Add parallel Print Page Options

Ang mga Habilin ni David kay Solomon

Nang malapit nang mamatay si David, naghabilin siya kay Solomon na kanyang anak ng ganito: “Malapit na akong mamatay, kaya magpakatatag ka at magpakatapang, at sundin ang mga iniuutos ng Panginoon na iyong Dios. Sumunod ka sa kanyang mga pamamaraan, mga tuntunin at mga utos na nakasulat sa Kautusan ni Moises para magtagumpay ka sa lahat ng gagawin mo, saan ka man magpunta. Kung gagawin mo ito, tutuparin ng Panginoon ang pangako niya sa akin, na kung ang aking mga lahi ay mamumuhay nang tama at buong buhay na susunod sa kanya nang may katapatan, laging sa kanila magmumula ang maghahari sa Israel.

“Ito pa ang bilin ko sa iyo: Nalaman mo kung ano ang ginawa sa akin ni Joab na anak ni Zeruya. Pinatay niya ang dalawang kumander ng mga sundalo ng Israel na si Abner na anak ni Ner at si Amasa na anak ni Jeter. Pinatay niya sila na parang mga kaaway, pero ginawa niya iyon sa panahon na walang labanan. Siya ang may pananagutan sa pagkamatay nila.[a] Kaya gawin mo ang naiisip mong mabuting gawin sa kanya, pero huwag mong hayaan na payapa siyang mamatay sa katandaan.

“Ngunit maging mabuti ka sa mga anak ni Barzilai na taga-Gilead at pakainin silang kasama mo, dahil tinulungan nila ako nang tumakas ako sa kapatid mong si Absalom.

“Tandaan mo si Shimei na anak ni Gera, na taga-Bahurim at mula sa lahi ni Benjamin. Isinumpa niya ako ng matindi nang pumunta ako sa Mahanaim. Pero nang magkita kami sa Ilog ng Jordan, nakipagkasundo ako sa kanya sa pangalan ng Panginoon na hindi ko siya papatayin. Pero ngayon, ikaw ang hahatol sa kanya. Matalino ka, at alam mo kung ano ang dapat gawin. Kahit matanda na siya, ipapatay mo siya.”

10 Pagkatapos, namatay si David at inilibing sa kanyang lungsod.[b] 11 Naghari siya sa buong Israel sa loob ng 40 taon – pitong taon sa Hebron at 33 taon sa Jerusalem. 12 Si Solomon ang pumalit sa ama niyang si David bilang hari, at tunay na matatag ang kaharian niya.

Namatay si Adonia

13 Ngayon, si Adonia na anak ni Hagit ay pumunta kay Batsheba na ina ni Solomon. Nagtanong si Batsheba sa kanya, “Mabuti ba ang pakay mo sa pagpunta rito?” Sumagot si Adonia, “Mabuti po. 14 May hihilingin lang ako sa inyo.” Nagtanong si Batsheba, “Ano ba ang hihilingin mo?” 15 Sumagot si Adonia, “Nalalaman ninyo na ako na sana ang naging hari, at hinihintay ito ng buong Israel. Pero iba ang nangyari; ang kapatid ko ang siyang naging hari, dahil iyan ang gusto ng Panginoon. 16 Ngayon, may hihilingin ako sa inyo. At kung maaari, huwag nʼyo akong biguin.” Nagtanong si Batsheba, “Ano ba iyon?” 17 Sumagot si Adonia, “Kung maaari ay hilingin nʼyo kay Haring Solomon na mapangasawa ko si Abishag na taga-Shunem. Alam kong hindi siya tatanggi sa inyo.” 18 Sumagot si Batsheba, “Sige, sasabihin ko sa hari.”

