Add parallel Print Page Options

Mga Tagubilin tungkol sa Pag-aasawa

Tungkol naman sa mga bagay na isinulat ninyo: “Mabuti para sa isang lalaki na huwag gumalaw ng babae.” Subalit dahil sa laganap na pakikiapid, ang bawat lalaki ay dapat magkaroon ng sarili niyang asawa, at gayundin ang bawat babae. Dapat ibigay ng lalaki sa kanyang asawa ang karapatan nito bilang asawa, at gayundin ang babae sa kanyang asawa. Sapagkat hindi na ang babae ang nagpapasya tungkol sa kanyang katawan, kundi ang kanyang asawa, at hindi na rin ang lalaki ang nagpapasya tungkol sa kanyang sariling katawan, kundi ang kanyang asawa. Huwag ninyong ipagkait ang inyong mga sarili sa isa't isa, malibang may kasunduan kayo sa loob ng maikling panahon upang mailaan ang inyong mga sarili sa pananalangin. Pagkatapos nito ay magsiping kayong muli, upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa kakulangan ninyo ng pagpipigil sa sarili. Ngunit sinasabi ko ito bilang panukala at hindi bilang utos. Nais ko sanang ang lahat ay maging katulad ko. Subalit ang bawat isa'y may kanya-kanyang kaloob mula sa Diyos, ang isa'y ganito at ang iba naman ay ganoon.

Ngunit sinasabi ko sa mga walang asawa at sa mga babaing balo: mabuti para sa kanila kung sila'y mananatiling kagaya ko. Ngunit kung sila'y hindi makapagpigil, ay magsipag-asawa sila, sapagkat mas mabuti pang mag-asawa kaysa mag-apoy sa pagnanasa. 10 At sa mga may asawa ay nagtatagubilin ako, hindi ako, kundi ang Panginoon, na huwag hiwalayan ng babae ang kanyang asawa. 11 Ngunit kung siya'y humiwalay, manatili siyang walang asawa, kung hindi naman ay makipagkasundo siya sa kanyang asawa. At hindi dapat iwan ng lalaki ang kanyang asawa. 12 Ngunit sa iba ay ako mismo ang nagsasabi at hindi ang Panginoon, na kung sinumang kapatid na lalaki ay may asawang di-mananampalataya, at pumapayag itong mamuhay na kasama niya, huwag niya itong hiwalayan. 13 At kung ang babae ay may asawang di-mananampalataya, at pumapayag ang lalaking ito na mamuhay na kasama niya, huwag niyang hiwalayan ang kanyang asawa. 14 Sapagkat ang lalaking di-mananampalataya ay nagiging banal dahil sa kanyang asawa, at ang babaing di-mananampalataya ay nagiging banal dahil sa kanyang asawa. Kung hindi gayon, ang mga anak ninyo ay marurumi, ngunit ngayon sila'y mga banal. 15 Ngunit kung humiwalay ang di-mananampalataya, hayaan siyang humiwalay; ang kapatid na lalaki o ang kapatid na babae ay hindi dapat paalipin sa gayong kalagayan, sapagkat tayo ay tinawag ng Diyos tungo sa kapayapaan. 16 Hindi mo ba nalalaman, babae, na baka ikaw ang magliligtas sa iyong asawa? At hindi mo ba nalalaman, lalaki, na baka ikaw ang magliligtas sa iyong asawa?

Mamuhay ayon sa Pagkatawag ng Diyos

17 Hayaang mamuhay ang bawat isa ayon sa itinakda sa kanya ng Panginoon, at sa kalagayan niya noong tawagin siya ng Diyos. Ganito ang itinatagubilin ko sa lahat ng mga iglesya. 18 Natuli na ba ang sinuman nang siya'y tawagin? Huwag niyang alisin ang mga tanda ng pagtutuli. Hindi pa ba natuli ang sinuman nang siya'y tawagin? Huwag na siyang magpatuli. 19 Walang kabuluhan ang pagiging tuli o hindi tuli; ang mahalaga ay ang pagtupad sa mga utos ng Diyos. 20 Ang bawat isa ay hayaang manatili sa kalagayan nang siya ay tawagin. 21 Isa ka bang alipin nang ikaw ay tawagin? Wala kang dapat alalahanin. Subalit kung magagawa mong maging malaya ay gamitin mo ang pagkakataon. 22 Sapagkat ang tinawag na maging kaisa ng Panginoon nang siya'y alipin ay malaya sa Panginoon, at ang tinawag naman nang siya'y malaya ay alipin ni Cristo. 23 Mahal ang pagkabili sa inyo, kaya huwag kayong maging mga alipin ng mga tao. 24 Mga kapatid, hayaang manatili ang bawat isa sa kalagayan noong siya'y tawagin ng Diyos.

