Mga Gawa 13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagsusugo kina Bernabe at Saulo
13 Sa iglesya sa Antioquia ay may mga propeta at mga guro. Kabilang dito sina Bernabe, si Simeon na tinatawag ding Negro, si Lucio na taga-Cirene, si Manaen na malapit kay Herodes, at si Saulo. 2 Habang sila'y sumasamba sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi sa kanila ng Banal na Espiritu, “Ibukod ninyo para sa akin sina Bernabe at Saulo. Tinawag ko sila para sa isang gawain.” 3 Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa dalawa at sila'y pinahayo.
Ang Pangangaral sa Cyprus
4 Dahil sila'y isinugo ng Banal na Espiritu, pumunta ang dalawa sa Seleucia at buhat doo'y naglayag patungong Cyprus. 5 Nang makarating sila sa Salamis, ipinangaral nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio. Kasama rin nila si Juan bilang katulong. 6 Nilakbay nila ang buong pulo hanggang sa Pafos. Nakatagpo nila roon ang isang Judiong salamangkero at huwad na propeta na ang pangalan ay Bar-Jesus. 7 Kasama siya ng gobernador na si Sergio Paulo na isang lalaking matalino. Ipinatawag ng gobernador sina Bernabe at Saulo sapagkat nais niyang mapakinggan ang salita ng Diyos. 8 Ngunit upang huwag sumampalataya ang gobernador, sinalungat sila ni Elimas na salamangkero, sapagkat iyon ang kahulugan ng kanyang pangalan. 9 Subalit tinitigan siya ni Saulo, na kilala rin bilang Pablo, na puspos ng Banal na Espiritu, 10 at pinagsabihang, “Ikaw! Anak ka ng diyablo! Kaaway ka ng lahat ng katuwiran! Punung-puno ka ng lahat ng pandaraya at panlilinlang! Kailan ka ba titigil sa pagbaluktot sa matutuwid na daan ng Panginoon? 11 Ngayo'y parurusahan ka ng kamay ng Panginoon. Mabubulag ka at hindi mo makikita ang liwanag sa loob ng maikling panahon.”
Noon di'y tinakpan ng maitim na ulap ang mga mata ni Elimas, at siya'y lumibot na humahanap ng aakay sa kanya. 12 Sumampalataya ang gobernador nang makita ang nangyari, sapagkat siya'y namangha sa turo tungkol sa Panginoon.
Sa Antioquia ng Pisidia
13 Mula sa Pafos, naglayag si Pablo at ang kanyang mga kasama hanggang sa Perga sa Pamfilia. Ngunit iniwan sila ni Juan at nagbalik sa Jerusalem. 14 Nagpatuloy sila mula sa Perga hanggang Antioquia ng Pisidia. Nang araw ng Sabbath, pumasok sila sa sinagoga at umupo. 15 Matapos ang pagbasa mula sa Kautusan at sa Mga Propeta, nagpasabi sa kanila ang mga tagapamahala ng sinagoga, “Mga kapatid, kung mayroon kayong salitang magpapalakas ng loob ng mga tao, sabihin ninyo.” 16 Kaya't tumindig si Pablo at matapos senyasan ang mga tao upang tumahimik, ay nagsabi,
“Mga Israelita, at kayong may takot sa Diyos, makinig kayo. 17 Ang (A) Diyos ng bayang ito ng Israel ang humirang sa ating mga ninuno, at sila'y ginawa niyang malaking bansa nang sila'y nakipamayan sa Ehipto. At sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan, sila'y inilabas doon. 18 (B) Sa loob ng apatnapung taon ay kanyang pinagtiisan sila sa ilang. 19 Nang (C) malipol na niya ang pitong bansa sa lupain ng Canaan ay ipinamana sa kanila ang lupain, 20 sa (D) loob ng halos apatnaraan at limampung taon. Pagkatapos, sila ay binigyan niya ng mga hukom hanggang sa panahon ni propeta Samuel. 21 (E) Matapos nito'y humingi sila ng hari at ibinigay sa kanila ng Diyos ang isang lalaki mula sa lipi ni Benjamin, si Saul na anak ni Kish. Siya'y naghari sa loob ng apatnapung taon. 22 (F) Matapos alisin ng Diyos si Saul, si David naman ang pinili ng Diyos upang maghari sa kanila. Nagpatotoo ang Diyos tungkol sa kanya, na nagsasabing, ‘Natagpuan kong si David na anak ni Jesse ay isang lalaking malapit sa aking puso. Gagawin niya ang aking buong kalooban.’ 23 Mula sa kanyang salinlahi'y ipinagkaloob ng Diyos sa Israel si Jesus na Tagapagligtas, gaya ng kanyang ipinangako. 24 Bago (G) pa siya dumating ay nangaral na si Juan ng bautismo ng pagsisisi sa buong bayan ng Israel. 25 At (H) samantalang tinatapos ni Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, ‘Sino ba ako sa inyong akala? Hindi ako ang Cristo. Ngunit masdan ninyo ang dumarating na kasunod ko. Hindi ako karapat-dapat kahit magkalag man lamang ng kanyang sandalyas.’