19 Kaya pumunta si Batsheba kay Haring Solomon para sabihin sa kanya ang tungkol sa kahilingan ni Adonia. Pagkakita ni Solomon sa kanya, tumayo si Solomon mula sa kanyang trono para salubungin siya, at agad siyang yumukod sa kanyang ina bilang paggalang. Pagkatapos, muli siyang naupo sa kanyang trono. Nagpakuha siya ng upuan at ipinalagay sa kanan niya at doon pinaupo ang kanyang ina. 20 Sinabi ni Batsheba, “Mayroon akong maliit na kahilingan sa iyo. Huwag mo sana akong tatanggihan.” Sumagot ang hari, “Ano po ang hihilingin ninyo? Hindi ko kayo bibiguin.” 21 Sinabi ni Batsheba, “Hayaan mong mapangasawa ng iyong kapatid na si Adonia si Abishag na taga-Shunem.”

22 Nagtanong si Haring Solomon, “Bakit hinihiling ninyo na mapangasawa ni Adonia si Abishag? Baka hilingin nʼyo rin na ibigay ko sa kanya ang kaharian ko dahil mas matanda siya sa akin at kakampi niya ang paring si Abiatar at si Joab na anak ni Zeruya!” 23 Pagkatapos, sumumpa si Haring Solomon sa pangalan ng Panginoon, “Parusahan sana ako ng Dios kung hindi ko mapatay si Adonia dahil sa kahilingan niya. 24 Ang Panginoon ang siyang nagluklok sa akin sa trono ng aking amang si David. Tinupad niya ang kanyang pangako na ibibigay niya ang kaharian sa akin at sa aking mga angkan. Kaya sumusumpa ako sa buhay na Panginoon na mamamatay si Adonia sa araw na ito!” 25 Kaya iniutos ni Haring Solomon kay Benaya, na anak ni Jehoyada, na patayin si Adonia, at pinatay nga niya ito.

26 Pagkatapos, sinabi ni Haring Solomon kay Abiatar na pari, “Umuwi ka sa iyong bukirin sa Anatot. Dapat kang patayin pero hindi kita papatayin ngayon dahil katiwala ka ng Kahon ng Panginoong Dios noong kasama ka pa ng aking amang si David, at nakihati ka sa kanyang mga pagtitiis.” 27 Kaya tinanggal ni Solomon si Abiatar sa kanyang tungkulin bilang pari ng Panginoon. At natupad ang sinasabi ng Panginoon doon sa Shilo tungkol sa pamilya ni Eli.

Namatay si Joab

28 Hindi tumulong si Joab kay Absalom na maging hari, pero tumulong siya kay Adonia. Kaya nang mabalitaan niya ang pagkamatay ni Adonia, tumakas siya papunta sa tolda ng Panginoon at humawak sa parang mga sungay na bahagi ng altar.[c] 29 Nang mabalitaan ni Haring Solomon na tumakas si Joab papunta sa tolda ng Panginoon at lumapit sa altar, inutusan niya si Benaya na patayin si Joab. 30 Kaya pumunta si Benaya sa tolda ng Panginoon at sinabihan si Joab, “Lumabas ka, sabi ng hari!” Pero sumagot si Joab, “Hindi ako lalabas; dito ako mamamatay!” Bumalik si Benaya sa hari at sinabi ang sagot ni Joab. 31-32 Sinabi ni Solomon kay Benaya, “Gawin mo ang sinabi niya. Doon siya patayin sa tolda at ilibing, para ako at ang pamilya ng aking ama ay hindi managot sa pagpatay niya kay Abner na anak ni Ner, na kumander ng mga sundalo ng Israel, at kay Amasa na kumander ng mga sundalo ng Juda. Pinatay niya ang mga taong inosente nang hindi nalalaman ng aking ama. Mas matuwid at mabuti ang mga taong ito kaysa sa kanya. Ngayon, gagantihan siya ng Panginoon sa ginawa niya sa kanila. 33 Siya at ang angkan niya ang mananagot magpakailanman sa pagkamatay ng mga taong ito. Pero si David at ang angkan niyaʼt kaharian ay bibigyan ng mabuting kalagayan magpakailanman.”

34 Kaya pinuntahan ni Benaya si Joab at pinatay. Inilibing siya malapit sa bahay[d] niya sa ilang. 35 Pagkatapos, ipinalit ng hari si Benaya kay Joab bilang kumander ng mga sundalo at ang ipinalit niya kay Abiatar ay ang paring si Zadok.