Sa mga Walang Asawa at mga Balo

25 At tungkol naman sa mga walang asawa[a] ay wala akong utos mula sa Panginoon, ngunit nagbibigay ako ng kuru-kuro bilang isang taong mapagkakatiwalaan dahil sa habag ng Panginoon. 26 Sa palagay ko, dahil sa kagipitang kinakaharap ngayon, makabubuti sa isang tao ang manatili sa kanyang kalagayan. 27 Nakatali ka ba sa asawang-babae? Huwag mong sikaping makalaya. Nakalaya ka ba mula sa asawa? Huwag kang nang humanap ng asawa. 28 Ngunit kung ikaw ay mag-aasawa, hindi ka nagkakasala, at kung ang isang dalaga ay mag-asawa, hindi siya nagkakasala. Subalit ang mga may asawa ay daranas ng kahirapan sa buhay[b] at iniiwas ko lamang kayo sa mga iyon. 29 Ang ibig kong sabihin, mga kapatid, ay maikli na ang panahon. Mula ngayon, ang mga may asawa ay mamuhay tulad sa walang asawa; 30 at ang mga umiiyak ay maging katulad ng mga hindi umiiyak, at ang mga natutuwa ay maging katulad ng mga hindi natutuwa; at ang mga bumibili ay maging katulad ng mga walang pag-aari, 31 at ang mga gumagamit ng mga bagay ng sanlibutan ay maging katulad ng mga hindi lubos na gumagamit nito. Sapagkat lumilipas ang anyo ng sanlibutang ito. 32 At nais kong mawalan kayo ng mga alalahanin. Ang lalaking walang asawa ay nag-aalala tungkol sa mga bagay ng Panginoon, kung paano niya mabibigyang-kasiyahan ang Panginoon. 33 Ngunit ang lalaking may asawa ay nag-aalala tungkol sa mga bagay ng sanlibutan, kung paano niya mabibigyang-kasiyahan ang kanyang asawa, 34 at nahahati ang kanyang pag-iisip. Ang babaing walang asawa at ang birhen ay nag-aalala tungkol sa mga bagay ng Panginoon, kung paano magiging banal sa katawan at sa espiritu, ngunit ang babaing may asawa ay nag-aalala tungkol sa mga bagay ng sanlibutan, kung paano niya bibigyang-kasiyahan ang kanyang asawa. 35 Sinasabi ko ito para sa inyong kapakanan, hindi upang paghigpitan kayo, kundi upang magkaroon kayo ng kaayusan at makapaglingkod sa Panginoon nang walang sagabal.

36 Ngunit kung iniisip ng sinuman na hindi tama ang kanyang inaasal sa kanyang dalaga[c] na nasa hustong gulang na, hayaang mangyari ang gusto niya, hayaan silang magpakasal—walang masama rito. 37 Subalit sinumang may matibay na paninindigan sa kanyang puso, at hindi nakakaramdam ng pangangailangan kundi napipigil niya ang kanyang sariling kagustuhan at nagpasya sa kanyang puso na panatilihin siya bilang kanyang dalaga, mabuti ang kanyang ginagawa. 38 Kaya't ang nagpapakasal sa kanyang kasintahan ay gumagawa ng mabuti at ang hindi naman nagpapakasal ay gumagawa ng mas mabuti.

39 Ang asawang babae ay nakatali habang nabubuhay ang kanyang asawa. Ngunit kung namayapa na ang kanyang asawa, malaya na siyang mag-asawa sa kanino mang nais niya, basta sa kapwa nasa Panginoon. 40 Ngunit sa aking palagay, mas maligaya siya kung mananatili siya sa kanyang kalagayan. Iniisip ko rin naman na taglay ko ang Espiritu ng Diyos.

Footnotes

  1. 1 Corinto 7:25 Sa Griyego, birhen.
  2. 1 Corinto 7:28 Sa Griyego, sa laman.
  3. 1 Corinto 7:36 ++ 36, 37 Sa Griyego, birhen.

At tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin: Mabuti sa lalake ay huwag humipo sa babae.

Datapuwa't, dahil sa mga pakikiapid, ang bawa't lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa, at bawa't babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa.

Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa.

Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa.

Huwag magpigil ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y mamalagi sa pananalangin, at muling kayo'y magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil.

Nguni't ito'y sinasabi ko na parang payo, hindi sa utos.

Kaya't ibig ko sana, na ang lahat ng tao ay maging gaya ko. Nguni't ang bawa't tao'y mayroong kanikaniyang kaloob na mula sa Dios, ang isa'y ayon sa paraang ito, at ang iba'y ayon sa paraan yaon.

Datapuwa't sinasabi ko sa mga walang asawa, at sa mga babaing bao, Mabuti sa kanila kung sila'y magsipanatiling gayon sa makatuwid baga'y gaya ko.

Nguni't kung sila'y hindi makapagpigil, ay magsipagasawa: sapagka't magaling ang magasawa kay sa mangagningas ang pita.

10 Datapuwa't sa mga may asawa ay aking ipinaguutos, Nguni't hindi ako, kundi ang Panginoon, na ang babae ay huwag humiwalay sa kaniyang asawa.

11 (Datapuwa't kung siya'y humiwalay, ay manatiling walang asawa, o kaya'y makipagkasundo sa kaniyang asawa); at huwag hiwalayan ng lalake ang kaniyang asawa.

12 Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya, at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan.

13 At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya, at kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa.

14 Sapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa, at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa: sa ibang paraa'y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan; nguni't ngayo'y mga banal.

15 Gayon ma'y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya, ay bayaan siyang humiwalay: ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay hindi natatali sa mga ganitong bagay: kundi sa kapayapaan kayo tinawag ng Dios.

16 Sapagka't paanong malalaman mo, Oh babae, kung maililigtas mo ang iyong asawa? o paanong malalaman mo, Oh lalake, kung maililigtas mo ang iyong asawa?

17 Ayon nga lamang sa ipinamahagi ng Panginoon sa bawa't isa, at ayon sa pagkatawag ng Dios sa bawa't isa, ay gayon siya lumakad. At gayon ang iniuutos ko sa lahat ng mga iglesia.

18 Tinawag baga ang sinomang taong tuli na? huwag siyang maging di tuli. Tinawag baga ang sinomang di tuli? huwag siyang maging tuli.

19 Ang pagtutuli ay walang anoman, at ang di pagtutuli ay walang anoman; kundi ang pagtupad sa mga utos ng Dios.

20 Bayaang ang bawa't isa'y manatili doon sa pagkatawag na itinawag sa kaniya.

21 Ikaw baga'y alipin ng ikaw ay tinawag? huwag kang magalaala: kung maaaring ikaw ay maging malaya, ay pagsikapan mo ng maging laya.

22 Sapagka't ang tinawag sa Panginoon nang siya'y alipin, ay malaya sa Panginoon: gayon din naman ang tinawag nang siya'y malaya, ay alipin ni Cristo.

23 Sa halaga kayo'y binili; huwag kayong maging mga alipin ng mga tao.

24 Mga kapatid, bayaang ang bawa't isa'y manatili sa Dios sa kalagayang itinawag sa kaniya.

25 Ngayon, tungkol sa mga dalaga ay wala akong utos ng Panginoon: nguni't ibinibigay ko ang aking pasiya, na tulad sa nagkamit ng habag ng Panginoon upang mapagkatiwalaan.

26 Inaakala ko ngang mabuti ito dahil sa kasalukuyang kahapisan, sa makatuwid baga'y mabuti ngang ang tao'y manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan.

27 Natatali ka ba sa asawa? huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag. Ikaw baga'y kalag sa asawa? huwag kang humanap ng asawa.

28 Nguni't kung ikaw ay magasawa, ay hindi ka nagkakasala; at kung ang isang dalaga ay magasawa, ay hindi siya nagkakasala. Datapuwa't ang mga gayon ay magkakaroon ng kahirapan sa laman: at ibig ko sanang kayo'y iligtas.

