay Eliphaz sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Ada.

17 At ito ang mga anak ni Reuel na anak ni Esau; ang pangulong Nahath, ang pangulong Zera, ang pangulong Samma ang pangulong Mizza: ito ang mga pangulong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemath, na asawa ni Esau.

18 At ito ang mga anak ni Aholibama na asawa ni Esau; ang pangulong Jeus, ang pangulong Jaalam, ang pangulong Cora: ito ang mga pangulong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana, na asawa ni Esau.

19 Ito ang mga anak ni Esau, at ito ang kanilang mga pangulo: na siyang Edom.

20 Ito ang mga anak ni Seir na Horeo, na nagsisitahan sa lupain; si Lotan at si Sobal, at si Zibeon, at si Ana,

21 At si Dison, at si Ezer, at si Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo, na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom.

22 At ang mga anak ni Lotan, ay si Hori at si Heman; at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.

23 At ito ang mga anak ni Sobal; si Alvan, at si Manahath, at si Ebal, si Zepho, at si Onam.

24 At ito ang mga anak ni Zibeon; si Aja at si Ana: ito rin ang si Ana na nakasumpong ng maiinit na bukal sa ilang, nang pinapanginginain ang mga asno ni Zibeon na kaniyang ama.

25 At ito ang mga anak ni Ana; si Dison at si Aholibama, na anak na babae ni Ana.

26 At ito ang mga anak ni Dizon: si Hemdan, at si Eshban, at si Ithram, at si Cheran.

27 Ito ang mga anak ni Ezer: si Bilhan, at si Zaavan at si Acan.

28 Ito ang mga anak ni Disan: si Huz at si Aran.

29 Ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo; ang pangulong Lotan, ang pangulong Sobal, ang pangulong Zibeon, ang pangulong Ana,

30 Ang pangulong Dison, ang pangulong Ezer, ang pangulong Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo ayon sa kanilang mga pangulo, sa lupain ng Seir.

31 At ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinomang hari sa angkan ni Israel.

32 At si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.

33 At namatay si Bela, at naghari na kahalili niya si Jobab na anak ni Zera, na taga Bozra.

34 At namatay si Jobab at naghari na kahalili niya si Husam, na taga lupain ng mga Temaneo.

35 At namatay si Husam, at naghari na kahalili niya si Adad, na anak ni Badad, na siya ring sumakit kay Midian sa parang ni Moab: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avita.

36 At namatay si Adad at naghari na kahalili niya si Samla na taga Masreca.

37 At namatay si Samla at naghari na kahalili niya si Saul, na taga Rehoboth na tabi ng Ilog.

38 At namatay si Saul, at naghari na kahalili niya si Baalanan na anak ni Achbor.

39 At namatay si Baalanan na anak ni Achbor, at naghari na kahalili niya si Adar; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pau; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel na anak ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.

40 At ito ang mga pangalan ng mga pangulong nagmula kay Esau, ayon sa kanikaniyang angkan, ayon sa kanikaniyang dako, alinsunod sa kanikaniyang pangalan; ang pangulong Timma, ang pangulong Alva, ang pangulong Jetheth;

41 Ang pangulong Aholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Pinon.

42 Ang pangulong Cenaz, ang pangulong Teman, ang pangulong Mibzar.

43 Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Hiram: ito ang mga pangulo ni Edom, ayon sa kanikaniyang tahanan sa lupain na kanilang pag-aari. Ito'y si Esau na ama ng mga Edomita.

'Genesis 36 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Esau’s Descendants(A)(B)

36 This is the account(C) of the family line of Esau (that is, Edom).(D)

Esau took his wives from the women of Canaan:(E) Adah daughter of Elon the Hittite,(F) and Oholibamah(G) daughter of Anah(H) and granddaughter of Zibeon the Hivite(I) also Basemath(J) daughter of Ishmael and sister of Nebaioth.(K)

Adah bore Eliphaz to Esau, Basemath bore Reuel,(L) and Oholibamah bore Jeush, Jalam and Korah.(M) These were the sons of Esau, who were born to him in Canaan.

Esau took his wives and sons and daughters and all the members of his household, as well as his livestock and all his other animals and all the goods he had acquired in Canaan,(N) and moved to a land some distance from his brother Jacob.(O) Their possessions were too great for them to remain together; the land where they were staying could not support them both because of their livestock.(P) So Esau(Q) (that is, Edom)(R) settled in the hill country of Seir.(S)

This is the account(T) of the family line of Esau the father of the Edomites(U) in the hill country of Seir.