Ang Pagkamatay ni Shimei

36 Ipinatawag ng hari si Shimei at sinabi sa kanya, “Magpatayo ka ng sarili mong bahay sa Jerusalem at doon ka tumira. Huwag kang umalis sa lungsod at pumunta sa ibang lugar. 37 Sa oras na umalis ka at tumawid sa Lambak ng Kidron, tiyak na mamamatay ka. At kapag nangyari ito, ikaw na ang may pananagutan nito.” 38 Sumagot si Shimei, “Mabuti po ang sinabi nʼyo, susundin ko ito!” Kaya tumira si Shimei sa Jerusalem nang matagal na panahon. 39 Pero pagkalipas ng tatlong taon, lumayas ang dalawa sa mga alipin ni Shimei, at pumunta sa hari ng Gat na si Akish, na anak ni Maaca. Nang mabalitaan ito ni Shimei, 40 nilagyan niya agad ng upuan ang kanyang asno at sumakay, pumunta siya kay Akish sa Gat para hanapin ang dalawang alipin niya. Nakita niya sila at isinama pauwi.

41 Nang mabalitaan ni Solomon na umalis si Shimei sa Jerusalem at pumunta sa Gat at nakabalik na, 42 ipinatawag niya ito at sinabihan, “Hindi baʼt pinasumpa kita sa pangalan ng Panginoon at binalaan na sa oras na umalis ka sa Jerusalem at pumunta sa ibang lugar ay tiyak na mamamatay ka? At hindi ba sinabi mo na mabuti ang sinabi ko at susundin mo ito? 43 Ngayon, bakit hindi mo sinunod ang ipinangako mo sa Panginoon? Bakit hindi mo tinupad ang mga iniutos ko sa iyo?”

44 Sinabi pa ng hari sa kanya, “Tiyak na naaalala mo ang lahat ng kasamaan na ginawa mo sa aking amang si David. Ngayon, gagantihan ka ng Panginoon sa masamang ginawa mo. 45 Pero pagpapalain ako ng Panginoon, at ang kaharian ng aking ama na si David ay magpapatuloy sa kanyang mga angkan magpakailanman.”

46 Pagkatapos, inutusan ng hari si Benaya na patayin si Shimei. Kaya dinala ni Benaya si Shimei sa labas at pinatay.

Mas lalong tumatag ang kaharian sa ilalim ng pamamahala ni Solomon.

Footnotes

  1. 2:5 Siya ang may pananagutan sa pagkamatay nila: sa literal, Dinungisan niya ang kanyang sinturon at panyapak ng dugo sa labanan.
  2. 2:10 kanyang lungsod: sa Hebreo, Lungsod ni David.
  3. 2:28 Ang kahit sinong hahawak sa parang mga sungay na bahagi ng altar ay hindi papatayin.
  4. 2:34 malapit sa bahay: o, sa libingan.

Ang bilin ni David kay Salomon.

Ang mga araw nga ni David na ikamamatay ay nalalapit; at kaniyang ibinilin kay Salomon na kaniyang anak, na sinasabi,

Ako'y yumayaon ng lakad ng buong lupa; (A)ikaw ay magpakalakas nga at magpakalalake;

At iyong ingatan ang bilin ng Panginoon mong Dios, na lumakad sa kaniyang mga daan, na ingatan ang kaniyang mga palatuntunan, ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga kahatulan, at ang kaniyang mga patotoo, ayon sa nasusulat sa kautusan ni Moises, upang ikaw ay guminhawa sa lahat ng iyong ginagawa, at saan ka man pumihit:

Upang papagtibayin ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita tungkol sa akin, (B)na sinasabi, Kung ang iyong mga anak ay magsisipagingat sa kanilang lakad, (C)na lalakad sa harap ko sa katotohanan (D)ng kanilang buong puso at ng kanilang buong kaluluwa, (E)hindi ka kukulangin (sabi niya) ng lalake sa luklukan ng Israel.