29 Nguni't sinasabi ko ito, mga kapatid, ang panahon ay pinaikli, upang mula ngayon ang mga lalaking may asawa ay maging mga tulad sa wala;

30 At ang mga nagsisiiyak, ay maging tulad sa mga hindi nagsisiiyak; at ang nangagagalak, ay maging tulad sa hindi nangagagalak; at ang mga nagsisibili, ay maging tulad sa mga walang inaari;

31 At ang mga nagsisigamit ng sanglibutan, ay maging tulad sa hindi nangagpapakalabis ng paggamit: sapagka't ang kaasalan ng sanglibutang ito ay lumilipas.

32 Datapuwa't ang ibig ko ay mawalan kayo ng kabalisahan. Ang walang asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, kung paanong makalulugod sa Panginoon:

33 Nguni't ang may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan, kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa,

34 At nagkakabahagi ang isipan. Gayon din naman ang babaing walang asawa at ang dalaga, ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, upang siya'y maging banal sa katawan at sa espiritu man; nguni't ang babaing may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan, kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa.

35 At ito'y sinasabi ko sa inyong sariling kapakinabangan; hindi upang alisin ko ang inyong kalayaan, kundi dahil sa bagay na nararapat, at upang kayo'y makapaglingkod sa Panginoon nang walang abala.

36 Nguni't kung iniisip ng sinomang lalake na hindi siya gumagawa ng marapat sa kaniyang anak na dalaga, kung ito'y sumapit na sa kaniyang katamtamang gulang, at kung kailangan ay sundin niya ang kaniyang maibigan, hindi siya nagkakasala; bayaang mangagasawa sila.

37 Subali't ang nananatiling matibay sa kaniyang puso, na walang kailangan, kundi may kapangyarihan tungkol sa kaniyang sariling kalooban, at pinasiyahan sa kaniyang sariling puso na ingatan ang kaniyang sariling anak na dalaga, ay mabuti ang gagawin.

38 Kaya nga ang nagpapahintulot sa kaniyang anak na dalaga na magasawa ay gumagawa ng mabuti; at ang hindi nagpapahintulot na siya'y magasawa ay gumagawa ng lalong mabuti.

39 Ang babaing may asawa ay natatalian samantalang nabubuhay ang kaniyang asawa; nguni't kung patay na ang kaniyang asawa, ay may kalayaan siyang makapagasawa sa kanino mang ibig niya; sa kalooban lamang ng Panginoon.

40 Nguni't lalong maligaya siya kung manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan, ayon sa aking akala: at iniisip ko na ako'y may Espiritu rin naman ng Dios.

Ženidba

Sada o onome što ste mi pisali: Dobro je čovjeku ne dotaći ženu. Ipak, zbog bludnosti, neka svaki ima svoju ženu, i svaka neka ima svojega muža. Muž neka dadne ženi ono što joj je dužan, a isto tako i žena mužu. Žena nije gospodar svojega tijela, nego muž; a isto tako ni muž nije gospodar svojega tijela, nego žena. Ne uskraćujte se jedno drugomu, osim po dogovoru, na neko vrijeme, da se posvetite molitvi, pa se opet združite da vas Sotona ne bi napastovao zbog vaše neuzdržanosti. Ali ovo govorim kao dopuštenje, ne kao zapovijed. A htio bih da su svi ljudi kao i ja; ali svatko ima svoj milosni dar od Boga; jedan ovako, drugi onako.

A neoženjenima i udovicama kažem da im je dobro ako ostanu kao i ja. Ako se pak ne mogu suzdržavati, neka se žene i udaju, jer je bolje ženiti se negoli izgarati.

10 A oženjenima zapovijedam, ne ja, nego Gospodin: žena neka se od muža ne rastavlja. 11 Ako se ipak rastavi, neka ostane neudanom ili se s mužem pomiri, i muž neka ne otpušta ženu. 12 A ostalima govorim, ja, ne Gospodin: Ako koji brat ima ženu nevjernicu i ona pristane obitavati s njim, neka je ne otpušta. 13 I ako koja žena ima muža nevjernika i on pristane obitavati s njom, neka ne otpušta muža. 14 Jer muž je nevjernik posvećen ženom, i žena je nevjernica posvećena bratom. Inače bi vaša djeca bila nečista, a ovako su sveta. 15 Ako se nevjernik rastavlja, neka se rastavi. U takvim slučajevima brat ili sestra nisu vezani; ta Bog vas je pozvao na mir.[a] 16 Jer što znaš, ženo, hoćeš li spasiti muža? Ili što znaš, mužu, hoćeš li spasiti ženu? 17 Samo, neka svatko živi kako komu Gospodin dodijeli, svatko kako ga je Bog pozvao. Tako zapovijedam po svim crkvama.

