Font Size
Verse of the Day
A daily inspirational and encouraging Bible verse.
Duration: 366 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Apocalipsis 21:2-4
2 At(A) nakita ko ang banal na lunsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, na nakahanda na gaya ng isang babaing ikakasal na nagagayakan para sa kanyang asawa.
3 At(B) narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa trono na nagsasabi,
“Masdan ninyo, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao.
Siya'y maninirahang kasama nila,
at sila'y magiging bayan niya.
Ang Diyos mismo ay makakasama nila, at siya'y magiging Diyos nila.[a]
4 At(C) papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata,
at hindi na magkakaroon ng kamatayan;
hindi na rin magkakaroon pa ng pagdadalamhati, o ng pagtangis man, o ng kirot man,
sapagkat ang mga unang bagay ay lumipas na.”
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001