Bukod dito'y talastas mo naman ang ginawa ni Joab na (F)anak ni Sarvia sa akin, sa makatuwid baga'y ang ginawa niya sa dalawang puno ng mga hukbo ng Israel, kay Abner na (G)anak ni Ner, at kay Amasa na (H)anak ni Jether na kaniyang pinatay, at ibinubo sa kapayapaan ang dugo ng pakikidigma at nabubo ang dugo ng pakikidigma sa kaniyang bigkis na nasa kaniyang mga balakang, at sa loob ng kaniyang mga pangyapak na nasa kaniyang mga paa.

Gumawa ka nga ng ayon sa iyong karunungan, at huwag mong tulutang ang kaniyang uban sa ulo ay bumabang payapa sa Sheol.

Nguni't pagpakitaan mo ng kagandahang loob ang mga anak ni Barzillai na (I)Galaadita, at maging kabilang sa nagsisikain sa iyong dulang; (J)sapagka't gayon sila nagsilapit sa akin nang ako'y tumakas kay Absalom na iyong kapatid.

At, narito, nasa iyo si Semei na (K)anak ni Gera na Benjamita, na taga Bahurim, na siyang sumumpa sa akin ng mahigpit na sumpa nang araw na ako'y pumaroon sa Mahanaim: nguni't (L)nilusong niyang sinalubong ako sa Jordan, at isinumpa ko sa kaniya ang Panginoon, na sinasabi, Hindi kita papatayin ng tabak.

(M)Ngayon nga'y huwag mong ariing walang sala, sapagka't ikaw ay lalaking pantas: at iyong maaalaman ang dapat gawin sa kaniya, at iyong ilusong na may dugo ang kaniyang uban sa ulo sa Sheol.

Kamatayan ni David.

10 (N)At si David ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa (O)bayan ni David.

11 At ang mga araw na ipinaghari ni David sa Israel ay apat na pung taon: (P)pitong taong naghari siya sa Hebron, at tatlong pu't tatlong taong naghari siya sa Jerusalem.

12 At si Salomon ay naupo sa luklukan ni David na kaniyang ama: (Q)at ang kaniyang kaharian ay natatag na mainam.

Hiniling ni Adonia na maging asawa si Abisag.

13 Nang magkagayo'y si Adonia na anak ni Hagith ay naparoon kay Bath-sheba na ina ni Salomon. At kaniyang sinabi, Naparirito ka bang payapa? (R)At sinabi niya, Payapa.

14 Kaniyang sinabi bukod dito: Mayroon pa akong sasabihin sa iyo. At sinabi niya, Sabihin mo.

15 At kaniyang sinabi, Talastas mo na ang kaharian ay naging akin, at itinitig ng buong Israel ang kanilang mukha sa akin, upang ako'y maghari: gayon ma'y ang kaharian ay nagbago, at napasa aking kapatid: sapagka't kaniya (S)sa ganang Panginoon.

16 At ngayo'y hihingi ako ng isang hiling sa iyo, huwag mo akong pahindian. At sinabi niya sa kaniya, Sabihin mo.

17 At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo na iyong salitain kay Salomon na hari, (sapagka't hindi siya pahihindi sa iyo,) na ibigay niyang asawa sa akin si Abisag na (T)Sunamita.

18 At sinabi ni Bath-sheba, Mabuti; aking ipakikiusap ka sa hari.

Si Adonia ay pinatay.

19 Si Bath-sheba nga'y naparoon sa haring Salomon, upang ipakiusap sa kaniya si Adonia. At tumindig ang hari na sinalubong siya, at yumukod siya sa kaniya, at umupo sa kaniyang luklukan, at nagpalagay ng luklukan para sa ina ng hari; at siya'y naupo sa kaniyang (U)kanan.

20 Nang magkagayo'y sinabi niya, Ako'y humihingi ng isang munting hiling sa iyo: huwag mo akong pahindian. At sinabi ng hari sa kaniya, Hilingin mo, ina ko: sapagka't hindi kita pahihindian.