26 “Mga kapatid, mga anak ni Abraham, at sa inyong may takot sa Diyos, sa atin ipinadala ang salitang ito ng kaligtasan. 27 Sapagkat hindi nakilala ng mga mamamayan ng Jerusalem at ng kanilang mga pinuno si Jesus. Hindi rin nila nauunawaan na sa kanilang paghatol sa kanya'y tinupad nila ang mga pahayag ng mga propeta na kanilang binabasa tuwing Sabbath. 28 Bagama't (I) wala silang natagpuang sapat na dahilan upang siya'y ipapatay, hiningi pa rin nila kay Pilato na siya'y patayin. 29 Nang (J) matupad na nila ang lahat ng nasusulat tungkol sa kanya, siya'y kanilang ibinaba mula sa punongkahoy at inilibing. 30 Subalit siya'y ibinangon ng Diyos mula sa kamatayan. 31 At (K) sa loob ng maraming mga araw ay nagpakita siya sa mga sumama sa kanya mula sa Galilea hanggang sa Jerusalem. Sila ngayon ang kanyang mga saksi sa taong-bayan. 32 Kami ang nangangaral sa inyo ng Magandang Balita, na ang ipinangako ng Diyos sa ating mga ninuno, 33 ay (L) tinupad din niya sa atin na kanilang mga anak, nang kanyang muling buhayin si Jesus! Gaya ng nasusulat sa ikalawang awit,
‘Ikaw ay aking Anak,
sa araw na ito'y naging Ama mo ako.’
34 (M) Tungkol sa kanyang muling pagkabuhay at di pagkaagnas, ay ganito ang sinabi ng Diyos,
‘Ipagkakaloob ko sa inyo ang mga banal at maaasahang pangako kay David.’
35 Sinabi din niya sa iba pang bahagi, (N)
‘Hindi mo hahayaang dumanas ng pagkaagnas ang iyong Hinirang.’
36 Matapos maglingkod ni David ayon sa kalooban ng Diyos noong kanyang panahon, siya'y nahimlay at inilibing kasama ng kanyang mga ninuno. Dumanas siya ng pagkaagnas. 37 Subalit siya na muling binuhay ng Diyos ay hindi dumanas ng pagkaagnas. 38 Dahil dito'y dapat ninyong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinahahayag sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan; 39 at sa pamamagitan niya ang bawat sumasampalataya ay pinalalaya sa lahat ng bagay, pag-aaring ganap na hindi ninyo makakamit sa Kautusan ni Moises. 40 Kaya nga mag-ingat kayo, na huwag mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta:
41 ‘Tingnan (O) ninyo, mga mapanlibak!
Manggilalas kayo at mapahamak;
sapagkat isasagawa ko sa inyong panahon,
ang bagay na hindi ninyo mapaniniwalaan, kahit sabihin sa inyo ng sinuman.’ ”
42 Habang palabas na sina Pablo at Bernabe, nakiusap ang mga tao na muli nilang ituro ang mga salitang ito sa susunod na Sabbath. 43 Nang matapos ang pulong sa sinagoga, sumunod kina Pablo at Bernabe ang maraming Judio at mga nahikayat sa Judaismo. Hinikayat sila ng mga apostol na magpatuloy mamuhay ayon sa kagandahang-loob ng Diyos.
