Add parallel Print Page Options

Ang mga Naghari sa Edom(A)

43 Ang mga ito ang mga hari na naghari sa lupain ng Edom bago naghari ang sinumang hari sa mga anak ni Israel: si Bela na anak ni Beor at ang pangalan ng kanyang lunsod ay Dinhaba.

44 Nang mamatay si Bela, si Jobab na anak ni Zera na taga-Bosra ang nagharing kapalit niya.

45 Nang mamatay si Jobab, si Husam sa lupain ng mga Temanita ang nagharing kapalit niya.

46 Nang mamatay si Husam, si Hadad na anak ni Bedad na tumalo kay Midian sa parang ng Moab, ang nagharing kapalit niya. Ang pangalan ng kanyang lunsod ay Avith.

47 Nang mamatay si Hadad, si Samla na taga-Masreca ang nagharing kapalit niya.

48 Nang mamatay si Samla, si Shaul na taga-Rehobot sa tabi ng Ilog[a] ang nagharing kapalit niya.

49 Nang mamatay si Shaul, si Baal-hanan na anak ni Acbor ang nagharing kapalit niya.

50 Nang mamatay si Baal-hanan, si Hadad ang nagharing kapalit niya; at ang pangalan ng kanyang lunsod ay Pai. Ang pangalan ng kanyang asawa ay Mehetabel, na anak na babae ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.

51 At namatay si Adad. Ang mga pinuno ng Edom ay sina Timna, Alia,[b] Jetet;

52 Oholibama, Ela, Pinon;

53 Kenaz, Teman, Mibzar;

54 Magdiel, at Iram. Ito ang mga pinuno ng Edom.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Cronica 1:48 o Eufrates .
  2. 1 Cronica 1:51 o Alva .