21 At sinabi niya, Ibigay mong asawa si Abisag na Sunamita sa iyong kapatid na kay Adonia.

22 At ang haring Salomon ay sumagot, at nagsabi sa kaniyang ina, At bakit mo hinihiling si Abisag na Sunamita para kay Adonia? hilingin mo para sa kaniya pati ng kaharian; (V)sapagka't siya'y aking matandang kapatid; oo, para sa kaniya, at kay Abiathar na saserdote, at kay (W)Joab na anak ni Sarvia.

23 Nang magkagayo'y isinumpa ng haring Salomon ang Panginoon, na sinasabi, Hatulan ako ng Dios, at (X)lalo na kung si Adonia ay hindi nagsalita ng salitang ito laban sa kaniyang sariling buhay.

24 Ngayon nga'y buhay ang Panginoon, na nagtatag sa akin, at naglagay sa akin sa luklukan ni David na aking ama, at siyang gumawa sa akin ng isang bahay, gaya ng kaniyang ipinangako, tunay (Y)na si Adonia ay (Z)papatayin sa araw na ito.

25 At nagsugo ang haring Salomon sa pamamagitan ng kamay ni (AA)Benaia na anak ni Joiada; at siyang dumaluhong sa kaniya, na anopa't siya'y namatay.

26 At kay Abiathar na saserdote ay sinabi ng hari, Umuwi ka sa Anathoth, (AB)sa iyong sariling mga bukid; sapagka't ikaw ay karapatdapat sa kamatayan: nguni't sa panahong ito'y hindi kita papatayin, sapagka't iyong dinala ang kaban ng Panginoong Dios sa harap ni David na aking ama, (AC)at sapagka't ikaw ay napighati sa lahat ng (AD)kinapighatian ng aking ama.

27 Sa gayo'y inalis ni Salomon si Abiathar sa pagkasaserdote sa Panginoon upang kaniyang tuparin ang salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita tungkol sa sangbahayan ni (AE)Eli, sa Silo.

Pinatay si Joab.

28 At ang mga balita ay dumating kay Joab: sapagka't si Joab ay (AF)umanib kay Adonia, (AG)bagaman hindi siya umanib kay Absalom. At si Joab ay (AH)tumakas na napatungo sa Tolda ng Panginoon, at pumigil sa mga anyong sungay (AI)ng dambana.

29 At nasaysay sa haring Salomon, Si Joab ay tumakas na napatungo sa Tolda ng Panginoon, at, narito, siya'y nasa siping ng dambana. Nang magkagayo'y sinugo niya si Benaia na anak ni Joiada, na sinasabi, Ikaw ay yumaon, daluhungin mo siya.

30 At si Benaia ay naparoon sa Tolda ng Panginoon, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng hari, Lumabas ka. At kaniyang sinabi, Hindi; kundi ako'y mamamatay rito, At dinala ni Benaia sa hari ang salita uli, na sinasabi, Ganito ang sinabi ni Joab, at ganito ang isinagot sa akin.

31 At sinabi ng hari sa kaniya, Gawin kung paano ang sinabi niya, at daluhungin mo siya, at ilibing mo siya; upang iyong maalis ang (AJ)dugo na ibinubo ni Joab ng walang kadahilanan (AK)sa akin at sa sangbahayan ng aking ama.

32 At ibabalik ng Panginoon ang kaniyang dugo sa kaniyang sariling ulo, sapagka't siya'y dumaluhong sa dalawang lalake, na lalong matuwid, at maigi kay sa kaniya, at mga pinatay ng tabak, at hindi nalalaman ng aking amang si David, sa makatuwid baga'y si Abner na anak ni Ner, na puno ng hukbo ng Israel, at si Amasa na (AL)anak ni Jether, na puno ng hukbo ng Juda.

33 Sa gayo'y ang kanilang dugo ay mababalik sa ulo ni Joab, at sa ulo ng kaniyang binhi magpakailan man: (AM)nguni't kay David, at (AN)sa kaniyang binhi, at sa kaniyang sangbahayan, sa kaniyang luklukan ay magkakaroon ng kapayapaan magpakailan man na mula sa Panginoon.

