Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Readings for Celebrating Advent

Scripture passages that focus on the meaning of Advent and Christmas.
Duration: 35 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 100

Awit na pagpapasalamat.

100 Magkaingay kayo na (A)may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain.
Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon;
Magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.
Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios;
(B)Siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya:
(C)Tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.
(D)Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat,
At sa kaniyang looban na may pagpupuri:
Mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan.
Sapagka't ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man;
At ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi.

Apocalipsis 3:20-22

20 Narito ako'y nakatayo sa pintuan at (A)tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, (B)ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko.

21 Ang magtagumpay, (C)ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na (D)nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan.

22 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978