44 Nang sumunod na Sabbath ay nagtipon ang halos buong lungsod upang pakinggan ang salita ng Panginoon.[a] 45 Nang makita ng mga Judio ang napakaraming tao, napuno sila ng inggit, kaya sinalungat nila ang mga sinasabi ni Pablo at nilait siya. 46 Ngunit buong tapang na sinabi nina Pablo at Bernabe, “Sa inyo muna sana kailangang ipahayag ang salita ng Diyos. Ngunit dahil itinatakwil ninyo ito, hinahatulan ninyo ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan. Kaya't sa mga Hentil na kami pupunta. 47 Ganito (P) ang iniutos sa amin ng Panginoon,
‘Inilagay kitang isang ilaw sa mga Hentil,
upang ikaw ay maghayag ng kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig.’ ”
48 Nang marinig ito ng mga Hentil, nagalak sila at pinarangalan ang salita ng Panginoon; at sumampalataya ang lahat ng mga itinalaga para sa buhay na walang hanggan.
49 Kaya't lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain. 50 Subalit inudyukan ng mga Judio ang mga babaing relihiyosa at iginagalang sa lipunan, gayundin ang mga pangunahing lalaki sa lungsod. Nagsimula sila ng pag-uusig laban kina Pablo at Bernabe, at sila'y pinalayas nila sa kanilang lupain. 51 Kaya't (Q) ipinagpag ng dalawa ang alikabok sa kanilang mga paa bilang saksi laban sa tagaroon, at pagkatapos ay nagtungo sa Iconio. 52 At ang mga alagad ay napuspos ng kagalakan at ng Banal na Espiritu.
Footnotes
- Mga Gawa 13:44 Panginoon, sa ibang manuskrito Diyos.
Acts 13
New King James Version
Paul and Barnabas Are Sent to the Gentiles
13 Now (A)in the church that was at Antioch there were certain prophets and teachers: (B)Barnabas, Simeon who was called Niger, (C)Lucius of Cyrene, Manaen who had been brought up with Herod the tetrarch, and Saul. 2 As they ministered to the Lord and fasted, the Holy Spirit said, (D)“Now separate to Me Barnabas and Saul for the work (E)to which I have called them.” 3 Then, (F)having fasted and prayed, and laid hands on them, they sent them away.
Preaching in Cyprus
4 So, being sent out by the Holy Spirit, they went down to Seleucia, and from there they sailed to (G)Cyprus. 5 And when they arrived in Salamis, (H)they preached the word of God in the synagogues of the Jews. They also had (I)John as their assistant.
6 Now when they had gone through [a]the island to Paphos, they found (J)a certain sorcerer, a false prophet, a Jew whose name was Bar-Jesus, 7 who was with the proconsul, Sergius Paulus, an intelligent man. This man called for Barnabas and Saul and sought to hear the word of God. 8 But (K)Elymas the sorcerer (for so his name is translated) [b]withstood them, seeking to turn the proconsul away from the faith. 9 Then Saul, who also is called Paul, (L)filled with the Holy Spirit, looked intently at him 10 and said, “O full of all deceit and all fraud, (M)you son of the devil, you enemy of all righteousness, will you not cease perverting the straight ways of the Lord? 11 And now, indeed, (N)the hand of the Lord is upon you, and you shall be blind, not seeing the sun for a time.”
And immediately a dark mist fell on him, and he went around seeking someone to lead him by the hand. 12 Then the proconsul believed, when he saw what had been done, being astonished at the teaching of the Lord.
At Antioch in Pisidia
13 Now when Paul and his party set sail from Paphos, they came to Perga in Pamphylia; and (O)John, departing from them, returned to Jerusalem. 14 But when they departed from Perga, they came to Antioch in Pisidia, and (P)went into the synagogue on the Sabbath day and sat down. 15 And (Q)after the reading of the Law and the Prophets, the rulers of the synagogue sent to them, saying, “Men and brethren, if you have (R)any word of [c]exhortation for the people, say on.”
