Add parallel Print Page Options

Mula kay Pablo na apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Dios. Sinugo ako ng Dios para ipahayag ang tungkol sa buhay na ipinangako niyang makakamtan nating mga nakay Cristo Jesus.

Timoteo, minamahal kong anak:

Sumaiyo nawa ang biyaya, awa at kapayapaang galing sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

Pasasalamat sa Dios at Paalala kay Timoteo

Nagpapasalamat ako sa Dios na pinaglilingkuran ko nang may malinis na konsensya, tulad ng ginawa ng mga ninuno ko. Nagpapasalamat ako sa kanya sa tuwing inaalala kita sa panalangin araw at gabi. Kapag naaalala ko ang pag-iyak mo noong umalis ako, kaya nasasabik akong makita ka para maging lubos ang kagalakan ko. Hindi ko makakalimutan ang tapat mong pananampalataya tulad ng nasa iyong Lola Luisa at ng iyong inang si Eunice, at natitiyak kong nasa iyo rin ngayon. Dahil dito, pinaaalalahanan kita na lalo ka pang maging masigasig sa paggamit ng kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Dios, na tinanggap mo nang patungan kita ng kamay. Sapagkat hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.

Kaya huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon o tungkol sa akin na bilanggo dahil sa kanya. Sa halip, sa tulong ng Dios, makibahagi ka sa mga paghihirap dahil sa Magandang Balita. Iniligtas at tinawag tayo ng Dios para maging kanya, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa layunin at biyaya na ibinigay sa atin ni Cristo Jesus bago pa nagsimula ang mundo. 10 Ngunit nahayag lang ito nang dumating si Cristo Jesus na ating Tagapagligtas. Tinanggalan niya ng kapangyarihan ang kamatayan at ipinahayag sa atin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Magandang Balita.

11 Pinili ako ng Dios na maging apostol at guro para ipahayag ang Magandang Balitang ito. 12 Ito ang dahilan kaya ako dumaranas ng mga paghihirap. Ngunit hindi ko ito ikinakahiya, dahil kilala ko kung sino ang sinasampalatayanan ko at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya.[a] 13 Ituro mo ang tamang aral na natutunan mo sa akin, nang may pananampalataya at pag-ibig dahil ito ang karapat-dapat gawin ng mga nakay Cristo Jesus. 14 Sa tulong ng Banal na Espiritu na nasa atin, ingatan mo ang tamang aral na ipinagkatiwala ko sa iyo.

15 Alam mong tinalikuran ako ng halos lahat ng mga kapatid sa probinsya ng Asia, pati na sina Figelus at Hermogenes. 16 Kaawaan sana ng Dios si Onesiforus at ang pamilya niya, dahil lagi niya akong tinutulungan,[b] at hindi niya ako ikinahiya kahit na akoʼy isang bilanggo. 17 Sa katunayan, nang dumating siya sa Roma, sinikap niya akong hanapin hanggang sa matagpuan niya ako. 18 At alam na alam mo kung paano niya ako tinulungan noong nasa Efeso ako. Kaawaan sana siya ng Panginoon sa Araw ng Paghuhukom.

Footnotes

  1. 1:12 ipinagkatiwala ko sa kanya: o, ipinagkatiwala niya sa akin.
  2. 1:16 tinutulungan: o, inaaliw.

Pagbati

Mula kay Pablo, apostol ni Cristo Jesus, sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos ayon sa pangako ng buhay na matatagpuan kay Cristo Jesus, Kay (A) Timoteo na minamahal kong anak: Sumaiyo ang biyaya, habag, at kapayapaan mula sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

Katapatan sa Ebanghelyo

Nagpapasalamat ako sa Diyos, na pinaglingkuran ko nang may malinis na budhi gaya ng ginawa ng aking mga ninuno, tuwing inaalala kita sa aking mga panalangin araw at gabi. Naaalala ko ang iyong mga pagluha, kaya sabik na sabik na akong makita ka, upang malubos ang aking kagalakan. Naaalala (B) ko ang iyong tapat na pananampalataya, na unang tinaglay ng iyong Lola Loida at ng iyong inang si Eunice. Natitiyak kong nasa iyo rin ang pananampalatayang ito. Dahil dito, ipinaaalala ko sa iyo na lalo mong pag-alabin ang kaloob na ibinigay sa iyo ng Diyos nang ipatong ko sa iyo ang aking mga kamay. Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili. Kaya't huwag mong ikahiya ang pagpapatotoo tungkol sa ating Panginoon, at huwag mo rin akong ikahiya na kanyang bilanggo. Sa halip, makiisa ka sa aking paghihirap alang-alang sa ebanghelyo. Magagawa ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Siya ang nagligtas at tumawag sa atin tungo sa banal na pamumuhay. Ginawa niya ito, hindi dahil sa anumang nagawa natin kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob na ibinigay niya sa atin kay Cristo Jesus bago pa nagsimula ang panahon. 10 Nahayag na ito ngayon nang dumating si Cristo Jesus na ating Tagapagligtas. Ginapi niya ang kamatayan at ang liwanag ng buhay na walang kamatayan sa pamamagitan ng ebanghelyo. 11 Dahil (C) sa ebanghelyong ito, ako'y itinalagang tagapangaral, apostol at guro.[a] 12 Ito rin ang dahilan ng aking mga pagdurusa. Ngunit hindi ako nahihiya, sapagkat kilala ko ang aking sinasampalatayanan, at ako'y nagtitiwalang maiingatan niya hanggang sa araw na iyon ang aking ipinagkatiwala sa kanya.[b] 13 Gawin mong halimbawa ang mga aral na narinig mo sa akin, at magpatuloy ka sa pamumuhay sa pananampalataya at pag-ibig na bunga ng ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 14 Ingatan mo ang mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo sa tulong ng Banal na Espiritung nananahan sa atin.