18 Je li tko pozvan kao obrezan? Neka ne prikriva obrezanja. Je li tko pozvan kao neobrezan? Neka se ne obrezuje. 19 Obrezanje je ništa i neobrezanje je ništa, nego držanje zapovijedi Božjih. 20 Svatko neka ostane u onom zvanju u kojem je pozvan. 21 Jesi li pozvan kao rob? Ne brini! Ali, ako i možeš postati slobodan, radije se okoristi prigodom! 22 Jer tko je u Gospodinu pozvan kao rob, slobodnjak je Gospodnji. Jednako i onaj tko je pozvan kao slobodnjak, rob je Kristov. 23 Po cijeni ste kupljeni, ne budite robovi ljudima. 24 Svatko u čemu je pozvan, braćo, neka u tome ostane pred Bogom.

Djevičanstvo i neženstvo

25 Što se tiče djevica nemam zapovijedi Gospodnje, ali dajem mišljenje kao onaj koji je, zadobivši Gospodnje milosrđe, dostojan povjerenja. 26 Mislim dakle da je to dobro zbog sadašnje nevolje, da je dobro čovjeku tako biti. 27 Jesi li vezan uza ženu? Ne traži rastave! Jesi li slobodan od žene? Ne traži žene! 28 Ali ako se i oženiš, nisi sagriješio; i djevica, ako se uda, nije sagriješila. Takvi će pak imati tjelesnu nevolju, a ja bih vas toga rado poštedio.

29 Ovo vam kažem, braćo: Vrijeme se skratilo. Odsad i oni koji imaju žene, neka budu kao da ih nemaju; 30 i koji plaču, kao da ne plaču, i koji se raduju, kao da se ne raduju, i koji kupuju, kao da ne posjeduju, 31 i koji koriste ovaj svijet, kao da ga ne koriste, jer prolazi obličje ovoga svijeta. 32 Htio bih da budete bezbrižni. Neoženjeni se brine za Gospodnje - kako da ugodi Gospodinu. 33 Oženjeni se pak brine za svjetovno - kako ugoditi ženi, 34 te je podijeljen. I neudana žena i djevica brine se za Gospodnje - da bude sveta i tijelom i duhom; a udana se brine za svjetovno - kako ugoditi mužu. 35 A ovo govorim vama na korist, ne da vam zamku postavim, nego poradi čestitosti i neometane odanosti Gospodinu. 36 Ako pak tko misli da je nedoličan prema svojoj djevici kad mu je žudnja jaka, i tako mora biti, neka učini što želi; ne griješi, neka se žene! 37 Tko pak ostane postojan u svojem srcu i nema potrebe, nego ima vlast nad svojom voljom, pa tako odluči u svojem srcu sačuvati svoju djevicu, dobro čini. 38 Tako i onaj koji se oženi svojom djevicom dobro čini; no onaj koji se ne oženi, čini bolje. 39 Žena je vezana sve dok joj njezin muž živi; umre li joj muž, slobodna je udati se za koga hoće, samo neka je u Gospodinu! 40 Ali prema mome mišljenju, bit će blaženija ostane li onako kako jest. A mislim da i ja imam Duha Božjega.

Footnotes

  1. 1Kor 7,15 Umjesto »vas«, neki rukopisi imaju: »nas«.

Concerning Married Life

Now for the matters you wrote about: “It is good for a man not to have sexual relations with a woman.”(A) But since sexual immorality is occurring, each man should have sexual relations with his own wife, and each woman with her own husband. The husband should fulfill his marital duty to his wife,(B) and likewise the wife to her husband. The wife does not have authority over her own body but yields it to her husband. In the same way, the husband does not have authority over his own body but yields it to his wife. Do not deprive each other except perhaps by mutual consent and for a time,(C) so that you may devote yourselves to prayer. Then come together again so that Satan(D) will not tempt you(E) because of your lack of self-control. I say this as a concession, not as a command.(F) I wish that all of you were as I am.(G) But each of you has your own gift from God; one has this gift, another has that.(H)

Now to the unmarried[a] and the widows I say: It is good for them to stay unmarried, as I do.(I) But if they cannot control themselves, they should marry,(J) for it is better to marry than to burn with passion.