16 Then Paul stood up, and motioning with his hand said, “Men of Israel, and (S)you who fear God, listen: 17 The God of this people [d]Israel (T)chose our fathers, and exalted the people (U)when they dwelt as strangers in the land of Egypt, and with [e]an uplifted arm He (V)brought them out of it. 18 Now (W)for a time of about forty years He put up with their ways in the wilderness. 19 And when He had destroyed (X)seven nations in the land of Canaan, (Y)He distributed their land to them by allotment.
20 “After that (Z)He gave them judges for about four hundred and fifty years, (AA)until Samuel the prophet. 21 (AB)And afterward they asked for a king; so God gave them (AC)Saul the son of Kish, a man of the tribe of Benjamin, for forty years. 22 And (AD)when He had removed him, (AE)He raised up for them David as king, to whom also He gave testimony and said, (AF)‘I have found David the son of Jesse, (AG)a man after My own heart, who will do all My will.’ 23 (AH)From this man’s seed, according (AI)to the promise, God raised up for Israel (AJ)a[f] Savior—Jesus— 24 (AK)after John had first preached, before His coming, the baptism of repentance to all the people of Israel. 25 And as John was finishing his course, he said, (AL)‘Who do you think I am? I am not He. But behold, (AM)there comes One after me, the sandals of whose feet I am not worthy to loose.’
26 “Men and brethren, sons of the [g]family of Abraham, and (AN)those among you who fear God, (AO)to you the [h]word of this salvation has been sent. 27 For those who dwell in Jerusalem, and their rulers, (AP)because they did not know Him, nor even the voices of the Prophets which are read every Sabbath, have fulfilled them in condemning Him. 28 (AQ)And though they found no cause for death in Him, they asked Pilate that He should be put to death. 29 (AR)Now when they had fulfilled all that was written concerning Him, (AS)they took Him down from the tree and laid Him in a tomb. 30 (AT)But God raised Him from the dead. 31 (AU)He was seen for many days by those who came up with Him from Galilee to Jerusalem, who are His witnesses to the people. 32 And we declare to you glad tidings—(AV)that promise which was made to the fathers. 33 God has fulfilled this for us their children, in that He has raised up Jesus. As it is also written in the second Psalm:
(AW)‘You are My Son,
Today I have begotten You.’
34 And that He raised Him from the dead, no more to return to [i]corruption, He has spoken thus:
35 Therefore He also says in another Psalm:
(AY)‘You will not allow Your Holy One to see corruption.’
36 “For David, after he had served [k]his own generation by the will of God, (AZ)fell asleep, was buried with his fathers, and [l]saw corruption; 37 but He whom God raised up [m]saw no corruption. 38 Therefore let it be known to you, brethren, that (BA)through this Man is preached to you the forgiveness of sins; 39 and (BB)by Him everyone who believes is justified from all things from which you could not be justified by the law of Moses. 40 Beware therefore, lest what has been spoken in the prophets come upon you:
41 ‘Behold,(BC) you despisers,
Marvel and perish!
For I work a work in your days,
A work which you will by no means believe,
Though one were to declare it to you.’ ”
Blessing and Conflict at Antioch
42 [n]So when the Jews went out of the synagogue, the Gentiles begged that these words might be preached to them the next Sabbath. 43 Now when the congregation had broken up, many of the Jews and devout proselytes followed Paul and Barnabas, who, speaking to them, (BD)persuaded them to continue in (BE)the grace of God.
44 On the next Sabbath almost the whole city came together to hear the word of God. 45 But when the Jews saw the multitudes, they were filled with envy; and contradicting and blaspheming, they (BF)opposed the things spoken by Paul. 46 Then Paul and Barnabas grew bold and said, (BG)“It was necessary that the word of God should be spoken to you first; but (BH)since you reject it, and judge yourselves unworthy of everlasting life, behold, (BI)we turn to the Gentiles. 47 For so the Lord has commanded us:
(BJ)‘I have set you as a light to the Gentiles,
That you should be for salvation to the ends of the earth.’ ”
48 Now when the Gentiles heard this, they were glad and glorified the word of the Lord. (BK)And as many as had been appointed to eternal life believed.