15 Alam mong iniwan ako ng lahat ng nasa Asia, kabilang sa kanila sina Figello at Hermogenes. 16 Pagpalain nawa ng Panginoon ang sambahayan ni Onesiforo, sapagkat maraming pagkakataong dinamayan niya ako, at hindi niya ako ikinahiya kahit na ako'y isang bilanggo. 17 Noong siya'y dumating sa Roma, pilit niya akong hinanap hanggang matagpuan niya ako. 18 Kahabagan nawa siya ng Panginoon sa araw na iyon. Alam mo naman kung paano niya ako pinaglingkuran sa Efeso.

Footnotes

  1. 2 Timoteo 1:11 Sa ibang mga kasulatan ay may karugtong na ng mga Hentil.
  2. 2 Timoteo 1:12 aking ipinagkatiwala sa kanya o ipinagkatiwala sa akin.

Chapter 1

Salutation[a]

Address. Paul, an apostle of Christ Jesus by the will of God, whose promise of life is fulfilled in Christ Jesus, to Timothy, my beloved child: grace, mercy, and peace from God the Father and Christ Jesus our Lord.

Thanksgiving and Prayer. I am grateful to God—whom I worship with a clean conscience as did my ancestors—when I remember you constantly in my prayers night and day. As I recall your tears,[b] I long to see you again so that my joy may be complete. I also remember your sincere faith, a faith that first came to life in your grandmother Lois and in your mother Eunice, and that I am convinced also dwells in you.[c]

The Endurance of a Man of God[d]

Revive the Gift of God. For this reason, I remind you to stir up the gift of God that is within you through the laying on of my hands.[e] For God did not give us a spirit of timidity but rather a spirit of power and of love and of wisdom. Therefore, you should never be ashamed of bearing witness to our Lord, nor of me because I am imprisoned for his sake. Rather, you should utilize the strength that comes from God to share in my hardships for the sake of the gospel.

God saved us and called us to a life of holiness, not because of our works but according to his own purpose and the grace that has been bestowed upon us in Christ Jesus from all eternity.[f] 10 That grace has now been revealed by the appearance[g] of our Savior Jesus Christ. He has abolished death and brought life and immortality to light through the gospel, 11 for which I have been appointed a herald and an apostle and a teacher.[h]

12 Guard the Treasure Entrusted to Us. That is the reason why I am undergoing my present sufferings. However, I am not ashamed, for I know the one in whom I have placed my trust, and I am confident that he is able to guard until that Day[i] what he has entrusted to me. 13 Follow the pattern of sound teaching that you heard from me, with faith and love that are in Christ Jesus. 14 With the help of the Holy Spirit who dwells in us, guard the treasure that has been entrusted to us.

15 Comfort Those in Suffering. As you are well aware, everyone in Asia has deserted me, including Phygelus and Hermogenes.[j] 16 May the Lord be merciful to the household of Onesiphorus,[k] because he has often been a comfort to me in my troubles, and he has never been ashamed of my chains. 17 When he arrived in Rome, he concentrated on searching for me until he found me. 18 May the Lord grant that he will find mercy from the Lord[l] on that Day. He also helped me in many ways at Ephesus, as you are well aware.