34 Nang magkagayo'y sinampa ni Benaia na anak ni Joiada, at dinaluhong siya, at pinatay siya; at siya'y inilibing (AO)sa kaniyang sariling bahay sa ilang.

35 At inilagay ng hari si Benaia na anak ni Joiada na kahalili niya sa hukbo: at si Sadoc na saserdote ay (AP)inilagay ng hari (AQ)na kahalili ni Abiathar.

Si Semei ay hindi na pinaalis sa Jerusalem.

36 At ang hari ay nagsugo at ipinatawag si Semei, at (AR)sinabi sa kaniya, Magtayo ka ng isang bahay sa Jerusalem, at tumahan ka roon, at huwag kang pumaroon saan man na mula roon.

37 Sapagka't sa araw na ikaw ay lumabas, at tumawid sa batis ng Cedron, (AS)talastasin mong mainam, na ikaw ay walang pagsalang mamamatay: ang iyong dugo ay sasa iyong sariling (AT)ulo.

38 At sinabi ni Semei sa hari, Ang sabi ay mabuti: kung paanong sinabi ng aking panginoong hari, gayon gagawin ng iyong lingkod. At si Semei ay tumahan sa Jerusalem na malaon.

39 At nangyari, sa katapusan ng tatlong taon, na dalawa sa mga alipin ni Semei ay tumanan na pumaroon kay Achis, na (AU)anak ni Maacha, hari sa (AV)Gath. At kanilang sinaysay kay Semei, na sinasabi, Narito, ang iyong mga alipin ay nasa Gath.

40 At tumindig si Semei, at siniyahan ang kaniyang asno, at napasa Gath kay Achis, upang hanapin ang kaniyang mga alipin: at si Semei ay yumaon at dinala ang kaniyang mga alipin mula sa Gath.

41 At nasaysay kay Salomon na si Semei ay naparoon sa Gath mula sa Jerusalem, at bumalik uli.

42 At ang hari ay nagsugo at ipinatawag si Semei, at nagsabi sa kaniya, Di ba ipinasumpa ko sa iyo ang Panginoon, at ipinatalastas kong totoo sa iyo, na aking sinasabi, Talastasin mong tunay na sa araw na ikaw ay lumabas, at yumaon saan man, ay walang pagsalang mamamatay ka? at iyong sinabi sa akin. Ang sabi na aking narinig ay mabuti.

43 Bakit nga hindi mo iningatan ang sumpa sa Panginoon, at ang utos na aking ibinilin sa iyo?

44 Sinabi pa ng hari kay Semei, Iyong talastas ang (AW)buong kasamaan na nalalaman ng iyong puso, na iyong ginawa kay David na aking ama: kaya't ibabalik (AX)ng Panginoon ang iyong kasamaan sa iyong sariling ulo.

45 Nguni't ang haring si Salomon ay magiging mapalad, at ang luklukan ni David ay magiging matatag sa harap ng Panginoon magpakailan man.

46 Sa gayo'y inutusan ng hari si Benaia na anak ni Joiada; at siya'y lumabas, at dumaluhong sa kaniya, na anopa't siya'y namatay. At ang kaharian ay matatag sa kamay ni Salomon,

'1 Mga Hari 2 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

David’s Command to Solomon

Then David’s [a](A)time to die drew near, so he commanded Solomon his son, saying, (B)I am going the way of all the earth. (C)So you shall be strong, and be a man. And you shall keep the responsibility given by Yahweh your God, to walk in His ways, to keep His statutes, His commandments, His judgments, and His testimonies, (D)according to what is written in the Law of Moses, that (E)you may be prosperous in all that you do and wherever you turn, so that (F)Yahweh may establish His promise which He spoke concerning me, saying, ‘(G)If your sons keep their way, (H)to walk before Me in [b]truth with all their heart and with all their soul, He said, [c](I)you shall not have a man cut off from the throne of Israel.’