49 And the word of the Lord was being spread throughout all the region. 50 But the Jews stirred up the devout and prominent women and the chief men of the city, (BL)raised up persecution against Paul and Barnabas, and expelled them from their region. 51 (BM)But they shook off the dust from their feet against them, and came to Iconium. 52 And the disciples (BN)were filled with joy and (BO)with the Holy Spirit.
Footnotes
- Acts 13:6 NU the whole island
- Acts 13:8 opposed
- Acts 13:15 encouragement
- Acts 13:17 M omits Israel
- Acts 13:17 Mighty power
- Acts 13:23 M salvation, after
- Acts 13:26 stock
- Acts 13:26 message
- Acts 13:34 the state of decay
- Acts 13:34 blessings
- Acts 13:36 in his
- Acts 13:36 underwent decay
- Acts 13:37 underwent no decay
- Acts 13:42 Or And when they went out of the synagogue of the Jews; NU And when they went out, they begged
Acts 13
New International Version
13 1 Now in the church at Antioch(A) there were prophets(B) and teachers:(C) Barnabas,(D) Simeon called Niger, Lucius of Cyrene,(E) Manaen (who had been brought up with Herod(F) the tetrarch) and Saul. 2 While they were worshiping the Lord and fasting, the Holy Spirit said,(G) “Set apart for me Barnabas and Saul for the work(H) to which I have called them.”(I) 3 So after they had fasted and prayed, they placed their hands on them(J) and sent them off.(K)
On Cyprus
4 The two of them, sent on their way by the Holy Spirit,(L) went down to Seleucia and sailed from there to Cyprus.(M) 5 When they arrived at Salamis, they proclaimed the word of God(N) in the Jewish synagogues.(O) John(P) was with them as their helper.
6 They traveled through the whole island until they came to Paphos. There they met a Jewish sorcerer(Q) and false prophet(R) named Bar-Jesus, 7 who was an attendant of the proconsul,(S) Sergius Paulus. The proconsul, an intelligent man, sent for Barnabas and Saul because he wanted to hear the word of God. 8 But Elymas the sorcerer(T) (for that is what his name means) opposed them and tried to turn the proconsul(U) from the faith.(V) 9 Then Saul, who was also called Paul, filled with the Holy Spirit,(W) looked straight at Elymas and said, 10 “You are a child of the devil(X) and an enemy of everything that is right! You are full of all kinds of deceit and trickery. Will you never stop perverting the right ways of the Lord?(Y) 11 Now the hand of the Lord is against you.(Z) You are going to be blind for a time, not even able to see the light of the sun.”(AA)
Immediately mist and darkness came over him, and he groped about, seeking someone to lead him by the hand. 12 When the proconsul(AB) saw what had happened, he believed, for he was amazed at the teaching about the Lord.
In Pisidian Antioch
13 From Paphos,(AC) Paul and his companions sailed to Perga in Pamphylia,(AD) where John(AE) left them to return to Jerusalem. 14 From Perga they went on to Pisidian Antioch.(AF) On the Sabbath(AG) they entered the synagogue(AH) and sat down. 15 After the reading from the Law(AI) and the Prophets, the leaders of the synagogue sent word to them, saying, “Brothers, if you have a word of exhortation for the people, please speak.”
16 Standing up, Paul motioned with his hand(AJ) and said: “Fellow Israelites and you Gentiles who worship God, listen to me! 17 The God of the people of Israel chose our ancestors; he made the people prosper during their stay in Egypt; with mighty power he led them out of that country;(AK) 18 for about forty years he endured their conduct[a](AL) in the wilderness;(AM) 19 and he overthrew seven nations in Canaan,(AN) giving their land to his people(AO) as their inheritance.(AP) 20 All this took about 450 years.