10 These are the names of Esau’s sons:

Eliphaz, the son of Esau’s wife Adah, and Reuel, the son of Esau’s wife Basemath.(V)

11 The sons of Eliphaz:(W)

Teman,(X) Omar, Zepho, Gatam and Kenaz.(Y)

12 Esau’s son Eliphaz also had a concubine(Z) named Timna, who bore him Amalek.(AA) These were grandsons of Esau’s wife Adah.(AB)

13 The sons of Reuel:

Nahath, Zerah, Shammah and Mizzah. These were grandsons of Esau’s wife Basemath.(AC)

14 The sons of Esau’s wife Oholibamah(AD) daughter of Anah and granddaughter of Zibeon, whom she bore to Esau:

Jeush, Jalam and Korah.(AE)

15 These were the chiefs(AF) among Esau’s descendants:

The sons of Eliphaz the firstborn of Esau:

Chiefs Teman,(AG) Omar, Zepho, Kenaz,(AH) 16 Korah,[a] Gatam and Amalek. These were the chiefs descended from Eliphaz(AI) in Edom;(AJ) they were grandsons of Adah.(AK)

17 The sons of Esau’s son Reuel:(AL)

Chiefs Nahath, Zerah, Shammah and Mizzah. These were the chiefs descended from Reuel in Edom; they were grandsons of Esau’s wife Basemath.(AM)

18 The sons of Esau’s wife Oholibamah:(AN)

Chiefs Jeush, Jalam and Korah.(AO) These were the chiefs descended from Esau’s wife Oholibamah daughter of Anah.

19 These were the sons of Esau(AP) (that is, Edom),(AQ) and these were their chiefs.(AR)

20 These were the sons of Seir the Horite,(AS) who were living in the region:

Lotan, Shobal, Zibeon, Anah,(AT) 21 Dishon, Ezer and Dishan. These sons of Seir in Edom were Horite chiefs.(AU)

22 The sons of Lotan:

Hori and Homam.[b] Timna was Lotan’s sister.

23 The sons of Shobal:

Alvan, Manahath, Ebal, Shepho and Onam.

24 The sons of Zibeon:(AV)

Aiah and Anah. This is the Anah who discovered the hot springs[c](AW) in the desert while he was grazing the donkeys(AX) of his father Zibeon.

25 The children of Anah:(AY)

Dishon and Oholibamah(AZ) daughter of Anah.

26 The sons of Dishon[d]:

Hemdan, Eshban, Ithran and Keran.

27 The sons of Ezer:

Bilhan, Zaavan and Akan.

28 The sons of Dishan:

Uz and Aran.

29 These were the Horite chiefs:

Lotan, Shobal, Zibeon, Anah,(BA) 30 Dishon, Ezer and Dishan. These were the Horite chiefs,(BB) according to their divisions, in the land of Seir.

The Rulers of Edom(BC)

31 These were the kings who reigned in Edom before any Israelite king(BD) reigned:

32 Bela son of Beor became king of Edom. His city was named Dinhabah.

33 When Bela died, Jobab son of Zerah from Bozrah(BE) succeeded him as king.

34 When Jobab died, Husham from the land of the Temanites(BF) succeeded him as king.

35 When Husham died, Hadad son of Bedad, who defeated Midian(BG) in the country of Moab,(BH) succeeded him as king. His city was named Avith.

36 When Hadad died, Samlah from Masrekah succeeded him as king.

37 When Samlah died, Shaul from Rehoboth(BI) on the river succeeded him as king.

38 When Shaul died, Baal-Hanan son of Akbor succeeded him as king.

39 When Baal-Hanan son of Akbor died, Hadad[e] succeeded him as king. His city was named Pau, and his wife’s name was Mehetabel daughter of Matred, the daughter of Me-Zahab.

40 These were the chiefs(BJ) descended from Esau, by name, according to their clans and regions:

Timna, Alvah, Jetheth, 41 Oholibamah, Elah, Pinon, 42 Kenaz, Teman, Mibzar, 43 Magdiel and Iram. These were the chiefs of Edom, according to their settlements in the land they occupied.

This is the family line of Esau, the father of the Edomites.(BK)

Footnotes

  1. Genesis 36:16 Masoretic Text; Samaritan Pentateuch (also verse 11 and 1 Chron. 1:36) does not have Korah.
  2. Genesis 36:22 Hebrew Hemam, a variant of Homam (see 1 Chron. 1:39)
  3. Genesis 36:24 Vulgate; Syriac discovered water; the meaning of the Hebrew for this word is uncertain.
  4. Genesis 36:26 Hebrew Dishan, a variant of Dishon
  5. Genesis 36:39 Many manuscripts of the Masoretic Text, Samaritan Pentateuch and Syriac (see also 1 Chron. 1:50); most manuscripts of the Masoretic Text Hadar