“Now you also know what Joab the (J)son of Zeruiah did to me, what he did to the two commanders of the armies of Israel, to (K)Abner the son of Ner, and to (L)Amasa the son of Jether, whom he killed; he also [d]shed the blood of war in peace. And he put the blood of war on his belt [e]about his [f]waist, and on his sandals [g]on his feet. (M)So act according to your wisdom, and do not let his gray hair go down to Sheol in peace. But (N)show lovingkindness to the sons of Barzillai the Gileadite, and (O)let them be among those who eat at your table; (P)for they [h]assisted me when I fled from Absalom your brother. Behold, (Q)there is with you Shimei the son of Gera the Benjamite, of Bahurim; now it was he who cursed me with a [i]violent curse on the day I went to Mahanaim. But when (R)he came down to me at the Jordan, I swore to him by Yahweh, saying, ‘I will not put you to death with the sword.’ So now, do not let him go unpunished, (S)for you are a wise man; and you will know what you ought to do to him, and you will bring his gray hair down to Sheol with blood.”

The Death of David

10 Then (T)David slept with his fathers and was buried in (U)the city of David. 11 (V)And the [j]time which David reigned over Israel was forty years; in Hebron he reigned (W)seven years and in Jerusalem he reigned thirty-three years. 12 And (X)Solomon sat on the throne of David his father, and his kingdom was firmly established.

Adonijah’s Request

13 Then Adonijah the son of Haggith came to Bathsheba the mother of Solomon. And she said, “(Y)Do you come peacefully?” And he said, “Peacefully.” 14 Then he said, “I have something to say to you.” And she said, “Speak.” 15 So he said, “You know that (Z)the kingdom was mine and (AA)that all Israel [k]expected me to be king; (AB)however, the kingdom has turned about and become my brother’s, (AC)for it was his from Yahweh. 16 So now, I am making one request of you; do not [l]turn me away.” And she said to him, “Speak.” 17 Then he said, “Please speak to Solomon the king, for he will not [m]turn you away, that he may give me (AD)Abishag the Shunammite as a wife.” 18 And Bathsheba said, “Very well; I will speak to the king for you.”

Adonijah Put to Death

19 So Bathsheba went to King Solomon to speak to him for Adonijah. And the king arose to meet her, bowed before her, and sat on his throne; then he (AE)had a throne set for the king’s mother, and (AF)she sat on his right. 20 Then she said, “I am making one small request of you; (AG)do not turn [n]me away.” And the king said to her, “Ask, my mother, for I will not turn [o]you away.” 21 So she said, “(AH)Let Abishag the Shunammite be given to Adonijah your brother as a wife.” 22 Then King Solomon answered and said to his mother, “And why are you asking Abishag the Shunammite for Adonijah? (AI)Ask for him also the kingdom—(AJ)for he is my older brother—even for him, for (AK)Abiathar the priest, and for Joab the son of Zeruiah!” 23 Then King Solomon swore by Yahweh, saying, “May God do so to me and more also, if Adonijah has (AL)not spoken this word against his own [p]life. 24 So now, as Yahweh lives, who has established me and set me on the throne of David my father and (AM)who has made me a house as He promised, surely Adonijah shall be put to death today.” 25 So King Solomon (AN)sent Benaiah the son of Jehoiada; and he fell upon him so that he died.

26 Then to Abiathar the priest the king said, “(AO)Go to Anathoth to your own field, (AP)for you [q]deserve to die; but I will not put you to death at this time, because (AQ)you carried the ark of Lord Yahweh before my father David, and because (AR)you were afflicted in everything with which my father was afflicted.” 27 So Solomon drove Abiathar away from being priest to Yahweh, in order to fulfill (AS)the word of Yahweh, which He had spoken concerning the house of Eli in Shiloh.