“After this, God gave them judges(AQ) until the time of Samuel the prophet.(AR) 21 Then the people asked for a king,(AS) and he gave them Saul(AT) son of Kish, of the tribe of Benjamin,(AU) who ruled forty years. 22 After removing Saul,(AV) he made David their king.(AW) God testified concerning him: ‘I have found David son of Jesse, a man after my own heart;(AX) he will do everything I want him to do.’(AY)
23 “From this man’s descendants(AZ) God has brought to Israel the Savior(BA) Jesus,(BB) as he promised.(BC) 24 Before the coming of Jesus, John preached repentance and baptism to all the people of Israel.(BD) 25 As John was completing his work,(BE) he said: ‘Who do you suppose I am? I am not the one you are looking for.(BF) But there is one coming after me whose sandals I am not worthy to untie.’(BG)
26 “Fellow children of Abraham(BH) and you God-fearing Gentiles, it is to us that this message of salvation(BI) has been sent. 27 The people of Jerusalem and their rulers did not recognize Jesus,(BJ) yet in condemning him they fulfilled the words of the prophets(BK) that are read every Sabbath. 28 Though they found no proper ground for a death sentence, they asked Pilate to have him executed.(BL) 29 When they had carried out all that was written about him,(BM) they took him down from the cross(BN) and laid him in a tomb.(BO) 30 But God raised him from the dead,(BP) 31 and for many days he was seen by those who had traveled with him from Galilee to Jerusalem.(BQ) They are now his witnesses(BR) to our people.
32 “We tell you the good news:(BS) What God promised our ancestors(BT) 33 he has fulfilled for us, their children, by raising up Jesus.(BU) As it is written in the second Psalm:
34 God raised him from the dead so that he will never be subject to decay. As God has said,
35 So it is also stated elsewhere:
36 “Now when David had served God’s purpose in his own generation, he fell asleep;(BY) he was buried with his ancestors(BZ) and his body decayed. 37 But the one whom God raised from the dead(CA) did not see decay.
38 “Therefore, my friends, I want you to know that through Jesus the forgiveness of sins is proclaimed to you.(CB) 39 Through him everyone who believes(CC) is set free from every sin, a justification you were not able to obtain under the law of Moses.(CD) 40 Take care that what the prophets have said does not happen to you:
41 “‘Look, you scoffers,
wonder and perish,
for I am going to do something in your days
that you would never believe,
even if someone told you.’[e]”(CE)
42 As Paul and Barnabas were leaving the synagogue,(CF) the people invited them to speak further about these things on the next Sabbath. 43 When the congregation was dismissed, many of the Jews and devout converts to Judaism followed Paul and Barnabas, who talked with them and urged them to continue in the grace of God.(CG)
44 On the next Sabbath almost the whole city gathered to hear the word of the Lord. 45 When the Jews saw the crowds, they were filled with jealousy. They began to contradict what Paul was saying(CH) and heaped abuse(CI) on him.
46 Then Paul and Barnabas answered them boldly: “We had to speak the word of God to you first.(CJ) Since you reject it and do not consider yourselves worthy of eternal life, we now turn to the Gentiles.(CK) 47 For this is what the Lord has commanded us:
“‘I have made you[f] a light for the Gentiles,(CL)
that you[g] may bring salvation to the ends of the earth.’[h]”(CM)
48 When the Gentiles heard this, they were glad and honored the word of the Lord;(CN) and all who were appointed for eternal life believed.
49 The word of the Lord(CO) spread through the whole region. 50 But the Jewish leaders incited the God-fearing women of high standing and the leading men of the city. They stirred up persecution against Paul and Barnabas, and expelled them from their region.(CP) 51 So they shook the dust off their feet(CQ) as a warning to them and went to Iconium.(CR) 52 And the disciples(CS) were filled with joy and with the Holy Spirit.(CT)
Footnotes
- Acts 13:18 Some manuscripts he cared for them
- Acts 13:33 Psalm 2:7
- Acts 13:34 Isaiah 55:3
- Acts 13:35 Psalm 16:10 (see Septuagint)
- Acts 13:41 Hab. 1:5
- Acts 13:47 The Greek is singular.
- Acts 13:47 The Greek is singular.
- Acts 13:47 Isaiah 49:6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.