10 To the married I give this command (not I, but the Lord): A wife must not separate from her husband.(K) 11 But if she does, she must remain unmarried or else be reconciled to her husband.(L) And a husband must not divorce his wife.

12 To the rest I say this (I, not the Lord):(M) If any brother has a wife who is not a believer and she is willing to live with him, he must not divorce her. 13 And if a woman has a husband who is not a believer and he is willing to live with her, she must not divorce him. 14 For the unbelieving husband has been sanctified through his wife, and the unbelieving wife has been sanctified through her believing husband. Otherwise your children would be unclean, but as it is, they are holy.(N)

15 But if the unbeliever leaves, let it be so. The brother or the sister is not bound in such circumstances; God has called us to live in peace.(O) 16 How do you know, wife, whether you will save(P) your husband?(Q) Or, how do you know, husband, whether you will save your wife?

Concerning Change of Status

17 Nevertheless, each person should live as a believer in whatever situation the Lord has assigned to them, just as God has called them.(R) This is the rule I lay down in all the churches.(S) 18 Was a man already circumcised when he was called? He should not become uncircumcised. Was a man uncircumcised when he was called? He should not be circumcised.(T) 19 Circumcision is nothing and uncircumcision is nothing.(U) Keeping God’s commands is what counts. 20 Each person should remain in the situation they were in when God called them.(V)

21 Were you a slave when you were called? Don’t let it trouble you—although if you can gain your freedom, do so. 22 For the one who was a slave when called to faith in the Lord is the Lord’s freed person;(W) similarly, the one who was free when called is Christ’s slave.(X) 23 You were bought at a price;(Y) do not become slaves of human beings. 24 Brothers and sisters, each person, as responsible to God, should remain in the situation they were in when God called them.(Z)

Concerning the Unmarried

25 Now about virgins: I have no command from the Lord,(AA) but I give a judgment as one who by the Lord’s mercy(AB) is trustworthy. 26 Because of the present crisis, I think that it is good for a man to remain as he is.(AC) 27 Are you pledged to a woman? Do not seek to be released. Are you free from such a commitment? Do not look for a wife.(AD) 28 But if you do marry, you have not sinned;(AE) and if a virgin marries, she has not sinned. But those who marry will face many troubles in this life, and I want to spare you this.

29 What I mean, brothers and sisters, is that the time is short.(AF) From now on those who have wives should live as if they do not; 30 those who mourn, as if they did not; those who are happy, as if they were not; those who buy something, as if it were not theirs to keep; 31 those who use the things of the world, as if not engrossed in them. For this world in its present form is passing away.(AG)

32 I would like you to be free from concern. An unmarried man is concerned about the Lord’s affairs(AH)—how he can please the Lord. 33 But a married man is concerned about the affairs of this world—how he can please his wife— 34 and his interests are divided. An unmarried woman or virgin is concerned about the Lord’s affairs: Her aim is to be devoted to the Lord in both body and spirit.(AI) But a married woman is concerned about the affairs of this world—how she can please her husband. 35 I am saying this for your own good, not to restrict you, but that you may live in a right way in undivided(AJ) devotion to the Lord.

36 If anyone is worried that he might not be acting honorably toward the virgin he is engaged to, and if his passions are too strong[b] and he feels he ought to marry, he should do as he wants. He is not sinning.(AK) They should get married. 37 But the man who has settled the matter in his own mind, who is under no compulsion but has control over his own will, and who has made up his mind not to marry the virgin—this man also does the right thing. 38 So then, he who marries the virgin does right,(AL) but he who does not marry her does better.[c]

39 A woman is bound to her husband as long as he lives.(AM) But if her husband dies, she is free to marry anyone she wishes, but he must belong to the Lord.(AN) 40 In my judgment,(AO) she is happier if she stays as she is—and I think that I too have the Spirit of God.

Footnotes

  1. 1 Corinthians 7:8 Or widowers
  2. 1 Corinthians 7:36 Or if she is getting beyond the usual age for marriage
  3. 1 Corinthians 7:38 Or 36 If anyone thinks he is not treating his daughter properly, and if she is getting along in years (or if her passions are too strong), and he feels she ought to marry, he should do as he wants. He is not sinning. He should let her get married. 37 But the man who has settled the matter in his own mind, who is under no compulsion but has control over his own will, and who has made up his mind to keep the virgin unmarried—this man also does the right thing. 38 So then, he who gives his virgin in marriage does right, but he who does not give her in marriage does better.