Joab Put to Death

28 Now the news came to Joab, (AT)for Joab had followed Adonijah, (AU)although he had not followed Absalom. And Joab fled to the tent of Yahweh and (AV)took hold of the horns of the altar. 29 And it was told to King Solomon that Joab had fled to the tent of Yahweh, and behold, he is beside the altar. Then Solomon (AW)sent Benaiah the son of Jehoiada, saying, “(AX)Go, fall upon him.” 30 So Benaiah came to the tent of Yahweh and said to him, “Thus the king has said, ‘Come out.’” But he said, “No, for I will die here.” And Benaiah brought the king word again, saying, “Thus spoke Joab, and thus he answered me.” 31 And the king said to him, “(AY)Do as he has spoken and fall upon him and bury him, (AZ)that you may remove from me and from my father’s house the blood which Joab shed without cause. 32 (BA)And Yahweh will return his blood on his own head, (BB)because he fell upon two men more righteous and better than he and killed them with the sword, but my father David did not know it: (BC)Abner the son of Ner, commander of the army of Israel, and (BD)Amasa the son of Jether, commander of the army of Judah. 33 (BE)So shall their blood return on the head of Joab and on the head of his seed forever; but to David and his seed and his house and his throne, may there be peace from Yahweh forever.” 34 Then (BF)Benaiah the son of Jehoiada went up and fell upon him and put him to death, and he was buried at his own house (BG)in the wilderness. 35 (BH)And the king appointed Benaiah the son of Jehoiada over the army in his place, and the king appointed (BI)Zadok the priest (BJ)in the place of Abiathar.

Shimei Put to Death

36 Then the king sent and called for (BK)Shimei and said to him, “Build for yourself a house in Jerusalem and live there, and do not go out from there to any place. 37 Now it will be on the day you go out and (BL)cross over the [r]brook Kidron, that you will know for certain that you shall surely die; (BM)your blood shall be on your own head.” 38 Shimei then said to the king, “The word is good. As my lord the king has said, so your servant will do.” So Shimei lived in Jerusalem many days.

39 But it happened at the end of three years, that two of the slaves of Shimei ran away (BN)to Achish son of Maacah, king of Gath. And they told Shimei, saying, “Behold, your slaves are in Gath.” 40 Then Shimei arose and saddled his donkey, and went to Gath to Achish to search for his slaves. And Shimei went and brought his slaves from Gath. 41 And it was told to Solomon that Shimei had gone from Jerusalem to Gath, and had returned. 42 So the king sent and called for Shimei and said to him, “Did I not make you swear by Yahweh and solemnly warn you, saying, ‘You will know for certain that on the day you go out and go anywhere, you shall surely die’? And you said to me, ‘The word which I have heard is good.’ 43 Why then have you not kept the oath of Yahweh, and the command which I have commanded you?” 44 The king also said to Shimei, “(BO)You know all the evil which [s]you acknowledge in your heart, which you did to my father David; therefore (BP)Yahweh shall return your evil on your own head. 45 But King Solomon shall be blessed, and (BQ)the throne of David shall be established before Yahweh forever.” 46 (BR)So the king commanded Benaiah the son of Jehoiada, and he went out and fell upon him so that he died.

(BS)Thus the kingdom was established in the hands of Solomon.

Footnotes

  1. 1 Kings 2:1 Lit days
  2. 1 Kings 2:4 Or faithfulness
  3. 1 Kings 2:4 Lit there shall not be cast off to you a man from before Me
  4. 1 Kings 2:5 Lit made
  5. 1 Kings 2:5 Lit that was about
  6. 1 Kings 2:5 Lit loins
  7. 1 Kings 2:5 Lit that were on
  8. 1 Kings 2:7 Lit came near to
  9. 1 Kings 2:8 Or grievous
  10. 1 Kings 2:11 Lit days
  11. 1 Kings 2:15 Lit set their faces on me
  12. 1 Kings 2:16 Lit turn away my face
  13. 1 Kings 2:17 Lit turn away your face
  14. 1 Kings 2:20 Lit my face
  15. 1 Kings 2:20 Lit your face
  16. 1 Kings 2:23 Lit soul
  17. 1 Kings 2:26 Lit are a man of death
  18. 1 Kings 2:37 Or wadi
  19. 1 Kings 2:44 Lit your heart acknowledges