Footnotes

  1. 2 Timothy 1:1 Paul begins his Letter with a salutation that is similar to the one found in 1 Timothy, adding to it the words “whose promise of life is fulfilled in Christ Jesus.” He calls Timothy his “beloved child,” and the actual greeting is the same as that of 1 Timothy, showing that everything we have comes to us from God through Christ. As in most of his Letters (the exceptions are Gal, 1 Tim, and Tit), Paul then follows his salutation with a section thanking God for the recipients of the Letter. He focuses on his relationship with Timothy and his confidence in Timothy’s faith.
  2. 2 Timothy 1:4 Your tears: those shed by Timothy when Paul was leaving Ephesus (see 1 Tim 1:3).
  3. 2 Timothy 1:5 According to Acts 16:1, Timothy’s mother (Eunice) was a Jewish Christian while his father was a Greek and apparently an unbeliever. Here we learn that his grandmother (Lois) was also a Christian.
  4. 2 Timothy 1:6 Paul warns that self-interest and discouragement must not get the best of the apostle’s ardor and determination. Rather, he must rely upon the graces that were given him when he received the ministry and was gripped by the Spirit at his missionary sending forth (see 1 Tim 4:14). He must once again place himself at the service of the Gospel, which is the announcement of the coming of Christ and the salvation that he gives. There is no missionary life without spiritual renewal.


    The last seven verses go on to give examples of men of God who have endured: Paul and Onesiphorus.

  5. 2 Timothy 1:6 Laying on of . . . hands: see note on 1 Tim 4:14.
  6. 2 Timothy 1:9 Paul insists that redemption from sin and the call to holiness are freely given to human beings in accord with God’s plan (see Eph 1:4).
  7. 2 Timothy 1:10 Appearance: the reference here is to the Incarnation.
  8. 2 Timothy 1:11 Teacher: most manuscripts read: “teacher of the nations,” which scholars regard as a gloss based on 1 Tim 2:7.
  9. 2 Timothy 1:12 That Day: the day of judgment and crowning. What he has entrusted to me: i.e., the deposit of faith (see 1 Tim 6:20). Another possible translation is: “what I have entrusted to him,” i.e., the fruits of his ministry.
  10. 2 Timothy 1:15 Paul is deeply disappointed that he has been deserted by Christians from Asia, including two upon whom he was counting—Phygelus and Hermogenes. Some scholars believe that Phygelus was the leader of lapsed Christians in Rome (see Phil 1:15f).
  11. 2 Timothy 1:16 Onesiphorus: a helper of Paul—probably during his first Roman imprisonment (see v. 8)—whose household was in Ephesus and who is not mentioned elsewhere (see 2 Tim 4:19).
  12. 2 Timothy 1:18 Lord . . . Lord: the first “Lord” doubtless refers to Christ and the second to the Father.

Paul, an apostle(A) of Christ Jesus by the will of God,(B) in keeping with the promise of life that is in Christ Jesus,(C)

To Timothy,(D) my dear son:(E)

Grace, mercy and peace from God the Father and Christ Jesus our Lord.(F)

Thanksgiving

I thank God,(G) whom I serve, as my ancestors did, with a clear conscience,(H) as night and day I constantly remember you in my prayers.(I) Recalling your tears,(J) I long to see you,(K) so that I may be filled with joy. I am reminded of your sincere faith,(L) which first lived in your grandmother Lois and in your mother Eunice(M) and, I am persuaded, now lives in you also.

Appeal for Loyalty to Paul and the Gospel

For this reason I remind you to fan into flame the gift of God, which is in you through the laying on of my hands.(N) For the Spirit God gave us does not make us timid,(O) but gives us power,(P) love and self-discipline. So do not be ashamed(Q) of the testimony about our Lord or of me his prisoner.(R) Rather, join with me in suffering for the gospel,(S) by the power of God. He has saved(T) us and called(U) us to a holy life—not because of anything we have done(V) but because of his own purpose and grace. This grace was given us in Christ Jesus before the beginning of time, 10 but it has now been revealed(W) through the appearing of our Savior, Christ Jesus,(X) who has destroyed death(Y) and has brought life and immortality to light through the gospel. 11 And of this gospel(Z) I was appointed(AA) a herald and an apostle and a teacher.(AB) 12 That is why I am suffering as I am. Yet this is no cause for shame,(AC) because I know whom I have believed, and am convinced that he is able to guard(AD) what I have entrusted to him until that day.(AE)

13 What you heard from me,(AF) keep(AG) as the pattern(AH) of sound teaching,(AI) with faith and love in Christ Jesus.(AJ) 14 Guard(AK) the good deposit that was entrusted to you—guard it with the help of the Holy Spirit who lives in us.(AL)

Examples of Disloyalty and Loyalty

15 You know that everyone in the province of Asia(AM) has deserted me,(AN) including Phygelus and Hermogenes.

16 May the Lord show mercy to the household of Onesiphorus,(AO) because he often refreshed me and was not ashamed(AP) of my chains.(AQ) 17 On the contrary, when he was in Rome, he searched hard for me until he found me. 18 May the Lord grant that he will find mercy from the Lord on that day!(AR) You know very well in how many ways he helped me(AS) in Ephesus.(AT)